Chereads / Bittersweet Escapade / Chapter 10 - Escapade 9:Waiting shed

Chapter 10 - Escapade 9:Waiting shed

Waiting shed

Minsan, taliwas pa sa ating mga nararamdaman ang lumalabas sa ating bibig. Hindi natin gusto pero sa tingin natin ay iyon ang tama, iyon ang dapat gawin, iyon ang gusto nating paniwalaan.

If we let our heart speak, our mind says otherwise...

Para akong timang sa araw araw kong pag-hihintay sa mga mensahe ni Rad,pero wala. Ano pa bang aasahan ko? Ginusto ko 'to kaya papanindigan ko.

Nakakatawang isipin na sa unang mensahe niya pa lang,kahit hindi rehistrado ang numero niya sa cellphone ko ay alam ko na agad.

Mahigit isang buwan na ang nakakalipas matapos kong sabihin kay Rad na layuan na niya ako and truth to be told... He really kept distance within me.

"Litong-lito na talaga ako."

Akala ko nasabi ko na sa aking isipan yung mga iniisip ko pero si Michael lang pala yun,mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura.

"Problema mo?" Tanong ko.

"ang mga formulas hindi ko pa masaulo ng maayos. Kinakabahan ako sa t'wing naiisip ko na huling pagsusulit na pala sa susunod na linggo." Madrama niyang saad.

Si Michael Gonzaludo, naging kaibigan ko din dahil kay Charmaine. Nag-shift siya last month to Civil Engineering para hindi na daw mahalata pa ng kanyang mga magulang na siya'y pusong babae. Pawang mga inhinyero kasi ang mga kapatid niyang lalaki kaya napag-desisyunan niyang iwan na lang ang gusto niyang kurso para hindi na siya pag-hinalaan pa.

"Huling pag-susulit na sa susunod na linggo?" Sambit ni Char ng bigla siyang sumulpot habang may kagat na banana que.

"Sus,sisiw lang 'yan."

"Naku,nag-sabi ang bagsak."  sambit ni Michael at umirap sa kaibigan.

"Hindi ako bumagsak. Binigyan pa rin ako ng 3.1" aniya at umupo sa bench na kaharap lang namin. Mukhang proud pa siya na 3.1 GPA pa talaga ang nakuha niya sa isa naming major sub.

"Pasang-awa pa rin 'yon,Char. Hay,mag-babasa na nga lang ako para hindi ako matulad sa'yo." ani ni Michael.

"Nag-babasa rin naman ako pero kasalanan talaga ng physics na 'yan kung bakit ang dami niyang problema tapos sa atin pa pinapasagot." busangot na saad ni Char.

"Gusto mo maging Inhinyero o hindi?" tanong ko. For me, There is no easy way to achieve success,if you want it then you should strive for it. Wala namang mahirap na nakukuha sa madaliang paraan. I hope she realize this.

"Gusto ko,syempre. Pero kung hindi papalarin edi...Engineer na lang ang aasawahin." Naka-ngising sambit ni Charmaine.

Napa-iling na lang ako sa sagot niya.

"Ang tanong kung papatol ba sa'yo mga Engineer?" Kumunot naman ang noo ni Charmaine sa tanong ni Michael.

"Ang tanong kung may matres ka ba?"

"Gaga!"

"Goodluck bukas!" Sambit ni Char bago ako hinalikan sa pisngi at niyakap,niyakap ko din siya pabalik.  Ganyan talaga siya, madaldal pero napaka-sweet na tao.

Pagkatapos ng dalawang linggong pag-susunog ng kilay ay Huling exam na namin bukas. Martes hanggang biyernes ng umaga.

Humarap naman siya kay Michael at nakipag-beso beso dito bago umalis na at pumuntang sakayan ng trysicle.

Pero bumalik siya ulit at may ibinulong kay Michael pero narinig ko pa rin.

