Nahinto ako sa paglalakad nang may makita akong kagubatan sa malayo, bandang kaliwa. Itim ang mga kahoy ro'n at walang buhay. Nakakatakot ang itsura nito ngunit parang may kung ano sa gubat na iyon at hinahatak talaga akong tingnan at puntahan 'yon. Wala sa sariling hinahakbang ko na ang aking mga paa tungo sa gubat. Tanging iyon lang ang nasa isip ko at ang aking nakikita nang may humatak sa 'kin at niyakap ako. Natauhan ako't napahinto.
"Don't go there, it's not safe," bulong ni Luke sa 'kin.
Naguguluhan ko siyang tiningnan. Kita ko ang takot sa kaniyang mga mata. "A-Anong meron do'n? B-bakit parang may humahatak sa akin papunta ro'n?"
Naramdaman ko ang pahigpit ng yakap niya sa akin. "Rogue vampires."
Nakaramdam ako ng takot at kaba. "V-Vampires? T-Totoo sila?"
Marahan siyang tumango saka kumalas sa pagkakayakap sa akin.
"Takot ka ba sa kanila?" tanong ko na lang sa kabila ng takot ko.
Hinaplos niya ang mukha ko, umiling saka ngumiti. "I'm not scared of them. Takot ako na mapunta ka ro'n na hindi ko namamalayan. Makakapatay ako, Yanna," seryosong aniya na mas lalong nagpakaba sakin.
Napakagat-labi ako upang maibsan ang kaba at takot. "Tara na. Wag na tayo ro'n."
Nakailang hakbang pa lang ako nang naramdaman ko ang presensya niya sa kanan ko. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at nilapit pa ako sa kaniya.
"Psh. Chansing," bulong ko na lang dahil 'di ako makapalag.
"I heard that."
Napairap ako. Huminto na naman kami nang may makasalubong kaming nakasuot ng itim na balabal at natatabunan ang mukha nito dahil sa hood kaya 'di ako sure kung babae o lalaki ba ito. But one thing's sure, mas matangkad ako sa kaniya nang kaunti! Nasa 6'4 yata ang height niya.
All my life, hindi ko naranasang ma-bully dahil sa height. Matangkad kasi talaga ako. Pero nang mapadpad ako rito sa Agartha, no'n ko lang natantong mahirap pala maging maliit, at legit ang feeling na sobrang saya kapag may nakita kang mas maliit pa sa 'yo!
Hindi lang ako ang kulang sa height dito! Ang saya!
Inalis niya ang hood sa ulo niya kaya nakita ko na ang gwapo niyang pagmumukha. Dark chinito eyes, red lips, pointed nose and pale skin.
Ang gwapo!
"Mas gwapo ako sa kaniya," anang kasama ko na binasa na naman ang utak ko.
Napairap na naman ako't 'di na lang siya pinansin.
Hinarap ko ulit ang lalaki. Ngumiti siya, pero imbes na ngumiti rin ako pabalik, napayakap ako kay Luke.
"Luke! May mga pangil siya!" bulong ko at sinubsob ang mukha sa chest niya dahil sa takot.
Bakit ang bango ni Luke? Ang tigas ng chest. Sigurado akong may abs-
"Now, you're fantasizing me, Yanna." Narinig ko ang mahinang tawa niya na may halo pang asar. Lalayo na sana ako dahil sa pagkapahiya pero naisip ko ang mga pangil na sumilay nang ngumiti ang nilalang na nasa harap namin ngayon. Kaya kahit namumula ang pisngi ko sa pagkapahiya, 'di pa rin ako bumitaw.
"Luke."
Alam kong boses 'yon ng lalaki at alam kong mas nakalapit na siya sa amin kaya mas humigpit ang yakap ko kay Luke. Kumakabog na ang dibdib ko sa takot. Mariin ko ring pinikit ang aking mga mata kahit hindi naman ako nakaharap dito. Tinapik ni Luke ang likod ko saka ako nilayo nang k'unti pero hindi ako kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.
Hinawakan niya ang mukha ko nang may ngiti sa labi. "It's okay, Yanna. He's not gonna hurt you." Pinakalma niya ako saka binitawan ang mukha ko.
Hindi pa rin ako kumbinsido sa kaniya. Umikot lang ako sa likod niya at nakasilip lang do'n.
