Chereads / Dimension Between Us / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

Madilim, masyadong madilim..

Malamig, lamig na parang hihiwalay yung sarili mong kaluluwa sa katawan mo..

"Ang creepy naman dito Jeric" Sabi ko.

Tumango lang naman siya.

"Lagi ka ba rito? I mean, lagi ka bang bumibisita rito, nakakatakot dito buti nakakayanan mo"

"Medyo, kasi alam mo na gusto ko rin makita yung ibang pamilya ko na napunta na rito"

"Ikaw Sally hindi ka ba natatakot?" Tanong ko kay Sally na hanggang ngayon tahimik parin pero bakas sa mukha nya yung kaba.

"Oo naman Mary Ann" Sabay ngiti.

"Nasaan na pala yung kwintas mo Jeric?"

"Nagsstay yung kwintas dun sa pinto kung saan tayo pumasok, at hangga't kasama nyu ako, makakabalik tayo doon nang walang problema"

"May chance ba na matrap tayo rito?" Tanong ko.

"Siguro, hindi ko sure eh"

"Anong mangyayari saatin kapag kunwari na trap tayo rito sa AfterLife?"

"Siguro mamamatay tayo?"

"Eh diba yung katawan natin kasama parin dito, paano yun?"

"Hindi kita magets" sabi ni Jeric sabay tawa.

"Kasi diba, pupunta tayo sa Island na kung saan puno ng kaluluwa, tapos hindi na tayo makaalis dun, anong mangyayari sa katawan natin, kung sinabi mong mamamatay tayo?"

"Hindi ko masyado maintindihan yung tanong mo pero, kung sakaling matrap tayo doon, yung katawan natin unti unting matutunaw hanggang sa kaluluwa nalang natin ang matira"

"iiiii ang creepyyy!"

Halos 30minutes na kaming naglalakad pero wala akong nararamdamang kahit na anong pagod. At hanggang ngayon hindi ko parin makita ang dulo ng hagdan na ito.

"Malayo pa ba tayo Jeric?" Tanong ko.

"Malapit na tayo, medyo nakikita ko na yung Fog nung Island"

"Ano bang meron sa Island na yun?"

"Para lang syang ordinaryong Island sa mundo natin, pero ang pinagkaiba lang, mas masaya dun"

"Mas masaya saan?"

"Doon sa AfterLife Island"

"Oh bakit naman??" Tanong ko.

"Mas malaya kang gawin yung gusto mo, pero syempre may Limit, walang magjujudge sa kung anong gagawin mo, hindi ka nila papakealaman sa kung ano man"

"Yung mga ibang kaluluwa?" tumango naman siya bilang pagsang-ayon.

Maya maya napansin ko na ang dulo ng hagdan.

"Malapit na yata tayo" Ang sabi ko.

Dinalian ko na ang pagbaba nang hagdan dahil bukod sa natatakot na ako eh naeexcite na rin akong makausap si Lola.

Lumabas kami sa isang kweba at bumungad saamin ang isang malawak na ilog, o dagat na yata toh. Basta malawak sya medyo madilim pero sa di kalayuan ay may isla, yun na yata yung isla na sinasabi ni Jeric.

"Ahmm, paano tayo makakatawid nyan?" Tanong ni Sally.

"Merong bangkang maliit sa may di kalayuan, yun ang madalas kong ginagamit sa pagpunta doon"

"Kanino naman yun?" Tanong ko.

"Binigay yun saakin ng isang kaibigan ko rito, basta ang importante makapunta tayo doon"

Naglakad kami at sumakay sa sinasabi niyang bangka, hindi ako marunong magsagwan kaya si Sally at si Jeric nalang ang nagsagwan.

Sinubukan kong itry magsagwan pero umaatras kami kapag ginagawa ko yun eh.

"Sya nga pala Jeric, bakit ka pumupunta rito? May binibisita ka ba ganun??" Tanong ko, Oo alam kong marami akong tanong HAHAHAHA pero kasi ang gulo eh saka marami akong gustong malaman.

