Chapter 5 - Chapter 4

Nagising ako sa sinag ng araw mula sa nakabukas na bintana pero 'di naman 'yon masakit. Ang sarap niyon sa pakiramdam at parang gusto ko pa ulit matulog pero napansin kong may iba sa paligid ko. Napabalikwas ako sa pagkahiga at kinusot-kusot ang mga mata. Napatayo ako sa napagtanto.

"Bakit wala ako sa kwarto ko?"

Nagpalingon-lingon ako sa paligid at nanlalaki ang mga matang napatili nang may maliit na taong 6 inches lang yata ang haba na umakyat sa bintana at ngumiti sa 'kin. Matulis ang tainga nito at mahaba ang buhok na may suot na bonnet. Kayumanggi ang kulay nito at medyo mabalahibo.

"Waaah! Duwende! Duwende!"

Tumakbo ako papunta sa pinto dahil sa takot at kaba. Bubuksan ko na sana ito nang kusa itong bumakas kaya nauntog ako rito at napadapa. "Ouch!" mahinang daing ko saka hinimas ang ulo at puwetan nang nakangiwi.

"Oops, Sorry."

Nakahanda na sana ang masama kong tingin at sigaw sa taong alam kong siyang nagbukas ng pinto na naging sanhi ng pagkauntog ko at pagkadapa nang matingnan ko ang maamong mukha nito at mapupungay na abong mga mata na sa akin lamang nakatingin.

Ang gwapong nilalang naman nito, at ang tangkad!

"I know I'm handsome, Yanna," nakangiti niyang sabi sa 'kin na animo'y nababasa ang iniisip—

Napatayo ako nang may mapagtanto. Nagbalik sa akin ang mga alaalang akala ko'y panaginip lang.

He's that nephilim! Nasa Agartha ako!

Tinitigan ko siya nang masama habang pinapakalma ang sarili ko. "Wala ka ba talagang balak ibalik ako sa mundo ko?"

"Wala," seryosong sagot niya.

Naiinis ko siyang tinitigan pero ngiti lang ang iginante niya sa akin. Naramdaman kong may kung anong maliit na bagay na kumapit sa binti ko. Kakamutin ko na sana 'yon kasi makati nang mapatalon ako sa gulat nang makita ko kung ano ito.

"Duwende! Duwende! Mama! May duwende!"

Sumiksik ako sa likod ng nephilim dahil sa kaba at takot. Niyakap ko siya sa likod at napapikit. "Waaah! Duwende! Tulungan mo ako!"

Narinig ko ang pagtawa niya, pero kahit na naiinis ako sa paraan ng pagtawa niya, hindi ko magawang lumayo at kumalas dahil sa takot na baka patayin ako ng duwende kung lalayo ako. Nabigla ako nang hinawakan niya ang dalawang kamay kong nakayakap sa kaniya at inalis 'yon. Pilit ko itong binabalik sa pagkayakap sa kaniya pero hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Nakapikit pa rin ako dahil ayaw ko makita ang duwende na nakakapit na naman sa binti ko. Hindi ko na ito magalaw at feel ko'y maiihi na talaga ako sa takot.

Aaaah! Lord, help me!

"Open your eyes, Yanna," mahinang sabi ng nephilim sa akin.

"Ayaw ko! May duwende, eh!"

"Takot ka sa duwende na sobrang liit pero 'di ka takot sa 'kin at nagagawa mo pa akong yakapin?" Mahina siyang tumawa at pinisil ang mukha ko.

"M-Mas nakakatakot ang d-duwende, eh!" katwiran ko at napayakap na naman sa kaniya nang gumalaw ang duwende na nasa may binti ko lang. "Kunin mo na, please!" Sumiksik ako sa dibdib niya at pilit pinapakalma ang sarili. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na animo'y magkaka-heart attack.

