Chereads / Dimension Between Us / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Nagising ako dahil sa ingay sa labas, hindi ko alam kung saan nanggagaling dahil medyo malayo ang mga kapitbahay namin.

Lumabas ako pero napansin kong andaming tao!!

"Huh?? Anong nangyayari rito?? MAY FIESTA BA?! o kung anong hindi ko nalalaman??"

Napatingin saakin yung dalawang babaeng dumaan sa harap ng pinto namin, grabe ung tingin parang baliw ako sa paningin nila.

Pumunta naman ako sa kwarto ni Tito pero wala sya dun. Kay Lola naman sarado, pero parang wala ring tao.

Anong nangyayari sa World? Oh baka naman pinagtitripan ako ni Sally, nagpunta sya rito nung natutulog ako tapos dinala ako sa kung anong oras kaya nagmumukha akong tanga rito.

Nagpaikot ikot ako sa bahay pero wala talagang tao maliban sakin.

Naligo ako at naghanda, para lumabas ng bahay kasi talagang andaming tao, ung suot nila parang ordinaryo lang naman kaya ganun na rin sinuot ko.

Maya maya nung lumabas na ako, nakatingin saakin ung mga tao na parang hindi ako belong sakanila, di naman ako alien or something na ikakatakot nila. Maganda kaya ako noh, CHAR o baka naman nagagandahan na sila sakin ngayon.

Di ko na sila pinansin naglakad lakad nalang ako papunta sa bahay nila Sally, baka sakaling may alam sya tungkol dito.

Habang naglalakad ako, tingin nang tingin sakin yung mga tao, grabe nakakatakot parang kala mo terorista ako. EXCUSE ME!

Eto na, nasa harap na ako ng bahay nila Sally, nako nako! Humanda talaga sya kapag nalaman kong pinagtitripan nya ako.

Napakalakas ng katok ko sa harap ng bahay nila.

"Sally! Sally!! Lumabas ka dyan alam kong pinagtitripan mo ako" Sigaw ko habang patuloy na kumakatok.

Mga isang minuto rin akong kumatok bago buksan yung pinto grabe.

"Antagal mo naman magbukas parang andami dami mong gina..." Napatigil ako sa pagsasalita nang makita kong may isang lalaking nakatayo sa harap ko, sya ang nagbukas ng pinto. Jowa ba toh ni Sally hmmm..

"Ahmm? Hello? Si Sally nandyan ba?"

"Sally?? Wala nakatirang ganun dito? Baka naliligaw ka yata Miss" sabay kamot nya ng ulo pero ngumiti sya.

MAY DIMPLE! Ang kyut!

Pero teka.. Lumingon lingon ako sa paligid pero sigurado akong ito talaga yung bahay ni Sally, anong nangyayari sa Mundo.. Nawawala na ba ako sa katinuan ko, o baka naman nananaginip lang ako.

"Sampalin mo nga ako"

Nagulat sya nang sinabi ko iyon.

"Miss nababaliw ka na ba?"

"Siguro?? basta gawin mo nalang"

Akala ko hindi nya gagawin pero ginawa nya, at ang lakas pa grabe. kinareer eh.

"Aray, bat ang lakas??"

"Sabi mo eh"

"Wala naman akong sinabing lakasan mo"

Medyo naiinis na yung itsura nya pero nakangiti parin sya na parang hindi nya rin alam yung nangyayari.

So hindi nga panaginip to, ansakit eh.

Bigla nalang kumulo yung tyan ko.

"Oh miss mukhang di ka pa kumakain ah, halika muna rito sa loob sakto, kasi kakain palang din ako"

"Scam ba yan? Budol Budol ka noh?"

"Budol Budol?? Ano yun? Saka Scam?? Huy Excuse me ikaw nga tong kumakatok sa bahay namin tapos naghahanap nang di naman taga rito, tapos ako pa sasabihan mong SCAM"

Napangiti nalang ako pero sobrang sakit na talaga ng tiyan ko dahil sa gutom.

"Oh naririnig kong kumukulo na yung tiyan mo halika samahan mo nalang akong kumain"

Pumasok naman ako sa loob ng bahay nya, yung bahay nya katulad na katulad ng bahay ni Sally, ang pinagkaiba lang ung arrangement ng gamit.

