Linya
Walong taon.
Walong taon na ang nakalipas mag-mula noong huli ko siyang nakita.
Akala ko maayos na ang lahat at naka-move on na ako dahil nakilala ko si Hugo at pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.
Pero heto ako ngayon, tila tinitimbang ang aking pag-mamahal sa dalawang tao na may halaga sa aking buhay.
Oo, mahal ko si Hugo pero wala atang lalampas pa sa pag-mamahal ko sa lalaking nasa aking harapan.
Matapos niyang sabihin sa akin na mahal niya pa ako ay nanatili lang na tahimik ang aming biyahe papunta sa Lemery, Batangas.
Kahit na it is already long overdue, Marami pa akong gustong itanong at gustong sabihin.
"I already book us a room in a hotel. I also called my secretary to buy you clothes. Let's rest for a while and after that we'll have our dinner." he said.
"Okay." I agreed.
Bago kami lumabas patungo sa hotel ay ipinasuot ako ng itim na facemask at black cap ni Rad, ganoon din ang ginawa niya. Ewan ko ba sakanya at parang ayaw niya kaming makilala ng iba. Hinayaan ko na lang tutal ay ayaw kong makita pa ng ibang tao ang hitsura ko kasi naka-wedding gown pa rin ako.
Mag-aalas dos na ng hapon and I'm sure we will be caught by attention because of me.
"Whatever happens, don't leave my side, okay?" he said before we went out.
How ironic of Rad to say that to me.
Surely to what I thought, we caught peoples' attention, or should I say, I caught their attention. Sino ba naman ang papasok sa hotel na naka suot pa ng wedding gown?
Their stares didn't escape my eyes. I just looked down while walking. Rad gently grasp my wrist,as he led the way but he abruptly stopped when he met a sexy woman in a corporate attire.
The woman was about to say something but I think Rad refrained her from talking, tinuro lang ni Rad ang receiving area para doon na lang mag-usap.
"Good afternoon, sir. These are the clothes that you ordered me to buy." The woman gorgeously smiled to Rad and handed him the 7 different brands of shopping bags to Rad, her smiles slowly faded when she saw me,she also looked at me from head to toe.
"Thank you, Gella. I'm sorry for the trouble. You may now go ahead." formal na sabi ni Rad at tinalikuran na ang kanyang sekretarya. Nginitian ko ang sekretarya at hilaw naman itong ngumiti sa akin.
Sometimes, I feel bad for women who has feelings for a man but that someone cannot reciprocate those feelings. Worst, a woman reaches the point to desperately chase the man to seek or beg for love and attention. Luckily, I ain't that kind of a woman.
"Rad, halatang gusto ka ng sekretarya mo." sabi ko kay Rad nang nasa loob na kami ng Elevator, I unconsciously took away my wrist from him.
"Hmm, really?" hindi pa makapaniwalang saad ni Rad. Sa body gestures pa lang, halata na. Don't tell me he doesn't even get the hint? "I don't care, even if she strip herself in front of me."
"Well, if you say so."
"Besides, I have my eyes for someone."
Rad and his sweet talks.
Habang nasa Elevator ay hindi ko alam kung saan ako titingin, kitang-kita ko kasi ang reflection naming dalawa, Rad is obviously looking at me. Walang hiya din ang isang ito eh.
Dalawa lang kami sa Elevator and medyo lumayo ako ng bahagya sakanya pero nung may pumasok na limang tao pagkarating ng 14th floor ay napadikit ako kay Rad, our skin touched and again it sent shivers down my spine. Goodness! I am already 30 years old and I'm feeling my 18 year old self.
I tried to pacify my self the whole elevator ride, ito namang si Rad ay parang balewala pa sakanya. When it reached the 18th floor kung nasaan ang room daw namin ay agad akong lumabas.
Pero dahil hindi ko alam kung nasaan ang room namin ay pinauna ko siya ng lakad.
"Here's our room." sabi ni Rad ng nasa tapat na kami ng isang pintuan.
Nag-taka naman ako.
"Where's my room?"
"We'll sleep in one room."
My eyes widened at what he said.
"Rad, I'm engaged."
"But your fiancé ditched you in your own wedding so the engagement and wedding is called off. It means, you two are no longer together." he said and smirked
"pero hindi pa rin ibig sabihin nun ay matutulog tayo sa iisang kwarto! Just book me another room and I'll pay you once I get hold of my money." I just can't bear to be in another room with him.
"You'll sleep on the bed and I will sleep on the couch. It's safer if you're with me." sabi niya at tinalikuran na ako. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Akala ko pa naman...
Pero ayos na ito kahit nasa iisang room lang kami. Basta hindi kami magka-tabi.
"choose what you wanna wear while I order us some food. Their food here is incredibly delicious, dito lang tayo kakain tapos kung gusto mo, gagala tayo sa labas mamaya or you can just rest here."
He looks tired but he's trying his best to smile at me.
"I'll just rest here. Maybe, bukas na lang tayo gumala." I said while busied myself choosing clothes I wanna wear.
Pagkatapos naming kumain ay nanood lang kami ng TV hanggang sumapit ang dinner time. Pinadala lang ulit ni Rad sa hotelier ang pagkain namin dito sa room and we ate our dinner in silence hanggang sa matapos kami at matutulog na lang ay nanatili kaming tahimik. No one dared to break the silence.
Nasayang lang ang inutang kong load mula sa tindahan ni Aling Edith. Umasa lang ako sa wala!
