Chereads / Dimension Between Us / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

Nakapagprepare na ako at handa na rin ako para pumasok sa school, bago pa man ako lumabas ng bahay, tiningnan ko muna si Lola, pero sa palagay ko mahimbing parin ang tulog nya.

May narinig akong nalaglag sa may kwarto ni Lola pupunta na sana ako pero biglang tumunog yung telepono kaya kinuha ko muna.

"Hello? Sino ito?"

(Pabulong) "Hello si Sally ito, Daanan mo ako sa bahay, sabay na tayo pumasok" Narinig kong parang tumakbo sya, then biglang namatay.

Ang weird naman nun tatawag pero bumubulong buti naintindihan ko pa sya, anong meron, saka bat nya alam number ng telepono namin?

Binaba ko na rin ung telepono at pumunta ako sa kwarto ni Lola nang dahan dahan, baka mamaya magising sya eh, at tiningnan ko kung ano yung nalaglag.

Isa lang palang Souvenir na galing sa Baguio, baka may dagang dumaan tapos nasagi.

Iniayos ko na rin at dumiretso na ako palabas.

Suot suot ko rin yung kwintas na tinatawag nilang... ano, ahmm, ano nga ulit yun.. basta ung may star na pendant, baka mamaya may swerte rin toh sakin, malay natin magkaboyfriend ako bigla. CHAR.

Napadaan ako sa bahay nila Sally pero wala naman sya dun, baka nauna na.

Ano ba naman yun tumawa pero hindi mauuna naman.

Bago pa man ako makarating sa school, nakasalubong ko si Czarina na.

"Uy Mary Ann, ikaw pala, sabay na tayo" pag-aya nya, tumango naman ako at naglakad na rin kami papasok.

"Kamusta naman Weekend mo ha?" Tanong nya.

"Ayos naman, ikaw?"

"Ohh ayon, andaming nangyari.." sagot nya, pero sa isip isip ko, ganyan din dapat isasagot ko kaso di ko muna pwedeng ikwento sa iba.

"Ano ano naman iyon?"

"Kasi ganto yan, pagkauwi ko galing sa school, pumunta kami nila mama sa Mall, then shopping shopping ganun, tapos nakakita ako ng anoo.."

"Pogi??"

"... grabe, hindii, ano sya, tindahan ng mga Harry Potter Things gaya ng wand, robes, or kahit na anong makikita dun"

"Ahhh akala ko naman eh"

"So syempree ako, gustong gusto ko yun edi nagtagal ako dun, tingin tingin lang ganyan, then nagsabi si mama na bibilhan nya raw ako ng isang gamit dun like AAAAA" Tumatango tango lang naman ako habang nagkukwento sya.. tapos nagpatuloy at nagpatuloy lang sya magkwento hanggang sa makaakyat kami ng 4th floor dahil ung Assembly Hall namin nasa 5th floor, napansin ko si Lance na nakaupo sa may hagdan bago magfifth floor. Iniimagine ko na agad magiging reaction netong si Czarina pagnakita nya bigla.

Medyo napangiti ako tapos napansin ni Sally at akala nya yata tumatawa ako.

"... hanggang ngayon suot suot ko yun,, teka bat ka tumatawa, may nakakatawa ba sa sinasabi ko?" Tanong niya, hindi rin naman ako umimik.

Mga dalawang hakbang nalang nung mapansin ni Czarina si Lance sa harapan nya, at bigla syang nadapa. Yung dapa talaga as in sumubsob yung mukha nya dun sa may corner ng hagdan.

"Oh okayy ka lang Czarina???" Tanong ko pero sa totoo lang kinabahan ako sa pagbagsak nya. Napansin kong namula ang mukha nya, pero hindi ko alam kung dahil ba nandito si Lance o dahil tumama yung mukha nya sa hagdan.

Umalalay naman si Lance pero napansin kong medyo natatawa sya, kitang kita sa mukha nya na pinipigilan nya lang.

