Chereads / Dimension Between Us / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

Medyo malayo pa ang bahay ni Sally mula sa Ospital pero wala na akong ibang maisip na paraan para maligtas si Lola. Kahit na sobrang pagod na ng katawan ko, dire-diretso pa rin ako sa pagtakbo.

Makailang beses din akong nadadapa at maraming nakakakita pero wala na akong pakealam basta makausap ko lang si Sally, nanghihina pa kasi ang tuhod ko sa mga nangyayaring toh.

Nakarating ako sa bahay ni Sally, agad kong kinatok ang pinto nila kahit na hinihingal pa ako nang sobra.

"Sally? Sally?! Nandyan ka ba, Please.." Agad naman akong nakarinig ng taong bumababa sa hagdan.

"Sino yan?" Narinig ko ang boses ni Sally, at bigla akong napaluha. Binuksan naman nya ang pinto at nakita nya akong umiiyak.

"Ohhh Mary Ann, gabi na ah bat ka pa nandito? Bakit ka umiiyak, hala anong nangyari??" Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nya.

"Tulungan mo ako Sally please,"

"Huminahon ka muna, anong nangyari?"

"Si Lola kasi... Wala na"

"Anoo, Halaa.. Bakitt??"

"Inatake sya sa puso, Sally ikaw lang ang makatutulong saakin, pabalikin mo ang oras.. please,, iligtas natin si Lola"

"Pero.."

"Pleasee Sally, wala na akong naiisip na paraan.. ikaw lang ang makatutulong saakin"

"Kung makatutulong ako edi sige, pero sana gumana" Agad naman kaming tumakbo papunta sa Tree House nya.

"Anong 'sana gumana'?"

Inilabas ni Sally ang kwintas nya at inihawak ang kamay ko doon.

"Kasi hindi natin dapat guluhin ang tadhana"

Sabay biglang lumiwanag ang paligid, muntik pa akong mabulag, nakalimutan kong pumikit.

Napahiga ako nang mapansin kong nagiba na ulit yung Ambiance ng place. Pero ansakit ng mata ko sa liwanag, medyo nanlalabo.

Medyo nagpahinga muna kami doon ng mga 15mins.

"Ano palang ibig mong sabihin Sally?"

"Kasi ganto, may mga bagay na di dapat natin pinapakealaman.. kahit na binigyan ako ng kapangyarihan makontrol yung oras may mga bagay na di ko dapat binabago, bale nandito lang ako para madama ulit yung mga bagay sa ikalawang pagkakataon"

"Ano bang mangyayari kung suwayin mo yun?"

"Hindi ko rin alam, pero kung buhay naman ng Lola mo ang kapalit, worth it naman siguro yun diba?" Wala na akong masabi pa, desperado na akong iligtas si Lola pero di ko naman gustong madamay si Sallu kung ano man ang mangyari.

Worst Case Scenario: kami mismo ang mamamatay, pero ayaw kong magisip ng Negative.

Medyo madilim pa pero nagmadali na kaming tumakbo papunta sa bahay ko.

"Teka wag tayo rito dumaan, sa kabilang daan tayo" sabi ni Sally.

"Teka? Bakit?"

"Hindi dapat tayo makita ng mga sarili natin, kundi magkakagulo yung timeline"

"Isang rule ulit?"

"Oo, yun yung pinakapinagbabawal na rule na hinding hindi ko pwedeng suwayin"

Umikot kami at dumaan kami sa may palayan, papunta sa likod ng bahay para walang makakita saamin.

"Nasaan ba tayo ng mga oras na ito?" Tanong ko.

"Tingin ko nandun tayo sa bahay namin, kasi diba nakita kitang nahimatay sa harap ng pinto namin, tulog pa ako ng mga oras na ito sigurado"

"Edi para saan pang nagtatago tayo"

"Oo nga noh"

"Niloloko mo nanaman ako eh"

Pumasok kami sa bahay at parang tulog pa si Tito John, dumiretso kami sa kwarto ni Lola.

Tiningnan ko ang orasan at 3 oclock palang ng umaga, maliligtas ko pa sya.

Tiningnan ko si Lola at parang maayos naman ang kalagayan nya.

"Gisingin mo na Mary Ann" Pagpilit sakin ni Sally.

"Paano ka?"

"Ako?? Bakit ako?"

