Meet the family
"Oh, ba't walang kanin?" tanong ko. I am trying to hide my smile as I saw the cup noodles, kwek-kwek and fishball. I can't believe this guy. A trip full of Reminiscing the past.
He scratch his head.
"Eto naman, joke lang. Masyado kang seryoso jan." Saad ko at kinuha na sakanya ang plastic cup na may lamang kwek-kwek at fishball.
"There's no available rice there. If you want, we can go to a restaurant. Take out lang." sabi niya.
Ikinumpas ko ang kamay ko, signalling na hindi na.
"Okay, we'll just eat something proper pag-dating sa Batangas." sabi niya at nag-simula nang kumain.
"Saan ba sa Batangas?"
"Lemery."
Napansin ko din na naka-cap pa siya habang kumakain.
"Rad."
And From his black cap to his black shoes is such an abberation for him. May lamay ba siyang pinuntahan bago pumunta sa kasal ko?
Tumingin siya sa akin habang kumakain.
"Bakit?"
I just want to know why? Why did he show up himself all of a sudden? I thought...
He sighed and stopped eating. He licked his lips and turned to me.
"I know you're confused. But just trust me, I... want you with me... in this trip. Our Escapade." he smiled.
"Yun na nga eh. Gusto mo akong makasama, pero bakit? Para saan pa?" sabi ko habang pinipilit na maging buo ang boses ko.
"Czarina...look, saying sorry is not enough to compensate you for all the pain that I've brought but I want you to know that I...love you and will always will."
"Czarina Marisse Velarde!" sigaw ng kaibigan kong si Charmaine at tumatakbo papunta sa direksyon ko. Ngumiti ako at kumaway naman sa kanya. Umupo na ako sa bench at ipinagpatuloy na ang ginagawa ko.
"Nakita ko 'yon!" sabi niya at kinalampag pa ang lamesa "Aray!" dahil matigas ang lamesa ay ayun, nasaktan siya sa pagkakahampas. Kaya huwag mag-bibigay ng sobra pa, dahil sa huli masasaktan ka lang. Mag-tira ka din para sa sarili mo.
"Umupo ka na lang kase at kumalma, Char. Ano ba yong nakita mo?" saad ko habang may isinusulat sa notebook. Introduction ito para sa aming chapter 1. Marami na akong drafts na nagawa pero hindi ako kumbinsido at kailangan ko pang ipa-check sa aming moderator, kung sakaling mali ang doon ang grammar o kulang ang facts sa statement ay may ipapakita pa akong isa.
"May ibinigay kang t-shirt kay Radcliffe!" sabi niya at nakatayo pa rin.
"Umupo ka na nga d'yan."sabi ko, hindi pa rin tumitingin kay Char. So Radcliffe pala ang pangalan niya? Nanonood siguro ng Harry potter ang mga kanyang mga magulang. Nakalimutan ko pang tanungin kung anong pangalan niya, mabuti na lang at madaldal itong si Char. " Hindi ko iyon ibinigay, isinoli ko 'yon."
Nagulat ako ng bigla siyang tumili at tumalon-talon.
"Char naman!" saway ko. Naging close kami kasi mag-katabi kami sa Major at Minor class namin. Dahil maingay siya at madaldal ay hindi naman siya mahirap pakisamahan.
"kwentuhan mo na ako sa love story niyo. Bilis." ani niya at dali-daling umupo.
"Love story ka jan? Ulol ka talaga."
Hindi ko alam kung paanong maging jolly at carefree katulad ni Charmaine, Engineering ang kurso na kinuha namin at hindi ito biro. Every second counts. Lalo na sa mga iskolar na katulad ko ay dapat sinusunog ko talaga ang aking kilay.
" Duh, Czarina. I know Radcliffe because we're in the same highschool sa CSRLI, pero ni isang babae ay wala akong nalaman na naging girlfriend niya, to think na kaya naman niyang i-kama lahat ng babae. hindi pa yan namamansin maliban na lang kung classmate ka niya at kaibigan pero Czar! Radcliffe Train Cancisio lent you his t-shirt? Hala! Langit na iyan para sa aming mga babae! "
Hindi na ako maka-concentrate dahil sa mga pinag-sasasabi ni Char.
"Ipinahiram lang naman niya ako ng kanyang t-shirt dahil natapunan niya ako ng noodles. Walang big deal." sabi ko na lamang. Hindi ko na ikinuwento sakanya na muntik na akong magahasa at si Radcliffe pa ang nag-ligtas sa akin. Baka tuluyan nang mabaliw itong kaibigan ko kapag nalaman niya.
" Weh? Hindi niya hiningi ang number mo? "
"Hindi noh."
Kahit pa hingiin niya ay hindi ko naman siya mare-replyan dahil wala akong load.
"Ano ba 'yan. Ang bagal naman ng train." sabi ni Char.
