Chapter 8 - Chapter 7

"Ang tagal naman niyan, Yanna! Bilisan mo  naman!"

Napaikot ako sa aking mga mata nang marinig ang angal niya at ang pagkatok niya mula sa labas ng kwarto.

Ang ingay! 'Di makapaghintay!

"Wait lang kasi! Nahintay mo nga ako ng two years, tapos ngayon, ilang minuto lang hinihingi ko, 'di ka makapaghintay?! Isa pa talagang katok, Luke, iiwan na kita!" banta ko sa kaniya.

Natahimik siya sa labas at natigil ang pagkatok. Maya-maya pa'y mahinahon na siyang nagsalita. "Sorry. I'm so sorry, Yanna. Take your time. Hihintayin kita kahit gaano katagal."

Naiiling na napatingin ako sa pintuan. Alam kong nakasandal siya ro'n sa labas. Medyo naging harsh yata ako. Minsan talaga, walang break itong bibig ko. Makabili nga ng break sa mall mamaya.

Ang sabi ni Luke, may mall daw rito sa Agartha. Naku-curios ako kung ano ang itsura ng mall nila rito—kung katulad lang ba ito ng mall sa mundo ko, o iba. Pero dahil Agartha ito, malamang na high-tech ang mall nila pati na ang mga gadgets nila rito.

Ilang sandali pa ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip si Luke. Ulo ko lang ang pinakita ko at hindi buong katawan. Nahihiya kasi ako sa suot ko. Para akong isang batang paslit na sinuot ang damit ng papa niya.

Kunot-noo niya akong tiningnan. "Tapos ka na, hindi ba? Bakit nakasilip ka lang diyan? Labas na, Yanna."

Sumimangot ako. "Hindi bagay sa akin ang suot ko!"

Natawa siya at nilapitan ako. Hinawakan niya ang mukha ko saka inangat ito. "Kahit ano pa'ng suotin mo, maganda ka." Isang ngiti ang iginawad niya sa akin saka dinampian ako ng halik sa pisngi.

Napabitaw ako sa pintuan, dahilan ng pagka-out of balance ko. Buti na lang ay maagap niya akong nasalo at nailabas sa kwarto. "You're so clumsy, my little human," natatawang aniya.

Tumayo ako nang maayos saka nahihiyang tiningnan siya. Sumimangot ako nang makita ang pagpipigil niya ng tawa, at alam kong dahil 'yon sa suot ko. Napanguso ako at masama siyang tiningnan. "Sige na. Pagtawanan mo na ang suot ko! Pinipigilan mo pa, eh. Tumawa ka lang!"

Kumunot ang kaniyang noo na animo'y may nasabi akong hindi maganda. Hinila niya ako palapit sa kaniya, hinawakan ang magkabilang pisngi ko, saka mahinang nagsalita. "Didn't I tell you that you're beautiful kahit ano pa ang suot mo? And you're more beautiful wearing my clothes, my little human..." Hinagod niya ako ng tingin at nanliit ang kaniyang mga mata. "though my clothes, are bigger than you." Binalik niya ang tingin sa mukha ko nang nakangisi na. "You're the most beautiful treasure I've ever seen, Yanna."

Nag-init ang pisngi ko kaya inilayo ko ang sarili sa kaniya at iniwas ang mga mata ko sa mapanghipnotismo niyang mga mata. "T-Tara na. Bibilhan mo ako ng masusuot, 'di ba? Hindi ako komportable rito sa damit mong parang bestida na sa akin."

Tumawa siya saka hinawakan ang kamay ko. "Fine, let's go."

"Teka muna!"

"Why?"

"May belt ka ba?"

Kumunot ang kaniyang noo. Nagtataka siguro siya kung aanhin ko 'yon.

"Why?"

"Basta! Meron ka ba?"

Tiningnan niya ako saglit bago nagtungo sa kwarto. Bumalik siyang may bitbit ng belt at binigay 'yon sa akin.

Kulay itim ito at walang kung anu-anong desinyo. Simple lang pero maganda naman ito.

Inikot ko ito sa baywang ko at napangiti nang para na talagang bestida ang suot ko ngayon. Binaling ko ang tingin kay Luke na ngayon ay namamangha na pala akong pinagmamasdan sa ginawa ko sa suot ko.

Nag-pose ako sa harap niya nang ilang beses at todo smile pa. "Oh, 'di ba? Maganda na!"

Naiiling na ginulo niya ang buhok ko pero hindi naman mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak na ako palabas ng bahay.

