"A-anong lugar 'to? B-bakit ako nandito?" naguguluhan kong tanong nang mapatingin sa paligid.
Napakaganda nito. Nagsisiilawan ang mga lumilipad na bagay na hindi ko matukoy kung ano. Hindi ito fireflies. Kakaiba ito at mas mailaw pa. Pati ang mga kahoy ay umiilaw rin, lalo na ang mga dahon nito na kulay green. Ang ilog 'di kalayuan ay natatanaw ko rin dahil para itong pixie dust na blue sa sobrang kinang kahit gabi ngayon.
Napatingala ako sa langit at napanganga nang makitang dalawang naglalakihang buwan ang naroon ngunit walang mga bituin. Ang isa ay medyo natatabunan ng ulap.
"Kakaibang lugar 'to," bulalas ko sa mahinang boses.
'Paano ba ako napunta rito?'
"Ah, panaginip lang 'to. Kailangan ko lang gumising," kumbinse ko sa sarili at napangiti na lang.
"Kung gano'n, i-enjoy ko na lang ang panaginip kong 'to!"
~*~
When A Nephilim Falls In Love
Agartha Series #1
Written by: Fallen_Weirdzard
Facebook account: Fallen Weirdzard
Facebook page: Fallen Weirdzard
Facebook group: Fallen Weirdzard's Wands
I also wrote this on wattpad. Mas nauna ko itong naisulat doon kaya mas marami ng chapters doon. You can check it there also.