"Ahh, kapatid ko"

"Kapatid mo? Namatay?? Kailan?"

"Magiisang linggo na, pagkauwi ko pagtapos natin kumain dun sa Mcdo"

"Ahhh, kaya pala medyo iba yung aura mo ngayon" pagsingit ni Sally sa usapan.

"Ibang aura??" Tanong ko.

"Kasi diba nung una natin syang makita, malamya sya kumilos kaya nahulaan natin na bakla sya, pero ngayon hindi sya ganun eh"

"Ah yun ba ewan ko rin eh" Sagot naman ni Jeric.

Habang palapit kami nang palapit sa isla, nakikita ko yung mga Black na Shadow na paikot ikot sa isla.

"Ano yung mga yun?" Sabay turo ko doon sa mga Black Shadow.

"Sila yung tinatawag dito na Black Guard"

"Guard?? akala ko ba si Death yung nagbabantay dito?"

"Part nya yang mga yan, kasi minsan si Death naglilibot sa mundo natin para sunduin yung mga kaluluwang hindi alam kung saan pupunta"

Sa totoo lang nakakatakot silang tingnan kahit na wala silang mukha or kahit ano, shadow lang pero ang creepy sobra!

"Hindi ba nila tayo nakikita?" Tanong ni Sally.

"Hindi siguro, or baka hindi lang talaga tayo nila pinapansin kasi may mga katawan tayo at hindi naman talaga tayo taga-rito"

Maya maya ay bumaba na kami sa bangka, at nagsimulang maglakad lakad.

Pinagmamasdan ko yung paligid, madilim, nakakatakot tingnan pero ang kalmado nang paligid. Yung ilaw lang makikita mo, is yung mga ilaw sa puno na hindi ko maexplain kung bakit umiilaw.

Para ka lang naglalakad sa Probinsya nang sobrang gabi ganun, konti lang yung ilaw at walang masyadong tao.

Maya maya ay nakakita kami ng mga kaluluwang naglalakad sa may bandang harapan namin.

Parang tao lang din naman sila, kaso nga lang iba yung feeling kapag nakikita mo sila, parang kinikilabutan ka na ewan, parang maiihi ka nang hindi mo inaasahan.

Naglakad kami papuntang Plaza dahil ang sabi ni Jeric dun daw madalas nagpupunta yung nga kaluluwang bago lang sa lugar na ito, Wow ha may pa-Plaza ang AfterLife.. yung Plaza kasi dun sa lugar namin ginawang Subdivision ewan ko ba.

Habang palapit kami nang palapit dun sa sinasabi ni Jeric na 'Plaza', padami nang padami yung mga kaluluwa na naglalakad sa paligid namin, at halos kanina pa nakatayo yung mga balahibo ko sa sobrang kilabot.

"Ahmm Jeric, sasaktan ba nila tayo?" Tanong ko.

"Hindi noh, gaya nga ng sabi ko, hindi nila tayo papakealaman"

"Makakakita ba tayo rito ng mga nakakatakot na kaluluwa gaya ng Pugot yung ulo, Tanggal yung kamay or kung ano man na ganun, kasi kung oo hindi ko alam kung kakayanin ko pa baka anong oras mahinatay ako rito"

"Walang ganun dito, alam mo siguro kakapanood mo yan ng mga Horror Movies eh, yung mga multo dun syempre nakakatakot, pero kasi yung mga multo naman nananakot lang sila kapag ikaw mismo yung nangambala sakanila or may ginawa kang hindi maganda sa kanila.. dito wala kang makikitang ganun, kasi lahat dito maayos yung itsura, para lang silang tao" Paliwanag ni Jeric.

Medyo napakalma ako nang konti dun sa mga paliwanag nya.

"Btw, nakalimutan kong itanong kanina, sorry kung medyo makulit ako ha, condelence sa kapatid mo, pwede ko bang malaman kung paano sya namatay?"

