"Uy Mary Ann, Mary Ann"
Naramdaman kong inaalog niya ang katawan ko kaya medyo napamulat ako.
'Oh ikaw pala Sally' Mga salitang gusto kong sabihin pero walang boses na lumalabas sa bibig ko sa sobrang pagod.
"Ano bang nangyari sayo, napakainit mo" narinig kong sabi ni Sally bago ko ulit ipikit ang nga mata ko.
...
...
Nagising nalang akong nakahiga sa isang kwarto. Ang ayos ng kwarto na toh, pero pamilyar sya, nakita ko na siya.
Maya maya biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sally.
"Oh gising ka na pala Mary Ann, heto oh nagdala ako ng chocolate, may nabasa kasi ako na kapag nanghihina ang isang tao kelangan nyang kumain ng chocolate"
"Salamat Sally" kinain ko naman agad yung binigay nyang chocolate. Pero sa totoo lang di ko nagustuhan yung lasa kasi dark chocolate hehehe pero ayos na rin.
"Ano bang nangyari sayo?? Nakita nalang kitang nakahiga sa harap ng pinto namin kagabi, Saan ka ba galing?"
"Kagabi!? Teka anong oras na ba"
"Tanghali na Mary Ann, Halos ilang oras ka ring tulog, halatang sobrang pagod yang katawan mo eh, sagutin mo muna yung mga tanong ko"
"Huh?? Grabe, ikaw muna.. sabihin mo nga sakin, pinagtitripan mo ba ako?"
"pinagtitripan?? bat ko naman gagawin yun sayo?"
"Ewan ko, kasi nalaman ko sikreto mo??"
"Huh? Di ako ganun noh, saka bakit ako sinisisi mo?"
"Kasi nagising ako, tapos napunta ako sa ibang panahon"
"Ibang panahon?? Paano yun, imposible kasi nasa akin lang itong kwintas"
Nilabas nya ang Kwintas na may Sun na pendant, at pinakita ito saakin.
"Kaya nga eh, edi ikaw lang ang posibleng magdala saakin dun"
"Ngunit, nandito ako sa bahay buong araw kahapon kasi maraming ginagawa"
"Oh sya nga pala, may nakita akong katulad ng kwintas mo"
Nilabas ko ang kwintas na naapakan ko nung isang araw.
"Baka ito yung nagdala saakin sa ibang panahon" pagkukwento ko.
"Wow! Nasayo ang Kagayaku Hoshi!?"
"Huh? Ano? Kagaya mong ano?"
"Magkapatid ang mga kwintas natin, bale tatlo sila. Yun yung pagkakaalala kong naikwento sakin ni mama"
"Magkapatid? Teka teka, nung nakaraan lang nalaman kong nakakapag time travel ka, tapos ngayon yung kwintas mayroong kapatid?"
"Oo, ginawa sila sa iisang mahiwagang Gem"
"Huh? Ano ba tong mga toh? medyo ang gulo, wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo"
"Tara, si Mama na bahala magkwento sayo"
"Huh diba Lunes na? May pasok pa tayo!"
"Wag ka magalala, gantong oras din naman tayo babalik eh, Nagtitime travel ako remember?"
"Hmmmm.." Napangiti naman ako at sumama ako sakanya papuntang Tree House.
"Teka bakit dito mo lagi ginagawa yung ganyan?"
"Yung pagtitime travel?" Tanong nya, at tumango naman ako.
"Kasi hindi pa ako sanay mag time travel, saka para walang makakita, kapag nagtitime travel ako dito sa loob ng tree house, mas kontrolado ko yung area ng power nitong kwintas, baka kasi kapag sa labas ko ginawa, may makasamang ibang tao"
"Ahhh kaya pala, tara na"
Nang makarating kami sa Tree House, umupo kami sa may bandang gitna at pumikit. Sa totoo lang hindi pa masyado ganun kaayos yung nararamdaman ko pero kelangan ko rin kasing malaman kung ano yung nangyayari.
Napansin kong nagbago yung ambiance ng paligid, lumabas kami at dumirets ulit sa loob ng bahay ni Sally, at nakita ko nanaman ang Chandelier na nakasabit sa taas. Hindi ko alam bat nagagandahan parin ako dun, parang kakaiba kasi.
Nagtanong si Sally sa isang yaya tapos hinila nya ako papunta sa garden, sabi raw kasi nung yaya, nasa garden daw yung mama ni Sally, nagmumuni-muni.
"Mama.." Pagtawag ni Sally. Agad namang napalingo yung mama nya at napangiti nang makita kami.
"Oh bakit kayo nandito? Hindi ba't masyado pang maaga para ika'y bumisita?"
"May itatanong po sana ako mama" sagot naman ni Sally. Habang ako heto nakatingin lang sa kanila medyo nahihiya. Kinalabit naman ako ni Sally, at sinenyasan na ipakita yung kwintas. Agad ko namang nilabas yun at nagulat din naman ang mama ni Sally. Tatawagin ko na nga lang syang Tita Carmen.