Naramdaman ko ang pagkabigla niya sa walang pasabing yakap ko pero hindi ko na 'yon pinagtuonan ng pansin dahil sa takot. Mas okay na sa aking yumakap sa kaniya kaysa makaharap ang duwendeng 'yon!

"Com'on, Yanna. This dwarf won't hurt you. Trust me, at kung sasaktan ka man niya, I'll definetly throw him without hesitation," aniya nang makabawi sa pagkabigla.

Napadilat ako sa aking mga mata at nasalubong ko agad ang nakangiti niyang mukha, pero agad din akong napalayo sa kaniya sa gulat nang makitang nakaupo na pala ang duwende sa balikat niya at nakangiti sa 'kin.

"S-Sure ka bang harmless 'yan?"

Natawa naman siya nang mahina sa inakto ko habang ang duwendeng nasa kaniyang balikat ay nagkakamot ng kaniyang ulo at nakangusong nakatingin sa akin.

Inilahad ng nephilim ang kaniyang kamay sa akin. Nakangiti siya, assuring me that the dwarf won't hurt me. "Don't be afraid of this tiny creature. He's harmless and cute. See?"

Ngumiti rin naman ang duwende sa akin. Dahan-dahan ay naglakad ako palapit sa kaniya habang pinapakalma pa rin ang puso. Inabot ko ang kaniyang kamay at mahigpit na hinawakan 'yon. Hinatak niya ako palapit sa kaniya. Sa pagkabigla ay nasandal ko ang isa kong kamay sa kaniyang matigas na dibdib. May muscles!

"Oh, Yanna. We're talking about this tiny cutie dwarf here, but your attention is on my body. I didn't know you're kinda pervert."

Namula ako at agad na binawi ko ang kamay ko sa kaniya. Nakakagat-labi siya at mapaglarong nakatitig ang mga mata sa akin. Iniwas ko ang tingin sa mukha niya dahil sa hiya at lihim na napagilitan ang sarili.

Bakit ba kasi nababasa niya ang iniisip ko? Nakakainis!

"T-Tse! I-I'm not a pervert!"

Bahagya siyang natawa. "Yeah, yeah. You aren't."

Sinamaan ko na lang siya ng tingin saka binaling ang tingin sa duwende na ngiting-ngiti na nasa balikat niya.

Luh, ang cute nga!

"Hi!" masiglang bati nito sa akin saka kumaway.

"Nagsasalita ka? Ang galing!" Napangiti ako sa gulat at tuwa. Ang duwende naman ay napakamot lang ulit sa kaniyang ulo at ngumuso.

Kinuha ni Mr. Nephilim ang duwende sa kaniyang balikat at naglakad papunta sa nakabukas na bintana. Nilagay niya ito roon at agad itong tumalon palabas. Namamanghang nakatitig pa rin ako sa bintana na tinalunan kanina ng duwende.

Ilang sandali pa'y nilibot ko ulit ang paningin sa kwarto. Ngayon ko lang napansin ang desinyo nito. The curtains are gray and white ang paint ng wall. Gray din ang king size bed pati na ang iba pang mga gamit tulad ng table at cabinet. Kwarto niya yata 'to.

In fairness, ah, 'di siya halatang mahilig sa gray!

Binaling ko ang tingin sa kaniya nang may tanong na naglaro sa isip ko. "Sa'n ka natulog kagabi?"

"Dito."

Nakanganga ako sa maikling sagot niya at nasisigurado kong kulay mansanas na ang mukha ko.

Wag niya sabihing magkatabi kami natulog?

"M-Magkatabi ba tayo natulog?"

Nginitian niya ako, 'yong ngiting creepy na nakakaloko. "What do you think?"

Napalunok ako ng laway at uminit ang pisngi ko sa inis, pagkailang at hiya. "W-Wag mo nga akong sagutin din ng tanong!"

