Chereads / My Secret Wife and I (Tagalog) / Chapter 23 - Chapter 23

Chapter 23 - Chapter 23

Pagdating nila sa mansiyon, nakatanggap si Ada ng text mula kay Joice, agad niya itong binasa, pagkatapos bumaba ng kotse.

 

"Ada, kasama mo pa rin ba si Kent?" Text ni Joice.

 

"Hindi, nasa bahay na ako. Bakit?" sagot ni Ada.

 

"OMG! Sino kaya ang babaeng iyon na kasama si Kent? Akala ko ikaw, eh." text ni Joice.

 

"Bakit? Ano yun?" reply ni Ada.

 

"May post ngayon si Kent." Text ulit ni Joice.

 

"Anong post?" tanong ni Ada.

 

"Tingnan mo lang." Sagot ni Joice.

 

Habang naglalakad papasok sa bahay ay hinanap ni Ada ang post ni Kent na sinasabi ni Joice sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ito at makilala ang sarili.

 

Agad niyang tinanong si Kent tungkol dito, pumasok siya sa kwarto at nakita niyang nagpunta si Kent sa closet at nagbibihis.

 

Lumapit siya kay Kent at nagtanong.

 

"Kent, ano itong pinost mo?" tanong ni Ada habang hawak ang kanyang telepono at ipinakita kay Kent.

 

Halos hindi tumingin si Kent sa kanyang phone at nagpatuloy lang ito sa paghahanap ng maisusuot sa loob ng closet.

 

"So?" Tanong ni Kent.

 

"Sige na, pakidelete mo na ito." Sabi ni Ada sa kanya.

 

"Bakit?" sabi ni Kent.

 

"Anong bakit? Picture ko itong pinost mo, paano kung makilala nila ako?" Naiinis na tanong ni Ada.

 

"Picture mo?" Tiningnan ni Kent ang hawak niyang phone at sinabi, "Ni hindi nga makita ang mukha mo eh." Sabi ni Kent habang naghubad ito ng uniform at nagbihis ng white shirt.

 

"Kahit na, alam nila Joice at Mark na ako ang huling kasama mo, kaya plea –"

 

"Ayon naman pala, dahil sa mokong na yun!" Nainis na din si Kent at lumapit siya kay Ada at yumuko at tinitigan siyang mabuti. "Bakit Ada, ano bang ikinatatakot mo? Ang malaman ng Mark na yun na asawa mo 'ko?"

 

"No, ang point ko dito, kung meron makaalam na may asawa ka na at makilala nila ako. Di ba, sabi ng lolo mo na 'wag nating ipapaalam sa iba, ang tungkol sa ating dalawa?" Sagot naman ni Ada.

 

"Tsk! Bakit, pinost ko ba yun name mo, di ba hindi? Ni hindi nga makita mukha mo dyan! So what, kung malaman nila?" Padabog na isinara ni Kent ang closet pagkatapos magbihis.

 

Dinampot ni Kent ang kanyang telepono at humarap kay Ada.

 

"Sige, gusto mong idelete ko 'to? I will do it, basta sabihin mo sa akin ngayon na - HINDI MO NA AKO MAHAL!" Sabi sa kanya ni Kent habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Nagulat naman si Ada sa sinabi ni Kent, hindi naman niya kayang gawin yun, dahil mahal niya si Kent. Napayuko na lamang si Ada at tumahimik.

 

Nang hindi makasagot si Ada…

 

"Tsk!!!" Pagkatapos ay inihagis ni Kent ang telepono sa kama at isinara nang malakas ang pinto at bumaba.

 

Nagulat naman si Ada sa malakas na tunog ng pinto at dahan-dahang umupo si Ada sa kama at naramdaman niyang nanghina ang kanyang mga tuhod at ang mga luha niya ay unti-unting umagos sa kanyang pisngi.

 

Dinampot niya ang cell phone at tinawagan ang kanyang Mama.

 

"Hello Ma." Sabi ni Ada.

 

"Oh, bakit ka tumawag? May problema ba?" tanong ng kanyang Mama.

 

"Wala po Ma, namimiss ko lang po kayo." sabi ni Ada, habang umiiyak.

 

"Kumusta na kayo dyan? Kumusta na ang pag-aaral mo?" tanong ng kanyang Mama sa kabilang linya.

 

"Okey lang po." Sagot ni Ada.

 

"Ganun ba? Kamusta naman si Kent? Baka sa Pasko ay bibisita kami dyan ng Papa mo."

 

"Ahm, okey lang din po siya." sabi ni Ada.

 

"Ma, sumali pala ako sa Ms. Campus sa susunod na linggo sa aming paaralan. Sabi ng kaklase ko, may pagkakataon daw akong manalo." sabi ni Ada.