"Pagkadating ko kasi sa bahay nung araw na iyon, ang sabi sakin sinugod daw sya sa ospital tapos pagpunta ko roon wala na sya"

"Sorry sa pagtatanong.."

"Ayos lang yun, wala na saakin yun ang importante nabibisita ko sya kahit papaano"

Tumigil kami sa paglalakad nang makarating kami sa tapat ng isang malaking puno na punong puno ng ilaw. Ang mga sanga, pati yung mga vines, umiilaw kaya sobrang liwanag.

Halos marami rin ang mga tao sa paligid, i mean.. mga kaluluwa pala.

"Nandito na ba tayo?" Tanong ni Sally.

"Oo, tumingin tingin nalang kayo sa paligid hanggang sa makita nyu yung lola mo Mary Ann" Sagot ni Jeric.

Napaupo ako sa gilid nang puno at tinitingnan yung mga dumadaang kaluluwa sa paligid, hinahanap ko si Lola.

"Pupuntahan ko na muna yung kapatid ko, may tambayan kasi sya rito, hintayin nyo nalang ako hanggang sa makabalik ako rito. Sana pagbalik ko nakausap mo na sya Mary Ann" Sabi ni Jeric.

Tumango naman ako at nagpasalamat, saka nagpatuloy sa pagtitig ng mga mukha ng mga kaluluwa. Ang weird ako mismo tumitingin ng mukha nila, medyo nakakakilabot pero hindi ko na iyon pinansin.

Ilang minuto rin kaming naghahanap halos kalahating oras na pero hindi ko pa nakikita si Lola. Nandito ba talaga sya??

Bigla akong kinalabit ni Sally, kaya nagulat ako.

"Mary Ann, Mary Ann!! Lola mo iyon diba?!" sabay turo sa sa isang kaluluwang nakaupo sa upuan sa may di kalayuan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang titigan ko yung kaluluwang iyon.

"SI LOLA NGA!!"

Naluha nalang ang mga mata ko nang makumpirma kong sya nga, hindi na ako nagaksaya pa nang oras kaya tumakbo na ako dun, habang sumunod naman si Sally saakin.

Habang palapit ako nang palapit sa kanya hindi ko mapigilang umiyak, hindi dahil sa nalulungkot ako, kundi dahil nakita ko na sya.

"Lola..." Tawag ko habang umiiyak ako, halos nagka-crack ang boses ko dahil.

Napansin kong nagulat naman siya at napalingon.

"Oh ikaw pala apo" Nawala ang kabang nararamdaman ko nang sinabi niya iyon at bigla ko nalang siyang niyakap, at umiyak sa kanyang mga balikat.

"Alam kong darating ka.." Sabi niya.

Hindi ako makapagsalita at sobrang higpit lang nang yakap ko sa kanya.

Maya maya ay pinaupo niya ako sa tabi niya, tumabi rin naman si Sally.

"Nahanap mo na pala ang kwintas, apo"

"Opo Lola" Sagot ko sabay pakita ng kwintas sa kanya.

"Siya po pala si Sally, at nasa kanya ang isang kwintas, ang sabi po ng kanyang mama, magkakilala raw kayo"

"Ahh kaya pala, kamukha ka ni Carmen, at oo apo, magkakilala nga kami sya ang nagbigay saakin nang kwintas na iyan"

"Lola, bakit po hindi mo sinabi na may power yung family natin? Na may powerful na kwintas ka Lola.. bakit hindi mo naikwento saakin"

"Hindi mo pa kasi maiintindihan iyon, pero ngayon na nasa sa iyo na iyan mas madali nang maexplain, sya nga pala, nahanap nyu na rin at nakilala ang tagapag-alaga sa pangatlong kwintas"

"Opo Lola, si Jeric, sinamahan nya kami rito para makausap ka namin"

"Mabuti iyan, ano ba ang gusto mong malaman?"

"Lahat po Lola, Lahat ng importanteng bagay tungkol dito"

"Kung gayon apo, handa ka na dapat marinig kung bakit ganun ang nangyari sa iyong mga magulang"

Napatigil ako at hindi ako nakasagot kaagad. May kinalaman pala itong kwintas na ito doon kina mama at papa.