Tumawa siya bago ako sinagot. "Fine. Yes, magkatabi tayo natulog—I mean ikaw lang pala ang natulog dahil 'di ako nakatulog sa lakas ng hilik mo, and you even hugged me tightly while sleep talking, and I can't complain 'cause I like it though."

Tumawa ulit siya nang malakas.

Sa sobrang kapahiya at inis ay kinuha ko ang unan at tumakbo palapit sa kaniya para hampasin siya nang tumakbo din siya. "Nakakainis ka talaga!"

Nang maabutan ko siya ay pinaghahampas ko na siya ng unan kahit para akong unano dahil sa sobrang tangkad niya.

7'4 na ako niyan, ah! Bakit ba kasi 10 feet ang height ng mga nephilims? Para tuloy kaming si Jiangchen at Xiaoxi ng A Love So Beautiful!

Tawa pa rin siya nang tawa sa paghampas ko kaya mas nainis ako't nilakasan ko pa. Nang mapagod ay humiga ako sa kama pero nakalambitin ang mga paa habang habol ang paghinga. "Huh! Grabe! I'm tired."

Lumapit siya at umupo sa tabi ko. Nakatingin siya sa 'kin nang nakangiti kaya nabaling ang tingin ko sa ceiling. Ayaw kong tignan ang ganoong mukha niya. Nag-iiba ang pakiramdam ko at bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nasa ganoong pwesto lang kami ng ilang minuto. Ilang saglit pa'y tumayo siya at naglakad na papunta sa pinto. Lumingon siya sa akin bago binuksan 'yon.

"The breakfast is ready. Let's eat," aniya nang nakangiti pa rin pero umupo lang ako at tinitigan siya nang seryoso. Sinigurado ko rin na i-blangko ang isipan ko para wala siyang mabasa.

"Com'on Yanna. Let's eat." Seryoso na ang mukha niya pero 'di ako kumilos.

Nairita na siya at bumalik sa 'kin para hablutin ang kamay ko't hatakin pero madali akong nakatayo at lumayo sa kaniya. 'Di ko mapigilang mapangiti dahil ang cute niyang mairita.

Tiningnan niya ako nang may pagbabanta saka humingang malalim. "Yanna."

Iwan ko kung ano'ng pumasok sa isipan ko dahilan para lumapit ako sa kaniya at pilit inabot ang mukha niya. Naguluhan siya pero yumuko siya para maabot ko 'yon saka ko ito pinisil. "Ang cute mo pagnaiinis!" Natawa ako sa ginawa.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at nilayo ito sa mukha niya at napailing, pero 'di nakaligtas sa paningin ko ang pagngiti niya na pilit niyang pinipigilan. Hahatakin na naman sana niya ako palabas nang 'di ako kumilos.

Bumakas na naman ang pagkairita sa mukha niya. "Yanna—"

"Ano munang pangalan mo?" putol ko rito. "Kagabi pa kita nakilala pero 'di ko pa rin alam ang pangalan mo."

Nawala ang irita sa mukha niya at napalitan ito ng ngiti. "Luke," maikling sagot niya saka ako hinatak palabas sa kwarto.

"Ang ganda ng pangalan mo. Bagay sa 'yo."

Binitawan niya ako nang nasa harap na kami ng lamesa. "I know. My name is as handsome as me." Umupo siya na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

Hindi naman siya mayabang niyon?

"Whatever," sabi ko na lang at naupo na rin.

Tinitigan ko ang mga pagkain na nakahain. Hindi kasi 'yon pamilyar sa akin. "Anong pagkain 'to?"

"It's a meat, a pork meat. Don't worry, hindi 'yan lason. Iba lang ang pagkaluto niyan pero karne pa rin naman 'yan. 'Yang isa naman, alam mo naman na siguro 'yan. It's a rice. You see, we eat what people eat," sagot niya saka nagsimula nang kumain.

