Tulala lang akong nakatingin sa teacher namin na nagdi-discuss pero wala talaga sa kaniya ang atensyon ko. Iba ang takbo ng aking isipan, wala sa lection namin o sa guro. Kumurap ako saglit. Pagdilat ko, may mga tanong na agad na naglalaro sa isipan ko.
Bakit hindi ko nararamdaman ang pag-ikot ng mundo o ang paggalaw ng dagat? Bakit nakikita natin ang hangganan ng sky na nata-touch sa ground o sa mountain pero pag nagsimula na tayong ihakbang ang ating mga paa, o nakasakay tayo sa sasakyan, wala naman pala ito do'n at lumalayo pa ito or same distance pa rin ang layo niya kahit ilang kilometro na ang nalakbay natin? Tapos ang sky sa likod, same distance pa rin sa 'yo. Pa'no 'yon? Hindi kasi ako kontento sa mga explanation sa science kaya nahihirapan pa rin akong intindihin.
Nagbaling ako ng tingin sa katabi ko nang siniko niya ako. Nakakunot-noo ko siyang tinanong nang mahinahon at mahina ang boses. "Ano?"
Ngumuso siya sa harap. "Kanina ka pa tinatawag ng teacher natin. Patay ka! Tulala ka na naman."
Dahan-dahan akong lumingon sa harap na kinakabahan at pilit na ngumiti nang bumungad sa akin ang galit na mukha ng guro namin. Para na itong tigre na sobrang galit at gusto ko na lang magtago sa likuran ng kaklase ko.
"M-Miss—"
"I said, get out of this room! I don't need a student whose spacing out when I'm lecturing!"
Napapikit ako saglit sa lakas ng sigaw niya at alanganin akong tumayo.
"Get out!" ulit niya pa sa full volume na boses na nagpapikit ulit sa akin.
"Y-Yes Prof."
Nagmamadali akong lumabas sa room hawak-hawak ang backpack ko habang naiiling sa katangahan ko kanina. Ang hilig ko talaga kasi mag-space out kapag nakaka-bored ang pinagdi-discuss ng guro namin sa harap.
Huminto ako sa botanical garden at umupo sa nakitang upuan na gawa sa kahoy. Napakaraming iba't-ibang uri ng bulaklak dito at may nakita pa akong kaunting mga paruparu. Mahalimuyak ang paligid dahil na rin 'yon sa mga bulaklak. Napahawak ako sa dibdib habang habol ang hininga at pinapagalitan ang sarili sa katangahan kanina. "Kainis ka, self! Napagalitan ka na naman. Bakit ba kasi iba ang iniisip mo sa klase at 'di ka nakikinig kay Miss Ferrer?"
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at napag-alamang 3:15PM pa lang. Last period na namin ngayon kaya okay lang siguro na uuwi ako nang maaga kasi napalabas naman ako ng guro namin. Makakapanood pa ako ng isang episode ng A Love so Beautiful kapag uuwi ako.
Napangiti ako sa naisip. "Tama! Uuwi ako nang maaga!"
Nagsimula na akong maglakad papuntang gate at nakita agad si manong tagabantay na seryoso lang na nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya nang malawak at kumaway. "Hi, manong tagabantay!"
Hindi niya ako binati pabalik o ngumiti man lang. Sa halip ay tinanong niya ako. "Bakit nandito ka? Oras ng klase ngayon."
Napanguso ako. "Napalabas ako sa classroom eh."
"Hay naku, ano ba'ng ginawa mo't napalabas ka?"
"Wala po. Kaya nga ako pinalabas kasi wala akong ginawa. Hehe!"
Napakamot sa batok si manong tagabantay sa sagot ko. "Kayong mga kabataan talaga."
Tumingin ako sa gate sa likod niya at bumaling ulit sa kaniya na may malawak na ngiti. "Manong tagabantay, baka naman p'wede na akong umuwi. Hehe!"
"Hindi p'wede."
Agad akong napasimangot. "Manong naman. Sige na po, please?"
Umiling siya at matalim akong tiningnan. Napabuga ako ng hangin saka umatras na lang. Nagalit ko na yata si manong tagabantay. "Sabi ko nga, hindi pwede. Bye manong!"
Kumaripas ako sa pagtakbo at napunta ulit sa botanical garden. Umupo ulit ako sa inuupuan ko kanina at nag-iisip kung pa'no ba ako makakauwi. Napapadyak ako sa batong nasa harap ko nang 'di ko namalayan at ako rin ang nasaktan sa katangahan ko. "Ouch! Sakit!"
Minsan talaga, ang tanga ko!
