Chereads / My Secret Wife and I (Tagalog) / Chapter 20 - Chapter 20

Chapter 20 - Chapter 20

Pagkalabas ng driver ay tinapik niya sa balikat si Kent at sinabi niya na magbihis na ng damit.

 

"Kent, andito na tayo sa bahay, magbihis ka na." Ngunit umiling lang si Kent.

 

Kaya nagpasiya si Ada na mauna na siyang magbihis. Pumunta siya sa bathroom para maligo at pagkatapos niya ay nakita niyang tulog na si Kent.

 

Lumapit siya sa kama at iniayos niya si Kent dahil malapit na itong mahulog sa kama.

 

Subalit bigla siyang hinila ni Kent ang kanyang braso at niyakap.

 

"Ouch!" Napasubsob naman si Ada sa dibdib ni Kent.

 

"Uhmm, dito ka lang." Bulong ni Kent.

 

"Oo, andito lang ako, inaayos lang kita, mahuhulog ka na." Sagot naman ni Ada.

 

Pagkatapos ay niyakap siya ni Kent ng mahigpit at nahulog sa kanya ang kanyang mukha.

 

"Huwag mo akong iwanang mag-isa, dito ka lang. Ayokong makipag-usap ka sa iba, lalo na sa lalake." Sabi ni Kent kay Ada.

 

Tumaas naman ang kilay ni Ada ng marinig niya ang mga sinabi ni Kent. "Hay, lasing ka lang, magpalit ka na nga ng damit."

 

"Hindi ako lasing." Sabi ni Kent at ibinaling niya si Ada, kaya napahiga si Ada sa kama at umibabaw siya kay Ada at tumingin sa mga mata ni Ada.

 

"Always remember that." Sabi ni Kent at yumuko ito at siya'y hinalikan sa mga labi.

 

"Kent..." Mahinang sabi ni Ada habang huminto si Kent sa paghalik.

 

"Ada, mahal kita, mahal kita! You are only mine..." Mahinang sinabi ni Kent habang hinahalikan niya itong muli at dahan-dahang ibinaba ni Kent ang kanyang mga labi sa leeg ni Ada. At nadama ni Ada na para bang sinisip-sip niya ito.

 

Bigla naman niyang itinulak si Kent at nagtanong.

 

"Wait Kent, ano ang ginagawa mo?"

 

Tanong niya at sinikap niyang itulak si Kent papalayo sa kanya, pero hindi niya kaya dahil napakabigat nito. Hinawakan ni Kent ang dalawang kamay niya at inilapat sa kama. Muli niyang itinuloy ang paghalik sa kanyang leeg.

 

Maya-maya pa ay biglang tumigil si Kent.

 

"Kent… Kent?" Tinapik niya si Kent at hindi na ito kumikilos.

 

Tiningnan niya ito, tulog na siya! Dahan-dahan siyang tumayo sa kama at lumapit siya sa closet na may salamin.

 

Tumingin siya sa salamin nang makita niya ang kanyang leeg na puno ng mga kiss mark.

 

"Tsk! Nakakainis! Bakit niya ito ginawa sa akin? Paano ako makakapasok sa school nito bukas?"

 

Sabi ni Ada sa kaniyang sarili, habang nakatingin sa mga kiss mark ni Kent.

 

Bumalik ulit siya sa kama at nakitang tulog na tulog na si Kent.

 

"You! You such a jerk! Hmp!" Naiinis na sabi ni Ada habang pinapalo ang braso ni Kent, subalit hindi man lang ito nagising sa palo niya.

 

Naiinis siyang natulog at pinag-isipan kung ano ang gagawin niya sa kiss mark sa leeg niya bukas.

 

Kinabukasan...

 

Pagkatapos maligo ni Ada ay sinubukan ni Ada na lagyan ng powder and leeg niya, subalit halata pa rin ito. Sinubakan naman niya ang foundation, subalit kapag pinagpawisan siya ay malamang na huhulas din ito.

 

"Grrrh, paano ba kita maitatago?" Frustrated na tanong ni Ada habang nakaharap sa salamin.

 

Maya-maya pa at naisip niyang takpan na lamang ito. Agad siya nagpunta sa kanyang closet at humanap na pwedeng ipang takip doon. Nakita niya ang marron na shoul, agad niya itong kinuha sa may hangeran at humarap ulit sa salamin.