Kahit nag-aalangan ay kumain na rin ako. Maayos—masarap naman ang lasa kaya medyo nakarami ako. Nang matapos kami ay siya na ang naghugas ng pinggan at naupo lang ako sa salas.

"Let's go," aniya nang matapos siya.

Napatayo ako at nagugulihan siyang tiningnan. "Sa'n tayo pupunta?"

"Gonna tour you," maikling sagot niya saka hinatak na ako.

Ay, 'di naman siya mahilig manghatak 'no?

Nang lumabas kami sa bahay ay napatili ako sa nakikita ko.

"N-Nasa itaas tayo? As in lumulutang ang lugar na 'to?"

Lumilipad ang bahay namin—niya! Parang 'yong sa Sky High at Dragon Balls lang. May kaunting lupa lang na nakadikit sa bahay at may mga puno't halaman pa rin na nakapalibot. Napapalibutan ang mga 'yon ng mga maliliit na bagay na kumikislap kahit may araw naman pati ng mga iba't-ibang kulay na paruparu. Sa kabilang dulo ay may dalawang ilog na ang tubig ay nahuhulog sa ibaba, pero hindi ito umaabot sa lupa sa ibaba dahil nawawala ito.

"Ang ganda!" naibulalas ko na lang.

"Talaga?" bulong niya sa tenga ko kaya medyo nailang ako.

Ang hilig niya bumulong kahit kami lang dalawa. Wala namang makakarinig, kaya bakit bumubulong pa siya?

May lumapit sa amin na mga tutubi na umiilaw ang pakpak pero hindi iyon ang ikinagulat ko. May mukha ito, may katawan, mga paa at kamay na parang sa mga tao. Napasigaw ako sa gulat at nagtago sa likod niya. "B-Bakit ganiyan ang mga tutubi rito? Hindi naman sila ganiyan sa mundo namin, ah."

Natatawang hinarap niya ako. "My Yanna, they aren't dragonflies. They're fairies."

"F-fairies?"

"Yeah."

Lumayo na ang mga ito sa amin at bumalik sa mga halaman.

"Iyong mga puno na kulay green ang mga dahon na umiilaw rin? Anong tawag sa mga punong 'yon?"

"They're Tierra's Trees." Hinawakan niya ang mga kamay ko, nilagay sa leeg niya saka siya ngumiti. "Hold on tight, my little human."

Tatanungin ko sana siya kung bakit nang bigla siyang nagkaroon ng pakpak at ginapos ang baywang ko sa kanang kamay niya, saka tumalon kaya napakapit ako nang mahigpit sa kaniya at napapikit.

"Open your eyes, Yanna." Halos pabulong ang pagkasabi niya niyon.

Sinunod ko siya at agad kong nakita ang maamo at nakangiti niyang mukha.

Bakit ba ang gwapo ng nilalang na 'to?! Kainis ah!

Nakadagdag pa sa pagkagwapo niya ang medyo mahabang kulay itim niyang buhok na tinatangay ng hangin pati na ang abo niyang mga mata na misteryoso, mapupula at manipis na labi na parang nanghahamon lagi ng halikan at ang matangos na ilong. Napaka-perpekto niya lang talaga.

Nabaling ang tingin ko sa mga pakpak niya. Sobrang puti niyon at nakakasilaw dahil sa liwanag. Sobrang ganda, at no'n ko lang napansin na nakalipad pala kami at ang ganda tingnan sa ibaba.

Ang daming mga halaman na makukulay sa ibaba na ang gaganda tingnan. Kaunti lang ang mga bahay na kakaiba and desinyo at may mga higanteng bulaklak pa. May mga nakikita akong tao—kung tao nga sila—na nasa labas ng kanilang bahay ngunit 'di ko gaanong nakita ang kanilang mukha dahil na rin malayo ang nilipad namin ni Luke. Ang payapa tingnan ng lugar na ito.

So this is Agartha? Ang ganda!

"You're more beautiful, Yanna, my little human."