Parang damit lang din ng mga tao ang damit niya. Nang makita ko ang closet niya, may mga suite and tie rin doon. Ang suot ko naman ngayon ay white t-shirt niya na naging bestida na nang isinuot ko. 2 days na ako rito sa Agartha pero hindi pa ako nakakaligo dahil wala akong mga damit at underwears. Buti hindi pa nababahuan sa akin si Luke. Trip pa nga niyang amoy-amuyin ang buhok ko, kaya sure akong okay pa ang amoy ko!

Akala ko'y lilipad kami gamit ang kaniyang mga pakpak papuntang mall ngunit mali ako. Umikot kami sa likod ng kaniyang bahay at nakita ko ro'n ang kotseng itim na may pakpak sa magkabila. Hndi ko alam kung sa'n yari iyon, sa metal yata. Sobrang ganda ng desinyo ng kotse. May mga nakaukit pang mga letra na kulay ginto pero hindi ko naman iyon maintindihan. Hindi namam kasi 'yon english alphabet, pero alam kong mga letra nga iyon dahil nakita ko na ang ganoong mga letra sa mga libro ni Luke.

Nanlalaki ang mga matang tumakbo ako papunta rito. Sobrang bago pa nito tingnan at ni-walang mga alikabot nang hinawakan ko ito. "Ang ganda!" Pinasadahan ko ng aking mga kamay ang mga letra saka bumaling kay Luke. "Ano ibig sabihin ng mga 'to?"

"Castiel," maikling sagot niya nang nakangiti.

Hindi agad ako naka-compose ng sasabibin dahil sa uri ng pagkakangiti niya sa akin, dagdag pa ang nakakatunaw niyang titig dahilan para mautal ako. "A-Ano... ito ba ang sasakyan natin papuntang mall?"

Lumapit siya sa akin saka tumango. "Yeah." Binuksan niya ang kotse nang hindi inaalis sa akin ang tingin. "Com'on, Yanna. Sumakay ka na."

Sinunod ko ang sinabi nyia. Nang makasakay na ako, agad niya itong isinarado saka umikot sa driver seat at sumakay.

"Lumilipad ba 'to?"

Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. "Yeah."

Magsasalita pa sana ulit ako nang mas nilapit niya ang sarili sa akin. Napahugot ako ng hininga at nataranta kung ano ang gagawin niya.

Natatawang kinuha niya ang seat bealt saka dahan-dahang sinuot iyon sa akin nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko, "Easy, Yanna. I'm not going to kiss you," at umayos na sa pagkakaupo.

Nag-init ang pisngi ko at nanahimik na lang.

Pasaway na utak! Kung ano-ano ang iniisip! Napaka-assuming talaga!

This world is advanced. Siguro'y puwede magpalit ng utak dito. Gusto ko kasi palitan ang utak ko, 'yong utak na hindi advance mag-isip!

Napahawak ako nang wala sa oras sa seat belt ko at mas sumandal pa sa kinauupuan ko nang nagsimulang umandar ang sasakyan. 'Di kalaunan ay nasa dulo na kami nitong lumilipad na lupa kaya napapikit ako at napasigaw nang akmang mahuhulog na kami.

"Waaah! Bakit nahuhulog tayo?! Bakit pababa?! Akala ko ba lumilipad 'to, Luke?!" Nagpapanic na napasigaw ulit ako nang babagsak na kami sa ibaba. "Ayaw ko na talaga! Babagsak na tayo! Ayaw ko pang mamatay!"

Nilapit ni Luke ang natatawa niyang mukha sa akin saka pinigdikit ang noo namin na nakahawak pa rin ang isang kamay sa manibela. "You know I won't let you die, my little human."

Pagkasabi niya niyon, medyo kumalma ako. Gano'n ka makapangyarihan ang mga salita niya. Hindi lang pala ito nakapagpapabilis ng tibok ng puso ko, nakapagpapakalma rin pala.

I trust you, Luke, biglang nasabi ko na lang sa isip.

Inilayo na niya ang mukha sa akin saka ngumiti. Nataranta ulit ako nang sumayad na ang harap na gulong ng sasakyan sa lupa kaya napapikit ulit ako, pinigil ang paghinga at mahigpit na hinawakan ang seat belt.

Ilang sandali pa'y nararamdaman ko na ang malayang paglipad ng aking buhok dahil sa hangin na tumatama sa akin. Napakasarap niyon sa pakiramdam. Parang nasa langit na nga yata ako.

I may rest in peace.

"Pfft. Silly. You can open your eyes now."

Narinig ko ang boses ni Luke, dahilan ng pagkakunot ng aking noo.

Patay na rin ba siya?

"Pfft. My little human, open your eyes."

Sinunod ko ang sinabi niya. Minulat ko ang mga mata ko at ang mukha niyang nakangiti ang bumungad sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita sa tanawing nakikita ko.