"Dito ka umupo, saka kumain ka lang hangga't kaya mo ha, wag ka mahiya"

"Oh talaga, grabe mayaman siguro kayo!" sagot ko naman.

"Hindi yan libre" saka tumalikod sya at pumuntang kusina para kumuha ng makakain.

"HUH? Anong ibabayad ko" pasigaw kong tanong.

"Basta! Sya nga pala may toothpaste ka pa sa pisngi mo ewan ko kung bakit, mukhang kagigising mo lang yata" pasigaw naman nyang sagot.

Napatayo ako at lumapit sa may salamin, OMY! ang dugyot ko tingnan, ang gulo ng buhok ko tapos may toothpaste nga ako sa Pisngi, kaya pala pinagtitinginan ako ng mga tao kanina, nakakainis wala man lang nagsabi sakin.

Nagayos ako ng itsura para naman mamaya paglabas ko hindi na ako pagtinginan.

"Oh heto na, kumain na tayo"

Naupo na rin ako sa lamesa at nakisalo sa pagkain nya, grabe ang dami ng pagkain.

"Ikaw ba nagluto nito?"

"Yung iba lang dyan"

"Grabe ang yaman nyu talaga"

"Hindi naman, sya nga pala anong name mo?"

"Mary Ann, Mary Ann Asuncion, ikaw??"

"Kiefer, Kiefer Key Natuel ang name ko"

"Wow ang ganda ng name mo ah, sosyal!"

"kumain ka na nga lang dyan"

...

...

...

Natapos na kami sa pagkain, grabe ansarap ng mga pagkain para akong nasa restaurant na ewan CHAR.

"Ohh anong twist neto?" Tanong ko.

"Twist??"

"Diba may kapalit toh kamo, ano yun?"

"Ahhh, sige sasabihan kita mamaya, ililigpit ko muna toh"

Tinulungan ko na rin sya maghigpit nakakahiya naman baka mamaya kung anong isipin niya sakin eh. Nakikain na nga ako hehehehe.

Dumiretso kami sa labas ng bahay nila, pero wala dun ung Tree House na pinagtambayan namin ni Sally nung isang araw, so nasaan ako? nasa Future or nasa Past?

"Okay, Now sasamahan mo akong maglakad lakad sa may farm namin"

"Farm? Yaman nyu talaga, Syempre madali lang pala eh"

"Di noh, maliit lang ung lupa na un, and sa Lolo ko yun, dun sila nagtatrabaho lalo na kapag maganda ung panahon para magtanim"

Nagsimula na kami maglakad lakad papunta dun sa farm na sinasabi nya.

"By the way, Saan ka pala nakatira Mary Ann?" Bigla nyang tanong.

"Ah dyan lang sa tabi tabi"

"Huh? Saan yun?"

"Basta..."

"Maniniwala ka ba kung galing ako sa ibang panahon" ang akala ko nasa isip ko lang ung mga salitang un, yun pala nasabi ko mismo sakanya!!

"Huh? So You're a Time Traveler Now?"

"Siguro!?"

Bigla syang tumawa, akala nya nagpapatawa ako, ang seryoso kaya ng mukha ko..

"Tingnan mo di ka nga sigurado tapos sasabihin mo sakin na Time Traveler ka HAHAHAA"

"Bahala ka kung ayaw mo maniwala edi wag ka maniwala, basta ang alam ko di ako taga dito"

"Wehhh?? Sige nga dalhin mo nga ako sa future"

"Di ko kayang gawin yun"

"Oh Why? eh diba 'TIME TRAVELER' ka?"

"Yung kaibigan ko yung time traveler"

"Oh nasaan sya?"

"Ewan ko"

"Ikaw talaga HAHAHAHA nakakatawa ka, alam mo nung una kitang makita sa pinto alam ko na agad na baliw ka"

"Grabe ka sakin ha"

"Joke lang syempre, pero ganto, sige nga describe my future"

"Eh di nga kita kilala dun sa oras na yun eh"

"See! Paano mo mapapatunayan eh wala kang mapakitang evidence"

"Bahala ka, kung maniwala ka man o hindi, basta ang alam ko lang nagsasabi ako ng totoo"

Dirediretso lang sya sa pagtawa nya hanggang sa makarating kami sa farm, grabe andaming tanim na mais.

