"Bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Nandito ako kasi kailangan mo ako.."
"Pero.. Papa.." Hindi ako makapaniwala na nakatayo ngayon sa harap ko ang papa ko na matagal kong di nakita mula nung nangyari ang aksidenteng nais ko nang kalimutan.
"Galit ka pa ba saakin Mary??" wala akong maisagot sa tanong nyang iyon at napatalikod nalang ako, medyo naluluha na ako pero pinipigilan ko. Ayokong makita niya.
Aaminin ko galit parin ako sakanya pero hindi ko kayang sabihin sakanya, wala akong lakas ng loob magtanong kung bakit niya ako iniwan, si Lola lang ang gusto kong kausapin.
Bigla niya akong niyakap mula sa likod at tuluyan na akong napaiyak.
Narinig kong tumunog yung telepono at napamulat ang mata ko, napansin kong nakatulog pala ako pagdating ko.
Isa lang pala iyong panaginip, pero bakit naman sya magpapakita sa panaginip ko.
Saka hindi ko naman siya iniisip, matagal na syang wala sa buhay ko, at kahit na anong mangyari, galit parin ako sakanya dahil sa ginawa nya.
Tumayo ako at sinagot yung telepono..
"Hello?"
"Oh Mary Ann, Nasaan ka? Tinawagan ko na ang iba nating kamag-anak, para bumisita sa Cremation ni Lola"
"Nasa bahay po ako Tito, Opo"
"Magpahinga ka na muna iha, alam kong pagod ka.."
"Opo Tito, kayo rin po, salamat"
"Sige na, bukas makalawa pa naman yung Cremation kaya makakapagpahinga ka pa, dito muna ako sa Ospital para bantayan siya"
"Opo Tito, Magiingat po kayo dyan" Ibinaba ko na rin ang telepono at naupo sa higaan.
Madaling araw na pero hindi na ako inaantok pa, gusto ko na munang umalis. Hinubad ko ang kwintas at hinawakan ito sa mga kamay ko at pumikit.
Ilayo mo muna ako sa mundong ito, dalhin mo ako sa kung saan mo gusto.. ikaw na muna bahala sakin..
Iminulat ko ang mga mata ko pero parang walang nangyari, tiningnan ko ang orasan at 3:30 parin naman.. so baka hindi ko pa talaga alam gamitin tong kwintas.
Gusto kong magmuni muni kaya lumabas muna ako ng bahay at pumunta sa may Kubo na malapit saamin.
Napakaganda ng langit, ang lawak ng kalangitan, minsan napapaisip ako kung meron bang alien sa ibang planeta?
Kasi sa dinami rami ng Planets sa Universe, at syempre hindi pa naman lahat yun naeexplore, hindi imposibleng magkaroon ng ibang mga nilalang doon. Hindi lang natin alam..
May narinig akong sasakyan na tumigil sa di kalayuan, may bumabang isang pamilya, at siguro kagagaling lang nila sa bakasyon or something..
Hindi ko nalang pinansin, nakatingin lang ako sa langit gamit yung bintana sa kubo. Pinagmamasdan lahat ng Stars, may kaugnayan ba kami nitong mga stars na toh, kasi star din naman tong nasa kwintas ko. Kaso nga lang hindi ko alam kung paano gamitin..
"Ang ganda ng langit noh?" Narinig kong may nagsalita sa likod ko, nagulat ako.
"Oh Teka sino ka?? Paano ka nakapunta dyan?"
"Nakita ko kasing may tao rito kaya tiningnan ko"
"Sino ka? Sino ka??"
"Sorry kung nagulat kita, ako nga pala si Cithry or tawagin mo nalang akong Cith"
"Ahmm Hi Cith.."
"Ikaw naman si??"
"Ako si Mary Ann, Mary nalang for short or Ann kung gusto mo, ikaw bahala"
"Mary Ann nalang para kumpleto hehehhee"
"Ohh sige" Sagot ko.
"Bakit ka nga pala nakatingin sa langit?"
"Wala lang, feeling ko lang kasi narerelax ako kapag nakatingin ako dun"
"Ohh, ako naman andami kong naiisip kapag nakatingin ako dun.. baka kasi kapag nakatingin ako dun, may nakatingin din saakin mula dun sa tinitingnan ko"
"Parang Alien!?"