Nagpalinga-linga ako sa paligid habang iniinda pa rin ang sakit. Nakita ko ang kahoy na ang sanga ay palabas ng gate nitong school. Napangiti ako nang may naisip. Dali-dali akong nagpunta sa puno at umakyat kahit nakapalda lang ako. Naka-cycling short naman ako kaya okay lang. Kumapit ako sa katawan ng puno nang maigi habang hinahakbang ang aking mga paa at kumapit naman sa mga sanga hanggang sa nakaakyat na nga ako. Tinignan ko ang ibaba at napansing may dalawang estudyanteng paparating na babae at lalaki. Magkahawak kamay sila at malanding tumatawa ang babae. Umusog ako nang kaunti para 'di nila ako makita. Isinandal ng lalaki ang babae sa punong inaakyatan ko at nagsimula na silang maghalikan. Napanganga ako't napakurap sa 'king mga mata.
First time ko'ng makakita ng live na halikan. Madalas, sa mga k-drama, c-drama, tai-drama, thai-drama, at j-drama lang ako nakakakita niyon o kaya nababasa ko lang sa wattpad o libro. Kinikilig pa nga ako no'n, pero kapag live pala, nakakadiring tingnan!
Nagsimulang i-unbotton ng lalaki ang damit ng babae kaya napasigaw na talaga ako. Iba na kasi 'yon! "My innocent eyes! May live porn!"
Napatigil ang dalawa sa pagsigaw ko at gulat na gulat na tumingala sa akin. "A-Anong ginagawa mo riyan?" nauutal na tanong sa 'kin ng babae. Namumula ang mukha niya. Siguro ay dahil sa pagkapahiya.
Napasimangot ako. "Kayo dapat ang tinatanong ko niyan. Anong ginagawa n'yo? School 'to, hindi motel! Ang babata n'yo pa! Kadiri kayo!"
Kilabot na ngiti ang binigay sa akin ng lalaki. Gwapo siya, oo. Pero hindi ko siya type.
Teka, parang kilala ko siya! Siya 'yong heartthrob kuno ng school namin pero playboy naman. Itong babaeng kasama niya ay ang Miss Intrams ng school namin.
"Sabihin mo na lang kasi na gusto mo makisabay sa amin."
Sa inis ko, kinuha ko ang bunga ng mangga na nasa gilid ko at binato 'yon sa kaniya. Humagalpak ako sa pagtawa nang masapol siya sa noo. Grabe! Ang epic ng mukha niya!
Galit na galit niya akong nilingon. Parang umuusok na ang kaniyang ilong sa galit at parang gusto akong patayin. Namumula na rin ang kaniyang pisngi. "Humanda ka sa akin!"
Bago pa siya makakuha ng bato para ipambato sa akin ay tumalon na ako sa sanga palabas sa school na may tagumpay na ngiti. "Kala niya, ha!"
Agad akong umuwi sa bahay at nagpalit ng damit para sa part-time job ko. Wala na rin kasi akong oras manood pa ng A Love So Beautiful dahil sa nangyari kanina.
Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin. Maganda pa rin naman ako kahit saang anggulo. Nag-peace sign ako saka ngumiti at napa-flip hair na lang sa tuwa. "I'm so beautiful talaga!"
Lumabas ako ng bahay at nagtungo na nga sa trabaho ko. Sa isang coffee shop ako nagpa-part time. 5PM ang pasok ko at 10PM na ako nauuwi kapag may klase pero pag wala naman, 8AM ang pasok ko pero 10PM pa rin ang uwi. Wala na akong pamilya kaya ako lang ang bumubuhay sa sarili ko at nagpapaaral sa akin. Well, may perang naiwan sina mama at papa sa bangko, pero sapat na iyon para sa matrikula ko kapag nag-college na ako.
Nakangiti kong hinarap ang babaeng kaedad ko lang saka binigay sa kaniya ang order niya. Pagkatapos niyon ay tumingin ako sa madilim na kalangitan na kita pa rin dito sa kinapu-pwestuhan ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa. 9:35PM na. Kaunting oras na lang, uuwi na ako. Biglang tumunog ang cell phone ko at rumehistro do'n ang numero ni Yna na seatmate ko. Napangiti ako saka sumagot.
"Oh?" bungad ko sa kabilang linya.
"May assignment tayo, pinucturan ko na. Send ko na lang sa 'yo mamaya."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Yieeh! Salamat!"
"Ikaw kasi. 'Di ka na naman nakikinig kay Miss Ferrer. Ayan tuloy, napalabas ka na naman."
"Sorry naman," natatawa kong sagot.
"Sige, bye na. 'Yon lang talaga ang sasabihin ko."
"Teka muna."
"Bakit?"
Tumingin ulit ako sa madilim na langit. "May stars diyan ngayon?"
Natahimik siya saglit. "Wala. Bakit mo naitanong?"
"Wala lang. Hehe!"
"Ang weird mo, alam mo 'yon?"
