Naglalakad na kami pauwi at bigla nyang sinabing ihahatid nya ako sa bahay. Medyo maggagabi na rin kasi, pero anlapit din naman ng bahay ko kaya tumanggi ako kaso nagpumilit sya kaya um-oo nalang din ako.
Tahimik lang sya sa buong paglalakad namin, hindi sya gaanong nagkukwento, siguro napagod sya sa paglalakad, nahihiya rin naman akong magumpisa ng conversation...
Hanggang sa makarating na kami sa bahay.
"Ayoko muna pumasok sa bahay, umuwi ka na Kiefer, salamat nang maramii" Sabi ko.
"Oh edi saan ka?"
"Doon muna sa may Kubo" sabay turo sa kubong pinagtambayan ko kaninang madaling araw.
"Can I join you?"
"Hmmm, ikaw bahala, pero gabi na di ka pa ba inaantok or napapagod man lang, sa hinaba haba ng nilakad natin"
"Makakapagpahinga din naman ako kapag umupo ako dyan, kaya ayos lang"
"Nasaan ba ang mga magulang mo?"
"Pwedeng maupo muna tayo doon?" sabay napakamot sya ng ulo. Natawa naman ako, siguro pagod talaga sya tinatago nya lang..
Pumasok kami sa maliit na kubo na yun, at napansin kong may switch pala ng ilaw. Pinindot ko iyon at nagkaroon ng ilaw, wow ang ganda para kaming nasa Resort HAHAHA.
"Dito ka ba tumatambay palagi?" Tanong niya.
"Minsan nga lang eh, kasi medyo busy sa bahay"
"Oh, bakit ngayon? Hindi busy?"
"Hindi eh.. sana nga.. Busy na lang ulit"
"Ahhh, ganun ba wag ka mag-alala kung ano man yang problema mo, maayos din ang lahat" Nginitian ko naman sya pero sa totoo lang nakakalungkot parin talaga.
"Oh sya, ako naman magtatanong, nasaan ba yung mga magulang mo?" tanong ko.
"Ahmm,, si papa nasa trabaho sa Cavite, meron silang project dun eh medyo matatagalan pa yata ng uwi"
"Ohh, edi sinong kasama mo dyan sa bahay nyu? Wag mong sabihing ikaw lang mag-isa?"
"Hindi naman, bumibisita minsan sina Lolo doon, kasama ang mga pinsan ko pero for now ako lang muna mag-isa"
"Buti hindi ka natatakot??"
"Natatakot saan?"
"Sa mga multo ganun HAHAHA"
"Bakit naman ako matatakot sa mga multo, sayo nga di ako natakot eh"
"Wow! Mukha ba akong multo ha?"
"Eh diba sabi mo ikaw si MS. TIMETRAVELER"
"Hmm parang ganun pero parang hindi"
"What do you mean?"
"Ano na bang Date ngayon dito?"
"August 17 Bakit?"
"Anong year??"
"2018, bakit anong meron?"
"Ohh, parehas lang pala, kung ganun, nasaan ako?"
"Hindi nanaman kita maintindihan.."
"Kasi, akala ko nagtitime travel ako, pero hindi naman parehas tayo ng time dun sa panahon ko.. so hindi ko alam kung anong...." Bawal ko pala sabihing may powers tong kwintas ko.
"Anong ano??"
"Walaa.. Joke lang HEHEHEHE"
"Hayss, Baliw ka na talaga" Sabi niya.
Sorry Kiefer.. kung pwede ko lang sayo sabihin eh kaso ayaw ko namang madamay ka pa..
"Alam mo kanina napaisip ako" Bigla nyang sabi.
"Napaisip ng alin?" sagot ko naman.
"kasi diba, nito lang tayo nagkakilala pero ang gaan na ng loob ko sayo.."
"Oh?" Napangiti naman ako.
"Teka bat ka namumula?"
