Chereads / Bittersweet Escapade / Chapter 7 - Escapade 6:Saksi

Chapter 7 - Escapade 6:Saksi

Saksi

"Ano ba, Rad. Tumigil ka nga." lumilipad na ang isip ko sa mga terms at formulas na kailangang sauluhin at intindihin. Tapos itong si Rad naman ay hindi na nag-sawa na kulitin ako at inisin. Seriously, nag-major ba siya sa panggugulo sa akin?

"Suklayin mo nga yung buhok ko gamit ang mga kamay mo, pwede ka namang mag-multitask eh." sabi niya at tumingin sa akin. Paniguradong naka-nguso na ito.

"Porket maalam ka na sa larangang kinukuha mo ay pachill-chill ka na lang diyan. Kung i-try mo kayang pag-sabayin ang maging tahimik at matulog ano?"

"Hindi kaya, nahihirapan nga ako sa ilang subject ko eh." napakamot pa siya sa kanyang ulo. Sus, kunwari pa ito.

"Oh, talaga? Saang subject naman?" sa ilang buwan naming pagkakaibigan ni Rad ay may iilan akong nalaman mula sakanya. Isa na dun ay lahat ng grado niya ay Uno. Ang pinaka mababang grado niya lang yata ay 1.1 GPA

Paano ko nalaman? Syempre, siya lang naman ang kumukuha ng kanyang card tapos ipinag-mamalaki niya pa ito sa akin. Lalo na kapag Calculus 1, naku halos maitama niya lahat ng sagot.

"Sa Calculus!"

Inirapan ko lamang ang isinagot niya at itinuon na ang pansin sa module na binabasa ko tungkol sa Fluid Mechanics.

"Totoo! Iyon yata ang pinaka mahirap na subject para sa akin."

"Sus, tigilan mo nga ako! Nag-papaka-kumbaba ka pa diyan. Hindi naman bagay sa'yo." sabi ko at inirapan siya.

"Alam mo, alam ko na talaga ang kursong kinuha mo. " kunot noo kong tinignan si Rad. Tinataas baba niya ang kanyang kilay habang naka-ngising aso sa akin. Isa na iyang hudyat niya para mang-inis.

"Ano naman iyon?"

"BS in Pag-susungit Major in Pag-irap." The dimple in his cheek quickly emerged as he mischievously grinned at me. Sarap sapakin!

"Ikaw din, alam na alam ko." pilit ko siyang nginitian, showing him my sweetest but sarcastic smile.

"Oh, alam ko yan! Alam ko yan!" nag-mukhang bata na inabutan ng candy itong si Rad habang naka-ngiti at medyo natatawa. "BS in kagwapuhan major in chilling."

"Hindi! BS in Feelingero major in panggugulo."

"Tss." kinamot lang niya ang kanyang ulo at yumuko sa lamesa para matulog. Mabuti nga at nandito kami palagi sa bench nag-aaral dahil kung sa library pagagalitan lamang ito ni Mrs. Alcazaren.

"Magandang magandang magandang umaga!" akala ko makakapag-aral na rin ako finally at peace pero narito pa yata ang kamag-anak ni Rad sa panggugulo. "Maganda ang umaga ngayon subalit mas maganda pa rin ako." ang hagikgik ni Charmaine ang tumatak sa isipan ko. Tinanguan ko lamang siya para ipakitang hindi ako umaangal sa kung ano mang sinasabi niya.

"Ano ba 'yan. Ang ingay." reklamo ni Rad pagkatapos ay humikab.

"Pasensya na Rad ha?" sarkastikong tugon ni Charmaine. "Pero may ibabalita lang ako sa bestfriend ko!"

Medyo nainis si Charmaine nang malaman ang ugali ni Rad na ganito ka pilosopo, makulit at mapang-asar. Akala niya daw kasi noon, gwapo, tahimik at seryoso pero hindi pala. Kaya minsan binabanatan niya din si Rad para mainis ito at ganun din si Rad, ako pa nga umaawat sa kanila eh. Kung wala ako, baka nag-suntukan na silang dalawa.

"Ano na namang chismis mo, char?"

"Hindi ito chismis!"

"Hoy, huwag mo ngang impluwensyahan ng masama si Czar." kunot noong sabi ni Rad.

"Ako pa talaga ha? Sino itong palaging nangungulit kay Czar?" she crossed her arms and raised her brow at Rad.

"Uh, ikaw?" ngumisi si Rad sa sagot niya.

Mag-sasalita pa sana si Char pero sumingit na ako at baka mag-patayan na sila.

"Kayong dalawa! Kayong dalawa ang gumugulo sa tahimik kong buhay!" sabi ko para matapos na pero totoo namang sila talaga ang palaging nangungulit sa akin. "Oh, ano na yung sasabihin mo, char?"

Ngumiti si Char at umupo sa bakanteng bench na kaharap lang namin ni Rad.

"Inimbitahan ako sa isang debut at isasama kita!" masigla niyang tugon pero taliwas naman sa aking naramdaman.