"Raz," ani Luke.
Ngumiti ang bampira at tinitigan ako kaya kinabahan na naman ako. Tumawa siya at napakamot sa ulo. Uso yata magkamot ng ulo rito.
"She's afraid of me." Sinilip niya ulit ako.
"Kinda." Inalis ako ni Luke sa likod niya at itinabi sa kaniya. Magpa-panic na sana ako nang inakbayan niya ako't ngumiti sa akin as an assurance na hindi dapat ako matakot dahil 'andyan lang siya sa tabi ko. "She's Yanna," aniya na sa akin pa rin nakatingin.
"Hi, Yanna! Don't be afraid. Hindi ko naman sisipsipin ang dugo mo. Mapapatay ako ni Luke." Marahan siyang tumawa.
Ngumiti si Luke sa akin, assuring me again that this creature in front of us is harmless saka niya hinarap ito.
"Hi," 'yon na lang ang nasabi ko.
"Siya na ba 'yon? Maganda nga," ani Raz.
"Yeah, she's really beautiful," ani Luke na sa akin na ulit nakatingin kaya nailang ako.
Bolero talaga!
"I heard that, Yanna."
Psh, wala talaga akong privacy sa 'yo!
Tumawa lang siya sa sinasabi ko sa isip saka bumaling ulit kay Raz. "We need to go, Raz. Ipapasyal ko pa siya."
Ngumiti si Raz at mabilis na nawala sa harap namin.
Napahanga ako sa sobrang bilis niyang nawala. Totoo nga talagang mabibilis ang mga bampira.
"Luke, bampira 'yon 'di ba?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami.
"Yeah. But Raz isn't what you think. There are 5 kinds of Vampires; The Pureblood, Noble, Hybrid, Converted, and Rogue. Raz is a pureblood, the highest and powerful race of all vampires. Purebloods can control their thirst for blood. May mga nilalang na nag-aalay ng dugo nila sa kanila. But they'll not totally drain their blood at hindi rin sila pumapatay para lang makainom ng dugo. They can even eat normal foods. They're the royal blood. Noble vampires are next to Purebloods. Hybrids are half vampires. Madaming klase ng Hybrids; half vampire-half wolf, half vampire-half human, half vampire-half nephilim etc. Converted Vampires are those who aren't vampires but decided to be one of them and there's a process for that. Noble vampires, hybrids and converted are pro-royals. Sinusunod nila ang batas na pinapatupad ng mga Purebloods. Hindi rin sila pumapatay para lang makainom ng dugo, atulad lang din ng mga purebloods, dahil 'yon ang batas nila. But they can't eat normal foods. Nanghihina sila. Rogue are those infected vampires. Sila 'yong bunga ng mga nagrebelding mga bampira noong limang siglo na ang nakakalipas. Kagat ng mga nagrebelding bampira ang naging dahilan kung bakit naging bampira sila. They can't control their thirst. Wala silang pinipili. All creatures they see are their prey. They'll drain your blood and leave you lifeless."
Nanginig ako sa huling mga salitang binitawan ni Luke at napahawak sa magkabilang braso niya. Tinanaw ko ulit ang madilim na kagubatan. Napakamapanganib pala talaga nito.
"You're trembling." Nag-aalalang hinawakan niya ang mga kamay ko saka hinagkan ang mga ito. "Don't be scared. I won't let those rogue vampires harm you. I will protect you, my little human."
Napatitig ako sa mga mata niyang nakatitig din sa akin.
Ilang kilo ba ng asukal ang nakain mo, Luke?
Binitawan niya ang kaliwang kamay ko ngunit mahigpit namang hinawakan ang isa ko pang kamay saka naglakad na kami. Napatingin ako sa maaliwalas na himpapawid at may nakitang mga kabayong iba't-iba ang kulay na may mga pakpak.
Napangiti ako't napasigaw. "Pegasus!" Tinuro ko ang mga ito.
Napa-awang ang bibig ko nang naglanding ang isa sa harap namin. Kulay itim ito at napakaganda ng pakpak.
Walang pasabing sumakay si Luke at inilahad ang kamay sa akin. Ngumiti ako nang malawak saka inabot ang kaniyang kamay at sumampa sa pegasus.