"Sino?? Ako?? Hindi ah!!"
"Wehh nagba-blushh syaaa"
"Baliw ka.. natutuwa lang naman ako na kahit paano, may nakakausap ako"
"hmmm, bakit wala ka bang kaibigan sa kung saan ka galing?" Tanong niya.
"Meron naman, sina Jeric, Sally, saka si Czarina"
"Oh bakit? Hindi ka ba nagkukwento sa kanila?"
"Gusto ko nga sana magkuwento sa kanila ng mga problema ko kaso.."
"Kaso??"
"Kaso kasi, naiisip ko, may sarili rin silang buhay, may sarili silang problema, tapos makikisabay pa ako"
"Ahh, alam mo Mary Ann, kahit na ganun magsabi ka parin, kasi yang mga kaibigan mong yan sure ako hinihintay ka lang nila mag-open up. Sure ako na kahit may mga problema sila, gagawa at gagawa sila nang paraan para maging okay ka, para mapanatag yung loob mo.. diba? that what friends are for.."
Tumatango tango lang naman ako at nakatitig lang ako sakanya habang pinakikinggan yung mga sinasabi nya.
"Kasi Mary Ann, sa mundong toh, ewan ko kung ganto rin sa mundo nyu.. sa mundong toh, wala naman sigurado.. hindi porque problemado ka ngayon, problemado ka na habang buhay.. wala namang constant eh, wag ka matakot magshare ng problema mo.. kasi imaginin mo may hawak kang mabigat na bagay sa left hand mo like 5 kilong bigas ganun, tapos bigat na bigat na yung left hand mo.. syempre ang pinakamagandang gawin is tulungan ng right hand mo yung left hand mo, kasi mas gumagaan sya.. ganun din naman sa problema, kapag shinashare mo, hindi mo man napapansin, mas um-ookay ka"
"Hmmm, alam mo.. bat andami mong alam HAHAHAHA" sagot ko, natawa rin naman sya at napakamot sya sa ulo nya.
Mga isang oras kaming nandun sa kubo na iyon habang pinagmamasdan ang langit, ang mga bituin na nakapalibot saamin na para bang tinititigan lang kami.
"Napasobra na yata ako sa labas ng bahay" Sabi niya.
"Umuwi ka na kasi, sabi sayo eh"
"Sana sa mga napagusapan natin, naging magaan yung pakiramdam mo, saka pwede ka rin magsabi saakin ha, wag ka mahiya sakin nukaba nakikain ka nga sa bahay namin nung una palang kitang makita eh"
"Salamat nang marami, nako kalimutan mo na un"
Nagpaalam na sya saakin at dumiretso na sya pauwi ng bahay nila, samantalang ako heto mag-isa sa kubo, umaasang mababalik pa ung nakaraan, umaasang panaginip nalang ang lahat ng nangyari.
Napatitig ako sa kwintas nang saglit. Hinawakan ko ito at pumikit.
"Salamat sayo, kahit papaano dito sa kung nasaan man ako, nagiging kalmado ang pagiisip ko" bulong ko rito na para akong baliw.
Maya maya ay pumasok na ako sa kwarto, hindi ko paring mapigilang umiyak sa tuwing naiisip ko na wala na si Lola, kasi iniisip ko parin na nasa kabilang kwarto lang sya.
Naramdaman kong may kumakagat na lamok sa paa ko kaya agad akong napabangon.
Nakatulog pala ako..
Medyo umaga na at may pasok pa ako pero wala akong balak na pumasok,, bukod sa hindi malinaw ang isip ko, ay may kailangan pa akong gawin.
Bago pa man ako nakabangon, naalala ko ung panaginip ko,, nasa isang lugar daw ako, parang school sya tapos may kausap ako.. hindi ko masyado matandaan yung mukha nya, tindera sya dun sa school, napansin nya na namamaga yung mata ko, tinanong nya ako bakit pero hindi ko naman sinagot.
