Naalimpungatan ako at nangunot ang noo nang maramdamang may humaplos sa pisngi ko. Iniwas ko ang mukha ko at winaksi ang kamay na 'yon.
"Yanna, wake up."
Umungol ako't iniba ang pwesto sa pagkakahiga.
"Wake up, sleeping beauty," anang namamaos na boses.
Alam kong si Luke iyon ngunit wala talaga akong ganang bumangon dahil sobrang antok pa ako kaya ungol lang ulit ang naging respond ko.
"Oh I forgot, a sleeping beauty needs to be kissed in order to wake up from a deep slumber."
Agad akong nagmulat ng mga mata nang marinig ang sinabi niya. Ang mukha niyang papalapit na sa akin ang bumungad sa akin dahilan ng pag-init ng pisngi ko. "H-Hoy. A-Anong ginagawa mo?" Namamaos pa ang boses ko dahil kagigising ko lang.
Ngumiti siya at inosenteng sumagot. "Uh, nilalapit ang mukha ko sa 'yo?"
"B-Bakit?"
"I was about to kiss you, my sleeping beauty, so you'll wake up."
Namula ako't bahagya siyang tinulak. Natatawang umupo siya sa kama habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero wala naman 'yong talab sa kaniya.
Umupo na rin ako saka kinusot-kusot ang mga mata ko. "A-ano ba'ng kailangan mo? Bakit mo ako ginigising?"
"It's already seven in the evening. We should be eating our dinner by now."
Napatingin ako sa malaking orasan. 7PM na nga. Nasarapan yata ako sa pagtulog. "Oo na. Kakain na." Humihikab akong tumayo.
Tumayo na rin siya't inakbayan ako na nagpasimangot sa akin. "Kunin mo ang kamay mo. Ang bigat kaya!"
Tumawa siya at inalis ang pagkakaakbay sa akin ngunit nilipat naman niya ang kamay niya sa baywang ko at pinulupot doon. Papalag na sana ako nang nilapit niya ang kaniyang mukha sa tainga ko saka bumulong. "Ayan, hindi ka naman siguro mabibigatan kapag dito ko inilagay." Nag-init ang mukha ko at 'di na ako nakapag-react. "Let's eat, my litte human. Nagugutom na ako."
Nadala ako sa lakad niya dahil na rin nakapulupot ang kamay niya sa baywang ko. Nang nasa lamesa na kami ay saka lang niya ako binitawan.
Magkaharap kaming kumakain nang walang kibuan hanggang sa matapos. Papunta na sana ako ulit sa kwarto nang hawakan niya ang kamay ko't pigilan. Nilingon ko siya't sinamaan ng tingin kahit taliwas sa nararamdaman kong kuryenteng dumaloy sa aking kamay ang astang iyon. "Bitaw, Luke."
Imbes na bitawan, hinila niya ako palapit sa kaniya, seryoso akong tiningnan, at nagbuntong hininga. "Hindi kita dinala rito sa mundo ko para lang magkulong sa kwarto. Let's go outside."
Mahigpit n'yang hinawakan ang kamay ko na para bang tatangkain kong tumakas anumang oras. Nagpatianod lang ako sa kaniya nang hinatak niya ako palabas ng bahay. Wala rin naman akong magagawa kung papalag ako.
Nakalabas na kami ng bahay ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Tiningala ko siya at naiinis na tinaas ang kamay kong hawak pa rin niya. "Baka naman gusto mong bitawan?"
"Pag binitawan kita, hindi ka na babalik sa akin," he seriously said as he intertwined our hands and pulled me closer to him.
Nasubsob ako sa dibdib niya at nanoot sa ilong ko ang napaka-manly niyang amoy.
Siya na talaga ang mabango!
"Kung iiwan mo lang din naman ako pagkatapos ng isang linggo, then let me use this borrowed time wisely, Yanna. Let me be like this to you 'til that day come, my little human." Inalis niya ang pagkakahawak ng kamay namin at niyakap ako nang mahigpit. "I love you so much."
Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa mga sinasabi niya. Ang alam ko lang ay abnormal na naman ang tibok ng puso ko na parang may nangyayaring marathon sa loob nito. Pinikit ko na lang ang mata ko at dinama ang yakap niya.
Pagbigyan mo na lang siya, Yanna. Soon, iiwan mo rin siya. Babalik ka rin sa mundo mo. Soon, hindi mo na siya makikita pa.
Ilang sandali pa'y kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa tinitignan niya. He hugged me from behind and tried to rest his chin on my shoulder but... "You're so tiny. I can't rest my chin on your shoulder."
Naiinis na siniko ko siya pero tinawanan lang niya ako. "Eh, 'di maghanap ka ng ka-height mo! Hindi ko kasalanang maliit ako rito sa mundo mo. Psh. Sa mundo ko naman, ang tangkad ko na!"