"Hold on tight," aniya saka lumipad na nga kami.
"Waaah! Ang galing!" bulalas ko. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa katawan ko.
Nakakapit lang ako sa suot niyang pang-itaas. Mas bumilis pa ang lipad namin kaya napayakap na ako nang mahigpit kay Luke.
"Chansing ka," aniya sa naaaliw na boses.
Namula ako. "H-Hindi ah. Ayaw ko lang mahulog."
Malisyosong nephilim 'to!
Bahagya siyang tumawa at alam kong dahil 'yon sa binabasa na naman niya ang isip ko. Hindi ko nalang siya pinansin at tinignan na lang ang ibaba. May mga naglalakihang bulidings sa ibaba at napahanga ako sa sobrang gara niyon. Kakaiba ang desinyo nito na sa Agartha lang talaga makikita. Napanganga ako nang may makitang mga nagliliparang spaceship sa itaas malayo sa amin. First time ko makakita niyon. May parang plato ang hugis, may triangle, at mayroon ding square. Wow! Dahil do'n ay mas lumakas ang hangin at sobrang gulo na ng buhok ko. Pero keri lang dahil nasisiyahan akong panuorin ang mga ito.
Nakatingin na rin si Luke sa tinitignan ko at napangiti.
"Yang mga spaceship na 'yan, sa'n sila pupunta?" tanong ko sa kaniya.
Lumingon siya sa akin. Kita ko ang pag-aalangan sa mukha niya. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya sa akin o hindi. Pero sa huli, nagbuntong-hininga siya at nagsalita. "Sa mundo mo."
Nilipat niya ang tingin sa harap namin. Napakagat-labi ako at naroon na naman ang pakiramdam na gusto na umuwi.
"Gusto ko nang umuwi." Hindi ko na napigilan pang maibulalas 'yon.
Humigpit ang hawak niya sa pegasus kaya napalunok ako. "No. You can't leave me, Yanna," aniya sa malamig na tono.
Parang piniga ang puso ko sa aking narinig. Ayaw niya talaga akong paalisin dito. I will be stuck here forever. Naiisip ko pa lang, hindi ko na kaya.
Nangilid ang luha sa aking mga mata. Sinandal ko ang ulo ko sa likod niya at tuluyan nang umiyak. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya nang ilang beses.
"Sorry, but I can't just let you go. I'm selfish, I know. I'm sorry." Mas lalo akong naiyak. "I wish I can wipe your tears and hug you, but I can't do it right now. Mahuhulog tayo."
Napakagat-labi ako at pinigilan ang pag-iyak. Nilayo ko na ang ulo ko sa likod niya at nilingon na lang ang mga pegasus na nagsisiliparan din sa likod namin. Humigpit ang pagkakahawak ko kay Luke nang may mahagilap ang mga mata ko. May mga babaeng nakaitim, nakasuot ng sumbrerong matutulis ang dulo at nakasakay sa walis. Ang gaganda nilang lahat pero iba ang tingin nila sa akin. Parang gusto nila akong patayin.
"Luke," bulong ko sa kaniya na kinakabahan na.
"I know, Yanna. They've been following us."
"Ang sama ng tingin nila sa akin. Parang papatayin nila ako."
"I won't let that happen. Kumapit ka nang mahigpit sa akin."
Sinunod ko ang sinabi niya. Binilisan ni Luke ang pagpapalipad sa pegasus. Pagtingin ko sa likod, nando'n pa rin sila at pilit na sinasabayan ang bilis namin.
"Hinahabol nila tayo!" natatakot kong sigaw.
"Don't look at them. Just look at my back. Fantasize me all you wan't, just don't look at them. You've been fantasizing me a while ago, you know. Lubusin mo na."
Nag-init ang mukha ko. Kahit sa ganitong sitwasyon, nakukuha niya pa ring magsabi ng ganoong bagay! "Tse! Nanganganib na nga tayo, may gana ka pang ganyanin ako!" Tumawa siya nang malakas kaya mas nainis ako. "I hate you!"
"I'm sure you don't mean that, my little human," confident niyang sabi.
"Tse! Bilisan mo na nga lang. Nakakahabol na sila!"
"A'right." Mas binilisan nga niya ang pagpapalipad sa pegasus.
Sinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang likod dahil sa takot at bumulong, "I'm scared."
Hinawakan ng isang kamay niya ang nakayapos kong mga kamay sa baywang niya. "Don't be. I'm here."
Naramdaman ko na lang na nag-landing na kami sa lupa at inalalayan niya akong bumaba.
Paglingon ko sa likod ay sakto ring naglanding ang mga nakaitim na babae.
"What do you want," mariing tanong ni Luke saka hinawakan ako nang mahigpit.
'Di ko magawang titigan ang mga nasa harap ko ngayon dahil sa kaba. Nakayuko lang ako at mahigpit din ang hawak kay Luke.
"Just three drops of that human's blood. We need it para sa gagawin naming potion," rinig kong sabi ng isa sa kanila.
Napaangat ako ng tingin.
Dugo ko para sa potion? No way!
Mas humigpit ang hawak ni Luke sa akin. "No," malamig at madiin niyang sagot.
Ngumiti ang leader nila. "Com'on, Luke. Just three drops of her blood." Lumapit siya sa amin.
Kinilabutan ako sa ngiti niya at napapisil na lang sa kamay ni Luke.
"I said no."
May itim na usok na papalapit sa amin kaya napasigaw ako. Agad na kinarga ako ni Luke at mabilis kaming napunta sa ibang pwesto. Hawak-hawak ko ang dibdib ko sa kaba.
Galit na tumingin si Luke sa mga babae. Nag-iba ang kulay ng mga mata niya-from gray to blue. Napaatras ang mga witch at kitang-kita ang takot sa mga mata nila.
"Leave or I'll kill you."
Nakakakilabot ang boses na 'yon. Ibang-iba iyon sa normal niyang boses dahilan para mapaatras ang mga babae at nag-uunahang sumakay sa walis nila't umalis.
Nabaling ang tingin ko kay Luke at tumindig ang mga balahibo ko nang ang mga mata niya'y unti-unting nagiging itim. Hinawakan ko ang braso niya't niyugyog siya. "Luke," halos paos kong sabi ngunit wala pa ring epekto. Niyugyog ko ulit siya. This time, mas malakas na, at nanginginig na rin ang aking mga kamay. "Luke!"
Do'n na siya natauhan sa sigaw ko at nilingon ako. Unti-unting naging blue ang mga mata niya hanggang sa naging gray na ulit ito. Napahinga ako nang malalim ngunit nanginginig pa rin ang aking mga kamay nang tanggalin ko ito sa mga braso niya.
"Are you scared of me now?" bigla ay tanong niya.
Napakagat-labi ako't napaisip. No'ng nag-iba ang kulay ng mga mata niya, natakot ba ako sa kaniya? Hindi. Natakot ako sa kung ano mang gawin niya sa mga babaeng 'yon. Magkaiba 'yon.
Ngumiti ako. "No."
"Alam ko naman kasing hindi mo ako sasaktan," patuloy ko at hinaplos ang mukha niya gamit ang dalawa kong mga kamay.
Hinawakan niya ang mga kamay kong nasa kaniyang mukha at dinala sa labi niya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko at alam kong red na naman ang mukha ko. Ngumiti siya at mahigpit akong niyakap.
"You're making me insane, Yanna."
You're the one whose making me insane, Luke, nasabi ko na lang sa isip ko at alam kong nabasa niya 'yon.
"I'm so insanely in love with you, my little human."
Naramdaman ko na lang na hindi na nakalutang na kami ni Luke. Mahigpit ko siyang niyakap hindi dahil ayaw kong mahulog, kundi gusto ko lang talagang yakapin siya dahil nanghina ako sa huling sinabi niya.
"Let's go home," he whispered to my ears and gently kissed it.
Nag-aalab na naman ang puso ko sa ginawa niyang 'yon at parang gusto kong tumili pero pinigilan ko lang.
Nang nakarating na kami ay agad na nawala ang kaniyang pakpak at agad din akong kumalas sa kaniya saka tumakbo sa bahay deretso sa kwarto. Nahiga ako ro'n at tinakpan ang mukha ko ng unan.
Sumigaw ako nang sumigaw at nagpapadyak pa dahil sa kilig, at nang kumalma na ako ay inalis ko na ang unan sa mukha ko. Napapangiti ako na parang baliw.
