"I look hideous!" Nakalabi niyang reklamo kay Lilet sabay nang pasaldak na pag upo sa kama ng kaibigan, suot pa rin ang isa sa mga cocktail dress na ipinahihiram nito sa kanya.
"What do you mean? okay naman ah!" sagot ni Lilet na naupo sa kanyang tabi.
Muli niyang tinapunan ng tingin ang sariling repleksyon mula sa salaming hindi kalayuan. Natutop niya ang noo. Pang lima na ang damit na ito sa mga naisukat niya pero wala pa rin siyang napili ni isa sa mga inilabas na damit ni Lilet. She looked out of place wearing these clothes! Kung hindi nga lamang kailangan niyang isuot ito ay hindi niya gagawin.
"Look at me" sabay turo niya sa sa salamin "mukha akong belyas na laos dito eh!" nakasimangot niyang sabi.
Lilet giggled "Hoy Ms. Rodriguez! Designer piece po 'yan hano! Belyas ka diyan! Talagang medyo daring lang ang tabas niyan" hinila siya nitong patayo at pilit dinala sa harap ng salamin "you look sexy mi amiga!"
"Hay nako! Ayoko ng ganito parang nakaluwa na pati kaluluwa ko dito eh!"
"Sus! Ayan ka na naman sa pagiging promdi mo! Bagay naman ah!"
"Lil, birthday party ang pupuntahan ko, hindi naman bar!" She argued, grimacing at her own reflection. O sige na, designer dress na ito pero masyadong daring para sa kanya. It's a black satin dress na hakab na hakab sa katawan with a very plunging V neckline. Manipis lamang ang tirante nito at labas pa ang likod!
"Eh ano pa ang ibang pwede mong isuot aber? I already took out all of the cocktail dresses that I have!" Umikot ang mata nito pataas "Sigurado namang maganda ka sa paningin ni Drake kahit ano pa ang isuot mo eh!".
She smiled at the thought of her boyfriend. He is exactly the reason why she wanted to look extra pretty for the event, kung birthday party lamang ito ng kung sino ay malamang pang hindi siya pumunta dahil wala naman siyang hilig. But this isn't just anyone's party, this is Drake Lustre's birthday party and he said she will be his guest of honor.
"Do you think Drake will forgive me kung mag back out na lang ako?" tanong niya sa kaibigan habang nakatitig pa rin sa sarili sa salamin.
"You are not seriously considering that, right?!" nanlalaki ang matang sigaw ni Lilet sa kanya. "This is a once in a lifetime opportunity to be invited by the Lustre's and you.are. going!"
"Sus! Nag aalala ka lang yatang hindi ka din makakapunta pag hindi ako pumunta eh", naiiling niyang biro sa kaibigan. She already told Drake she will bring Lilet with her, na agad namang pinaunlakan ng nobyo.
Bumungisngis si Lilet "Paano mo alam?"
"See?!" nakatawa niyang binato ng unan ang babae na nasapol sa mukha dahil hindi nakailag, sabay silang nagkatawanan.
Malamig pa sa yelo ang mga kamay ni Calista nang pumarada sa harap ng malaking gate ng mansyon na iyon ang taxing kanyang sinasakyan. She inhaled and exhaled a few times bago pikit matang inabot pabukas ang pinto ng sasakyan upang umibis doon.
Ilang mga mamahaling sasakyan ang sunod-sunurang nagsidatingan at matapos maipakita sa guard ang kani-kaniyang imbitasyon ay malayang nagtuloy sa loob ng malaking gate.
Nasaan na ba si Lilet? May nerbiyos niyang sinipat ang suot na relo sa bisig. 7:20 na, ang usapan nila ay saktong ala-siyete kinse sila magkikita dahil hindi niya nais pumasok roon mag isa. Isa pa, kailangan din siya ng kaibigan dahil ito ang kanyang plus one sa imbitasyon.
"Miss, may imbitasyon ka ba?" anang guard ng mapansing naroon siya nakatayo di kalayuan sa malaking gate.
"Ah..ah eh, meron ho manong pero hinihintay ko lang ho ang kaibigan ko".
"Eh dito ka na lang muna gumilid hija at baka matagis ka ng sasakyan diyan" iminostra nito sa kanya ang lugar malapit sa guard house.
Isang alanganing ngiti ang ibinigay niya sa lalaki bago humakbang upang sundan ito. Hindi pa siya nakalalayo ng marinig niya ang tinig ni Lilet.
"Cali!" si Lilet. Sakay ito ng Nissan Pathfinder na itim. Nakasungaw ito sa bintana at kinakawayan siya.
She waved back at her friend. "Ayan na ho yung kaibigan ko manong. Salamat ho." magalang na paalam niya bago patakbong nilapitan ang sasakyan.
"Late ka!"
"Sorry! Ang traffic kasi!" binuksan nito ang pintuan ng sasakyan upang pasakayin siya, na kanya namang ginawa.
"Akala ko hindi ka na darating".
"Pwede ba naman yun?" Hinagod siya nito ng tingin. "You look too simple, amiga" komento nito sa kanyang kasuotan.