Nag-init ang mukhang napatingin ako sa nakangiti na si Luke. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Did he just read my mind again? At sinabi niya bang mas maganda ako kaysa sa Agartha?! Aaaah! Nababaliw na ako!

"Bolero." Nakakatuwang nasabi ko pa 'yon nang nakatingin sa abo niyang mga mata kahit nag-iinit ang pisngi ko.

Tumawa lang siya at nilapit ang bibig sa tainga ko saka bumulong. "I'm not. Totoo ang sinasabi ko."

'Di na ako makatingin sa kaniya nang diretso. Namalayan ko na lang na nag-'landing' na pala kami sa may dagat na kumikislap at kulay blue.

"Ang ganda!" Tumakbo agad ako sa dagat at binasa ang mga binti ko nang may biglang lumitaw na babaeng may buntot sa harap ko.

"Sirena!"

Ang gandang sirena!

Ngumiti ang sirena sa akin saka lumangoy palapit. Binaling niya ang tingin kay Luke na nasa gilid ko na pala. "Siya na ba, Luke?"

Wow! Nagtatagalog ang sirena! Magic!

Ngumiti si Luke sa sirena at tumango. Tumango na lang din ako't ngumiti kahit 'di ko naman alam ang sinasabi nila. Para naman hindi ako out of place 'di ba? Hehe.

"Ang ganda niya," nakangiting puri nito sa akin.

Maganda raw ako. Nakaka-fertile ng puso!

"Aalis na kami. Pinasyal ko lang talga siya rito at para na rin makilala mo siya," ani Luke. 'Di pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang labi.

"Sige." Ngumiti ang sirena sa kaniya pabalik bago ito lumangoy palayo.

Humarap na sa akin si Luke at hinawakan ang kamay ko. Agad ko naman siyang tinanong. "Nagtatagalog 'yong serina?"

"No."

Mas lalo akong naguluhan.

"I translated what she said so you can understand her. No'ng nagsalita siya, na-translate na agad 'yon," dagdag niya upang malinawan ako.

"Ah," sabi ko na lang at 'di na kumibo.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad nang tahimik at sinasarili ko na lang ang paghanga ko sa mga nakikita ko. Natigil lang ako sa paglalakad nang humarang siya sa akin at mataman akong tinitigan.

"You're acting weird, my little human."

Nakasimangot ko siyang tinignan "I'm not," saka nauna nang maglakad pero natigil ulit nang hinatak niya ako at hinarap ulit sa kaniya.

Seryoso niya akong tinignan. "Spill it."

"Bakit hindi mo na lang basahin ang isip ko? Do'n ka naman magaling."

Napatingala siya sa kalangitan saka tumingin ulit sa akin. "My little human is mad at me."

"H-Hindi, ah! Tumabi ka nga! Dadaan ako."

Hindi siya tumabi kaya mas lalo akong nainis. Magsasalita pa sana ako nang maunahan niya ako.

"Ano ba ang kinaiinisan mo?" Pumungay ang mga mata niya.

Napakagat-labi na lang ako dahil kahinaan ko talaga ang mga mata niya at nakakainis 'yon. "Basahin mo na lang ang isip ko. Tutal kagabi mo pa binabasa, lubus-lubosin mo na. Nahiya ka pa. Okay lang talaga sa akin na walang privacy," sarkastiko kong sabi pero napaiwas din agad sa mga mata niyang pilit hinuhuli ang tingin ko.

"Sorry," aniya sa mahinang boses saka tinalikuran ako at naglakad na.

Nakatayo lang ako at nagdadalawang isip kung susundan ba siya o hindi. Pero kung hindi ko siya susundan, maliligaw ako. Hayst, bahala na! Pinapa-guilty mo ako, Luke!

Tumakbo ako at humarang sa dinaanan niya. Natigil siya sa paglalakad at blangko lang ang mukhang nakatingin sa akin.