"Kumopya na lang tayo kay Czarina,bukas." Humalakhak siya at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Joke lang. Ingat kayo!" Ngumiti siya ng malapad at umalis na ng tuluyan.

Ngayon kami na ang magkasama ni Michael sa Waiting shed, parehas na jeep lang ang sinasakyan namin kaya mag-kasabay din kami palaging umuuwi.

Kung pusong lalaki lang itong si Michael paniguradong marami na itong babaeng nabihag, sa mga porma niya at ayos ay hindi mo mahahalatang may kakaiba sa kanya. May hitsura siya kung tutuusin. Matangkad at medyo malaki ang pangangatawan pero walang muscles hindi katulad ng kay Ra—

Medyo kalbo ang buhok. hindi siya singkit at Dark brown ang kulay ng mga mata pero mahaba at maalon ang kanyang pilik mata. Makapal ang kilay. Maliit at matangos ang ilong. Hindi gaanong mapula ang mga labi pero may pagka-plump ito. Mapangang lalaki at may morenong complexion.

Minsan nga napagkakamalan na kaming mag-kasintahan dahil palagi na raw kaming magkasama. Naiintindihan ko naman sila kasi sa panahon namin ngayon parang hindi pa sila gaanong mulat sa katotohanan na maaari namang maging magkaibigan pa rin ang dalawang tao regardless sa edad o kasarian.

Iyan ang adbokasiya ko noong tumakbo ako bilang presidente sa aming eskwelahan noong nasa sekondarya pa lamang ako.

Isinulong ko ang pagkakaparehas ng mga babae at lalaki. Walang diskrimininasyon sa kasarian at pawang pag-tutulungan lamang upang umangat ang bawat isa.

Bilib din ako minsan sa lakas ng loob ni Charmaine sa pagpapakita niya ng kanyang ugali, hindi siya nahihiyang makipagkaibigan at lahat ng kaklase namin o kaklase niya sa ibang subjects ay tinuturing niya ring kaibigan kahit lalaki man iyan ay hindi niya aatrasan,kaya siguro naging magkaibigan kami kasi gusto ko ring magkaroon ng ugali na tulad ng sakanya.

May lakas ng loob na sabihin ang tunay na nararamdaman.

Hindi ko alam pero bago kami sumakay sa jeep ay nakita ko yatang nakatingin sa akin mula sa malayo si Rad at nakasandal sa kanyang sasakyan.

Naka-kunot ang noo niya at mukhang masama ang timpla ng ekspresiyon.

Naku,guni-guni ko lang iyon. Paniguradong nandoon iyon sa kasintahan niya ngayon,sana nama'y makapag-aral pa rin siya ng mabuti.

Sa unang araw ng pag-susulit ay naguguluhan ako at parang gusto kong umatras pero susuko pa ba ako,gayong malapit na ako sa puting linya? Kaya binalewala ko ang mga negatibong pag-iisip at nag-dasal bago sagutan lahat ng tanong.

Sa Ikalawa at ikatlong araw ay ganoon pa rin ang nangyari,mahirap ang mga pag-susulit na ibinigay pero kakayanin pa rin. Pero sa ikatlong araw din na iyon ay hindi ako pinansin nina Charmaine at Michael. Hinayaan ko na lang tutal, baka pagod rin sila at stressed na sa aming kurso.

Pero sa ika-apat na araw,huling pag-susulit namin ay hindi pa rin nila ako pinapansin. Natapos na ang pag-susulit namin at laking pasasalamat ko ay nakaraos din pero uuwi na lang ako ay wala pa rin silang kibo sa akin, pinansin ko sila noong recess pero tinanguan lang nila ako at agad ng umalis.

Agad silang umalis pagkatapos ng huling pagsusulit at hindi ko alam kung saan sila patungo,uuwi na dapat kami ngayon.

Dapat makausap ko sila kung anong problema kasi malapit na ang pasko,ayaw ko magkaroon ng alitan sakanila kung ano man iyon. Wala naman akong matandaan na ginawang masama sakanila. O baka naging insensitibo ako at nakaligtaan ko lang?

