Puwede ba?
Kahit ilang beses pang sabihin sa iyo na hindi ka dapat masaktan, hindi mo pa rin mapipigilan dahil ang utak natuturuan pero ang puso? Hindi na. Tila may sarili itong mundo, may sariling mga kamay na hindi natin kayang manipulahin.
Kaya noong nakita ko siyang may kahalikang babae ay dinistansya ko na ang sarili ko. Halos isang buwan na kaming hindi gaanong nag-uusap, hindi na rin ako sa bench tumatambay kapag walang klase at nananatili lang ako sa aming classroom,kung oras na para sa lunch ay niyayaya ko si Charmaine na sa labas na lang kami kumain. Hindi na rin niya ako hinihintay at hinahatid pauwi,ayos lang naman iyon sa akin kasi siguro napagtanto niya na lumalaki na rin ang gastos niya sa kanyang gasolina.
Ayos lang naman ito. Mag-kaibigan lang naman kami,hindi naman required na palaging mag-pansinan at mag-kasama ang mag-kakaibigan diba? lalo na't lalaki naman siya at may sarili ding mga kaibigan na pawang mga lalaki rin at may mga mag-kakaparehas na interes sa iba't-ibang larangan.
"Char, lunch na ta'yo."
"Ikaw na muna mag-lunch doon,may tatlo pa akong plates na kailangang tapusin." sambit ni Char na nakaupo sa bench at kunot ang noo sa pag-ikot niya ng compass.
"ikaw? Tapos ka na sa Orthographic projection?"
"Ah,Oo–"
"Hala,paturo naman!" Sabi niya habang nag-lalakihan ang mga mata na nakatingin sa akin.
"Sige basta kumain na lang tayo sa classroom mamaya pagkatapos mo dyan. Dito na lang ako–" nang makita ko ang grupo ng mga kalalakihan na papunta sa bench na malapit lang sa amin ay agad pumintig ang tibok ng dibdib ko. "Uh, Char,doon na lang ta'yo sa labas kumain please...ako na lang gagawa ng plates mo." Sabi ko at kinagat ang ibang labi ko hudyat na kinakabahan na ako. Naramdaman ko din ang butil ng pawis ko kahit na malamig naman ang panahon dahil malapit nang mag-disyembre.
"Totoo? Sige ba!" Pero agad niyang binawi yun nang makita niyang nakaupo na ang ilan sa mga kaibigan ni Rad sa bench lang na katapat namin. Pinigilan ko ang sarili kong lumingon kung nasaan siya.
"Czar,mas magandang ako na lang ang gumawa at dito ka na rin mag-lunch kasi paniguradong may klase pa ang prof niyo at para rin na makatipid ka noh." May halong malisya ang kanyang tono. Huminga ako ng malalim at naupo na nakatalikod mula sa bench kung nasaan ang mga grupo ni Rad. Maingay sila at nag-tatawanan. Madidinig mo ang lalim ng kanilang mga boses at tila walang pakialam sakanilang kapaligiran.
Kinuha ko na ang baon kong kanin at isda at nag-simula nang lumantak. Kung nasa kainan kami sa labas ay mapapabili ako ng softdrinks at isa pang ulam. dagdag gastusin nga pero mabuti na lang at may natitira akong pera galing sa trabaho ko noong nakaraang summer. Natampal ko ang noo ko,bakit ba nagiging gastador na ako? Naku, kailangan ko ng itigil ito at mag-tiis na lang na dito na lang kumain.
"Czar...tumitingin siya sa sa'yo." Kilig na kilig na samabit ni Char. Hindi ko rin alam sakanya kung bakit ganyan pa ang reaction niya gayong may kasintahan na nga yung tao.
Ang tanging sinasabi niya lang sa akin ay desperada daw yung babae at dumating sa punto na hinalikan na niya si Rad. Gusto ko ring paniwalaan iyon pero maging siya ay dumistansiya na rin at hindi man lang nag-hanap ng paraan para makausap ako. Pero sino ba ako sa buhay niya? Kaibigan lang naman. Hindi na dapat ako umaasa pa kahit noong hiningi niya ang numero ko at hindi man lang nag-tipa ng mensahe.
"Tapusin mo na nga plates mo d'yan,mamayang ala una na kaya ipapasa 'yan."
"agad-agad?!" Pinanlakihan niya pa ako ng mata,gulat na gulat eh parang kanina lang inulit ng propesor namin na mamayang hapon na ang deadline. " Ano ba yan! Sa susunod nga,sabay na tayong gumawa ng plates."
"Sa bahay ko ginagawa ang plates. Dapat kasi kapag nag-anunsiyo na si Sir ng mga kailangang ipasa at gawin ay gawin mo na agad,hindi yung hinihintay mo pa yung deadline. Ayan tuloy,stressed ka." Ani ko. Hindi kasi ako sanay na nag-mamadali habang ginagawa ang plates ko,lalo lang kasing papangit at hindi ako makaka-pokus.
"Yes ma'am. bagay na bagay talaga kayo ni ser Cansicio." Biro niya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Baka narinig ng ibang estudyante!
"Char naman,ang boses mo!" Giit ko
"Maingay naman sila. hindi yan."
Hindi ko tuloy naubos ang pagkain ko.
Kasabay ng pag-huni ng mga ibon ay ang tugtog ng gitara na sigurado akong galing sa grupo nila Rad. The surroundings were filled by the beat and rhythm from the band, Parokya ni Edgar.
