Dumoble ang kaba sa dibdib ko. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kaniya at naguguluhan pa rin sa nangyayari. Pero isa lang ang naiintindihan ko, na hindi lang aksidente ang pagkapadpad ko sa lugar na 'to.
"A-ano ba'ng ibig mong sabihin?"
Pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko na hindi pinuputol ang tinginan namin ngunit hindi ko ito matanggal. Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya roon. Sadyang nanghihina lang ako sa paraan ng pagkakatitig ng kaniyang mga abong mata sa akin. Seryoso iyon at parang nakikita ang buong kaluluwa ko. Posible pala ang gano'n? Nababasa ko lang kasi 'yon sa mga nobela, ngunit heto nga't nararanasan ko na ito.
Nilayo niya nang k'unti ang mukha sa akin nang hindi pa rin binibitawan ang baywang ko. He heaved a sigh and spoke, "I was the one who made that spell, Yanna."
Kung nagulat ako kanina, tiyak na mas nagulat ako ngayon. "Paanong—" alam mo ang pangalan ko?
Hindi ko na naisatinig ang itatanong ko sana nang pinutol niya ako sa pagsasalita. "Hindi ito ang unang beses na pagkikita natin. I was travelling in your world with the what you called aliens. We landed outside the hospital to help the doctors heal the patients who were in the critical condition, and you're one of those. 'Yon ang unang kita ko sa 'yo. Nag-aagaw buhay ka nang mga sandaling 'yon and you're supposed to be...dead now." Pabulong ang pagkakasabi niya ng dalawang huling salita at nagdulot iyon sa akin ng kilabot.
Nag-flashback sa akin ang nangyari 2 years ago. I was 16 years old when I went out of town with my parents. On our way home, may rumaragasang sasakyan patungo sa amin at binangga kami. We were taken to the hospital but my mom and dad didn't survive. They were dead on arrival.
I was in a coma for 2 weeks and there was a less chance that I'll wake up, but I did. The nurse whose incharge of me told me that it's a miracle.
Napatitig ako sa kaniyang mga abong mata nang may matanto. "Y-You helped me?"
Inalis niya ang pagkahawak sa baywang ko pero 'di pa rin inalis ang pagtitig sa akin nang sinagot niya ang tanong ko. "Parang gano'n na nga."
"P-Pero bakit? Bakit mo ako tinulungan?"
"'Cause we're there to help. You needed help so I helped you. You should thank me. You owe me your second life," seryosong sagot niya.
Napakagat-labi ako. I really owe him my second life.
Ito na ba ang kabayaran ng pangalawang buhay na ipinagkaloob niya sa akin? Gagawin niya ba akong alipin?
"What are you thinking?! I didn't steal you from your world just to be my slave!"
Ngumuso ako sa sinabi niya. Kitang-kita ang pagkainis sa kaniyang mukha at natawa na lang ako sa naisip ko kanina.
Malay ko ba!
Magpapasalamat na sana ako sa kaniya sa ginawa niyang pagdugtong sa buhay ko nang naisip kong asarin siya.
"Sigurado ka bang 'yon lang ang ang dahilan?" Ngumiti ako nang nang-aasar.
"It's true," iritadong sagot niya.
"Ang defensive mo! Tinatanong lang naman kita, eh," natatawang sagot ko.
Ngumisi siya at lumapit ulit sa akin sabay hinawakan ulit ang baywang ko. Ako naman ay namula, natameme, at hindi makakilos. "Hmm. That's partly true, but I must admit, hindi lang 'yon ang rason bakit tinulungan kita." Namamaos ang kaniyang boses nang sinabi ang mga katagang 'yon na sa mukha ko lang nakatingin.
Naging abnormal na naman ang tibok ng puso ko. Napayuko ako dahil 'di ko na kayang tagalan pa ang pagtitig sa mukha niya. Nanghihina ako at gusto ko na lamang umupo. Nabigla ako nang iangat niya ang mukha ko gamit ang isa pa niyang kamay. Hinaplos niya muna 'yon, ngumiti sa akin saka nagsalita sa mahina at mahinahong boses. "Focus on me, Yanna."
Hindi na ako makayuko pa dahil hawak niya pa rin ang mukha ko at may kung ano sa kaniyang mga mata na nagsasabing titigan ko ito. Iyon nga ang ginawa ko.