Mas natawa siya sa sinabi ko pero naging seryoso rin agad. Minsan talaga ang bilis niya magbago ng expression.
"Is that even possible? 'Cause , I can't find a replacement of you. My heart and my soul only want you. Kung posible 'yon, hindi na sana kita hinintay ng ilang taon."
Nag-iinit ang pisngi ko dahil sa kakaibang pakiramdam na bumalot sa puso ko. Hindi ko mapangalan kung ano iyon dahil bago iyon sa akin. Binaling ko na lang ang pansin sa paligid at pilit na binalewala ang narinig ko at ang puso ko.
Napakaganda ng gabi dahil sa mga fairies na nasa paligid at sa mga halamang umiilaw. Ganitong-ganito ang nakita ko sa panaginip ko at sa unang pagtapak ko rito sa Agartha. It just simply means na rito ako napadpad sa mismong lugar na ito, pero hindi ko napansin ang bahay ng nephilim na ito.
Binaling ko ang tingin sa kulay asul na ilog. Nakakapagtataka talagang kitang-kita pa ito dahil gabi na. Well, kumikislap ito at asul na asul, kaya siguro gano'n. Pero bakit ito kumikislap?
"You're in the magical place, Yanna. You're in Agartha. 'Wag ka nang magtaka sa mga nakikita mo rito."
Mariing napapikit ako sa 'di inaasahang bulong niya sa tainga ko.
Kainis na nephilim 'to! Nanggugulat! Hindi ka naman mahilig bumulong 'no?
Natawa siya nang bahagya. "Sorry. I didn't mean that."
Ngumuso lang ako saka minulat ulit ang mga mata ko. "Gusto ko pumunta ro'n sa ilog. Can we?" Hinarap ko siya. Matamis akong ngumiti at pinaamo ang mukha ko para kang mapapayag ko siya ngunit tulala lang siya at 'di agad nakapagsalita.
Nangunot naman ang noo ko at pipitikin na sana ang mukha niya kaso masyado naman siyang matangkad. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan 'yon habang seryosong nakatingin sa akin. "Oh, Yanna. You don't need to smile at me like that if you just want us to go there. You can simply ask me without smiling at me like that."
Naguguluhan ko siyang tiningnan. "What's wrong with my smile? Hindi ba bagay sa akin ang ngumiti?"
Umiling siya saka pinatong ang mga kamay niya sa balikat ko. "There's nothing wrong with your smile... but something's wrong with me when you smile. It makes me want to kiss you."
Ako naman ang natulala sa sinabi niya. Nag-init na naman ang mukha ko at 'di na ako makatingin sa kaniyang mga mata. Kinapa ko ang puso ko. Sobrang bilis nga ng tibok nito. Nag-iiba talaga ang ritmo ng puso ko kapag may mga sinasabi siyang gano'n.
Naramdaman ko ang pag-alis niya ng kaniyang mga kamay sa balikat ko kaya nilingon ko siya. Nangingiti siyang nakatingin sa akin at napairap na lang ako.
That smile...it makes me want...want to... punch him for making my heart beat thrice every second!
"B-Bakit ka ba ngumingiti riyan?"
Mas lumawak ang ngiti niya kaya napasimangot na ako dahil mas pinabilis pa nito ang tibok ng puso ko. Para na itong nakikapagkarerahan sa spaceship.
"My Yanna! My words and my actions have an effect on you!" 'Di matanggal ang ngiti sa mapupulang labi niya at naiinis na talaga ako sa sarili ko.
Tumalikod ako at pilit pinapakalma ang puso ko. Nang medyo kumalma na ito ay nilingon ko na siya. "A-Ano ba? Pupunta tayo sa ilog na iyon, o hindi?" I tried to sound irritated but I guess, I failed dahil nautal ako.
"Oh sure, my little human. We'll go there." Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinila ako papunta roon.
Napanganga agad ako nang makalapit na kami sa ilog. Mas maganda pala ito sa malapitan. Umupo ako sa gilid nito at nangingiting binabad ang kamay ko roon. "Ang ganda!" masayang bulalas ko.
"You know what's the most beautiful and pricelss treasure that your world has and Agartha doesn't have?"
Natigil ako sa pagbabad ng mga kamay ko sa tubig at hinarap siya. "Lahat naman yata ng nasa mundo namin ay nasa Agartha at mas pinaganda pa nga."
Umiling siya saka ngumiti. Kunot-noong napaisip ako ngunit wala talagang pumasok sa isip ko. Sa huli ay tinanong ko na lang siya. "Anong treasure ba 'yan?"
