Chapter 3 - Chapter 2

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko. Napabalikwas ako at nagtatakang napatitig do'n.

Hindi ko ba naisara ang bintana kagabi?

Hindi nga. Nawala sa isip ko na isara ito. Buti na lang may kurtina ito.

Bumangon ako at nagtungo na sa kusina para magluto pagkatapos ay naligo na. Nang matapos maligo at magdamit ay kumain na ako at nag-toothbrush pagkatapos. Tumingin ako sa salamin at inayos nang k'unti ang sarili saka nagtungo na sa school.

Wala pang guro nang dumating ako kaya dinadaldal ako ni Yna na nasa tabi ko. Kung ano-ano ang sinasabi niya na hindi ko masabayan kaya tango lang ako nang tango at tatawa kung kailangan. Lumipas ang 30 minutes ay wala pa rin ang guro namin. Siguro ay hindi na 'yon papasok.

"Alam mo 'yong Agartha?" tanong ko nang mawalan na siya ng maikwento sa akin.

Umiling siya sa tanong ko. "Bakit? Ano ba 'yon?"

"Wala," sabi ko na lang saka ngumiti.

Wala naman kaming masyadong ginawa sa school. Nagdi-discuss lang ang ibang teachers at ang iba naman ay wala. Sa buong araw na nasa school ako, Agartha pa rin ang iniisip ko. May kung ano sa word na 'yon na hindi ko mawala sa isip ko.

Nasa kwarto ako at nagre-research about sa lugar na 'yon. Madami akong nabasang informations sa google at paulit-ulit na lang ang nababasa ko. Ang sabi sa ibang articles, 'Agartha is a half myth and half true.'

Inabot na ako ng 10:00PM kakabasa ng articles pero tila 'di yata ako nagsasawa sa kakabasa. Napukaw yata talaga ng Agartha ang interest ko.

Ang sabi sa ibang articles, mas marami akong mababasang informations about Agartha kung magda-dive daw ako sa 'Deepweb.' Hindi ko naman alam kung ano 'yon kaya ni-search ko kung ano 'yon at nalaman kong isa 'yong tagong search engine na tulad ng google. Mas marami raw  informations sa deepweb. Ang iba pa nga raw ay illegal. Delikado rin daw 'yon kaya 'di na ako nagtangkang mag-dive. Kuntento na ako sa mga nababasa ko sa google.

Humikab ako at kinusot ang mga mata ko. "Last article na lang talaga, matutulog na ako," bulong ko sa sarili at nagsimula ulit magbasa.

Nahinto ako nang sa kalagitnaan ng article, may nakita akong spell na nakasulat sa ibang lengguwahe. Kung hindi ako nagkakamali, latin 'yon.

"Spell to Agartha?" basa ko sa teksto sa unahan ng spell.

Napakagat-labi ako nang kumabog ang dibdib ko at nanginig ang kamay kong nakahawak sa mouse na isinaksak ko sa laptop. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. May kung ano sa spell na iniingganyo ako na i-try 'yon.

Hindi naman siguro 'to totoo.

Nakatitig lang ako sa spell nang halos dalawang minuto saka nagdesisyong kumuha ng notebook sa bag ko at isinulat 'yon. Pag-aaralan ko kung paano ito bigkasin bukas. Wala namang pasok kaya mapag-aaralan ko 'to.

Hindi pa rin normal ang heartbeat ko nang nag-decide ako na i-close ang article at matulog. Paiba-iba lang ang pwesto ko sa kama dahil hindi ako makatulog kakaisip sa spell. May something talaga sa spell na 'yon, o baka nag o-overthink lang siguro ako. "Aaaah! Patulugin mo na ako Agartha!" sigaw ko at ginulo ang buhok.

Para na akong panda nito bukas dahil sa laki ng eyebags. Day off ko nga sa part time job ko, pero puyat pa rin pala ako! Haist!

3AM na ako nakatulog at 8AM nagising. Nahihilo pa ako dahil kulang sa tulog pero pinilit kong bumangon.

Nakatutok ako sa spell na sinulat ko sa notebook ko at inaaral kung paano 'yon bigkasin. Nakabukas din ang laptop ko dahil do'n ko sine-search ang mga tamang pagbigkas ng mga salitang nakapaloob sa spell.

I have this urge na subukan ang spell na 'yon kahit 'di ko naman alam na legit o hindi. Wala rin naman akong planong mapunta sa Agartha pero curious lang talaga ako kung totoo 'yon.

Kung totoo ang spell at totoo ang Agartha at napunta ako ro'n, ano'ng gagawin ko?

Napakagat-labi ako sa naisip.

Ano nga ba ang gagawin ko pag napunta ako ro'n? Pa'no na lang pagnakita ako ng mga nilalang na naninirahan do'n at patayin ako?

Napakamot ako sa ulo.

Ano bang pumasok sa isip ko at gusto kong subukan itong spell? Haist!

Pinunit ko ang pahina kung sa'n nakasulat ang spell at naiiling na tinapon iyon sa garbage can ng kwarto ko saka nahiga sa kama. Pinikit ko ang aking mga mata nang tinangay ako ng antok.