"Do you believe in love at first sight? 'Yong unang kita mo pa lang sa kaniya, iba na ang nararamdaman mo. Love, that's what they call that strange feeling, but for me, it isn't love at first sight. It is not because of your face why I felt something weird in my heart. My heart is the one who felt it, not my eyes, so it should be called, love at first weird beating of my heart."
Napakagat-labi ako at alam kong bakas sa mukha ko ang gulat sa sinabi niya.
Magko-confess na ba siya sa 'kin? I'm not ready to hear it!
"Yes you're right, Yanna. I'm confessing my feelings to you, and I don't care if you're not ready to hear it," he said in a husky voice at nilapit ang tungki ng ilong niya sa mukha ko.
Uminit ang pisngi ko kaya napasandal ako sa balikat niya at nabitawan niya ang mukha ko.
Ang daya! Nababasa niya ang isip ko!
Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya alam kong nabasa nanaman niya ang isip ko. Sumimangot ako at mas diniin pa ang mukha ko sa balikat niya dahil sa hiya.
Niyakap niya ako nang mahigpit at nabigla ako sa sunod niyang ginawa.
H-He kissed my neck!
Dampi lang 'yon pero uminit ang mukha ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko dahil sa iba't-ibang emosyon na nararamdaman ko.
"I love you, Yanna, since the day I met you. I waited 2 years for this day to come. I waited 2 years to finally bring you here."
Nanlamig ako at napatingin ulit sa mga mata niya. "A-Anong ibig mong sabihin?"
Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin pero kinuha rin naman niya ang mga kamay ko saka hinalikan ang mga iyon nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "They said, you should be true the one you love, so, okay, I'll tell you everything. I'm always watching you from here kaya alam ko kung ano ang ginagawa mo ro'n sa mundo mo. No'ng naging curious ka na sa mundo ko, I manipulated the article you were reading. Ako ang gumawa ng spell na 'yon and I made sure na ikaw lang ang nakakakita at heto nga, nandito ka na."
Naiinis na napalayo ako sa kaniya at binawi ang kamay ko. "Y-You! You're crazy!"
"Yeah, I'm crazy, crazily in love with you," tumawa siya na nagdulot sa akin ng takot.
"Ibalik mo ako sa mundo ko," seryoso kong sabi na tinawanan lang niya ulit.
"I can't do that, and I will never do that. I've waited 2 years. It's long enough, and I'll make sure that you can't go back to your world again," madiing sabi niya.
Tumulo ang luha ko at 'di na ako nakapagpigil sa pag-iyak. Nanginginig na rin ako dahil sa takot ko sa kaniya. "B-Baliw ka talaga! Baliw ka!"
Lumapit siya sa akin at niyakap ako pero nagpumiglas ako at pilit kumakawala sa kaniya ngunit wala talaga akong magawa dahil sa higpit ng yakap niya sa akin.
"Stop crying." Hinihimas niya ang likod ko nang paulit-ulit.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapangalanan ang iba pero alam kong mas lumamang ang galit ko sa kaniya at takot.
"Natatakot ako sa 'yo. Alam mo ba 'yon?" Pinipilit ko pa ring kumawala sa kaniya habang pinipigilan ang pagluha ko.
"I know."
Nahimigan ko ang sakit at lungkot sa boses niya pero wala na akong pakialam do'n. Ang gusto ko lang, umuwi na sa mundo ko.
I admit, this place is beautiful. This is magical, but I don't belong here. I don't wanna stuck here with this nephilim! Ayaw ko! Ayaw na ayaw ko!
Gusto ko lang mabuhay nang normal, mag-aral nang mabuti, at matupad ang mga pangarap ko.
"Ibalik mo na ako sa mundo ko, please." Napahikbi na ako.
"I can't, and I don't want to. You'll stay with me here." Hinigpitan niya ang yakap sa akin.
Napayakap din ako sa kaniya nang may narinig na ungol ng hayop. Kakaiba ang boses na 'yon, parang galit. Nanginig ako sa takot at hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng nilalang iyon at ayaw ko itong makita. Naiisip ko pa lang, ang pangit na ng itsura na nabubuo sa isipan ko.