"Ilan nahuli mo?" Tanong ni Lance kay Czarina.

"Isa lang, Ikaw daw" sagot ko naman. Tiningnan naman ako nang masama ni Czarina pero di parin sya umiimik.

Hinila ko na sya papunta sa pila namin para naman mabawas bawasan yung kahihiyan na maranasan nya, buti nga wala pang masyadong estudyante.

"Ayos ka lang ba?"

"Tingin mo? Ansakit kaya"

"Pero atleast nakita mo sya diba??"

"Hmmm, sabagay, pero ansakit ng mukha ko, tingnan mo tong labi ko dumudugo" Pinakita nya talaga sakin at totoong dumudugo, pumutok ung labi nya, pero imbis na maawa ako natatawa ako eh HAHAHAHA.

Natapos ang Flag Ceremony nang mga 8:40 so mas maaga nang 20 minutes kaya nung nasa kwarto kami medyo maingay kasi andaming nagdadaldalan, mukhang namiss nila yung isa't isa ang daming kwento, parang tong si Czarina na kinakausap si Sally habang si Sally nakangiti lang, tango tango ganyan pero ewan ko kung naiintindihan nya.

Medyo di muna ako nakikisali kasi inaantok pa ako, napagod yata talaga masyado yung katawan ko.

Natulog muna ako saglit sa desk ko, pakiramdam ko kasi mamayang klase makakatulog ako, baka pagalitan pa ako ng teacher namin. English pa naman first subject, di ko pa nakikita yung teacher dun pero ang first impression ko kasi sa mga english teachers masusungit HAHAHAHA CHAR.

Nananaginip yata ako ah, nasa ilog ako eh.. grabe sa sobrang pagod ng katawan ko saglit lang nanaginip agad ako. Nilapitan ko yung ilog, malinis sya tapos sa kabilang dako parang gubat yata. Triny kong hawakan yung tubig tapos naglakad ako sa tubig, nung nasa gitna na ako ng tubig biglang may humila saakin pababa, then akala ko malulunod na ako, tinaas ko yung kamay ko para humingi ng tulong...

Tapos bigla akong nagising kasi kinalabit ako ni Sally na nasa tabi ko, napansin kong nakataas yung kamay ko at nakatingin sakin si ung teacher namin sa harap.

"Ano yon iha?" Tanong ng teacher namin.

"Ahmm, May I go out?" Palusot ko, tumango naman si Ma'am kaya lumabas muna ako para pumunta sa CR.

Inayos ko lang yung sarili ko bago pumasok ulit sa room.

Habang nagtuturo si Ma'am, nagdadrawing si Czarina, halatang di sya interesado sa English na Subject.

"Wow, ang galing mo naman magdrawing"

"Huh? Bored lang talaga ako kaya ganyan pero salamat" sabay ngiti.

"Ano nga pala pangalan ni Ma'am?" Taning ko.

"Ma'am Chia pero gusto nya tawagin natin syang Ma'am Cristy" Tumango naman ako, at nakinig na rin kay Ma'am baka makita nanaman kaming naguusap tapos pagalitan din kami gaya ng nangyari dun kay Ma'am Perez eh.

Medyo nagustuhan ko naman yung nilelesson ni Ma'am kasi medyo interesting, kaya di halos di namin namalayan yung oras.

"Ma'am Time na po" Nagulat ako nang isigaw ni Czarina iyon.

"Ayy, Oo nga, Thankyou.. Bukas nalang natin ituloy, Here's your assignment for tomorrow" Sagot naman ni Ma'am tapos nung tiningnan ko si Czarina, nakangiti sya parang akala mo natapos na yung paghihirap nya.

Pagkaalis ni Ma'am agad namang pumasok si Sir Nantes, hehehehhee Math Time na, gusto ko toh, di dahil gusto ko ng Math kundi dahil gusto ko siya... CHAR.