'Malala na ako.'
Napabalikwas ako at napaupo nang may bumukas sa pinto. Iniluwa niyon si Luke na nakangiti. Uminit na naman ang mukha ko kaya 'di ko siya matingnan nang deretso.
"Ang saya mo, ah," mahinang sabi ko.
"Yeah," sagot niya saka lumapit sa akin.
Umupo siya sa kama at inayos ang nagulo kong buhok.
"Aren't you happy with me?" mahinang tanong niya na inaayos pa rin ang buhok ko.
"Masaya ka namang kasama," tapat na sagot ko.
Tumigil siya at tinitigan ako nang matagal. "Then stay. Stay here with me, Yanna."
Umiwas ako ang tingin at nakagat ang aking pang-ibabang labi. "I want to go home, Luke."
Kahit masaya akong kasama siya, gusto ko pa ring umuwi sa mundo ko. Nandoon ang buhay ko. Iyon ang totoong tahanan ko. I don't belong in this place.
"Ah, you still want to leave me."
I saw pain in his eyes. 'Yong ngiti niya kanina, napalitan ng sakit.
Napayuko ako. I don't want to see him sad. Gusto kong nakangiti lang siya palagi. Pero masyado siyang selfish para hilingin akong manatili sa mundo niya. Siya lang ang sasaya, at hindi ako.
"You're not happy there, I know it. Lagi kitang binabantayan mula rito. See that mirror? Pinapakita ka niyan sa akin and I saw how lonely and alone you are, Yanna," mahinahon niyang sabi.
Napatingin ako sa salamin na nasa dingding. Maganda ang desinyo nito at ngayon ko lang napansin na may salamin nga rito.
"Yanna, please, just stay here with me. I'll do everything to make you happy." Hinawakan niya ang mukha ko kaya 'di na ako nakaiwas pa ng tingin sa kaniya. Nagsusumamo ang kaniyang mga mata at bakas ang lungkot do'n.
"P-Pag-iisipan ko," nasabi ko na lang.
Binitawan niya ang mukha ko at nagbuntong-hininga. Nahiga siya sa kama at nakatitig lang sa ceiling.
"If you can't...fine. I'll not force you," mahinang sabi niya na nagpalito sa akin.
"Ibig mo bang sabihin niyon, ibabalik mo na ako sa mundo ko?"
Umupo siya at tinitigan ako.
"We have a rule here in Agartha, Yanna."
"Anong rule?"
"If you can't convince a human to stay here in Agartha, then that human will go back to his/her world and will forget that Agartha exists. What happened in Agartha will stay in Agartha. Hindi mo 'yon maaalala." Tahimik lang ako habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "We only have a week to convince a human to stay here. I only have a week to convince you, Yanna. Mawawala ka na sa akin pag hindi ko nagawa 'yon."
Tears fell from his eyes at hindi siya nag-abalang punasan 'yon. Hinayaan lang niyang makita ko 'yon.
Umalis siya sa kama pagkatapos sabihin ang lahat ng iyon saka naglakad palabas sa kwarto nang hindi man lang pinupunasan ang mga luhang patuloy na pumapatak. Saktong pagkalabas niya ay tumulo na rin ang luha ko.
Bakit ang sakit marinig 'yon? Ano bang nangyayari sa akin?
Sumikip ang dibdib ko at mas lalo pa akong naiyak.
Choose now, Yanna. Stay or leave. Two choices lang 'yan! Bakit 'di ka makapili?
Pero gusto ko na talagang umuwi.
Pumasok sa isip ko ang mukha ni Luke, 'yong mata niyang nasasaktan at lumuluha.
Should I leave that nephilim? Bakit parang ang sakit?
Pero gusto ko sa mundo ko. Do'n dapat ako nararapat, hindi rito. Pa'no ang seatmate kung si Yna? Alam kong hindi kami 'yong tipo na sobrang close, pero kahit gano'n, gusto ko pa rin siyang nakakausap kahit minsan lutang ako pag nagkukuwento siya. Kahit napakaganda ng mundong ito, mas gusto ko pa rin sa masalimoot kong mundo.
Nagbuntong-hininga ako. Nahiga ako't napatingin sa ceiling.
~~**_