"Ohh! Oo parang ganun nga"
"Ahh iniisip ko rin yun kanina kung totoo ba sila"
"Tingin mo ba totoo sila?" Tanong niya.
"Hmm Ewan"
"Tingin ko totoo sila, kasi sa dinami rami ng planets napakalaki ng Chance na meron aliens sa ibang planeta" paliwanag niya, teka nasa isip ko yun kanina ah.
"Bakit hindi ka pa natutulog Cith?"
"Natulog kasi ako sa byahe kanina, galing kami sa Pangasinan"
"Sainyo ba yung kotseng kakarating lang dyan?"
"Oo saamin yun, Bakit?"
"Ahh wala nakita ko kasi iyon kanina"
"Ikaw naman Mary Ann? Bakit hindi ka pa natutulog?"
"Gusto ko kasing magisip isip muna"
"Mukhang malungkot ka ah, at nababasa ko rin ang mga mata mo, may gusto kong takasan noh?"
"Oo eh.."
"Sino naman??" Tanong niya, ikukwento ko na sana ang nangyari pero bigla syang tinawag ng Papa niya yata, or kuya nya basta lalaki.
Nagpaalam siya saakin bago sya lumabas sa Kubo, at naiwan ulit akong magisa.
Sa Totoo lang napakagaan ng loob ko dun kay Cithry kanina, para akong nakikipagusap sa isang napakalapit na kaibigan, parang kaya kong ilabas sakanya lahat ng sakit at kung ano mang nararamdaman ko, ewan ko ba.
...
...
Naramdaman kong nasisilawan yung mata ko kaya napamulat ako, aba grabe nakatulog pala ako rito sa kubo. Buti walang nakakita saakin nakakahiya.. kababae kong tao natutulog ako rito hehhehee, pero hayaan mo na minsan lang eh.
Umaga na pala, medyo mainit ang sikat ng araw, maayos ang panahon sana ako rin.
Pumasok muna ako sa bahay, wala parin namang tao kaya naligo muna ako at naghanda, gusto ko sanang mamasyal sa kung saan saan, sa lugar na makakapagisip ako, sa lugar na kaya akong pasayahin kahit ganto yung nararamdaman ko.
Nagdala ako ng maliit na bag saka syempre kaunting pera baka makakita ako ng street foods sayang naman, Happy Meal ko yun kapag medyo maraming iniisip, napapagaan kasi nun yung loob ko.
Naglakad lakad na ako papunta sa isang Park, medyo may kalayuan pero hindi na ako sumakay pa ng jeep or tricycle, sayang pamasahe. Saka mas okay din naglalakad, bukod sa exercise na mas nakakapagisip ka pa, maliban na nga lang kung napalalim ka ng isip at nadapa ka. Iba na yun.
Nang makarating ako sa park, nasa may upuan lang ako malapit sa fountain, nakatitig lang ako ganun. Iniisip ko kung binabantayan ako ni Lola, sana pala kinausap ko pa sya lalo. Sana pala nung mga oras na sinuway ako ni Tito John dahil magpapahinga na sya dapat pala humindi ako, edi sana nakausap ko pa sya ng mas matagal. Bakit ganun noh, kung kailan wala na sayo yung mga bagay, doon mo lang marerealize na importante pala yun. Kung kailan huli na ang lahat, dun ka lang makakaisip ng paraan. Bakit sa tuwing wala nang pag-asa dun mo lang maiisipang gawin yung tama.
Patuloy lang akong nakatulala at nagdadrama mag-isa nang biglang may tumawag saakin.
"Uy Mary Ann!" Napalingon ako, nasa likod ko pala siya. Si Kiefer.. Oh so nasa ibang panahon pala ako, bat di ko napansin!
"Bakit ka nandito??" Tanong niya.
"Wala lang, wala akong magawa sa bahay eh" Bigla syang umupo sa tabi ko.
"Wehh? Anlalim ng iniisip mo eh, ano nga?"
"Wala ikaw naman"
"Gutom lang yannn, kumain ka na ba" Tanong niya, Hala Pafall ang kuya mo..
"Bakit manlilibre ka?"
"Hindi noh, syempre kanya kanya"
"Damot!!"