Inayos ni Sir yung Arrangement ng upuan namin, kaya medyo nagkalayo kami ni Czarina at Sally, si Czarina medyo nasa likod, si Sally naman mga dalawang upuan ang layo nya saakin.

Nasa harapan ako kaya natutuwa ako, destiny yata toh para mas makita ko nang malinaw si Sir.

Nagumpisa nang nagturo si Sir, kaya medyo naging busy ang lahat. Magkakaroon daw kasi kami ng Quiz mamaya saka may prize na Chocolate Bar kung sinong makakaperfect, 1-10 lang naman daw, kaya halos lahat nakikinig talaga. Kahit ako eh, gusto ko yun sakto magrerecess na.

Habang nagtuturo si Sir nasanggi nya yung bag nya sa may lamesa kaya natapon yung mga laman nito sa may harapan ko.

Pupulutin ko na sana ung box saka yung lagayan ng salamin na nahulog.

"Wag!" Sigaw ni Sir Nantes.

"Po Sir?"

"Wag na iha, ako na bahala dyan, magsulat ka na at baka di ka makaperfect dyan" Sagot ni sir, ay sweet.

Gusto mo lang ako bigyan ng chocolate eh, kunwari pa CHAR.

Minsan iniisip ko tanunginnkung may girlfriend na ba tong si Sir eh.

Pinulot nya na rin yung mga gamit na nalaglag pero yung box na nahulog itinago nya sa bulsa nya, hmmm yun ba ung chocolate??

Kaya pala ayaw pakuha baka akala niya kukunin ko kapag nalaman kong chocolate yun.

Nang matapos siyang magturo dali dali syang nagpakuha ng papel then nagdictate ng mga tanong. Mabilisan AAAAA!

Teka mahina ako ritoo..

...

...

So ayun, dalawa lang yung nakaperfect, sayang 4 nga lang score ko eh. Di pa umabot sa kalahati, grabe ambilis naman kasi paano ko ba naman mapeperfect yun.

Isa si Sally sa mga nakaperfect kaya heto kami ni Czarina Supportive pero mamaya hihingi ng Chocolate.

Pagkatapos nun, pababa na kami ng Canteen.

"Ilan ka dun Mary Ann?" Tanong ni Czarina.

"4 nga lang eh, ikaw?"

"ohh, 6 ako eh, nalito ako sa mga sinabi ni sir ambilis eh"

"Totoo! Di ko nga maintindihan kasi kapag magsusulat palang ako ng sagot, nasa ibang number na si sir"

Bumili ako ng pagkain kasama si Sally, kasi si Czarina may baon na pagkain.

Habang kumakain napagusapan namin yung mga teachers, pinakilala nila saakin yung mga teachers kasi ako yung baguhan dito.

Sabi nila matataas din naman daw sila magbigay ng grades.

Hanggang sa nakalimutan na namin yung oras, medyo nalate kami sa pagpasok sa next subject pero buti nalang late din pumasok si Ma'am Hermoza, Philosophy teacher namin sya.

Hanggang sa maguwian na, si Czarina humiwalay na ng daan kasi kelangan nya na raw umuwi nang maaga.

Pero dahil magkalapit lang naman kami ni Sally ng bahay, sinamahan nya muna akong bumili ng mga Street Foods.

"Anong bibilhin mo?" Tanong ko.

"Kahit ano, siguro kikiam nalang"

At dahil mabait akong kaibigan, nilibre ko sya, minsan lang ako manlibre noh.. kuripot kasi ako, madalas kasi ako magipon kahit walang pinagiipunan, ewan ko ba. Ang weird.

Naglakad na rin kami pauwi habang kumakain.

"Bakit pala ang tahimik mo tuwing nasa School Sally?"