Ang cold natin pareng Luke, ah!

"O-Oy. He-he."

Blangko pa rin ang ekspresyon niya at hindi ako sanay na gano'n siya. Baka hindi na niya ako pauuwiin sa mundo ko, kaya walang pasabing niyakap ko siya at isinandal ang sarili sa malapad niyang dibdib. Naramdaman ko ang pagkabigla niya, dahilan para hindi agad siya naka-react sa ginawa ko. "Sorry na. 'Wag ka na maging cold sa akin!"

"Fine." Pinulupot na rin niya ang kanang kamay niya sa baywang ko at ang kaliwa nama'y hinahaplos ang buhok ko. "But, tell me first why you're acting weird a while ago. Ayaw ko gamitin ang mind reading ability ko ngayon."

Napakalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Eh k-kasi ano..."

"Yana, spill it now."

"Kasi 'yong sirena..."

Kunot-noo niya akong tinitigan. "Her name is Lyra. What about her?"

Tss. Paki ko sa name niya? Hindi ko tinatanong.

"Kasi ano, hindi mawala ang ngiti mo no'ng kausap mo siya."

A-Ano ba'ng lumabas sa bibig ko? Ba't ko sinabi 'yon? Para naman akong nagseselos na girlfriend!

Rumehistro ang gulat sa mukha niya pero agad din 'yon napalitan ng malawak na ngiti. Nag-iwas ako ng tingin dahil alam kong namumula na naman ang mukha ko pero hinawakan niya 'yon at ipinukos sa mukha niya.

"Yanna, you're jealous," nangingiting sabi niya. "I didn't know you're kinda territorial."

"H-Hindi ah! It's just that, kagabi lang, you told me na ano, na m-mahal mo ako pero kung makipag-usap ka sa sirena na 'yon, parang may something kayo. Saka malay ko ba na iba ang pagka-translate mo sa usapan ninyo!"

Mas lalong lumawak ang ngiti niya na kinainis ko.

"Oh, my little human, you're really jealous!"

"Hindi nga! Ayaw ko lang na niloloko ako at pinapaniwala sa isang kasinungalingan. I'm not jealous. Paki ko ba sa inyo ng sirenang 'yon? Ang sa akin lang, 'wag mo naman sabihing m-mahal mo ako kung hindi naman totoo. Ayaw ko sa manloloko."

Sumeryoso ang tingin niya sa akin at binitawan ang pagkahawak sa mukha ko. "Yanna, when I say I love you, I really mean it. Hindi ka mapupunta rito sa mundo ko kung hindi 'yon totoo. At 'wag ka na magselos, kaibigan ko lang si Lyra." Walang pasabi niya akong niyakap at hinagkan ang noo ko. "Let's go, madami pa tayong pupuntahan." Hinawakan niya ang kamay ko.

"H-Hindi nga ako nagseselos," nakabusangot kong sabi habang lihim na pinapakalma ang puso ko na kanina pa abnormal ang tibok.

"Whatever you say," aniya saka hinatak na ako papunta sa hindi ko alam na lugar.

Nagpatianod lang ako sa kaniya kahit inis na inis na akong hinahatak lang niya. Wala rin naman kasi akong magagawa.

"Hindi rin naman kita mahal, kaya bakit ako magseselos?"

Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Hinarap niya ako na may ngiti pero hindi 'yon abot sa kaniyang mga mata. Malungkot 'yon kahit nakangiti siya. "Then I'll make you fall for me," aniya sa mahinang boses saka tinalikuran ako't nauna nang maglakad.

Tumingin ako sa kalangitan. Kitang kita mula rito ang floating lupa na kinatatayuan ng bahay ni Luke kahit na malayo 'yon, at ang asul na mga ilog na ang rumaragasang tubig pababa ay nawawala lang at hindi nahuhulog sa lupa.

Pa'no kaya nangyari 'yon?

~~**_