"A-anong lugar 'to? B-bakit ako nandito?" naguguluhan kong tanong nang mapatingin sa paligid.

Napakaganda nito. Nagsisiilawan ang mga lumilipad na bagay na hindi ko matukoy kung ano. Hindi ito fireflies. Kakaiba ito at mas mailaw pa. Pati ang mga kahoy ay umiilaw rin, lalo na ang mga dahon nito na kulay green. Ang ilog 'di kalayuan ay natatanaw ko rin dahil para itong pixie dusts na blue sa sobrang kinang kahit gabi ngayon.

Napatingala ako sa langit at napanganga nang makitang dalawang naglalakihang buwan ang naroon ngunit walang mga bituin. Ang isa ay medyo natatabunan ng ulap.

"Kakaibang lugar 'to," bulalas ko sa mahinang boses.

Paano ba ako napunta rito?

"Ah, panaginip lang 'to. Kailangan ko lang gumising," kumbinse ko sa sarili at napangiti na lang. "Kung gano'n, i-enjoy ko na lang ang panaginip kong 'to!"

Nagising ako at napaupo sa kama na humahangos.

"Panaginip," bulong ko sa sarili at ginulo ang buhok ko.

Tiningnan ko ang orasan sa gilid ko. 11:58PM pa. Matutulog na sana ulit ako nang may maalala.

Ang spell!

Tumayo ako at kinuha 'yon sa garbage can saka naupo sa kama kaharap ang salamin.

Hindi naman siguro 'to totoo. Parang gawa-gawa lang naman siguro 'tong spell na 'to. Bahala na nga! I-try ko na lang!

Tiningnan ko ulit ang orasan. Saktong 12:00AM na. Binaling ko ang tingin ko sa reflection ko sa salamin at humingang malalim saka nag-concentrate. Saulo ko na ang spell at ang tamang pagbigkas nito nang itinapon ko ito sa garbage can kaninang gabi.

Ipinikit ko ang aking mga mata at dahan-dahang binigkas ang spell. Pagbukas ko ng aking mga mata, nasa kwarto pa rin ako. Natawa na lang ako sa aking katangahan. Kahit kailan talaga't tanga ako't uto-uto!

"Sabi na! Hindi talaga 'to totoo! Niloloko lang talaga ako ng gumawa kuno ng spell! Psh!" naiinis kong sabi at napaupo sa kama nang matigilan ako dahil sa biglaang paglitaw ng malaking hole na gumuhit sa kinauupuan ko at napasok ako do'n.

Napasigaw ako sa gulat at napapikit sa aking mga mata. Nagpaikot-ikot ako sa hole at nahihilo na ako kaya isinigaw ko na lang ang pagkahilo ko.

Napadaing ako nang tumama ang puwet ko sa lupa at naduwal pa ako dahil nga sa pagkahilo. "Ouch, sakit!"

Teka, lupa? Waaah! Lupa nga! Nasa lupa ako!

Nilibot ko ang tingin sa paligid at na-amaze sa nakita ko.

"Paradise!" Tumayo ako at pinagpagan ang aking sarili saka nilibot ulit ang aking paningin sa paligid. "Ang ganda rito!"

Nagpaikot-ikot pa ako, hinawakan sa magkabilang kamay ang dress ko, at sumayaw-sayaw na parang prinsesa pero agad ding nahinto nang may mapagtanto.

Ang lugar na 'to. Ito 'yong nasa panaginip ko. Pero mas maganda pala ito sa personal. Paano ko napanaginipan ang lugar na 'to kung ngayon ko pa lang ito nakita?

Ginulo ko ang aking buhok at napabuntong hinanga.

Bahala na nga. Ayoko nang isipin pa.

Hinawakan ko ulit ang dress ko at sumayaw-sayaw ulit.  Wala, eh, feel ko talaga, para akong prinsesa dahil sa mala-fairy tale na lugar na ito.

Ang mga dahon ng kahoy ay umiilaw at sumasabay pa sa liwanag ng dalawang buwan. May mga umiilaw rin na maliliit na paruparu na nagliliparan sa paligid. Ang ilog na kulay asul na parang pixie dust ay nasa 'di kalayuan at sobrang ganda tingnan.

"Gusto mo rito?" tanong ng isang boses sa bandang likod ko.

"Oo sobra!" sagot ko naman nang sumasayaw pa rin at nakangiti pa hawak-hawak ang saya ng dress ko sa magkabilang kamay. Feeling ko kasi ako si Sarah, ang munting prinsesa.

"Talaga?"

"Oo nga ang kuli—teka, may kumakausap sa 'kin?"

Tumigil ako sa pagsasayaw nang matanto iyon. May kumakausap sa akin! Tatakbo na sana ako nang hinawakan nito ang aking kamay kaya napapikit na lang ako dahil sa kaba. "'Wag po! Maawa po kayo sa akin!" pagmamakaawa ko nang nakapikit pa rin.

Naramdaman kong binitawan nito ang kamay ko pero 'yong magkabilang pisngi ko naman ang hinawakan nito.