"Bala ka dyan, ako na nga nag-aya ako pa manlilibre"
"Yun nga eh ikaw nag-aya tapos di ka manlilibre" Biglang kumulo yung tiyan ko, at narinig nya kaya napatitig sya saakin yung titig na See-You're-Hungry-Look..
Kaya wala na akong nagawa sumama nalang ako pero kanya kanyang bayad, sayang makakalibre na sana ako kung nagpapilit ako kaso etong tiyan ko ayaw makisabay eh.
Pumunta kami sa Jollibee na malapit sa park, medyo wala pang masyadong tao kasi medyo maaga pa.. Umorder sya ng Spaghetti samantalang ako Kanin para hanggang mamaya busog.
"Eh ikaw Kiefer? Bakit ka nandito?"
"Ahh nagpapahangin hangin lang, ganun"
"Wow, anlayo mo naman magpahangin"
"Syempre mainit dun sa may banda saatin eh"
Nagumpisa na kaming kumain, at nakikita kong medyo nahihiya hiya pa sya kumain sa harap ko.. pero hindi ko nalang pinansin, siguro ganto sa mga panahon na ito.
Hala.. naubos ko na yung Coke pero di pa ako tapos kumain, nauuhaw na ako HAHAHHAA.
"Busog na ako, di ko na kaya" Biglang sabi ni Kiefer.
"Gusto mo sayo nalang toh?" Sabay turo niya sa Coke.
"Oh Bakit ayaw mo na halos di mo pa nga nakakalahati"
"Hindi kasi ako mahilig sa Softdrinks eh, masama sa tiyan"
"Ahh, sige akin nalang salamat.." Yung totoo, nababasa nya ba utak ko.
Lumabas na kami dun at naglakad lakad sa park medyo dumarami na yung mga tao, at medyo umuulap kaya hindi masyadong mainit.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya.
"Kahit saan, pwede"
"Ahh, alam ko na, may malapit na Museum dito sakto di ko pa napupuntahan"
"Oh saan yun?"
"Maglalakad pa tayo nang onti, ayos lang sayo?"
"Kanina pa tayo naglalakad eh so ayos lang yan syempre"
Natuwa naman ako na meron kaming pupuntahan kahit na hindi naman talaga namin plinano toh.
Habang naglalakad kami, napatingin ako sakanya..
Ambait mo ah, bala ka dyan mamaya mafall ako sayo..
Then bigla syang tumingin sakin kaya nagulat ako at muntik akong madapa, tinawanan naman nya ako pero buti nalang nahawakan nya yung kamay ko. Bigla naman nyang binitawan at nagsabi ng sorry, pero hindi ko nalang pinansin, di naman sadya eh.
Pumasok kami sa isang Museum na punong puno ng mga Antique na mga gamit, yung mga gamit mula sa sinaunang panahon. Ang ganda nung design ng mismong structure ng Museum.
"Ang ganda rito" sabi niya.
"Alam mo gusto ko maging Architect" Sabi ko naman.
"Oh, ako naman Engineer!! Gusto kong gumawa ng gantong Structures"
"Ako rin" Sabay tumango tango ako.
Medyo marami rami ang lilibutin namin pero ayos lang din, feeling ko safe ako kapag sya yung kasama ko.
"Ako ang magiging Tour Guide mo ngayon, Binibini" Bigla nyang sabi.
"Wow binibini talaga, salamat HAHAHA" Tumawa rin naman sya.
Natutuwa kaming pareho sa mga nakikita namin, medyo nalilito kami sa kung saan pupunta kasi masyadong maraming kwarto ang iniikutan namin pero sya yung naga-guide saakin.
"Sabi mo ngayon ka lang nakapasok dito?" Tanong ko.
"Oo nga, bakit?"
"Eh bakit parang alam mo kung saan pupunta"
"Ayun oh may Number sa taas ng pinto ng mga kwarto, baka kasi di mo nakikita sa liit mo"
"Wow Ha, nang-aasar ka na ngayon"
"Oh siya, dito na tayo" Sabay ginilid nya ako sa pintong nasa kaliwa namin, pero bigla nya akong naakbayan, naramdaman ko rin namang bigla nya ulit hinila ang kamay nya. CHANCING toh ah,, CHAR.