Ang abo at maamo niyang mga mata ay sa akin lamang nakatingin. Ang kapal ng mga pilikmata nito, pati na ang mga kilay. Ang nakangiti niyang mga labi ay mas pumula pa yata. Ang matangos niyang ilong ay medyo namumula dahil medyo mainit na, pati ang kaniyang mga pisngi.

Ang gwapo nga niya.

"Luke, b-buhay pa ba tayo?" Iyon lang ang nasabi ko.

Ngumiti siya saka tumango sa akin. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Napanganga ako nang malamang lumilipad na kami. "Ang galing!"

Hinawakan ng isang kamay niya ang mga kamay ko, dinala sa labi niya at hinagkan ito na nakatingin nang deretso sa mga mata ko. "Did I scare you a while ago?" tanong niya sa paos na boses.

Sa pagkabigla at kakaibang pakiramdam na bumalot sa puso ko ay nag-iwas ako tingin at inilayo ang mga kamay ko sa labi niya. "W-Well, malapit lang naman akong atakehin sa puso dahil akala ko mamatay na ako kanina." Natawa siya na ikinasimangot ko. "H'wag mo nga akong pagtawanan! Saka, tumingin ka nga sa harap! Alam kong hindi traffic sa himpapawid, pero maliligaw tayo niyan kung sa akin ka lang nakatingin, hindi sa harap."

"You are my true north, my northern star. So bakit maliligaw kung ikaw naman talaga ang direksyon ko?"

Nag-init ang pisngi ko at napakagat na lang sa labi nang pati ang puso ko ay nagwawala na sa mga sinasabi niya. "B-bolero talaga."

Naiiling na binaling niya ang tingin sa harap namin. "Hindi kita binobola. Totoo ang sinasabi ko. I have a blood of an angel, and angels don't lie."

"Fallen angel," I corrected him.

Nabigla ako nang itinigil niya ang kotse at muntik na akong mauntog. Napatingin ako sa ibaba namin. Buti na lang nag-stop lang kami sa ere at hindi nahulog. Huminga ako nang malalim, yumuko at pinakalma ang puso ko.

"Iyon ba ang rason kung bakit ayaw mo manitili sa akin? Dahil anak ako ng makasalanang anghel?" aniya sa malamig na boses.

Napaangat ako ng tingin at sinalubong agad ako ng walang emosyon niyang mukha. "H-Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin, at saka, b-bakit ba tayo napunta sa usapan na 'yan?"

Nagulat ako nang sinuntok niya ang harap ng sasakyan at bahagyang gumiwang ito. Nanlaki ang mga mata ko at nanginig. "L-Luke? Ano bang nangyayari sa 'yo?"

Mariin niyang pinikit ang mata at mahigpit na hinawakan ang manibela.

"K-kung nagalit ka man, I'm sorry. Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang naman sabihin na fallen angels lie. 'Yon lang. Walang kinalaman do'n ang desisyon kong 'wag manatili rito sa Agartha."

Minulat niya ang mga mata niya at malamig pa rin akong tiningnan. "Fallen angels are still angels. They still don't lie. Sinasabi nila kung ano ang gusto ng puso nila at ginagawa ang kanilang gusto since ayaw nila magsinungaling sa sarili nila. They have different reasons why they became fallen angels, Yanna."

Napakagat-labi ako at 'di namalayang tumulo na pala ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. "Sorry na."

Nanlaki ang mga mata niya at nawala ang coldness niyon. Nabigla ako nang hinawakan niya ang mukha ko, marahang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko saka niyakap ako nang mahigpit. "I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry, Yanna. Don't cry, please..."

Tila naging hudyat ang mga salita niyang 'yon upang mapahugulhol ako't niyakap siya pabalik. Hinagod niya ang likod ko at paulit-ulit na humihingi ng tawad. Nanatili kaming gano'n nang ilang minuto hanggang sa tumahan ako.

Kumawalas kami sa isa't-isa ngunit hinawakan naman niya ulit ang mukha ko at pinagdikit ang noo namin. "Sorry. I didn't mean to be cold to you, my little human," mahinang sabi niya.

Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa mukha ko, dahan-dahang ibinaba ito saka ngumiti sa kaniya. "Tara na sa sinasabi mong mall. Bibilhan mo ako ng damit, 'di ba?"

Ngumiti siya sa akin, dinampian ng halik ang pisngi ko, at hinawakan ang kamay ko. "Right. Tara na."

Inistart niya ulit ang kotse saka umandar na ito. Sinandal ko ang ulo sa balikat niya at pinikit ang mga mata ko dahil dinalaw ako ng antok. "Gisingin mo na lang ako pag nando'n na tayo."

~~**—