"Kung kasama po talaga iyon Lola, sige po" Sagot ko.

"Ibinigay saakin yan ni Carmen noong nakita ko syang tumatakbo mula sa kung anong nilalang. Mula noon ay ako na ang nagtago ng kwintas na iyan, ngunit hindi ko sya magawang gamitin sapagkat hindi pa ako ang tagapag-alaga ng kwintas na iyan, Matagal ko iyang itinago sapagkat hindi ko rin naman alam kung paano iyan gagamitin, hanggang sa mapang-asawa ko ang Lolo Alfred mo at nakabuo na kami ng pamilya. Nabalitaan ko ring buntis si Carmen at lumipat na sila ng tirahan kaya't hindi na kami nakapagusap pa. Lumipas ang ilang taon na tahimik ang aming pamilya, nang isang araw habang ako'y naglilinis ng tahanan napansin kong hawak hawak ng iyong ina ang kwintas. Kukunin ko na sana ito ngunit bigla kaming napunta sa kung saan, nasa ibang dimensyon kami.. Kakaibang mundo ngunit magkaparehas ng kung anong meron sa mundo natin. Mahirap ipaliwanag ngunit natuklasan ko nalang na sya na ang tagapag-alaga ng kwintas. Nang sya ay magdalaga natutuhan nya kung paano gamitin nang maayos ang kwintas. Halos lagi niya itong ginagamit sa tuwing nagtatalo kami, at nais nyang tumakas mula sa mga sermon ng iyong Lolo. Hanggang sa isang araw nagkaroon sya ng nobyo sa ibang dimensyon, nalaman nalang namin ito nang sabihin nyang nagdadalan-tao sya, at ikaw iyong dinadala nya Mary Ann" Ang kwento saakin ni Lola.

Tumango lang naman ako, si Sally ay seryoso ring nakikinig sa kwento.

"Ngunit hindi maaring tumawid ang taga-ibang dimension papunta sa ating mundo dahil may masamang mangyayari, kaya hindi makapagdesisyon ang iyong ina kung saang dimensyon ka ipapanganak" Pagpapatuloy nya.

Grabe pala, hindi kung saang bansa ipapanganak pero kung saang dimensyon eh..

"Teka lola hindi ba namanhikan pa si Papa sa inyo?" Tanong ko.

"Oo, dahil gusto niyang patunayan na papakasalan nya ang iyong ina"

"Ahh kaya pala, tuloy mo na po Lola"

"Yun na nga apo, Hindi nila inintindi ang sinasabing masamang mangyayari, nagpunta sila sa mundo natin gamit ang kwintas, doon ka lumaki at kasama ako sa mga nagpalaki saiyo, nung mga unang taon ay maayos ang pamumuhay natin pero biglang nawala ang iyong ina nung kayo ay natutulog..."

Natatandaan ko iyon, bata pa ako noon, nagulat nalang akong wala si Mama sa tabi ko, umiyak pa ako noon dahil akala ko mawawala na talaga si mama, pero ang sabi ni papa sya na raw ang bahalang mabalik si mama.

"Kinuha ng mga masasamang nilalang ang iyong ina nung mga oras na iyon, sapagkat nalaman nila ang lokasyon ng iyong ina nang padaanin nya ang iyong ama papunta sa mundo natin.. Kaya nung araw na iyon gumawa ng paraan ang iyong ama, pagkabalik niya saakin, ikinwento nya na lamang na ang kanyang ginawa.. Sinabi niya na isinakripisyo ng iyong ina ang kanyang buhay para maprotektahan ang kwintas mula sa mga masasamang nilalang. Humingi raw siya ng tulong kay Benny, na tagapag-alaga ng kwintas na makakapagpunta sakanya rito sa kabilang buhay dahil dito raw naghihintay ang iyong ina ngunit hindi pumayag si Benny dahil ayaw nyang madamay. Kaya't wala nang nagawa ang iyong ama at ninakaw nya ang kwintas ni Benny, ginamit niya ito upang makausap ang iyong ina at mapabalik sa mundo ngunit hindi na ito maari pa, kaya't kinuha nalang niya ang kwintas at bumalik dito. Bago pa man sya umalis ay ibinigay nya saakin ang kwintas na akin namang itinago hanggang sa pwede mo na itong gamitin, yun yung oras na nagpaalam siya sayo dahil may sumpa ang kwintas, na kung sino man ang gagamit ng kwintas na may kapangyarihang pumunta sa kabilang buhay, maliban sa tagapag-alaga, ay mamamatay."