"Open your eyes," mahinang sabi niya na sapat lang para marinig ko.

Nag-aalangan man ay dahan-dahan pa rin akong dumilat at natulala na lang sa bumungad sa aking mga mata.

Ang gwapong nilalang!

Gray eyes with thick eyelashes and eyebrows, red and kissable lips, pointed nose, white and flawless skin, tapos ang tangkad! 7'4 ang height ko pero mas matangkad pa talaga siya sa akin. Hanggang balikat lang niya ako. Feeling ko tuloy ako si Xiaoxi at siya si Jiangchen!

Wushooo! Ang gwapo talaga! Ang bango pa!

Tumawa siya nang mahina at napailing kaya napakunot-noo ako.

Baliw ba 'to? Tumatawa nal lang bigla, eh! Pero in fairness, ang puti ng ngipin niya, tapos may dimples pa siya! Ang gwapo talaga!

Tumingin siya sa akin at pilit pinipigilan ang pagtawa. Pilit niyang seniseryoso ang mukha niya pero natatawa pa rin siya.

Nakahithit yata 'to ng katol. Sayang, gwapo pa naman!

"Are you not aware that I can read your mind?"

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. I blinked my eyes thrice bago ko ma-proseso 'yon.

"S-seryoso?" paninigurado ko.

Tumango siya.

"Peksman? Mamatay man?"

Tumango ulit siya.

"Kaya ka ba t-tumatawa kanina dahil n-nababasa mo ang iniinsip ko?" kinakabahan kong tanong.

Kinalas muna niya ang mga kamay niya sa mukha ko saka tumango ulit.

"A-Anong klaseng nilalang ka? Magsabi ka ng totoo!" Umatras ako dahil sa kabang bumabalot sa puso ko habang dinuduro siya. Tapang-tapangan lang ako pero natatakot na ako.

This man in front of me is taller than me! 7'4 na nga ako niyan pero hanggang balikat lang niya ako! Para talaga kaming si Jiangchen at Xiao Xi!

"I'm a nephilim," nakangiti niyang sagot saka sumandal sa kahoy na napapalibutan ng mga makikinang na parang pixie dust.

"Half human, half angel?" paninigurado ko. 'Yon kasi ang nabasa ko sa article. Hindi ko alam na makaka-encounter talaga ako ng isang nephilim. Namamangha man ay pumaibabaw pa rin sa akin ang takot.

Baka kasi may powers siya at gamitan niya ako niyon! Hindi na nga normal na nababasa niya ang isip ko, pa'no pa kaya kung meron siyang mga kapangyarihan na katulad ng sa mga sangre sa Encantadia?

"Yes," maikling sagot niya at tumingin sa mga buwan.

Oh yeah, mga buwan talaga kasi dalawa ang buwan nila rito pero walang stars! Nagtago yata, nahiyang magpakita sa akin dahil nasasapawan ng ganda ko.

"S-So, ito na ba 'yong Agartha?"

"Yeah."

"Tagalog at English pala language dito?"

"Hindi."

Naguluhan ako kaya nagtanong ulit ako. "Paanong hindi, eh, nakakausap nga kita sa language na 'yon, tulad ngayon!"

Nilipat niya ang tingin sa akin. "I'm a nephilim, that's why."

Napasimangot ako sa sagot niya. Hindi ako matalino, pero hindi rin naman ako bobo. Kumbaga, sa uri ng mga tao, ako 'yong average lang. Pero ngayon, feel ko ang bobo ko dahil hindi ko ma-gets ang sinabi niya. "Klarohin mo nga!"

Umalis siya sa pagkasandal sa puno saka nagsalita. "I can use any language I want and I can understand any language kahit language pa ng mga tao. That's one of the abilities of nephilims."

Napanganga ako at tuluyan na ngang humanga sa kaniya. Ang cool, pero, "T-teka, 'di mo ba ako dadakpin at dadalhin sa pinuno n'yo tapos papatayin?" kinakabahan kong tanong at napaatras ulit.

Naiisip ko kasi na baka may tribo sila rito at kumakain sila ng mga tao. Itutuhog muna nila sa malakong kawayan at parang baboy na leletsonin. Aaaah! Ayaw ko maging letson! May pangarap pa ako!

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" naguguluhan niyang tanong. 'Di yata nya binasa isip ko. Alam pala niya 'yong word na privacy?

"Kasi, isa akong outsider dito," mahina kong sagot dahil sa kaba.

Ngumiti siya at lumapit pa sa 'kin kaya napaatras ulit ako. Hinawakan niya ang baywang ko saka dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa tainga ko at bumulong. "Alam mo ba kung bakit ako nandito sa labas kahit gabi na?"

Napakagat-labi ako at nagtaka. "B-Bakit?"

"Dahil hinihintay ko ang pagdating mo," bulong niya ulit na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

A-Ano'ng ibig niyang sabihin niyon? A-Anong hinihintay?

-*_

Facebook page: Fallen Weirdzard

Facebook account: Fallen Weirdzard

Facebook group: Fallen Weirdzard's Wands