Ang payo nya lang sakin 'kahit ano mang hirap ang nararanasan mo ngayon, lahat ng iyan magiging lesson mo in the future'
Tapos umiyak daw ako, yun lang ung natandaan ko. Pamilyar yung mukha
parang nakita ko na sya noon sa kung saan pero hindi ko talaga matandaan.
Anyway.. wala akong magawa, hindi rin naman ako makapunta kina Sally kasi sigurado pumasok yun ngayon. PERO TEKA..
Agad akong lumabas nang bahay para pumunta sa bahay nila Sally, gusto ko kasing icheck kung nakabalik na ba ako sa panahon ko.
bago pa man ako makapasok sa bahay nila Sally, nakita ko na agad sya doon sa may bakuran nya, na may kausap.
"May pasok ah, bakit sya narito?"
Agad naman akong lumapit at napansin kong ang kausap nya ay si Jeric.
"Oh anong ginagawa mo rito Mary Ann?" Tanong ni Sally.
"Bakit nandito kayo??" Tanong ko.
"Oh, Hi Mary Ann" Bati naman ni Jeric saakin.
"Hello.. Bakit hindi kayo pumasok?"
"Hindi muna pinapasok yung mga estudyante may importanteng meeting daw yung mga master teachers sa buong region natin at yung school daw ang gagamitin na venue" Sagot naman niya.
"Ahh, buti nalang.."
"Hindi mo ba alam Mary Ann?" Tanong ni Sally.
"Hindi eh, wala namang nagsabi saakin"
"Nagtext ako sayo ah, at hindi ka ba tinawagan ng school?"
"Weh??" Agad ko namang kinapa yung phone ko sa bulsa ko pero mukhang naiwan ko.
"Hindi ko siguro napansin kasi tulog ako"
"Ang kwento saakin nitong si Sally, pumanaw na raw ang lola mo Mary Ann?" Tanong ni Jeric.
"Oo eh"
"Condelence sa iyo girl"
"Salamat Jeric"
"Kailan daw ibuburol?"
"Hindi ko alam eh, pero ang sabi ipapa-cremate daw siya bukas"
"Ah ganun ba" Tumango na lamang ako.
"Oh ikaw Mary Ann, bakit ka nandito? Di mo pa sinasagot yung tanong ko" Sabi ni Sally.
"Ahh wala naman, nangungumusta lang ganun"
"Maupo ka rito, sakto dumating ka, pupuntahan ka na sana namin eh" Paanyaya ni Sally.
"Oh bakit naman?"
"Pakita mo Jeric, pakita mo" Biglang sabi ni Sally kay Jeric.
Inilabas ni Jeric ang mula sa bulsa nya ang isang bagay. Isang Kwintas.. kwintas na may Moon na pendant hindi kaya ito ang..
"Eto na yun Mary Ann, Eto na yun!" Excited na excited si Sally.
"Yan na ba ang pangatlong kwintas??"
"Oo!! At ang yan ang makatutulong sayo!"
"Huh? Teka Jeric, kwento mo anong powers nyang sayo" Sabi ko.
"Yun na nga ang sinasabi ko kanina kay Sally, pwede kitang matulungan tutal may kapangyarihan tong kwintas na ito na magpunta sa kabilang buhay" Sagot naman ni Jeric.
"sa Heaven??"
"Hindii,, kasi ganto.. bago pumunta sa Heaven or sa Hell ang mga kaluluwa nagsstay muna sa AfterLife na tinatawag, para syang island na puno ng mga kaluluwa. Nagsstay dito yung mga kaluluwang may mga kailangan pang gawin, mga kaluluwang hindi makamove on at mga kaluluwang hindi matanggap yung kamatayan nila. Mahigpit ang bantay dito, mismong Death ang nagbabantay dito, may mga ibang nakakatakas at napupunta sila rito sa Mundo pero hindi rin naman sila nagtatagal"
"So ibig sabihin nandyan pa si Lola at pwede ko pa syang makausap?"