"A-Ano 'yon?" mahinang bulong ko sa kaniya.
"A werewolf. Tss. What is he doing here in my place? I must teach him a lesson for intruding." Bakas ang inis sa kaniyang boses.
Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Gusto ko na talagang umuwi sa amin. Baka mapira-piraso ako ng werewolf o 'di kaya ng iba pang mga mababangis na nilalang dito. Ayaw ko na talaga!
Inalis niya ang pagkakayap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko siya magawang tingnan. Nakayakap pa rin ako sa kaniya nang mahigpit dahil sa takot. "And you think I'll let that happen?" kunot-noong sabi niya. "No one can touch you here, Yanna. No one can hurt you. I won't let that happen, my little human."
Inalis niya ang mga kamay kong nakahawak sa kaniya na ikina-panic ko. Mas lumakas pa ang ungol na naririnig ko at triple na ang kaba sa aking dibdib.
Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at deretsong nakatingin sa akin. "Stay at my back. Close your eyes and don't move."
Nag-aalangan man ay napatango ako at pumikit. May kung ano talaga sa kaniyang mga mata na napapasunod ako.
Ilang sandali pa'y naririnig ko na ang ang sunud-sunod na ungol ng taong lobo at sobrang lapit na niyon sa amin. Napahigpit ang pagkapikit ko sa aking mga mata at grabe na rin ang panginginig ko.
"Why are you here? What do you want?" mariing tanong ng nephilim.
"I want her," rinig kong sagot ng kung sino man.
Iyon ba ang taong lobo?
Napakuyom ako sa aking mga kamay nang narinig ko ang nang-aasar na tawa ng nephilim. May iba sa tawa niyang 'yon. Mapanganib.
"You think I'm that stupid to give her to you? She is mine, mine only."
Nanindig ang balahibo ko at napaawang ang labi ko. Para bang iba ang dulot ng mga salitang 'yon sa akin. Hindi ko alam pero, mapanganib 'yon, nang-aangkin, at mas hindi ko alam kung bakit parang gusto ko pa yata iyon. Nababaliw na nga yata ako.
Ilang sandali pa'y narinig ko na ulit ang ungol ng taong lobo at ang ingay na nililikha ng paglalaban nila. Gusto kong idilat ang mga mata ko upang makita 'yon ngunit—
"I said, close your eyes!"
Sa huli ay pinili ko na lang siyang sundin. Ilang sandali pa ay wala na akong narinig na ingay. I was about to open my eyes when I heard footsteps coming towards me. Ang kaninang takot ko ay nariyan na naman.
S-Sino ba ang nanalo sa kanila? B-Baka taong lobo ang papalapit sa akin ngayon!
Natigil ang negatibong pag-iisip ko nang yumakap ito sa akin nang mahigpit. Hindi ko namalayang kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko, kaya ngayon ay habol-habol ko na ito.
"Are you okay?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at napadilat ako sa aking mga mata. Ang nag-aalalang mga mata niya agad ang sumalubong sa akin at 'di ko na napigilan pa ang pagpatak ulit ng aking mga luha.
Akala ko'y malalapa na ako ng taong lobong 'yon!
He wiped my tears and caressed my face. "I told you, I won't let anyone hurt you."
"G-Gusto ko nang umuwi. Pauwiin mo na ako, oh. Please."
Sumeryoso ang mukha niya at wala ng mababakas pang ibang emosyon doon. "No," mariing aniya sa malamig na boses.
Ayaw niya talaga akong paalisin. Mamatay ako rito at ayaw ko niyon! Mas gusto kong sa mundo ko mamatay!
"I won't let you go back. I can't, and don't want to. I need you to stay here. I don't care if I sound selfish. I just love you so much, Yanna. I love you, and I don't want to let you go."
Patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi. Hindina nga ako makakabalik pa sa mundo ko. Sobrang selfish nga niya. Ang selfish niya.
Nilapit niya ang mga labi niya sa tainga ko at hindi ko na ito naiwasan pa nang bumulong siya. "Sleep now Yanna, I know you're tired,"
Bigla-bigla ay automatic na dinalaw ako ng antok kaya napapikit na lang ako.
"I'm sorry," huling narinig ko bago tuluyang nakatulog sa mga bisig niya.
~*~*_