Napatulala nalang ako nang marinig ang kwentong iyon, sa sobrang tagal kong nagalit sa kanila, hindi ko man lang inalam yung tunay na dahilan kung bakit nangyari iyon..

"Nais daw ng iyong ina na mapasayo ang kwintas, gusto nyang magamit mo ito dahil wala na rin naman siyang magagawa para bumalik dito sa mundo natin"

Napapikit nalang ako..

Papa, Mama pasensya na kayo, kung matagal akong nagtanim ng sama ng loob sainyo.. Pero.. pero maraming salamat..

Niyakap naman ako ni Lola at sinabing..

"Huwag kang mag-alala apo, alam kong masaya na ang iyong mga magulang ngayon na nasa mabuti kang kalagayan, at saka huwag kang malungkot sa pagkawala ko.. Maayos na ako rito, sana'y maging maayos ka rin at maging masaya sa kung anong mayroon ka"

Napayakap ako nang mahigpit kay Lola, maya maya ay narinig kong tinawag kami ni Jeric.

"Mary Ann, Sally, halina kayo kailangan na nating bumalik"

Napalingon naman kami at nakita naming nagmamadaling tumakbo si Jeric at kasama nya ang isang batang kaluluwa.. iyon siguro ang kapatid niya.

"Sige na apo, kailangan nyo nang umalis"

"Jeric pwedeng ba tayong magstay nang kahit mga 30 minutes pa.. marami pa akong gustong itanong"

"Kailangan na nating umalis nasa panganib tayo" Pagmamadaling sabi ni Jeric, sabay hila sa kamay ko, sumunod naman si Sally saamin.

Kumaway nalang ako kay Lola, at nakita ko namang ngumiti si Lola saakin, kahit papaano nabawasan yung sakit na nararamdaman ko, kahit papaano naging malinaw saakin ang nangyari.

Habang tumatakbo kami papunta sa bangka ay narinig ko ang boses ng isang lalaki, na tumatakbo rin at parang sumusunod saamin.

"Jeric!! Jeric! Tumigil na kayo sa pagtakbo!! Ibalik mo na iyan saakin!!

Hindi ko masyado maaninag ang mukha nung lalaki dahil tuloy tuloy parin kami sa pagtakbo.

"Sino yung humahabol saatin?" Tanong ko.

"Isa yang Black Guard" Sagot ni Jeric.

"Pero mukha naman syang ordinaryong kaluluwa lamang, may kinuha ka ba sakanya Jeric??"

"Wala, wala" Sagot ni Jeric at ramdam ko sa kanyang sagot na pagod na syang tumakbo, at kinakabahan din siya sa hindi ko malamang dahilan.

Nakarating kami sa bangka at sasakay na sana kami nang biglang pinalibutan kami ng mga shadow, sila siguro yung mga Black Guard na sinasabi.. biglang nanlamig ang katawan ko, biglang nanlabo ang mga paningin ko at unti unting akong bumagsak at nahiga sa bangka.. ang huli kong nakita ay ang pagbagsak nila Jeric, at Sally sa tabi ko.

Parang hinihigop ang lakas ko ng kung ano..

Parang napupuno ng kalungkutan ang pagiisip ko..

Hindi ko alam ang nangyayari.....

At Hindi ko alam ang susunod na mangyayari saakin...