Halos mahilo na kami kakaikot, nagkamali pa nga kami ng napasukang kwarto, nakapasok kami sa Authorized Persons Only na room grabe tumakbo kami pababa eh. Buti hindi kami nakita ng kung sinong tao dun.
Habang naglalakad kami, nakita kong napatingin sya saakin, nakatingin lang sya as in, ewan ko.
"Uy, bakit ka nakatulala" tanong ko, nakatulala na nga lang sakin pa.
"AY! Sorry, medyo inaantok kasi ako"
"Ahh tara dalian na natin umuwi"
"Teka may gusto pa akong daanan, ang sabi nila malapit daw dito yung dagat"
"Dagat??"
"Dagat sya, pero hindi pwedeng magswimming, parang ano lang titingnan mo lang sya, maganda yung view"
"Ahh edi saan yun"
Nagtanong tanong kami, sa mga taong nakakaalam, may isang lalaking nagsabi halos isang oras daw yung lalakarin para makapunta doon. Nagulat kami, magbabackout na sana kami pero may nagsabi saamin na malapit lang daw halos wala pang 10mins kapag nilakad kaya sumunod naman kami, hindi namin alam kung sino paniniwalaan pero susundan ko nalang sya. Sumunod sya eh kaya susunod nalang din ako, wala akong No Choice.
Naglalakad kami sa gilid nang kalsada, napadaan kami sa isang building na may mga guard, di lang guard may mga sundalo pang nakapaligid, medyo nacurious ako pero hindi ko na rin pinansin dahil natanaw na nya agad yung sinasabi nyang Dagat.
"Ayun, malapit na tayo dali" Sabi niya sabay hila saakin habang hawak yung braso ko.
Nagpahila naman ako, kasi wala rin naman akong magagawa, at isa pa gusto ko rin naman makita yung lugar na sinasabi nya.
Napunta kami sa isang Bay, kaso bawal pumasok kasi may harang.
"Oh hanggang dito lang tayo" sabi ko.
"Huh bakit naman?"
"May harang oh, mukhang nililinis pa nila yang dagat"
"Oh ano naman kung nililinis nila, titingnan lang naman natin nang malapitan" Bigla syang umakyat dun sa harang at lumapit sa Bay..
"Halika rito, dalian mo wala namang tao, kaya wag kang matakot" Pag-aya niya. Umakyat na rin ako kasi gusto ko rin namang makita.
Wow! Ang ganda.. nakakarefresh tingnan, halos palubog na rin yung araw kaya mas lalong gumanda tingnan.
"Ang ganda noh"
"Oo nga eh, para tayong nasa probinsya"
"Sunset.. Sunset.. Sinasabi nilang isang magandang scene daw yun, kasi hindi lahat ng paglubog pangit.."
"Huh??"
"I mean, hindi porke down na down ka sa mga oras na toh, hindi ka na pwedeng ngumiti, nakikita ko sa mga mata mo, malungkot ka.. may hindi ka sinasabi saakin, pero hindi na kita pipilitin.."
"Sorry.." Yun lang ang salitang nasabi ko at bigla akong napaluha sa harap nya, agad ko namang pinunasan pero hindi na sya tumitigil sa pagtulo.
Binigyan nya ako ng panyo.
"Ayan ipunas mo, dinala kita rito kasi gusto ko makita mo na kahit idown ka man ng mundo, eh kung may tiwala ka parin naman sa sarili mo, patuloy kang magshashine, diba?"
Tumango naman ako habang patuloy kong pinupunasan yung mga luha ko.
Gusto kong magkwento sakanya, pero hindi ko maforce yung sarili ko kasi, baka ijudge nya ako, alam ko namang hindi nya gagawin yun pero ang hirap lang maglabas ng sama ng loob.
Gusto kong sabihin lahat sakanya kaso hindi ko kaya, gusto ko lang syang pasalamatan kasi sa araw na ito sobra nya akong napasaya.
"Alam mo Kiefer, salamat nandyan ka, salamat sinamahan mo ako sa araw na ito"
Tinitigan nya naman ako at ngumiti, sabay tumingin sya sa papalubog na araw, kasabay ng paglubog ng araw ang pagkakaroon ko ng lakas ng loob para lumaban sa mundo..
Marami pa akong kailangan at dapat gawin..
Bakit ako susuko..