Tinignan niya ang sarili "Bakit? okay naman ah! Mabuti ng simple kesa naman masobrahan."
Humarap si Lilet sa kanya "Listen, Cali... I know this might be your first time attending an event like this pero, iba ang mundo ni Drake, you somehow got to keep up!"
"Alangan ba 'tong suot ko kung ganoon?" may pag aalalang tanong niya.
Sa dinami dami kasi ng naisukat niyang damit, ang kinabagsakan niya ay isang simpleng baby pink na satin dress na ang haba ay malapit umabot sa kanyang tuhod. Tube style dress ito na ang tanging naka adorno ay ilang accent flowers and beads malapit sa may dibdib.
Lilet smiled "Maganda ka pa rin. All I'm saying is dapat mas maging confident ka at daring...iba ang mundo ng mga Lustre".
She sighed as she looked outside the window. Kayganda ng paligid ng driveway leading to the mansion, nagtataasang mga puno ng palmerang naadornohan ng fairy lights ang mga iyon. The lawn was perfectly manicured - halatang pinag ubusan ng panahon at salapi.
She sucked in a breath nang mamataan ang mansion. So this is Drake's home... Lilet was right, his world is different than hers. Lalong sumidhi ang kabang kanyang nararamdaman nang huminto ang sasakyang kanilang sinasakyan, signalling them to get off.
Tila siya nasa isang pelikula. The place and the people around her reminded her of a movie about the rich and the famous. Ang mga lalaki ay pawang mga naka suit habang ang mga kababaihan ay nag gagandahan ang mga cocktail dresses at evening gowns na suot. She all of a sudden felt conscious and insecured sa sariling kasuotan.
"Come on! I'm sure Drake's waiting for you" nakangiting ani Lilet na bumaba na ng sasakyan.
Kung maganda ang labas ng mansyon ay lalo ang loob niyon. Ang akala ni Cali ay sa mga hotel lamang posibleng makita ang ganoon kagandang arkitektura at ayos kaya naman hindi niya mapigilan ang halos mapanganga habang inililibot ang paningin sa maluwag na bulwagan. From the huge chandelier adorning the place, down to the crystal flower vases that contained fresh imported roses, tulips and peonies, everything in that place looked luxurious. Pakiramdam tuloy ni Cali ay parang siya si Tarzan na noon lamang nakarating ng siyudad at nakapasok sa ganoong bahay. Sa sobrang pagkaabala niya sa paglinga sa paligid ay hindi niya napansin ang babaeng nakahinto sa kanyang harapan, causing her to accidentally bump into the woman in front of her.
"Ouch!" anang babae na marahas ang naging paglingon sa kanya.
"Oh I'm sorry" hinging paumanhin niya rito.
Umarko pataas ang isang kilay ng babae bago siya sinipat mula ulo hanggang paa. Matangakad ito sa kanya, mestiza at maganda. Artista ba ito? Mukha kasi itong isang modelo sa postura at sa damit na suot.
"Look at where you're going" mataray na sabi nito sa kanya.
"Sorry, hindi ko sinasadya..."
May sasabihin pa sana ito sa kanya ng matigilan sa pagtawag ng isang babae.
"Tita..." matamis ang ngiting gumuhit sa labi ng babaeng kanina lamang ay tila gusto na yata siyang kagatin.
"Aimee, hija. It's so nice to see you" nag beso ang mga ito.
The other woman must be in her late 50's. Maliit lamang itong babae. Matangos ang ilong at may aura na parang nakakatakot. Bigla tuloy naalala ni Calista si Meryl Streep sa pelikulang The Devil Wears Prada.
Napatingin ang matandang babae sa kanya na bahagyang kumunot ang noo nang mapagmasdan siya.
"Is she with you, Aimee?" tanong nito sa babaeng nabangga ni Cali.
"Who? she?" may asim sa mukhang nilingon siya ng babaeng tinawag na Aimee. "Hindi no tita! hindi ko naman binibitbit ang PA ko sa mga ganitong okasyon" sinabayan iyon ng mahinang tawa ng babae.
The older woman did not reply and instead looked at her as if to examine her better "Are you a guest here, hija?" kaswal na tanong nito.
"Yes, we're Drake's guests" maagap na sagot ni Lilet na noon pala ay nakabalik na sa tabi niya. Kanina kasi ay may mga nakita si Lilet na ilang mga kakilala kaya nakipag kwentuhan ito at nagpahuli sa paglakad.
Isang "oh" ang namutawi sa labi ng matanda bago siya muling sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa. "Have fun then, girls" anito bago tumalikod kasama si Aimee.
"I told you, be confident Cali!" mahinang bulong ni Lilet sa kanya.
"Nakakatakot naman ang mga tao dito" sagot niyang pabulong, iginala ang mga mata upang hanapin ang nobyo.
"You'll be eaten alive her if you don't know how to stand up for yourself" muling paalala ni Lilet "Nasaan na ba si Drake?"
Ikinibit niya ang mga balikat ngunit patuloy na luminga sa paligid, umaasang masilayan na ang lalaking laman ng kanyang isip buong araw.