"Paano kung mapahamak tayo, lalo ka na, ayokong madamay ka"

"wag ka mag-alala, kung maliligtas naman ang buhay ng lola mo ba't ako matatakot"

Hindi na ako nakipag debate pa at ginising ko na si Lola... pero bago ko pa sya mahawakan biglang umikot yung paningin ko at naramdaman ko ring nahimatay si Sally, nakita ko pa syang nakahiga sa may bandang pinto ng kwarto ni Lola bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko.

Eto na ba yun.

Patay na ba kami.

Eto na ba ang katapusan namin.

Hindi man lang namin nailigtas si Lola...

Hindi pwede, hindeee,,

Unti unti kong minulat ang mga mata ko, at parang nanghina ang katawan ko kaya hindi ako makatayo.

Napansin kong bumalik kami sa Tree House, at si Sally wala paring malay.

Sinubukan kong gumapang palapit sakanya, para gisingin sya.

"Sally, Sally, gumising ka..." Sinubukan kong imulat ang mga mata nya pero wala paring nangyayari.

Naghintay ako ng ilan pang minuto, at narinig ko ang paggalaw niya.

"Anong nangyari?" Tanong niya.

"Yun nga rin dapat ang itatanong ko" Napaaray siya bigla kaya nagulat ako.

"Bakit? Bakit? Anong masakit?"

Bigla nyang hinawakan ang balikat nya kaya gumapang ako palapit sakanya para tingnan iyon.

Nakita kong parang may paso na hugis bilog.

"Hala.. Sally ano toh, tumama ka ba sa kung ano?"

"Wala akong maalala basta ang alam ko nahilo ako at bumagsak"

"Para syang paso, baka dumikit ka sa kung anong mainit"

"Siguroo.."

"o baka yan yung kapalit ng pagsuway natin sa utos.. hindi kaya?"

"Siguroo.."

"Pasensya ka na Sally, wala na kasi talaga akong maisip na paraan, Sorryy, kung pwede lang mapunta sakin yang sugat na yan okay lang sakin eh"

"Hayaan mo na Mary Ann, masaya ako at nakatutulong ako sa ibang tao, lalo na sayo.."

Niyakap ko sya ng napakahigpit pero syempre iniwasan ko yung sugat nya.

Mahigit isang oras kaming nagpahinga sa Tree House.

"Oo nga pala, nasaan tayo?" Tanong ko.

"Tingin ko nasa kasalukuyang panahon tayo"

"Gusto ko talagang makausap si Lola, pero baka wala nang ibang paraan"

"Sorry Mary Ann"

"Ohh bakit ka nagsosorry, ako nga dapat tong nagsosorry sayo kasi dinadamay pa kita sa problema ko eh"

Napangiti naman siya at nagpasama syang pumasok sa bahay nila, kumain muna kami at nagpalakas, tumambay muna kami sa may balkonahe para makapagisip.

"Anong oras ba inatake sa puso yung Lola mo Mary Ann?" Tanong ni Sally.

"Ang sabi ni Tito, 4 daw"

"Anong oras niya nakita?"

"Hmmm, anong oras nga ba.."

"Teka lang" Nagulat si Sally nang bigla akong may naalala.

"Ano yun??"

"May sinabi si Tito, ako raw ang nagsabi sakanya na kung anong nangyari kay Lola"

"Hmmmm.." Tumango tango naman si Sally.

"So.. baka kailangan nating bumalik pero hindi para iligtas si Lola pero para ipagpatuloy yung mangyayari"

"May point ka dun, pero sure ka ba sa pinaplano mo?"

"Oo yun lang naman yung pwedeng nangyari nang mga oras na yun"

"So babalik ulit tayo?"

"Kaya mo na ba?"

"Oo naman"

Tumakbo ulit kami ni Sally papuntang TreeHouse para makapag TIMETRAVEL ulit.. sa isa pang pagkakataon..

Sa point na toh ipinikit ko na ang mga mata ko para naman hindi na ulit sumakit.

Naramdaman kong nakarating na kami sa ibang oras, kaya iminulat ko na ang mga mata ko. Dumiretso ulit kami sa bahay ko sa pamamagitan ng ibang daan. Sa likod ulit kami ng bahay dadaan pero bago pa man kami pumasok may narinig kaming gumagalaw sa loob ng bahay.