 

Nilagay ni Ada ang shoul sa kanyang leeg para itago ang kanyang mga kiss marks.

 

Samantala, hindi niya pinansin si Kent mula nang gumising siya at hanggang pumasok sila sa school, ay hindi niya ito iniimik.

 

Habang nasa loob ng kotse, natulog si Kent dahil masakit ang ulo niya dahil sa hang-over, hinila niya ang braso ni Ada para mapalapit ito sa kanya at humilig sa kanyang balikat.

 

Kahit nilabanan niya ito, hinila naman ni Kent ang kanyang baywang, kaya hindi na siya makakilos pa. Kaya, hinayaan na lang niyang sumandal sa kanyang balikat si Kent at huminga na lamang siya ng malalim.

 

Nang tanghalian, napansin nina Mark at Joice ang kanyang shoul na nakapulupot parin sa kanyang leeg, tinanong nila si Ada tungkol dito.

 

Habang kumakain, tinanong siya ni Joice.

 

"Ada, bakit mo pa rin suot yang shoul? Mainit na dito, hubadin mo na yan." Sabi ni Joice habang inaayos ang kanilang pagkaen.

 

"Hindi, okay lang ako." Sabi ni Ada.

 

"Ano ang nangyari sa leeg mo?" Tanong ni Mark sa kanya.

 

Napaisip naman si Ada ng sasabihin, kumamot siya sa kanyang ulo bago sumagot kay Mark, "Mayroon akong mga allergies." Pagsisinungaling ni Ada.

 

Allergies? Nagtaka naman si Mark sa sinabi ni Ada, dahil wala naman siyang natatandaan na may Allergy si Ada.

 

"Ah ganun ba, ginamot mo na ba yan?" tanong ni Mark habang nakatitig sa leeg niya.

 

"Oo naman, ginamot ko na." Sabi ni Ada habang bahagya niyang inayos ang kanyang shoul.

 

Nakakunot noong nagtanong ulit si Mark, "Saan mo nakuha yang allergy mo?"

 

"Hindi ko alam, siguro dahil sa may nakain akong seafood kagabi." Sagot ni Ada at lumihis siya ng tingin at yumuko at nagsimulang kumain.

 

"Ah, okay." Sabi ni Mark, pero hindi siya naniniwala kay Ada, alam niya kung ano iyon. Dahil diyan nabalisa siya. Inisip niyang baka may boyfriend na si Ada, kaya rin hindi ito sinasabi sa kanya kung saan siya nakatira.

 

Matapos silang kumain, inihatid sila ni Mark sa class room, ngunit bago sila makarating sa room, biglang may humila kay si Ada. Nagulat sina Joice at Mark nang biglang mawala si Ada sa likod nila. Agad namang naghanap si Mark at Joice.

 

"Tsk, let me go." Sinabi ni Ada kay Kent habang mahigpit siyang hinawakan sa kanyang braso.

 

Isinandal siya ni Kent sa dingding at mariing kinausap.

 

"Bakit mo pa rin siya kinakausap?" Galit na tanong ni Kent sa kanya.

 

"Ano naman 'yun? Kaibigan ko siya, kaya syempre kakausapin ko siya. Wala akong ginagawang mali." Pagtatanggol ni Ada sa kanyang sarili.

 

"Kaibigan? Tsk! Lagi kang kasama niya at magiliw kang nakikipag-usap. Ibig mong sabihin ay gusto mo siya?" Galit na sabi ni Kent sa kanya.

 

"Ano? Hindi, wala akong gusto sa kanya!" Kaila ni Ada.

 

Lalo pang lumapit si Kent sa kanya at ang isang braso nito ay isinandal sa dingding at isang kamay ay dahan-dahang humaplos sa kanyang pisngi.

 

"Lalaki din ako, kaya alam kong may gusto siya sayo." Sabi ni Kent habang hinahaplos ang pisngi ni Ada, "Kung hindi mo siya iiwasan, lagot ka sa akin." Sabi ni Kent habang dahan-dahan niyang binubuksan ang botones ng blusa ni Ada.

 

Sa katayuang iyon nakita sila ni Mark!

 

"Ada!!!" Tumawag si Mark at agad niya silang nilapitan.

 

Biglang nagulat si Ada at Kent nang makita si Mark.