"Exactly!"
"Paano kung umakyat na si Lola or umalis na sya sa Island na sinasabi mo?"
"Kakamatay lang ng Lola mo diba? Hindi pa sya pwedeng makaalis dun hangga't hindi pa umaabot yung stay nya dun sa island ng 40days"
"So pwede na tayong pumunta ngayon na?"
"Oo naman kung gusto mo at kung ready ka nang makausap ang Lola mo" Napaluha ako nang marinig ko ang mga iyon. Sobrang saya ko na makakausap ko na ulit si Lola, ang dami ko pang kailangang itanong sakanya.
Pupunta sana kami sa may Treehouse pero ang sabi ni Jeric may isang lugar daw na mas prefer nyang pasukan.
Naglakad kami papunta sa lugar na sinasabi nya.
Habang naglalakad ay nagtatanong ako kay Jeric ng kung ano-ano.
"Uy Jeric totoo ba yung Reincarnation?"
"Reincarnation? Nakadepende yun sa kaluluwa kung gusto nyang mareincarnate o gusto nya nang magpahinga"
"Paanong nakadepende?" Alam kong marami akong tanong pero napapansin kong si Sally tahimik lang na nakikinig saamin na parang may kakaiba.
"Kasi diba, may pagkatapos ng 40days, pwede silang mamili kung dadaan ba sila sa Tulay ng Reincarnation, o dun sa Gate ng Heaven.. Dun sa tulay ng Reincarnation, habang tumutulay sila dun unti unting nawawala yung mga alaala nila hanggang sa makarating sila sa dulo nang wala nang alaala tapos dun sa sila marereincarnate, pero hindi sila sure kung magiging tao parin ba sila, swerte nalang nila kung ganun"
"Ahhh eh paano naman yung mga masasama, makakapasok ba sila dun sa Gate of Heaven kapag yun yung pinili nila"
"Hindi ko masyado sure kasi bibihira ako makarinig ng mga kwento tungkol dun sa Gate pero may mga nabalitaan ako na bago pa sila makapasok dun sa Gate, binibigyan muna sila nang Judgement kung karapat dapat ba silang makapasok dun o hindi"
"Ahhh kaya pala, so pag hindi mapupunta sila sa Hell?"
"Siguro, ayun malapit na tayo" Sagot ni Jeric sabay turo sa punong mangga sa di kalayuan.
Teka, pamilyar to ah, eto yung punong manggang pinagtambayan namin ni Kiefer.
Tumingin ako sa paligid pero hindi sya masyadong pareho dun sa lugar na iyon, hindi tinataniman yung lupa rito, medyo tuyo at yung bahay naman nina Lolo Nard ay isang tindahan.
Tumayo kami sa harap ng Punong Mangga.
"Mas madaling dumaan dito dahil mas malapit ito sa isla kesa sa ibang lugar at hindi na natin masyado kailangang maglakad" Paliwanag ni Jeric.
Agad niyang nilabas ang kwintas at hinubad, inilagay ito sa lupa. Maya maya biglang lumiwanag ang lupa at nagkaroon ng pintuan, para syang hidden entrance.
Binuksan ito ni Jeric at nagpakita ang isang hagdan pailalim, hagdan na hindi mo makita yung dulo, pero kahit na ganun hindi ako natatakot, hindi na kasi ako makapaghintay na makita ulit, mayakap ulit, at makausap ulit si Lola.
"Tara na" Pagyaya ni Jeric.
Habang pababa na kami papunta sa tinatawag nilang Island of AfterLife.. yun ba yung pangalan nun. ewan yun yung natandaan ko kaning sinasabi ni Jeric eh.. Basta.. Naeexcite na ako kaya medyo bumibilis ang tibok ng dibdib ko.
Malapit na Lola, Malapit na..