"Sino yun?" Bulong ni Sally.

"Hindi ko alam" Hinihinaan lang namin ang mga boses namin para wala talagang makarinig saamin.

"Nasaan ka ba ng mga oras na ito?"

"Hindi ko sure eh, siguro nasa kwarto nagpapahinga or naliligo na" Tumango naman si Sally, at naramdaman naming wala nang tao, kaya pumasok kami at dumiretso sa kwarto ni Lola nang dahan dahan pero bago pa man kami makarating sa kwarto ni Lola, napansin ko na nakasarado ang pinto ng banyo at tila may tao, so baka ako yun..

"Ikaw ba yung nasa banyo Mary Ann?" tanong ni Sally.

"Siguroo, yun nga rin yung nasa isip ko"

Nagtago naman kami sa sulok ng kwarto ni Lola, at hinihintay naming bumukas ang kwarto ni Tito John, ayaw muna naming katukin hangga't hindi pa nakakaalis yung 'AKO' sa mga oras na ito.

Medyo naluluha parin ako kapag tinitingnan ko si Lola na hindi na gumagalaw, lalo pa't alam ko kung anong nangyari sakanya.

Nagtingin tingin ako sa paligid ng kwarto ni Lola para medyo umayos ang pakiramdam ko saka kasi bibihira lang ako makapasok dito, kasi laging tulog si Lola at ayaw naming istorbohin ni Tito.

Napansin ko yung mga Collection nya ng Souvenirs mula sa iba't ibang lugar, merong souvenir mula sa Cebu, meron sa Pangasinan, meron din galing sa Manaoag at marami pang iba. Napansin ko yung Souvenir galing sa Baguio, ito pala yung binili ni Papa para kay Lola nung mga panahong namamanhikan pa siya para sa kamay ni Mama.. nagulat kami nang biglang bumukas ang pinto sa banyo at bigla naman akong hinila ni Sally papunta sa sulok ng kwarto dahilan para malaglag yung souvenir na hinawakan ko.

"Hala, narinig mo tayo" Halatang kinakabahan si Sally.

"Huh??"

"Anong gagawin natinn.. hindi pwedeng makita mo tayo" Naririnig kong palapit nang palapit yung 'AKO' sa panahong toh sa kwarto at baka makita kami.

"May cellphone ka?"

"Oo, lagi kong dala pero hindi ko masyado ginagamit, bakit?"

"Basta ilabas mo, tawagan mo yung telepono namin" Nagmadali naman siyang ilabas yung cellphone nya para matawagan yung telepono.

"Anong number mo?" Kinuha ko naman ang cellphone at tinype ang number ng telepono.

Narinig ko namang nagring yung telepono sa labas ng kwarto.

"Teka Mary Ann, anong sasabihin ko"

"Kahit ano, ikaw na bahala" Narinig kong hindi na nagriring ang telepono, malamang sinagot 'KO' na iyon.

"Hello si Sally ito, Daanan mo ako sa bahay, sabay na tayo pumasok" Pabulong na nagsasalita si Sally sa telepono habang nakasilip ako kung pwede na kaming lumabas, maya maya nang mapansin kong medyo malayo 'AKO' hinila ko si Sally papuntang CR, at agad naman niyang pinatay yung call sa cellphone.

Nakasiksik kami sa likod ng pinto kasi hindi namin sinarado baka maghinala 'AKO'.

Naramdaman kong pumasok 'AKO' sa kwarto ni Lola, baka eto yung time na inayos ko yung souvenir pero bat di ko naalala na napakaimportante pala nung souvenir na yun.. sobrang gulo kasi siguro ng utak ko kaninang umaga.

Maya maya sumara yung pinto ng bahay, malamang umalis na 'AKO', lumabas kami ng CR st tumingin sa bintana para siguraduhin kung umalis na ba talaga 'AKO'.

"Wala na ayos na" Sabi ko kay Sally.

"Tara na sabihin na natin sa Tito mo ang nangyari sa Lola mo" Nagtago naman si Sally sa labas ng bahay kasi baka maghinala naman si Tito, agad ko namang kinatok ang kwarto ni Tito.

"Sino iyan??" tanong ni tito.

"Tito si Lola, Tito..." Napaluha nalang bigla ang mga mata ko nang sinabi ko ang mga salitang iyon.