"Di ko lang feel yung surroundings sa school"

"Ahh sabagay sa ibang panahon ka kasi nagmula, pero ang tali-talino mo, tapos ambait mo pa, dapat marunong ka rin makipagkaibigan"

"ayos na ako sainyo, sapat na kayo sakin noh, di ko kelangan ng maraming kaibigan kung di naman totoo" Sagot niya, sumang-ayon naman ako dun.

Nagpaalam na rin sya at pumasok sa bahay nila, habang ako heto naglalakad parin medyo malayo pa yung bahay mga 5-10 minutes pa pero ayos lang yan, ang ganda nung panahon, di mainit pero di rin naman umuulan.

4:15 na nung makarating ako sa bahay, pero napansin kong walang tao napatingin ako sa telepono tapos ngayon ko lang naalala na tatanungin ko pa pala si Sally kung bakit siya tumawag kaninang umaga. Nakakainis nakalimutan ko, bukas nalang siguro, pero baka bukas nyan makakalimutan ko na naman.

Pumunta ako sa kwarto ni Lola, naexcite pa nga ako eh kasi matatanong ko na kung anong meron dito sa Kwintas na toh.

Pero pagpunta ko sa kwarto, walang tao, pumunta rin ako sa kwarto ni Tito John at wala ring tao, ang weird naman nun.

Nahiga muna ako saglit, medyo tinatamad pa akp magpalit ng damit kasi napagod ako sa kakalakad at halos pagod parin ang katawan ko dahil sa kahapon.

Maya maya nung gumagawa na ako ng assignment nagring ung telepono, sinagot ko naman.

"Ahmm Hello po?"

"Hello? Mary Ann? Tito John mo ito, bakit antagal mong bumalik?"

"Bumalik po Tito, saan po?"

"Dito sa Ospital"

"Huh? Anong nangyari?" Sagot ko, narinig kong tinawag siya ng Doctor.

"Bumalik ka na rito dalian mo" Medyo nagpapanic ung voice nya tapos binaba nya na rin.

Bigla akong kinabahan, ung kaba na parang di ko mapaliwanag.

Hindi na ako nakapagpalit pa ng damit, kinukutoban na ako kaya dumiretso na ako sa Ospital na sinasabi ni Tito.

Then nakita ko agad si Tito na umiiyak sa labas ng isang kwarto.

"Tito? Ano pong nangyari?"

"Wala na siya, Mary Ann.."

"Sino poo!? wag nyung sabihing si.." Naluha ako bigla nang pumasok ako sa kwartong iyon, nakatalukbong na sya sa puting kumot.

Nanghina ang buong katawan ko habang lumalapit sakanya.

"Lolaaa.. bakit??" Unang salitang lumabas sa bibig ko na di ko na nadugtungan kahit na maraming tanong ang gusto kong sabihin sakanya, wala na rin eh.

Halos Isang oras akong umiiyak sa loob ng kwarto bago kunin ng mga Doctor yung malamig na katawan ni Lola.

Napaupo ako sa tabi ni Tito at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari, kung panaginip man ito. Pleaseee gisingin nyu na ako, masakit. Sobra.

"Tito ano pong nangyari?" Tanong ko habang umiiyak, at nakita ko rin naman na nagluluha yung mata ni Tito.

"Akala ko narinig mo yung sinabi ng Doctor kanina, Inatake raw sya sa puso"

"Anong oras? Tito?"

"Mga 4 daw ng madaling araw"

Napatulala nalang ako, at iniisip kung bakit sa dami dami ng tao sya pa. Bakit sa dami dami ng oras... oras... tama!!

Nagmadali akong tumakbo palabas ng Ospital, narinig kong tinawag ako ni Tito John pero hindi ko na nilingon.

Iisa lang ang kailangan kong gawin, kailangan kong puntahan si Sally, kailangan kong makausap si Lola at higit sa lahat kailangan kong mailigtas si Lola, marami pa akong itatanong sakanya. Sobrang dami pa, hindi pa sya pwedeng mawala, mahal na mahal ko si Lola.