 

"Ah talagang Ada? Goodluck! Galingan mo." sabi ng nanay niya.

 

"Opo, salamat po." sabi ni Ada at ngumiti siya ng bahagya.

 

"Galingan mo at lagi ka mag-ayos, para manalo ka. Oh, sige, may meeting pa ako. Lagi kayo mag-ingat diyan." Paalam ng kanyang Mama.

 

"Okay po Ma, mag-ingat din po kayo ni Papa." sabi ni Ada.

 

"Ikaw rin, mag-ingat." Sabi ng kanyang Mama.

 

"Okey po."

 

Pagkatapos nilang mag-usap ay ibinaba na ni Ada ang phone, nagbihis siya at bumaba sa hagdan para kumain.

 

Sama-sama silang kumakain ng hapunan, samantalang binabalewala siya ni Kent. Nagtaka ang lolo niya, dahil nahalata nito na hindi tumabi si Kent ay Ada sa lamesa.

 

"Ah Ada, kumusta ang pag-aaral mo?" tanong ni Don Manuel.

 

"Okey lang po Lolo, kakatapos lang namin ng aming pagsusulit." sabi ni Ada.

 

"Ah, sabi ni Kent sumasali ka sa daw sa Ms. Campus, kailan iyon?" tanong ni Don Manuel.

 

"Opo, ang pagboto ay magsisimula sa Lunes, at sa Biyernes ang magiging huling pagligsahan." Ipinaliwanag ni Ada.

 

"Ganun ba? Well, goodluck! Kung kailangan mo ng maisusuot o kailangan na ano mang bagay, sabihin mo lang sa akin. Kailangan mo ba ng gown?" tanong ng lolo nila.

 

"Ahh, hindi ko po alam, kung talagang kailangan." sabi ni Ada.

 

"Kent?" bumaling siya kay Kent.

 

"Kailangan." Maikling sagot ni Kent habang patuloy sa pagkaen na hindi tinitingnan man lang si Ada.

 

"Ganun ba? Kailangan mong bumili para kay Ada!" sabi ng lolo niya.

 

"Opo Lolo," sabi ni Kent.

 

"Okey, dapat kang bumili ng magandang gown para kay Ada." sabi niya.

 

"Ahm, siguro okey lang po, kahit simpleng gown lang ito, ni hindi ko pa po alam, kung makakasali ako sa grand finals, eh." Ipinaliwanag ni Ada.

 

"Hayaan mo, siguradong mananalo ka!" sabi ng lolo niya habang hawak ang kamay ni Ada.

 

"Salamat po Lolo." Sabi ni Ada habang nakangiti siya sa kanyang lolo.

 

Maya-maya pa ay tumayo si Kent at nagpapaalam na para umakyat at pumunta sa kanilang kwarto.

 

"Tapos na po, mauna na po ako Lolo." Sabi ni Kent at umakyat na ito sa kwarto.

 

Nang akyatin ni Kent ang hagdan, pinag-usapan nila ang tungkol kay Kent.

 

"Nag-away ba kayo?" tanong ng lolo niya at tumango si Ada.

 

"Eh kasi Lolo, pinost niya yun picture ko sa fb. Hiniling ko sa kanya na idelete ito, pero ayaw niya. Ayaw ko lang naman na may makaalam ng tungkol sa amin, dahil yun ang utos niyo." Mahinang tugon ni Ada.

 

"Alam mo Iha, kinausap na ako ni Kent tungkol dito. Nalaman ko pa na merong nangbubully sayo sa eskuwelahan. Gusto niyang ipagtanggol ka, pero dahil sinabi kong kailangan nyong ilihim ang relasyon nyo, nabalisa siya."

 

Humingang malalim ang kanyang Lolo bago muling nag-salita.

 

"Kung may nakakaalam tungkol dito, ayos lang iyon! Hindi ako magagalit sa inyo. Ni hindi natin makokontrol ang tadhana. Ang mahalaga ay, pareho kayong, masaya." Sabi ng kanyang Lolo.

 

"Tama po kayo Lolo." sabi ni Ada.

 

"Masaya ako, dahil kahit pinagkasundo lang namin ang inyong engagement at pag-aasawa, alam kong mahal mo si Kent. Nagmamalasakit kayo sa isa't isa, panatilihin mo lang ito. Kung kayo ay magkaroon ng isang quarrel, ito ay natural lamang sa isang relasyon. Oo, mag-aaway kayo, magkakasamaan kayo ng loob, ngunit in the end of the day, mag-asawa pa rin kayo at ang mahalaga ay mahal ninyo ang isa't isa!" Sabi sa kanyang Lolo.