"Alam mo, sauluhin mo na lang ang mga formulas jan ng sa gayon ay hindi ka pag-initan ni Miss Ramiro."
Natuto na ako.
Mag-babantay na ako kung saan maraming tao at maaaninag ako. Nag-alala sina nanay nun pero hindi ko isinumbong sakanila. Sinabihan ko lang si Rad na huwag na niyang isumbong dahil maayos naman ang lahat. Hindi siya mukhang kumbinsido sa sinabi ko pero nag-patianod na lang siya.
Pero!
Sa isang kondisyon, ihahatid niya ako pauwi palagi.
Doon naman niya ako ibinababa sa medyo malayong parte papunta sa bahay namin para hindi ako makita nila nanay dahil baka pag-hinalaan nila akong may kasintahan na. Ayaw nga sana ni Rad pero mabuti na lang at napilit ko siya.
"Ate?"
Pagkababa ko ng sasakyan ay narinig ko agad ang boses ng kapatid ko. Wala ng saysay pa kung tatakbo ako at hindi na siya papansinin. Sinarado ko na ang pintuan ng kanyang sasakyan para hindi na makasilip si Julian.
Kaya unti-unti akong humarap.
I awkwardly smiled at my brother.
"Tara na..." sabi ko kay Julian at nag-simula ng mag-lakad. Tinted ang glass ng sasakyan ni Rad pero ngumiti na lang ako.
"Ate, sino kasama mo?" usisa ni Julian. Kita mo naman itong kapatid ko! 4th year highschool pa lamang ay chismoso na.
Sana lamang ay hindi na bumaba si Rad ng kanyang sasakyan. Pero hindi lahat ng sana mo ay matutupad.
"Boyfriend mo, ate?" tanong ni Julian at malisyosong ngumiti.
"Hindi–"
"Kailangang malaman ito nina nanay!" sabi niya at agad kumaripas ng takbo, hindi ko na siya nahablot pa dahil mabilis talaga siyang tumakbo. I closed my eyes in frustration. Papaulanan na naman ako nina nanay at tatay ng mga tanong. Nagiging detective sila kapag nakita nilang may umaaligid sa aking lalaki, kahit kaibigan ko pa iyan!
"Sorry talaga, Radcliffe sa kapatid ko ha? Makulit talaga iyon."
Natigilan siya saglit pero agad naman siyang ngumiti. Pumorma naman agad ang dimple sa kanang bahagi ng kanyang pisngi.
"Hindi, okay lang. Tara, magpaliwanag tayo sa mga magulang mo para hindi sila maguluhan." sabi niya, ini-lock niya ang kanyang sasakyan at akma nang mag-lalakad pero pinigilan ko siya.
"Please, huwag mong sabihin sakanila na na-holdap ako." sabi ko. Tumango naman siya sa sinabi ko.
"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo, iho?" tanong ni nanay kay Rad. Nakaupo kami sa sofa at nasa harapan ni Rad si Tatay na nakaupo rin at kaharap ko si nanay na nasa tabi ni tatay. Si Julian ay nakasilip lamang mula sa kanyang kwarto at nakiki-chismis. Inirapan ko na lang siya.
"Opo." Magalang na sagot ni Rad.
"Czarina?"
"Opo nay, tay. Mag-kaibigan lang po talaga. At nag-mamagandang loob lamang po siya na ihatid ako rito dahil mag-ka klase na rin po kami." kahit nasa isang subject lamang.
Hindi pa rin sila mukhang kumbinsido.
"Kung may mangyaring masama sa anak namin ay hahanapin kita." banta ni tatay kay Rad. "Anong pangalan mo ulit? Ron?"
Kung alam lang ni tatay na si Rad pa ang nag-ligtas sa akin...
"Radcliffe po,at Hindi ko po sasaktan ang anak niyo."
Ewan ko ba't parang may mga umiikot sa tiyan ko.
Sinabi niya lang iyon para kumbinsihin ang mga magulang ko. Tama.
Pag-katapos ng ilang minutong imbestigasyon ay pinakawalan na din nila si Rad.
"Pasensya na talaga sa mga magulang ko. Mag-ingat ka pauwi" sabi ko. "Huwag mo lang ako ihatid, okay lang talaga Rad. Magasto sa gasolina mo."
"Czarina..."
"Hmm?"
"P-pwedeng pahingi ng number mo?" sabi niya, mukhang nahihiya at hinawakan pa ang batok.
May mga oras talaga na minsan, napapaisip ka na ang mga sinasabi mo laban sa iyong nararamdaman ay walang kabuluhan lalo na kapag alam mong totoo ito.
"Aling Edith!" tawag ko sa tinderang si Aling Edith nang makarating na ako sa sari-sari store malapit sa bahay namin.
"Ano iyon, iha?"
"Pautang po ng load."