Never again.
"Lunes na lunes ay pang biyernes santo ata ang mukha natin, Czar." siko sa akin ni Char.
"Hindi noh. Naiinis lang ako sa isang subject natin."
"Huwag ako, Czar. Nag-away kayo noh?" usisa pa niya.
"Hindi." sabi ko.
"Sige, alis na ako ha? Nandyan na si Adonis mo." bago pa ako makapag-salita ay agad ng umalis si Char. Traydor talaga.
Nakita ko si Rad na papalapit sa akin.
Tinuon ko na lamang ang tingin ko sa notebook ko kahit wala na akong maintindihan.
"Hi Czar." malalim ang kanyang boses pero mapaglaro ang kanyang tono.
"Hello."
"Naaabala ba kita?"
"Hindi."
Humalakhak siya.
"Bad mood ka ata?" tiningnan ko siya, nakangiti siya ng malapad sa akin. I just smiled at him. Siya talaga yung tao na kapag nakangiti, mahahawaan ka talaga ng mga ngiti niya.
"Ayan, ngumiti ka. papangit ka kapag nakasimangot eh." inirapan ko na lang siya pero nakangiti na ako niyan.
Kahit na sa isang subject lang kami mag-kaklase ay araw-araw kaming mag-kasama kami ni Rad, tuwing break time ay sinasamahan ako ni Rad sa bench tapos mag-rereview kami niyan. Nandiyan din si Char pero minsan umuupo siya sa sa ibang bench para daw hindi siya makadisturbo sa amin. Nag-seselos na nga siya minsan pero ayos lang daw dahil botong-boto siya kay Rad para sa akin.
"Sabi ko na nga ba at huwag kang mag-short cut ayan tuloy, naligaw pa tayo." reklamo ni Rad sa akin.
"Eh kasi, sinunod mo naman ako." katwiran ko. Sinabihan ko kasi siya na mag-shortcut papunta sa Sta. Rosa kaso nakalimutan ko na yata.
"Ako pa talaga sinisi mo. Halikan kita dyan eh." hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.
"Anong sabi mo?"
"Wala! Bingi mo."
Hinampas ko siya sa kanyang braso at tumawa naman siya agad. Kaya nga pinapaulit eh.
Dahil sa pag-hahanap pa ng ibang daan ay napadpad kami sa seaside area. Alas kwatro na ng hapon, at makikita ang ganda ng sunset mula sa aming kinaroroonan.
" Punta tayo dun oh. Bili tayo ng merienda. Gutom na ako eh." wala na akong magagawa sa sinabi ni Rad dahil maganda naman ang ideya niya. Gusto ko ding mag-relax kahit papaano.
Umupo na kami ni Rad nang makuha na namin ang kwek-kwek at fishball. Nag-simula na siyang lumantak ng pagkain. Lumilitaw ang dimple niya sa kada nguya. Natatawa ako kapag tinitignan ko siya kumain kasi parang ang takaw talaga. Tapos hindi naman siya tumataba, ako nga kaunting pagkain ay nag-kakaroon na ng bilbil.
"Ano?" napansin niya yata na kanina pa ako nakatingin.
"Wala! Bingi mo." inulit ko din yung sinabi niya kanina.
"Naga-gwapuhan ka sa akin noh?" he smirked at me.
"Feeling mo uy!" sabi ko habang isinusubo ang isang buong kwek-kwek pero nang maramdamang mainit ito ay gusto kong iluwa pero nakakahiya kasi makikita ni Rad tapos ng ibang tao sa paligid namin kaya pinilit kong nguyain kahit na ang hapdi na ng dila ko sa init. Pinagtatawanan naman ako ni Rad dahil nag-tutubig na ang mga mata ko sa init na dala ng kwek-kwek.
"Tapos ka na?" sabi ko nang malunok ko na lahat ng kinain ko. Itong si Rad ay hindi pa rin matigil sa kakatawa. "Ang sama mo!"
"Hindi ko talaga makalimutan ang mukha mo na ganito oh." sabi niya at pinalobo ang dalawang pisngi habang naka-duling at dinikit ang dalawang daliri sa nakalobo niyang pisngi.
Hinampas ko ng mahina ang kanyang ulo. Humagalpak naman siya ng tawa. Nililipad ng hangin ang dulong parte ng palda ko kaya medyo inipit ko ito para hindi masyadong liparin. Ganun
din ang mahaba kong buhok na sumasabay sa agos ng hangin, tinali ko ito at dinamdam ang kalmadong init na nag-mumula sa araw na papalubog na.
The sun rays flashed seemly at Rad's face. It highlighted his manly features. I quickly averted my gaze at the ocean as he looked at me.
"Sabi ni tatay, tingnan mo lang
daw ang linyang humahati sa dagat at kalawakan. Marerelax ka daw at mag-kakaroon ng peace of mind." sabi ko habang nakatingin sa linyang sinasabi ko.
"Ang linyang sinasabi mo... ay ang pagitan mula sa pagkikita ng dagat at kalawakan." napatingin naman ako sakanya pero nakabaling ang tingin niya sa linyang sinasabi ko. "Maganda nga silang tignan pero malungkot naman ang kanilang pinag-dadaanan. Malapit lang sila pero ni hindi nila masabi ang kanilang nararamdaman." ramdam kong nakatingin sa akin si Rad pero ipinikit ko lamang ang aking mga mata at dinamdam ang simoy ng hangin at ang kanta ng dagat.