Natawa ako sa sinabi niya. "Matagal na."
Binaba ko na ang cell phone at isinuksok sa bulsa ko saka tumingala sa langit.
We're both looking at the same sky, but what's weird is, there are stars here, while there, there are none.
Napaka-mysterious talaga ng mundo. Pareho naman kaming nasa Pilipinas at parehong gabi rito, pero bakit hindi magkatugma ang madilim na kalangitan na pareho naming tinitingnan? Parang kayo lang ng crush mo. Hindi magkatugma ang feelings!
Hays, bakit ko ba 'to naiisip? Ang weird ko talaga!
Nakauwi na ako sa bahay at nag-open sa facebook ko. Agad kong ni-check ang message ni Yna sa akin na my pic na naka-attatch. Kinuha ko agad ang notebook saka nagsimula na sa pagsagot. Nang matapos ay nagpa-scroll-scroll na lang ako sa newsfeed ko at nagbabasa ng mga posts para dalawin ng antok.
Naagaw ang atensyon ko sa post ng isang page na ni-share ng facebook friend ko. Article 'yon at tila nakakaingganyo basahin dahil sa kakaibang pamagat.
"The Inner Earth: Agartha," basa ko sa pamagat nito.
"Inner Earth? Agartha? Ano 'yon?" tanong ko sa sarili.
May kung ano sa isip ko na gustong-gusto malaman kung ano 'yon kaya sinimulan kong basahin ang article.
Ang sabi sa article, ang Earth daw ay may butas sa North at South pole. Tinatawag itong "Hallow Earth." Ito raw ay passage sa isa pang mundo sa center of the Earth. Nasa inner core daw ito. Ang mundong ito ay tinatawag na "Agartha" na kilala ring "land of advanced races" dahil sa high technologies na ginawa ng mga taga roon. Marami rawng mga nilalang do'n tulad ng Nephilim, bampira, wolves, mermaids, witches, warlock, wizards at iba pa. Pero ang una rawng nakatuklas o gumawa ng mundong 'yon ay ang mga 'Nephilim' na half-human and half-angel na anak ng mga 'Annunaki' o mas kilala bilang 'Fallen angels.' Ang mga nephilims daw ang namumuno sa lugar na 'yon. Sila ay may tangkad na 10 feet, mas malakas pa sa mga karaniwang tao, mas matatalino at mapuputi. Walang pinagkaiba sa mga tao ang kanilang itsura except lang sa kanilang tangkad. Ang capital city raw ng Agartha ay 'Shangri-La.' Ang sabi rin, ang mantle daw ay ang nagsisilibing sun nito.
Nawala ang antok ko sa nabasa at pinagpatuloy ito.
Ang mga UFO raw na nakikita natin ay gawa ng mga nephilims pati na ang mga aliens. Ginawa nila ang mga ito na may tangkad na 3 feet at malalaki ang mga mata. Kasama nila itong maglakbay sa mundong ibabaw. Hindi raw galing sa ibang planeta ang mga aliens kundi galing sa center ng Earth. Ang sabi pa ay naka-discover daw ang mga scientists na may large ocean of water daw sa mantle and they point out that it is a large water "tank" that could fill the oceans on Earth three times. Kaya ang surface water daw sa Earth ay galing mismo sa mantle o within the Earth as as part of a "complete water cycle on the planet."
Napa-wow ako sa nabasa. "So likha lang nila ang mga aliens?"
Nagpatuloy ako. Bukod sa North at South pole, may iba pang passage patungo sa Agartha. Binasa ko ang mga 'yon at napasimangot na lang.
"Ang lalayo naman nito! Wala ba sa Pilipinas?"
Napatitig ako sa article na nabasa ko. Kaya raw ito hindi isinapubliko ay dahil pinoprotektahan daw ito ng mga malalaking tao sa mundo. Kinausap din daw sila ng pinuno ng Agartha na dapat walang makakaalam sa kanilang mundo.
"Parang hindi naman totoo 'to," sabi ko nang matapos ko itong basahin.
Pero may part sa akin na naniniwala sa nakasulat sa article. Siguro ay dahil weirdo akong tao na naniniwala sa mga kakaibang bagay o mga nilalang na hindi nae-explain ng science. Siguro ay dahil gusto ko makapunta roon. Siguro ay weird lang talaga ako. Natawa ako sa naisip.
Humikab ako nang dinalaw na ako ng antok at inilagay sa study table ko ang cell phone saka humiga at pinikit ang mga mata.
Naalimpungatan ako nang may maramdamang parang humahaplos sa aking mukha. Malamig ang gabi ngunit mainit ang kamay na 'yon na humahaplos sa akin.
I want to open my eyes but I'm too tired to do it. Sa huli, pinagsawalang bahala ko na lang 'yon.
"My little human, you'll be with me soon."