"Oh! Nasa saiyo pala ang kwintas na ito, matagal tagal na rin nung huli kong makita ito, kung gayon, ikaw na pala ang tagapagalaga nito?"
"Tagapag-alaga po?" Pagtatakang tanong ko.
"Mama, hindi nya pa po alam kung anong nangyayari, o kung anong meron sa kwintas na ito, yun po sana ang gusto naming itanong kaya kami nandito"
"Ahh sya pala, sige halikayo at umupo kayo sa tabi ko"
Sumunod din naman ako at nakinig sa kung anong ikukwento ni Tita Carmen.
...
"Matagal na panahon na nung huling magsama sama ang mga kwintas, tatlo itong mga kwintas na ito at may sari sarili silang kapangyarihan"
Napapatango lang naman kami sa mga sinasabi ni Tita Carmen.
"Tinatawag itong mga ito na Tengoku no Okurimono, o Heaven's Gift sa English, Nabuo itong lahat matagal na panahon na.
Sapagkat noong unang panahon, may isang lalaki na nagpuputol ng kawayan, may nakita syang isang sanggol na babae sa isang kawayan, napakaliit nito.
Inisip nyang galing ito sa mga Diyos, agad niya itong dinala sa kanyang asawa, at natuwa rin naman ito at pinangalanan nila itong Kaguya-Hime na ang ibig sabihin ay 'Shining Princess'.
Mabilis lumaki si Kaguya at halos 20 years old na ang kanyang itsura kahit na 5 years palang ang lumipas.
Maraming mga taong gustong makita ang kanyang itsura, sapagkat siya'y may angking kagandahan.
Iniingatan siya ng kanyang mga magulang dahil may dala itong swerte, sa tuwing nagpuputol ng kawayan ang lalaking tinatawag nya na ngayong ama, nakakakita ito ng Mga Dyamante, Ginto at iba pang kumikinang na bagay.
Isang araw may limang lalaki, na gustong mapang-asawa si Kaguya, kinumbinsi nila ang Ama ni Kaguya.
Kinausap naman ni Kaguya ang kanyang Ama, sinabi nito na papakasalan nya lang ang lalaking makakapagdala ng mga bagay na nais nya.
Nagsabi siya ng limang bagay, na imposibleng makuha ng kahit sino. Ngunit hindi sumuko ang mga lalaki, ginawa nila ang kanilang makakaya, ngunit wala sakanila ang nakapagdala ng ninanais ni Kaguya, ang iba sakanila'y nandaya, isa ang namatay at isa ang sumuko.
Hindi nagtagal, may isang Emperor ang nakakita kay Kaguya, at agad itong nabighani sa kagandahan niya, sinulatan nya si Kaguya nang paulit ulit at minsan na rin nyang niyaya itong magpakasal, pero hindi parin pumapayag si Kaguya.
Tatlong taon naghintay ang Emperor, tatlong taon din siyang di tumigil sa pagsulat kay Kaguya, minsa'y nakita ng magasawa si Kaguya na nakatitig sa Buwan at umiiyak.
Pinagtapat ni Kaguya na hindi siya tagarito, hindi siya mula sa mundong ito. Galing siya sa buwan, at kailangan nya nang bumalik doon.
Sinundo sya ng mga Tagabantay ng buwan, ngunit bago pa man sya umalis, ay nagsulat sya ng pamamaalam sa kanyang mga magulang at ibinigay din nya ang kanyang Robe bilang pag-alaala sakanya, sinulatan nya rin ang Emperor at binigyan ng Elixir of Immortality.
Aakyat na sana siya ngunit pinuntahan nya muna ang lugar kung saan sya nakita ng kanyang ama, at ilang saglit pa, ay umakyat na rin siya sa buwan.
Sobrang nalungkot ang emperor nang mabasa ang sulat, at siya ay nagpunta sa pinakamataas na bundok, at kanyang sinunog ang ibinigay ni Kaguya na sulat at ang Elixir of Immortality, sabi niya, Aanhin nya pa raw ang mabuhay nang walang hanggan kung hindi nya rin naman makakasama ang kanyang nananais hagkan.
Nalungkot din nang sobra ang mag-asawa nang mabasa nila ang sulat, at niyakap nang mahigpit ng Ina ang Robe na pagmamay-ari ni Kaguya.
Habang nagpuputol nang bamboo ang Ama ni Kaguya ay nakakita sya ng kumikinang na bagay kung saan nya nakita si Kaguya nung mga panahong sanggol pa ito. Alam nyang ito ang pamamaalam ni Kaguya sa kanila kaya't itinago niya ito, ginawa nya itong tatlong kwintas, ang isa'y pagmamay-ari niya, ang isa naman ay sa kanyang asawa, at ang isa ay para sa Emperor.
