Chereads / Bittersweet Escapade / Chapter 4 - Escapade 3:Ngiti

Chapter 4 - Escapade 3:Ngiti

Ngiti

"Mag-iingat po kayo 'nay. Opo, ayos lang ako." marami pang ibinilin at sinabi si nanay bago ko ibaba ang ang aking cellphone.

"Are you hungry?" tanong ni Rad at tiningnan ako saglit.

Hindi alam nila nanay na kasama ko si Rad at papunta kaming Batangas. Ang tanging alam lang nila ay nasa condo unit ako ni Charmaine na nasa Parañaque.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit pumapayag na akong pumunta sa ibang lugar at kasama pa ang taong hindi ko inakalang mag-papakita pa sa akin. Sa sobrang pagod ko at bilis ng mga pangyayari ay nawalan na ako ng pakialam. Ayaw ko nang malaman kung bakit lagi nila akong iniiwan sa ere.

Umiling ako sa itinanong ni Rad kahit pa kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa labas ng bintana kung saan maraming mga sasakyan ang bumabyahe at mga taong may kanya-kanyang inaatupag sa buhay. Tapos heto ako, naka-wedding gown pa at halatang hindi natuloy ang sariling kasal. Kung lalabas ako ay tiyak, pag-titinginan lamang ako ng ibang tao, worst, pag-chichismisan pa. I don't wanna be their center of attention. It's getting me nauseated. Good old times brings back the hell of my memories.

Biglang lumiko si Rad at huminto sa isang convenience store. Matapos niyang i-park ang kanyang sasakyan ay ibinaling niya ang tingin sa akin.

"Hindi ako bababa." agad kong sagot.

"Right." sabi niya at panandaliang tumingin sa suot ko. "I'll just buy us something to eat. What do you want?"

I sighed in defeat. He's still the same stubborn guy I know.

"Anything with rice,please. Thanks." napa-english na rin ako sakanya.

Napaisip pa siya bago bumaba at tinahak ang daan papunta sa store.

His body has grown a lot. Surely, he does heavy workout. Dati, nag-woworkout din siya pero hindi pa gaanong pumoporma ang kanyang muscles pero ngayon halatang-halata na ang biceps. Dati nga, ipinag-yayabang niya pa ang abs niyang hindi pa gaanong nahuhubog, paano pa kaya ngayon? Siguro, may 8 pack abs na iyan.

Napaismid ako sa mga iniisip ko. Bakit ba pati ang katawan niya ay pinapansin ko pa? Dapat tatandaan ko na closure trip lang ito sa amin or pambayad sa lahat ng mga ginasto ko sakanya. Tatanungin ko nga lang si Rad mamaya kung bakit naisipan niyang mag-get away kami bigla sa Batangas. Siguro, naawa siya sa akin kasi ininjan ako ng bastardo kong fiancé.

I just remembered why and how we got so much closer. Kasalanan ito ng lintik na mag-nanakaw na iyon.

"Miss, huwag kang gagalaw." mahina at mariing saad ng lalaking nasa likuran ko at may hawak na kutsilyo, medyo idiniin niya ito sa kanang bahagi ng aking baywang.

Napapikit ako sa kaba. Bakit ba kasi dito ako sa madilim na bahagi nag-bantay ng sasakyan pauwi?

" Akin na ang mga pera at selpon mo."

Gabi na at wala na akong pamasahe para sa jeep at hindi ko rin ma-cocontact sina nanay kung nasaan man ako kung ibibigay ko ang kagustuhan ng holdaper na ito pero kapalit ng buhay ko ay isusuko ko ang lahat huwag lamang ako masaktan. Gamit at pera lang iyan, pwede pang palitan pero ang buhay, hindi na.

Kahit nanginginig ay agaran kong ibinigay ang cellphone kong keypad at ang natitirang 20 pesos kong pamasahe.

"Ito lang?!" galit na galit ang holdaper sa natanggap mula sa akin. Anong gusto niyang makuha? iPhone 6s o isang libo? Naku, marami pang overtime ang gagawin ko sa jollibee para makakuha ng ganyan!

"Di bale, ikaw na lang..." medyo huminahon ang kanyang boses pero kinilabutan ako sa kanyang sinabi.

Umatras ako ng bahagya pero hinawakan niya ng mahigpit ang aking mga balikat. Ano nang gagawin ko? Kapag ako ay makatakas, hindi ko masasabi sakanila kung anong hitsura niya dahil nakamask ito ng pang-holdaper. Yung tipong nakabalot ng itim na tela ang kanyang pag-mumukha at tanging makikita lamang ay ang mata at bibig.

"Subukan mong sumigaw at isasaksak ko sa'yo ito." banta niya. Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako papunta sa mas liblib na lugar. Humikbi na lang ako at nag-dasal. Sa mga ganitong sitwasyon na sa tingin ko'y wala ng pag-asa ay tanging Siya lang ang inaasahan ko.

Nagulat ako ng biglang bumagsak ang holdaper.

"Gago ka ah?!"

Sinubukang tumayo ng holdaper pero masyadong malakas ang lalaking sumuntok sakanya, dinaganan siya ng lalaki at pinaulanan ng mabibigat na suntok. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Masyado akong gulat at nanginginig para mag-salita o gumalaw man lang.

"Miss, may masakit ba sa'yo?" madilim ang lugar kung nasaan kami pero umiling ako kahit hindi ko sigurado kung nakikita niya ba ako.

He gently pulled my wrist with him to somewhere bright.

Dinala niya ako sa bandang ilaw ng poste. At laking gulat ng puso ko nang makita ko siya!

"Czarina?" at paano niya nalaman ang pangalan ko? Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan niya.

Pero hindi bale, niligtas niya ako mula sa kapahamakan.

"S-salamat." sabi ko, nanghihina pa rin. Mabuti na lang at hindi siya nasaktan noong holdaper.

Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at tiningnan kung may mga sugat o galos ako.

"Okay lang ako."

Wala na akong cellphone at pera. Gabing-gabi na. Kung alam ko na ganito ang mangyayari ay sana hindi na ako ang tumapos ng iilang drafts para sa aming thesis. Sa kagustuhan kong maging with flying colors ay ginagawa ko ang lahat kahit maliliit na bagay lamang.

May kinuha siya sa kanyang bulsa at gumuhit ang saya sa aking labi nang ibigay niya sa akin ang cellphone at pera ko.

"Salamat ulit." nahihiya kong saad. Mula sa pag-papahiram niya sa akin ng kanyang t-shirt ay heto naman, ang pagbibigay niya sa akin ng kaligtasan at dignidad.

Masasabi kong isa itong biyaya sapagkat sinagot Niya ang panalangin ko.

Binuksan ni Rad ang pintuan ng sasakyan at umupo na sa drivers' seat.

Dala niya ang dalawang cup noodles at dalawang plastic cup na may lamang kwek-kwek at fishball. He smiled at me the way he smiled years ago. Kahit na nahihilo na ako mula sa pagka-gutom ay nakatakas pa rin ang multo ng aking mga ngiti.