Agad naman binuksan ni Tito John ang pinto.

"Bakit anong nangyari sa Lola?"

"Hindi na sya humihinga" tuluyan nang bumuhos ang mga luha sa mga mata ko habang nakikita kong sinusubukan gisingin ni Tito si Lola.

"Tumawag ka ng ambulansya dalian mo Mary Ann" Nagpanic na nang tuluyan si Tito pero tuloy parin sya sa paggising kay Lola, umiiyak na si Tito kaya hindi ko na mapigilan ang iyak ko.

Tumawag naman ako ng ambulansya,

at ilang saglit pa ay dumating na ang ambulansya at dali dali naman nilang ipinasok si Lola sa Ambulansya, hindi na ako sumama ang sabi ko nalang maglalakad nalang ako kasi hindi na rin kasya sa loob.

Sinundo ko naman si Sally sa likod ng bahay.

"Tahan na Mary Ann.. Atleast nagawa mo na ang kailangan mong gawin"

"Tama ka Sally, pero kailangan pa natin pumunta sa Ospital, gusto kong mayakap si Lola sa huling pagkakataon"

Dumiretso kami sa Ospital, kahit na sobrang pagod na ng katawan namin.

Nasa Emergency Room sila kaya naghintay kami sa labas habang nakaupo, ilang saglit pa lumabas na ang doctor at sinabing wala na talagang pag-asa na marevive pa si Lola, halos ilang oras na raw ang nakalipas mula nung tumigil ang pagtibok ng puso niya.

Nakatingin lang ako sa Doctor habang kinakausap niya si Tito John.

Umiiyak si Tito John pero alam kong nagsisisi rin siya kasi wala siyang magawa sa nangyayari.

"Anong nangyari Doc?" Tanong ni Tito.

"Inatake siya sa puso, at hindi na nya nakayanan dahil sa katandaan"

Napaupo naman si Tito sa tabi ko at tinakpan niya ang kanyang mukha at saka tuluyang umiyak.

Bigla akong may naalala, pero hindi ko alam kung ano. Ang gulo diba..

Parang may something na hindi ko malaman.. na gusto kong maalala pero wala akong matandaan. Ah basta ewan ang weird ng Feeling, parang Déjà vu.

Tinapik ni Doc ang likod ni Tito at humingi ng tawad, bago siya pumasok ulit sa loob ng kwarto.

Habang ako nakatulala lang, ilang oras din kaming naghintay bago ako pinapasok, niyakap ko si Lola sa huling pagkakataon.

Gusto ko pa siyang makausap, pero wala na talaga.

Marami pa akong gustong tanungin pero wala nang pagkakataon.

Paalam Lola, hanggang sa muli, sana maging maayos ka sa kung saan ka man naroroon. Bantayan mo kami palagi.

Napaiyak ulit ako, kasi hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang nangyayaring iyon.

Bago pa man maghapon ay umuwi narin kami, nagpaalam ako kay Tito na may kukunin lang saglit pero ang totoo babalik na kami sa kasalukuyang panahon.

Dumiretso kami sa Tree House at bumalik na nga kami..

"Maraming salamat Sally, siguro ngayon, magpapahinga muna ako sa bahay, magpahinga ka na rin" sabi ko.

"Walang anuman Mary Ann, basta ikaw, condolence, sana wag mo masyadong dibdibin yung nangyari ha, tandaan mo nandito lang ako saka si Czarina para sayo" niyakap ko naman siya at patuloy na nagsabi ng ThankYou..

Umuwi na rin ako saamin at nahiga ako sa kwarto, iniisip kong gamitin ang kwintas para tumakas sa masamang panaginip na ito. Isang bangungot na kailangan kong takasan..

Inilabas ko ang kwintas at hinubad ko, inilagay ko sa mga palad ko at pumikit..

Biglang may kumatok sa pintuan namin..

"Sino po yan??" Tanong ko.

"Ako ito, Mary Ann, May nagsabi saakin na kailangan mo ng tulong, nandito ako para tulungan ka.." Boses lalaki, narinig ko na ang boses na iyon.. Teka.. Baka siya nga..

Paano sya makatutulong saakin??

Agad ko namang binuksan ang pinto at tama nga ang hinala ko.

Siya nga, pero sa paanong paraan nya ako matutulungan.