"Marunong pala si Rad mag-gitara? Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. Mahiyain yan noon sa Coleigo eh." Sabi ni Char at bumalik ulit sa ginagawa.
Tila kumakanta rin ang mga ibon sa bawat ritmo na ginagawa ni Rad. Siguro, nag-paturo siyang mag-gitara para haranahin yung girlfriend niya ngayon.
"Uso pa ba...ang harana..."
Lalong lumakas ang hiyaw ng mga kaibigan niya nang kumanta siya. Tumaas ang mga balahibo ko nang marinig ang malamig at malalim na tono ng kanyang boses. Unang linya pa lang ay parang dinuduyan na ako sa ritmo nito.
"Marahil ikaw ay nag-tataka..."
Niyugyog naman ni Char ang mga kamay kong nakapatong sa lamesa at nakangiting malapad sa akin.
"Sino ba 'tong mukhang gago? Nag-kandarapa sa pag-kanta at nasisintunado sa kaba..."
Hindi ko na napigilan at agad akong tumayo at umalis. Hindi alintana ang mga sigaw ni Charmaine,at ang mga tingin ng ibang estudyante habang ako'y nag-lalakad palayo. Lalo na ang mga tingin niyang ramdam kong nakasunod sa akin o ako lang naman yata ang nag-iisip nun. Nahihibang na yata ako. Ayoko ng maramdaman pang pumintig ulit ng mabilis ang puso ko at kabahan ako sa tuwing nandiyan siya.
Ayoko ng lumalim pa ang butas na hinukay ko para sa aking sarili tiyak ay si Rad pa ata ang mag-lalagay sa akin ng mga lupa.
Habang nakabantay na ako ng jeep ay naka tanggap ako ng mensahe.
Fr: unknown number
Czarina, usap tayo. Pupuntahan kita jan.
Agad tumambol ang puso ko sa kanyang mensahe. Nag-text na siya! Pero hindi ito ang tamang panahon para maging masaya. Kailangan ko siyang harapin,kasi mag-kaibigan pa rin naman kami at nasa iisang unibersidad lang nag-aaral.
Nakita ko na siyang papalapit, in his university uniform he looks simple but dashing as ever. His serious and angelic eyes really slapped me the truth that I already lit the fire and was ready to be burnt by it.
I excused myself to the other students at the waiting shed and walked to the direction of Rad.
I simply smiled at him na parang wala kabayo sa bilis ng pintig ng dibdib ko. Gaya ng dati.
"Czar–"
"Doon na lang ta'yo mag-usap sa seaside." Hindi ko na siya pinatapos pa,nilagpasan ko siya at pinuntahan ang direksyon kung nasaan ang sasakyan niya.
Huminto ang sasakyan niya sa tapat lang ng seaside. Walang kumikibo sa aming dalawa at tanging ang alon ng dagat at ang ingay lamang ng ibang tao sa labas ang aming naririnig. Tinignan ko sila at halata ang galak sa kanilang mga mata habang nag-uusap at nakatanaw sa tahimik at mahiwagang karagatan, lalo na sa langit,kulay kahel at nag-papahiwatig na ang pag-lubog ng araw.
The image of the sunset somehow comforted me that everything is gonna be alright. No matter how hurt or in despair you are right now, just like the sunset, it will come to a point that eventually, it will end.
"Rad,gusto ko lang malaman mo na mag-kaibigan pa rin tayo–"
"Hindi,Czarina–"
"Nakita ko kayo ng girlfriend mong nag-hahalikan. Grabe,ang ganda niya Rad ha? Sana kayo na talaga sa huli. Taga-Support mo lang kami ni Charmaine." Pinilit kong ngumiti kahit salungat na ito sa nararamdaman ko.
"Hindi ko iyon girlfriend. Siya lang ang humalik sa akin." Iritado niyang sinabi na parang may naalala. I smiled. I hope it doesn't look bitter. "Czarina,pasensya na kung hindi kita gaanong nakausap noong nakaraang buwan,may pinag-iisipan lang kasi ako." Sabi niya at nag-pakawala ng malalim na hininga.
Anong pinag-isipan mo,Rad?
Gusto ko sanang tanungin kaso ayaw ko nang malaman pa. Ayaw ko ng masaktan o maging masaya man sa kung anong sasabihin niya. Lahat naman ay pawang mga dahilan lamang.
"Ayos lang,Rad. Hindi mo naman kailangan pang ipaliwanag ang sarili mo."
"Ayos lang? Ayos lang sa iyo,Czarina?" His usual playful tone was replaced with irritation. He looked at me like he was expecting something at my reaction. "Puwes,hindi ko iyon matatanggap. Hindi iyon ayos sa akin. Naging gago ako,Oo. pero hindi ko kaya na ganito ta'yo. Hindi nag-papansinan kasi..." mukhang gulong-gulo rin siya sa kung anong sasabihin niya. Ginulo niya ang kanyang buhok at pinisil ang ilong niya.
"Rad, uuwi na ako."
He looked at me with those tired eyes of him.
"Czarina,pwede bang–"
"Rad,pwede bang layuan mo na lang ako?" Agad kong pinutol kung ano man ang sasabihin niya. Hindi ko gustong marinig at wala akong plano na kumapit sa karayom.
"Pasensya na pero ganito talaga ako. Salamat...sa lahat ng tulong mo."
Pag-katapos kong sabihin iyon ay agad akong lumabas at tumakbo papunta sa jeep na panandaliang tumigil at nag-baba ng pasahero.