"You," seryosong sagot niya. "You're the most beautiful and priceless treasure that your world has and Agartha doesn't have, Yanna. You are that treasure. Kaya nga kinuha kita ro'n. I know it's an act of stealing and selfishness. I steal you from your world and want you to be mine alone, but I don't care. I'm willing to accept the consequences."
Tulala ako sa mga sinabi niya. Nariyan na naman ang abnormal na tibok ng puso ko at pag-iinit ng pisngi ko. Hindi ako makapagsalita at 'di rin ako makaalis sa nakakahipnotismong tingin niya.
Bakit ba ganiyan siya magsalita? Pinapabilis niya palagi ang tibok ng puso ko, eh!
Unti-unti n'yang nilalapit ang mukha niya sa akin. Gustuhin ko mang gumalaw at itulak siya ay 'di ko magawa dahil hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Sa huli ay napapikit na lang ako't hinintay ang pagdampi ng labi niya sa labi ko, ngunit ilang segundo na ang lumipas, hindi ko naramdaman ang labi niya sa akin. Nagmulat ako ng mga mata at saktong iyon din ang pagdampi ng labi niya sa... noo ko.
Nag-init ang pisngi ko sa halik na iyon kahit pa sa noo lang 'yon. Hindi ko alam na ganoon pala ang pakiramdam na mahalikan sa noo—kakaiba, at nakakapanghina.
Nang lumayo na siya, sumilay ang napakagandang ngiti niya sa labi. Hinawakan niya ang magkabilang mukha ko, pinagdikit ang mga noo namin at ang tungki ng aming ilong. "Let's go home, my little human. It's already late at night. We should sleep," aniya saka nilayo na ang mukha sa akin.
Kapa-kapa ko ang dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito nang ilahad niya ang kamay niya sa akin na may ngiti sa labi. Nakatayo na pala siya nang 'di ko man lang namamalayan.
Inabot ko ang malambot niyang kamay at ginantihan siya ng ngiti. Magkahawak-kamay kaming naglakad papasok sa bahay diretso sa kwarto.
Umupo ako sa kama at tiningala siya na nakatayo lamang sa harap ko. "Sa'n ka matutulog?"
"Beside you, of course!" natatawang sagot niya at mas nauna pang humiga sa kanan ko.
Nanlalaki ang mga mata kong tinignan siya. "Hindi p'wede!"
Bumangon siya saka nakakalokong tinignan ako. "My little human, we already slept togother last night, tapos ngayon, ayaw mo nang katabi ako?"
Nag-init ang pisngi ko. "K-Kahit na! I was asleep that time! I'm sure you chanted a spell on me para makatulog ako no'ng gabing 'yon, at paggising ko, nasa kwarto mo na ako!"
Tumawa siya nang malakas saka nahiga ulit pero hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. "Yanna, what's wrong with sleeping together on this bed? We'll just sleep. Unless, you want us to do something better than sleeping." He flashed his flirtitious smile at me.
Nanlalaki ang mga matang hinampas ko siya ng unan. "You, pervert nephilim! Nakakainis ka na!"
Natatawang sinangga niya ang mga paghampas ko sa kaniya. "Hey! Stop it, my little human! You're hurting your nephilim!"
Inagaw niya sa akin ang unan saka hinala ako kaya napahiga ako't nasubsob sa dibdib niya. Kagat-labing natahimik ako at pinipigilan ang paghinga.
"You're so beautiful," aniya na seryosong nakatingin sa mukha ko pababa sa aking labi. Hinawakan niya ako sa baywang at pinagpalit ang pwesto namin. Nasa itaas ko na siya, at ang dalawang mga kamay ay nasa magkabilang gilid ko upang hindi ako madaganan. Dinig na dinig ko ang mabilis niyang paghinga, samantalang ako nama'y nagpipigil sa paghinga at 'di alam ang gagawin.
Nilapit niya ang labi sa noo ko at hinagkan na naman ito saka siya nagsalita ulit sa namamaos na boses, "Let's sleep now, my little human," at nahiga na sa gilid ko.
Kinuha niya ang kumot na nasa paanan namin at kinumot sa aming dalaa bago niya ipinikit ang kaniyang mga mata.
Natutulalang napatingin lang ako sa salamin habang pinapakalma ang puso ko. Hindi ko na talaga alam kung ano'ng nangyayari rito. Pakiramdam ko'y may sakit na ako, at kailangan ko agad makabalik sa mundo ko upang 'wag na lumalala pa ang sakit na 'to.
Dahil yata 'to sa 'di ako nakaligo! Pa'no ba naman kasi, wala akong mga damit dito! Kung alam ko lang na magbabakasyon ako ng one week dito sa Agartha, 'di sana nagdala ako ng maleta!