Ito ang tatlong kwintas, Ang Jikan-bi, na may Sun na Pendant, Ang Kagayaku Hoshi na may Star na Pendant, at ang Shi Tsuki na may Buwan na pendant. Sinasabing itong tatlong kwintas na ito ay may angking kapangyarihan, at ito rin ang magagamit para makita ulit si Kaguya.
Gayunpaman, minsan ko nang nahawakan ang tatlong kwintas, nung mga panahong hinahabol ako ng mga masasamang nilalang, na kung saan gusto nilang kunin ang mga kwintas upang gamitin sa kasamaan"
Wow, nabilib naman ako sa Story na yun, napakahaba.
"Naalala ko rin po, may sinabi po saakin si Lola na, mayroon daw po kayong ibinigay sakanya noon" Tanong ko.
"Oo iha, at akala ko'y nawala nya na iyon kaya hindi ko na ulit nabanggit sakanya"
"So ano pong mga nagagawa nitong kwintas?"
"Sa totoo lang, hindi ko masyado alam, ang tanging naranasan ko lang gamitin ay ang kwintas na pagmamay-ari ngayon ni Sally"
Napatango naman ako, so ano ang power nung kwintas na nasaakin, baka naman alam ni Lola, Bat naman kaya di nya sinabi.
"Itong si Sally, ay mas matanda sa iyo ng mga 20-30 years siguro" Biglang sabi ni Tita Carmen.
WHAT! 30 YEARS?! Napangiti naman saakin si Sally dahil nakita nya yung mukha kong nagulat talaga.
"Huh, Ano po? Paano po nangyari yun"
"Ang totoo nyang pangalan ay Salume, ngunit sa oras na kanyang pinuntahan ngayon ay hindi na maganda ang ganung pangalan kaya't Sally ang kanyang naisip" Nakita kong tumatango tango si Sally habang nakangiti parin saakin.
"Pinatakas ko sya sapagkat, pagkatapos ng araw na ito sa gantong panahon, ay lulusubin kami ng mga kakaibang nilalang na gustong hanapin ang kwintas at yun lamang ang tanging paraan para maligtas si Sally" Dagdag pa ni Tita Carmen.
"Nalaman nyo rin po dahil nag time travel kayo?" Tanong ko, at um-oo naman si Tita Carmen.
"Edi bakit di nalang po kayo umalis dito?"
"Wala nang ibang paraan, matagal na rin kaming nagtago sa mga kakaibang nilalang na iyon at hindi na namin sila kayang pagtaguan pa"
"Eh yung isang kwintas po? Nakay nino na iyon?"
"Hindi ko rin alam, dahil nung mga panahong hinahabol ako, binigay ko yun sa isang batang lalaking nakasabay ko, ngunit naabutan sya ng mga nilalang, baka nasa kanila na ang kwintas na iyon kaya baka di na natin makita pa"
Napaisip ako nang malalim sa mga kwentong narinig, mukhang di kapani-paniwala pero, kelangan kong paniwalaan kasi, eto nga ako eh, NAGTIME TRAVEL.
Maya maya bago maggabi ay pinabalik na rin kami sa kasalukuyang panahon ng mama ni Sally, mukhang nag-aalala na rin siya baka raw maabutan kami nung masasamang nilalang. Kaya ganun pa man ay wala na rin kaming nagawa kundi bumalik sa kasalukuyan.
Nakatulala lang ako habang naglalakad, pilit kong pinagsisiksikan sa utak ko kung ano talagang nangyayari rito, pero alam ko na naman na. Hindi ko lang masyado maisip na pwede palang mangyari tong mga toh, dumiretso na rin ako pauwi sa bahay at diretso higa na rin sa kama.
Gusto ko sanang tanungin si Lola pero tulog pa siya at kelangan ko pang maghanda papuntang school, medyo maaga pa naman kasi pinaaga ni Sally yung oras para raw makapaghanda ako at maiayos ko raw ang sarili ko. Habang nakahiga ako sa kama, tinititigan ko ang kwintas.
Ano kayang kapangyarihan meron nito, kung hindi sya time travel, anong ginagawa nya? pupunta ako sa ibang mundo? pupunta ako sa buwan gaya ng pagpunta ni Kaguya? pupunta ba ako sa ibang lugar.. pero di rin eh, gantong lugar din nung isang araw.
Hmmmmm...
Hmmmmm...
Hmmmmm...
Hihintayin ko nalang magising si Lola, o siguro baka mamayang paguwi ko galing sa school, matanong ko na rin sakanya.
---------------------
Ang bundok kung saan sinunog ng Emperor ang sulat at ang Elixir of Immortality, ay tinatawag ngayong MOUNT FUJI.
Ang Immortality ay Fushi sa Japanese, dito raw nagmula ang pangalan ng bundok na ito, at hanggang ngayo'y nasusunog parin ang elixir na ito sa ibabaw ng bundok na iyon.