"Di ka pa ba tapos tumawa dyan?"

"HAHAHAA sorry sorry nandito na pala tayo"

Dumiretso kami sa bahay ng Lolo ni Kiefer, medyo di kalayuan sa farm.

"Lolo, nandito na po ako"

"Oh ikaw pala hijo, buti dumating ka na rin, Oh sino iyang magandang babaeng kasama mo?"

Ay bet ko si Lolo, tinawag akong maganda hehehehe.

"Maganda? Ah si Elise ba" Sabay turo sa aso na nasa tabi nya. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Ahm Hello po, ako po si Mary Ann, Nice to meet you po" sabay nagmano ako.

"Boyfriend mo ba ang apo ko?" bulong niya saakin.

"Nako Hindi Po!!" sabay na sigaw namin ni Kiefer, anlakas naman ng pandinig neto. Tumawa naman si Lolo saaming dalawa.

Pinaupo nila ako saglit sa may sala at dinalhan naman ako ni Kiefer ng Juice, habang kinakausap nya ang kanyang Lolo.

Hindi ko masyado marinig ung pinaguusapan nila, nahihiya naman akong lumapit kaya hinintay ko nalang sila.

Natapos ang paguusap nila after 15mins siguro, tapos pinaliwanag din sakin ni Kiefer na tutulong kami sa Lolo nya sa pagaani ng mga mais.

"Sasama Lolo mo?"

"Oo naman syempre, why?"

"Wala lang, hindi ba sasakit katawan nya?" Medyo may edad na kasi ang itsura ni Lolo kaya baka magkasakit sya.

"That's Fine, isa pa sanay na sya rito noh, bago ka pa pinanganak ginagawa nya na to"

Kumuha kami ng mga gamit sa maliit na tambakan nila bago kami pumunta sa taniman nila ng corn.

"Andami neto ah, lahat na ba yan pwede nang iharvest?"

"Let's see.."

"Huh paano?? saka syempre tuturuan mo pa ako kung paano iharvest yan"

"Makikita mo dun sa Tassels nila kung pwede mo nang iharvest"

"Tassels ano un?"

"These are Tassels" sabay turo sa parang pollen sa ibabaw ng halaman ng corn.

"Oh ano meron dyan?"

"When it turns brown, dun pwede mo na iharvest like this one!"

"Ohh, sige tara!" sabay lapit ko dun sa may hinahawakan nyang halaman.

"Ops wait, before you do that, ichecheck mo pa mismo yung ihaharvest mo?"

"Check ulit?"

"Tingnan mo kung yung corn, naglalabas ng fluid"

Tinesting ko naman yun sa Corn na malapit sakin at mukhang matured na naman toh at pwede nang iharvest.

Hihilain ko na sana pero tinapik nya yung kamay ko.

"Aray grabe, ano meron"

"You're doing it in a wrong way"

"Huh?"

"Bago mo sya I-pull, You need to twist it first"

Dinemonstrate naman nya sakin, tapos nakuha nya na ung Corn.

"Akin dapat yan eh"

"Marami naman dyan eh, try mo doon sa isa"

Nagawa ko naman sya nang maayos, sinunod ko naman yung mga utos nya, medyo natuwa ako sa pagkuha ng mga mais na toh, di biro kasi mainit pero syempre nakakagutom tingnan.

"Ah sya nga pala, mahirap ba magpatubo nito?"

"Siguro, kasi kelangan nasa mainit itanim para mas maganda yung mahaharvest mo at isa pa, ang alam ko around 60-80 days before ito mag mature"

"Grabe ganun katagal?"

"Oo saka ang mahirap kapag may bagyo or maulan, baka matumba yung halaman, masisira yung mga crops"

"sayang naman yun, edi anong gagawin nila?"