Lumabas na ako ng aming classroom at pupunta sa benches area baka sakaling nandoon sila,pero habang papunta ako ay nakasalubong ko si Celestine.

"Pasensya ka na pero inutusan lang ako." Ngumiti siya sa akin bago may inilabas sa kanyang blusa na malaki at puting panyo at itinabon sa aking mata. Hindi ko maintindihan pero hindi na rin ako nag-pumiglas. Kilala ko naman si Celestine at kaklase ko rin siya halos sa mga units ko.

Nag-tatanong ako habang ginagabayan niya ako sa paglalakad pero ang tanging sinasagot niya lang ay "Basta."

Hula ko pupunta kami sa ikalawang palapag. Hindi ko alam kung anong pakulo niya o kung sino ang nag-utos sakanya pero mukhang pinag-sasayangan niya lang ako ng oras kung ganoon. Mabuti na lang at walang nang klase. Sa susunod na buwan na ulit ang balik namin.

Pagkadating namin sa kung saan ay ipinirme ako ni Celestine sa isang lugar at nanatiling nakatayo.

Unti-unti niyang kinalas ang panyong nakatabon sa aking mga mata.

"Ay,kabayo!" sigaw ko sa pagkabigla ng may pumutok biglang dalawang balloon sa harapan ko.

"MALIGAYANG KAARAWAN,CZARINA!"

Hindi ako makapag-salita sa nangyari. Hindi ko ito inaasahan. Ni hindi ko nga alam na kaarawan ko na pala ngayon. December 17,1999.

Sa dami ng inisip ko lalo na sa pag-iisip na baka galit sa akin ang mga kaibigan ay nakaligtaan kong kaarawan ko na pala ngayon at Disi-siete na ako ngayong araw na ito.

Malaki ang ngiti ng mga kaklase kong nasa aking harapan at may kanya-kanyang balloon na hawak. Marami sila at ang iba ay mga kaklase ko pa sa ibang unit. Hindi ko inaakala na dadalo pa sila sa kaarawan ko. Hindi ko rin sila masisisi kasi marami ang mga pagkaing inihanda sa mahaba at malaking lamesa na nasa harapan ko. Iba't-ibang putahe ang nakahanda,tila may pistang nagaganap. May apat pang cake ang nakalagay sa lamesa,dalawa dito ay may 17 na nakaukit.

Napaiyak ako nang yakapin ako nina Charmaine at Michael. Sila ba ang gumasto sa aking kaarawan? Hindi naman nila kailangang gumasto ng maranya para sa akin. Sayang ang pera nila lalo na't hindi naman sakanila iyon.

Suminghap ako at hinarap sila.

"Maraming salamat sainyo,lalo na sa mga kaibigan kong akala ko ay may tampo sa akin. Hindi ko inaasahan na may pahanda palang mangyayari ngayon lalo na at nakalimutan kong kaarawan ko pala ngayon." Tumawa silang lahat sa sinabi ko.  "Maraming salamat ulit at sige na,kumain na kayo." pumalakpak sila at nag-simula nang mamili ng mga kakainin.

"Pasensya na talaga,Czar. Pinilit kasi ako ni Charmaine na hindi ka pansinin eh." Ani ni Michael,mukhang nag-sisisi ngayong nakita akong umiyak.

"Di bale,masaya naman tayomg lahat. Akala mo nakalimutan namin noh? Buti na lang nandito kami para ipaalala sa'yo." Mayabang na saad ni Char.

"Hindi niyo naman kailangang gumasto ng malaki." Nag-katinginan silang dalawa ni Michael,may pag-aalinlangan sakanilang mga hitsura. "O ano? Sige na nga, babayaran ko lang ang kalahati ng presyong ginasto niyo ha–"

"Huwag na,Czar. Ang totoo kasi niyan–" pinutol agad ni Michael ang sasabihin ni Char.