 

"Okay po, Grandpa. Salamat po." sabi ni Ada.

 

"Narito lang ako Iha, gagabayan ko kayo, habang ako ay nabubuhay." sabi niya habang nakangiti.

 

Matapos silang kumain, nagpaalam na din si Ada sa kanyang Lolo at umakyat na siya at pumunta sa kanilang silid.

 

Nang pumasok si Ada sa silid nakita niyang nakatayo si Kent sa balcony habang umiinom ng alak. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanya at niyakap si Kent sa baywang nito habang ito ay nakatalikod.

 

"Kent, I'm sorry..." mahinang sinabi ni Ada habang nakasandal ang kanyang pisngi sa likuran ni Kent.

 

Huminga nang malalim si Kent bago magsalita.

 

"Anong sabi mo, paki ulit nga?" sabi ni Kent at ngumisi siya ng bahagya at uminom sa baso.

 

"Ahm, sorry na… dahil sa - hmm, alam mo na yun." Nahihiyang sabi ni Ada.

 

Ngumiti si Kent ng bahagya.

 

"Oh, ngumiti ka na, hindi ka na hindi ka na galit, bati na tayo." Paglalambing na sabi ni Ada.

 

"Hindi." Sabi ni Kent at bumaling siya kay Ada at para humarap dito.

 

"Okey lang, kung gusto mo ang post na iyon. Huwag ka na sanang magalit sa akin." Sabi ni Ada habang hawak niya ang kamay ni Kent.

 

"Okey, pero sa isang kondisyon." sabi ni Kent.

 

"Kondisyon? Anong kondisyon?" tanong ni Ada.

 

"Gusto kong sumigaw ka sa rooftop ng school, at sabihing - "Mahal mo ako" nang 10 times at tiyakin mong dapat kong marinig ito."

 

"Ha? What? Napakahirap nun." Pagrereklamo ni Ada.

 

"Well..." Sabi ni Kent pagpasok niya sa silid.

 

"Wait Kent, may iba pa bang paraan?" tanong ni Ada na sumunod din sa kama.

 

Dumapa naman si Kent sa kama at pumikit, habang nagsasalita.

 

"Ah, kung ganun mag-post ka rin sa fb at sabihin mo na mahal mo ako."

 

"Ha? Hindi rin yan madali eh." Napakamot naman si Ada.

 

"Kaya, mamili ka na lang, 1 o 2?" Sabi ni Kent at pumikit na siya ng tuluyan at natulog.

 

"Kent, may iba pa ba?" sabi ni Ada.

 

Ngunit hindi siya pinansin ni Kent at natulog na ito.

 

Inisip ni Ada kung ano ang pipiliin niya. Madaling mag-post pero malalaman nila na ako ang babaeng kasama ni Kent.

 

Habang sa rooftop naman, ni hindi nila malalaman kung sino ako, dahil napakalayo nito mula sa baba, pero kailangan ko ng megaphone para marinig niya ako.

 

"Hayst! Omg! Grrrr!" Naiinis na sinabi ni Ada.

 

"Naku, siguradong napakaraming tao roon sa Lunes, nakakahiya rin."

 

Nakatulog na lang si Ada sa kakaisip ng mga pwede niyang gawin, para hindi na magtampo sa kanya si Kent.

 

~

 

Dumating ang araw ng Lunes.

 

Paggising niya, agad na tumayo si Ada. Hindi siya mapakali, napansin ito ni Kent na kanina pa siya palakad-lakad. Hinawakan siya ni Kent sa braso at tinanong siya.

 

"Ano ang ginagawa mo? Bakit pabalik-balik ka sa c.r., masakit ba ang tyan mo?" tanong ni Kent sa kanya.

 

"Hindi," umiling si Ada, "Kinakabahan lang ako." sagot ni Ada.

 

"Oh, akala ko kung ano na." sabi ni Kent kay Ada at binitawan siya nito at nagsuot ito ng sapatos.

 

Pagkatapos nila maghanda at magbihis, tinanong siya ni Kent.

 

"Tapos ka na ba?" sabi ni Kent.

 

"Yup." sabi ni Ada.

 

"Okay, let's go." Yaya ni Kent sa kanya.

 

Pagkatapos ay nagpaalam na sila sa kanilang Lolo at sumakay sila sa kotse. May dalang malaking paper bag si Ada, dahil plano ni Ada na gawin ang gusto ni Kent mamaya, pagpasok niya sa eskuwela.

 

Pagpasok nila sa school, agad siyang pumunta sa kanyang locker room para ilagay muna niya ang dalang paper bag na may lamang megaphone at dagdag na damit at iba pang balatkayong mga bagay. Huminga siya nang malalim ng maisara niya ang locker.