"wala, maghihintay sila tumila yung ulan tapos kapag maayos ayos na yung panahon magtatanim ulit sila"

"Ang tiyaga naman nila"

"Sya nga pala, make sure you follow those procedures ha, kasi mamaya paghinila mo lang at di mo twinist, masisira yung halaman"

Tumango naman ako, halos tatlong ras mahigit na rin kami naghaharvest at medyo napagod na yung katawan ko kaya nagpahinga na muna kami sa may punong mangga malapit sa farm.

"Oh heto oh, uminom ka muna ng tubig" sabay abot saakin ng tubig na sobrang lamig, ininom ko naman agad kasi grabe nakakapagod.

"Is it Fun?"

"Siguro.. Grabe pala noh, ang hirap nung mga ginagawa ng mga farmers, samantalang dun sa time namin, yung mga ganyan minsan nasasayang"

"Nasasayang? Bakit naman?"

"I mean, hindi naman natatapon o ano, pero ang mura lang kasi itinda yung mga ganyan, pero sobrang hirap iharvest o kunin, parang ang unfair lang tingnan, yung iba porke maraming pambili ng pagkain, kain lang sila nang kain, di nila iniisip na may mga taong naghihirap para lang dun"

"Eh nagbabayad naman sila diba?"

"Oo, pero syempre bibihira lang kasi ung nakakaappreciate sa mga farmers.. yung hirap na pinagdadaanan nila para lang may makain tayo, kahit na binibili pa natin, kung di nila ginagawa yun, wala tayong mabibili"

"You have a point, siguro ganun lang talaga, You would not appreciate things if you don't work hard for it"

"Kaya mamaya, Let's eat some corns!" ngumiti sya sabay himas sa ulo ko, ginawa ba naman akong bata.

Natapos na rin namin ang paghaharvest kaya dumiretso na rin kami sa bahay ng Lolo nila.

"Maraming salamat sa tulong mo hija, napadali ang pag-aani ng mais ngayon" sabi ni Lolo

"Wala po iyon Lolo..."

"ano nga palang pangalan ng Lolo mo?" bulong ko kay Kiefer na nasa tabi ko.

"Lolo Menard, Lolo Nard nalang tawag mo" bulong din nya.

"Salamat din po Lolo Nard hehehe"

Maggagabi na rin kaya naglakad na rin kami pauwi, pero bago kami umalis binigyan kami ng tig-isang plastic bag na punong puno ng mais, grabe andami kong makakain, nagpasalamat naman ako kay Lolo Nard at gusto nya pa akong makabalik, pero sa totoo lang hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa oras na ito.

"Are you going home?" tanong ni Kiefer habang naglalakad kami palapit sa bahay nila.

"Oo syempre, gabi na noh"

"Hatid na kita" sabi nya, at nagulat naman ako.

"Grabe, di na ako bata noh, di na kailangan"

"Even tho you're not a kid anymore, babae ka parin, saka gaya nga ng sabi mo gabi na, it's not safe"

"Ikaw bahala" sabay ngiti ko naman sakanya, ngayon lang ako naging komportable sa isang lalaki, ewan di ako sanay na may lalaking kaibigan eh.

"Teka daan muna tayo sa bahay, may gusto pala akong ibigay sayo"

"Oh ano yun?"

"Basta" Dumiretso naman sya sa loob ng bahay nya at naghintay naman ako sa labas ng pintuan ng bahay nila.

Narinig ko ang boses babae, na siguro mama ni Kiefer. Maya maya medyo nahilo ako, medyo nagdidilim yung paningin ko siguro napagod ako masyado sa paghaharvest kanina.

Napaupo ako sa harap ng pintuan nila at napasandal ang ulo ko sa may pinto at napapikit nalang ako.

Ang nasa isip ko lang, kung panaginip man toh, ito ang pinaka nakakapagod na panaginip na napanaginipan ko, pero masaya sya, napakamakatotohanan na pati katawan ko ramdam kong nakakapagod, saka kung sakaling pinagtitripan lang talaga ako ni Sally, sana makabalik pa ulit ako sa Panahong ito, masaya kasi eh.

"Mary Ann, Mary Ann?" Nakapikit parin ako pero rinig ko ang mahinang boses na iyon na parang bumubulong sa akin.

Pero hindi ko madilat ang mga mata ko. Anong meron? Anong meron? patay na ba ako, grabe naman ang aga!