"Czar!" May inabot siya sa aking bagay na nakabalot sa pulang gift wrapper na may mga happy birthday na disenyo.

"May regalo pa kayong binili?" Gulat na saad ko. "Hindi na kailangan iyan, sapat na ang sorpresa niyo sa akin." Pero binalewala lamang nila ang sambit ko.

Hinila ni Michael ang kanang kamay ko at inilagay doon ang red square-shaped na regalo.

"Buksan mo na,dali." Sambit ni Charmaine.

"Hula ko, pag-ibig 'yan!" Kilig na sambit ni Michael.

Bumuntong-hininga ako at sinimulan ng buksan ang regalo.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Agad ko silang niyakap at muling lumandas ang masasayang luha sa aking mga mata.

Ito ang matagal kong pinag-iipunan. Ang makabili sana ng Album set ng The Beatles

Ngayon,hawak-hawak ko na!

Hindi ko alam kung kailan ko ba nabanggit sakanila iyon pero tuwang-tuwa ako dahil kahit mga maliliit na bagay ay natatandaan nila sa akin.

Alas-dos na ng hapon natapos ang selebrasyon, pumunta pa ang iba naming propesor at naki-kain din. Mabuti na nga lang at hindi kami pinagalitan dahil nag-handa pa talaga sila sa loob ng skwelahan. Marami pang mga kwentuhan at tawanan ang nangyari bago nag-desisyon na umuwi na kaming lahat.

Inihatid ako nina Charmaine at Michael sa waiting shed bago umalis. Si Michael kasi ay may bibilhin pa raw,gusto ko sanang sumama pero nag-mamadali daw siya kaya hindi na ako nag-pumilit pa.

Ako lang tuloy ang naiwang mag-isa sa waiting shed. Karaniwang mainit ang ganitong oras pero maya-maya ay mag-lalamig na ang kapaligiran.

Napalunok ako nang makita ko si Rad na nag-lalakad papunta dito. Galing siya sa loob ng Unibersidad. Kanina pa natapos ang Pagsusulit ah? Bakit nandito pa siya?

Ah, nakipag-kita pa siguro sa girlfriend niya.

Iniwas ko ang mga tingin niyang nakakapaso at tinuon na lamang ang pansin sa asphalto. Madalang pa naman ang byahe ng mga jeep kapag ganitong oras o di kaya'y puno ng mga pasahero.

Alam kong malapit na siya sa akin dahil naaamoy ko ang amoy niyang paniguradong tatandaan ko habang buhay.

Tumigil siya sa gilid ko habang nakapamulsa,nakikita ko pa rin dahil sa peripheral vision ko but I restrained myself from looking at him.

Kailangan kong panindigan ang desisyon ko!

Tahimik lang siya at mukhang nag-babantay rin. May sariling sasakyan ito kaya bakit mag-co-commute siya? Siguro naubusan ng gasolina dahil palaging inihahatid ang kasintahan o di kaya'y palagi silang may pinupuntahan na lugar upang mag-liwaliw.

Narinig kong tumikhim siya at hinarap ako,nakatagilid pa rin ako sa sakanya at nakatingin pa rin sa asphalto.

"17 ka na,wala bang pa-kwek kwek jan?" Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon at binalik ulit ang tingin sa daanan. "Kahit fishball man lang?" He tried to laugh a little.

Bumuntong hininga siya ng hindi ko pa rin siya kinikibo.

Sa pakikipag-usap niya pa lang sa akin ay unti-unti ng natitibag ang dingding na ginawa ko sa pagitan namin.

"Rad, malinaw naman na–"

"Hindi mo hinintay ang sagot ko." His answer made me face him. Wala na yung playful aura niya. Seryoso ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. His lips are formed into a thin line.

My heart began to race. Huwag kang traydor,puso!

"Bakit ano bang sagot mo?" Matapang na saad ko. Pinanlakihan ko pa siya ng mata.