Naka-busangot ako sa harap ni Charmaine habang siya'y masigasig na kumekembot at abot langit kung tumawa.

"Tara na at mag-enjoy ka! Minsan ka lang kaya payagan nina Tita." sabi ni Char at hinila ako sa sayawan.

Hindi ko alam kung paano napapayag ni Charmaine sina Nanay at tatay pero bilib ako sakanya dahil si nanay pa mismo ang nag-udyok sa akin na sumama kay Charmaine sa debut ng kaibigan niya. Pero naiinis ako kung bakit kailangang maiksi talaga ang dress na kailangan kong suotin? Dagdagan pa na hapit na hapit pa ito sa katawan ko. Kaunti nga lang ang kinain ko para hindi lumubo ang tiyan ko.

Tapos na ang debut at sumasayaw na lamang ang mga bisita rito. Kung sana ganoon din ang debut ko pero hindi na ako mag-hahangad kasi sapat lang naman ang pera nina nanay at tatay sa pang-araw araw na gastusin namin sa bahay.

"Iyan! Ganyan dapat!" sigaw ni Charmaine dahil lalong lumalakas ang tugtog ng musika na nag-papaindayog sa aming katawan.

Kumembot ako ng kumembot para makasabay sa musika pero bigla akong natumba.

"Czar!"

Tinulungan naman ako agad ni Charmaine.

Hindi ako natumba kasi nawalan ako ng balanse kundi, may tumulak talaga sa akin.

Nakatayo na ako pero tinulak ako ng babaeng hindi ko kilala, napaatras ako ng bahagya. Dumiin naman ang kanyang mga kuko sa aking balikat.

"Kanina ka pa ha! Nananadiya ka ba?!" mag-kasalubong ang kilay at nag-lalakihang mata ng babaeng galit na galit ang nakasalamuha ko.

Biglang tumigil ang musika.

" nag-kakamali ka ata. " mahinahong sambit ni Charmaine sa babae pero alam kong nag-pipigil lamang ito para hindi na gumawa ng isa pang kumusiyon.

"Patawad, miss. Hindi ko lang napansin na nababangga na pala kita." ani ko. Baka nabunggo ko ang puwitan niya o bewang sa sobrang pag-sasayaw ko kanina at hindi ko lang napansin.

Pinandilatan naman ako ni Charmaine.

Kung walang manghihingi sa amin ng dispensa ay hindi ito matatapos.

"Dapat lang na humingi ka ng tawad. Kanina mo pa nga ako nabubunggo, hindi ka pa marunong sumayaw." humalakhak pa ang babae at tiningnan ako ng nakakadiri. Ano ba naman ang laban ng matuwid at matigas kong sarili sa makurba niyang hubog ng pangangatawan?

" Aba! Walang hiya ka!" sumigaw si Char sa babae at hinawakan ko agad ang magkabilang braso niya. Marami nang tumitingin at nakikiusyoso sa aming mga tao.

"Char, hayaan mo na. Umuwi na lang tayo" bulong ko pero hindi niya ako pinakinggan

"Humingi na nga ng pasensya yung tao at minaliit mo pa! Akala mo kung sino kang maganda, pokpok naman!"

Nanlaki ang mata ng babaeng nasa harap namin at nanggagalaiti ang hitsura na humakbang para sugudin si Charmaine. Hinawi ni Char ang kamay kong nakakapit sa mga braso niya at sinalubong ang mga kalmot at sabunot ng babaeng hindi namin kakilala.

"dahan dahan naman, Rad." sabi ko habang dinadampian ni Rad ng cotton na may betadine ang kaliwang pisngi ko na may kalmot ng babae kanina.

"Huwag kang magalaw." sabi niya pagkatapos ay kunot noong humarap kay Charmaine.

"Dapat kasi hindi ka na pumatol pa sa babaeng iyon." saway ni Rad kay Charmaine na natutulog na sa backseat. Maraming pasa at kalmot si Charmaine sa hitsura niya pero binalewala niya lang ito na tila sanay na sanay na. Medyo naawa nga ako sa babae kanina dahil mas malala pa ang natamo niya kay Charmaine. Baka nabalian pa iyon ng buto kung hindi pa umawat ang tatay ng debutante.

"At ano? Hayaan ko lang siya na maliitin si Czarina? Wala akong kwentang kaibigan, kung ganoon." nakapikit pa ring sambit ni Char. "gamutin mo na lang diyan si Czar at hayaan mo akong magpahinga dito. Nasira ang beauty ko sa babaitang iyon. Sa susunod talaga, tutuluyan ko nang baliin ang buto nun eh."

"Rad,ako na." sabi ko at kinuha sakanya ang cotton pero inilayo niya ito bigla.

"Czarina, huwag nang makulit." seryoso niyang saad. Ibinaba ko na  lang ang aking kamay at hinayaan siyang gamutin ang mga galos ko sa hitsura.

Habang hinihila ko kasi si Char kanina para awatin ay hinila din ako ng babae at kinalmot sa hitsura.