"Hindi, syempre." Mas lalo atang uminit ang araw ngayon dahil sa titig niya. Binaling ko ang tingin ko sa panyo na aking hawak. "Hindi na kita hahayaang makalayo pa."

"Nakalayo na nga ako eh, ano pang magagawa mo? Atleast ako,tinanong ko at nilinaw ko pero ikaw? Bigla-bigla ka na lang lumalayo."

"Talaga ba,Czarina?" He raised his ebony brows at me. Parang ako yata ang tinutukoy ko.

"E-eh,lumayo ka pa rin naman ah? H-hinayaan mo pa rin akong lumayo sa'yo." Hindi ko mapigilang mautal. Ano ba iyan,czar! Nakakainis.

"Binigyan lang kita ng espasyo para na rin makapag-isip. Dahil ako,Czar,naka-pag desisyon na ako. Handa akong mag-hintay para sabihin sa'yo sa tamang panahon pero kailan ba talaga ang tamang panahon kung pwede namang ngayon? Tapos makikita ko pang umaaligid iyang Michael na 'yan sa tabi mo? Kaya ba siguro tinaboy mo ako kasi siya ang gusto mo?" Medyo pagalit niyang saad sa akin.

"Oh,ano bang pinag-lalaban mo diyan? Nag-seselos ka ba?" Humalakhak ako sa huli kong tanong.

"OO,NAG-SESELOS AKO!"

Lumaki ang mga mata ko at bahagyang napatalon nang marinig siyang sumigaw. Parang isinigaw niya lahat ng kanyang pag-titimpi.

Kumalma siya nang makita niyang nagulat ako sa kanya.

"Hindi mo pa ba nahahalata,Czarina? Gusto kita!Gustong-gusto kita!"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

"Niloloko mo lang naman ako diba?" Ngumiti ako pero alam kong hilaw ito.

"Ganyan na ba ang tingin mo sa akin?"

"Pero may girlfriend ka na,bakit ka pa umaamin na gusto ako?"

He looks so frustrated looking at me.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko iyon girlfriend. Kasalanan talaga ng lintek na babaeng iyon eh." Binulong niya lang ang huli niyang sinabi pero narinig ko pa rin. "Czarina naman,siya lang ang humalik sa akin, hindi mo ba nakitang tinulak ko siya?" 

"Oo na,naniniwala na akong hindi mo iyon girlfriend." Sabi ko na lang para tumigil na siya sa mga explanasyon niya.

"Ikaw lang naman ang gagawin kong girlfriend eh." Tiningnan ko siya,nanlalaki ang mga mata at tila hindi makapaniwala.

"Hindi mo na ako pinatapos noon,nag-salita ka na agad." Umiiling niyang sambit.

"Czarina."

"Ano,Rad? Tumigil ka nga sa mga kalokohan mo." Habang sinasabi ko ang mga katagang iyan ay lalong bumibilis ang pintig ng puso ko tapos dagdagan pa ng mga mata ni Rad na kitang-kita ang intensidad mula dito.

"Puwede bang manligaw?"

Kung may pinto lang ang dibdib ko baka lumabas na sa sobrang kabog ito. Umiling ako sa sinabi niya.

Nakita ko namang nadismaya ang kanyang hitsura.

"Dito ka talaga sa waiting shed manliligaw,Rad?"

"Tara na at Ihahatid kita sa bahay niyo para malaman mong pormal kitang liligawan sa harap pa ng mga magulang mo." Seryoso niyang saad.

"Sa susunod na lang kapag naikwento ko na kila nanay."

"Para din sa iyong kaalaman,nakapag-paalam na ako sa'yong mga magulang bago kita tanungin dito."

Mukhang wala na nga akong kawala. Ano pa bang magagawa ko?

"Oh, nasaan na yung sasakyan mo?"

Ngumiti siya sa tanong ko. Mukha siyang nanalo ng bahay at lupa sa hitsura niya ngayon. Naku,Rad. Ewan ko ba kung hanggang kailan ang pag-titiis mo sa akin.