Sa bawat init ng hininga ni Rad ay ramdam kong dumadampi ito sa aking leeg at pagmumukha. ngayon lang ako napalapit ng ganito sa kanya na tila isang hakbang na lang ay matutunton ko ang isang kakaibang pakiramdam. Iniwas ko ang mga tingin ko sakanya at ibinaling na lang sa mga kamay ko.

"May sugat ka rin ba sa kamay? Tsk." inis niyang kinuha ang mga kamay ko at pinasadahan ng tingin ang mga ito.

Pagkalabas namin ni Char ay nagulat na lang kami na may nag-hihintay sa aming tao na nakasandal sa kanyang sasakyan. Ang kulay pula at plate number nito ay pamilyar na sa akin para malaman kung sino ang nag-mamay-ari nito.

"Ba't parang ikaw pa galit d'yan?" tanong ko.

Kunot noo niya lang akong tinignan.

"Tsk. Ikaw na nga d'yan." sabi niya at inabot sa akin ang cotton.

"Salamat."

"Ba-bye! Ingat kayo!" paalam ni Charmaine at kumaway bago pumasok sa kanilang bahay.

Malalim na ang gabi at kasing tahimik namin ni Rad ang paligid. Bakit ba parang ngayon pa ako na-awkward sa kanya?

As the car moves, the moonshine lights the path in front of us.

Nadaanan namin ang seaside, at nasilayan kung gaano kahuma-humaling ang buwan at ang repleksiyon nito sa tahimik pero maalong karagatan.

"Rad, puwedeng huminto muna tayo saglit?"

Napatingin siya sa akin, nag-lalakihan ang mga mata pero agad namang tumango.

Umupo kami sa seaside at kasabay nun ay ang pag-haplos ng hangin sa aming mga pisngi.

Nararamdaman ko ang lamig dahil manipis lamang ang tela ng damit na suot ko pero binalewala ko lamang ito at hinayaang sumayaw ang mga hibla ng aking buhok sa ritmo ng hangin.

Napatalon ako ng bahagya nang ipinatong ni Rad ang kanyang Jacket sa aking mga balikat.

"Pasalamat ka gentleman ako."

Tiningnan ko siya at agad siyang ngumiti sa akin. Those dimples really suit him. Nag-tataka ako kung bakit wala pa rin siyang nobya kung ganyan naman siya na maalaga at mabait na klase ng lalaki. May hinihintay kaya siya? O hindi lang pasok sa standards niya ang mga babaeng kanyang nakikilala?

I thought that somehow I'm lucky because I got to know him and made him my trusted friend. But however, his future girlfriend would be damn so lucky. Maganda, matalino, mabait at higit sa lahat, may kurba ang pangangatawan at malaki ang hinaharap.

"Ayos ka na?"

Pinagalitan ko ang aking sarili sa loob ng isipan ko kung bakit sa simpleng tanong niya lang ay bumibilis na ang tibok ng aking puso. Sana hindi niya ito marinig.

"A-ah. Oo." Ibinaling ko agad ang aking tingin sa kabilugan ng buwang nag-bibigay ng liwanag sa dagat, sa buong parteng kanyang nasasakupan, sa amin.

"Sa susunod talaga tuturuan kita ng basic martial arts para kahit papaano ay maprotektahan mo ang sarili mo." bakas sa kanyang tono ang pag-aalala. Mali yatang ideya na tumambay pa kami dito. "tapos ang sagwa pa ng pananamit mo, paano kung nabastos ka?"

"Hindi naman basehan ang suot ng mga kababaihan para sila mabastos, nasa tao na rin yan kung manyak talaga siya." sambit ko.

"Kahit na... Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kung mangyari ulit yun sa'yo." takot akong tumingin sakanya. Takot akong makita ang mga mata niya. Takot akong... malaman niya ang hindi ko puwedeng isiwalat sakanya.

"Czarina."

"Hmm?"

"Paano kung gusto kita?" akala ko hindi na ulit titibok ang puso ko na sing bilis ng kabayo pero ngayon parang gusto na nitong kumawala sa'king dibdib.

"A-ano?" sabi ko at tumingin sakanya, pilit na tumatawa. Kumabog lalo ang dibdib ko nang mamataang seryoso ang kanyang itim na mga matang nakatitig sa akin.

Bigla naman siyang tumayo at muntik na akong mahulog sa seawall nang bigla niyang ginulo ang aking buhok.

"Ito naman, masyadong seryoso. Biro lang yon. Hindi naman kita gusto." sabi niya at humalakhak. Pilit lang akong ngumiti at iwinaksi sa isipan ang pakiramdam na lumilipad sa ere sa pagbabakasakaling may pag-tingin din siya sa akin.

Tumayo din ako at sinuntok siya ng mahina sa kanyang braso.

"Akala mo magugustuhan din kita? Hindi noh! Kadiri ka. Kapag tropa lang, tropa lang uy." sambit ko habang natatawa.

Tama na siguro ito.

Kahit papaano naging saksi ang maliwanag na buwan sa tunay kong nararamdaman.