Chereads / Minsan Pa / Chapter 17 - Chapter Seventeen

Chapter 17 - Chapter Seventeen

WELCOME TO SAN ANTONIO - iyon ang nakasulat sa malaking arkong bato papasok sa naturang bayan.

Cali gave out a sigh na nagpalingon kay Drake.

"Hey...it's gonna be alright,"he reassured her, pinisil nito ang kanyang nanlalamig na kamay.

Pinuno ni Calista ng hangin ang dibdib. Hindi niya alam kung paanong tatanggapin ng mga magulang ang naging desisyon niya. Isang taon na lamang sana at matatapos na niya ang kurso. Bilang nag-iisang anak ng mag asawang Rodriguez ay wala ng iba pang pinangarap ang mga ito kundi ang mapag tapos siya ng pag-aaral.

Naging masunurin naman siyang anak, buong panahong nasa kolehiyo siya ay wala siyang ginawa kundi isubsob ang ulo sa pag aaral. She never once entertained any suitors na nagpakita ng interes sa kanya. But then Drake came along... hindi niya alam kung ano'ng mayroon sa binata at bakit lahat yata ng matinong kaisipan ay nawawala sa kanya pagdating dito. She fell madly in love with him, isang pag-ibig na hindi niya kayang labanan.

"Natatakot ako..."

"Sweetheart...nandito lang ako, remember. We can go through everything together". Sinulyapan siya nito bago muling itinuon ang mga mata sa pagmamaneho.

"Tiyak na magagalit sa akin sina Inang at Tatang..."

"Nagsisisi ka ba?"

"N-no!" she tried to smile at him "Of course not...natatakot lang talaga ako sa magiging reaksyon nila."

"Hahabulin ba ako ng gulok ng tatay mo?" biro nito.

Nagkibit balikat siya, "Siguro", ganting biro niya.

Drake laughed and pinched her cheek "Hindi bale, basta para sa iyo, kahit mataga pa ako".

"Hmm...bolero!" natatawang sagot niya bago ibaling ang mga mata sa labas.

San Antonio didn't change much. Ang daan ay napapaligiran pa rin ng mga nag tataasang puno ng niyog, mayroon pa ring ilang mga kabahayan sa gilid ng daan, ganoon din ay matatanaw pa rin ang ilang maluluwag na bakanteng lupaing natataniman ng iba't ibang uri ng puno at halaman.

She pressed the window button on the car upang ibaba ang salamin. Agad na sinalubong ng sariwang hangin ang kanyang mukha. She closed her eyes and filled her lungs with fresh air. Ibang iba pa rin ang samyo ng hanging probinsya.

"You missed this place, didn't you?" nakangiting kumento ni Drake.

She nodded without looking at him. "Very much".

******

Ilang sandali pa ay ipinarada ni Drake ang kanilang sasakyan sa gilid ng isang maliit na bahay. The house was made of concrete and wood, luma na iyon ngunit mukha pa ring matibay. Ang bahay ay nababakuran ng mababang bakod na yari sa kawayan, hindi kalayuan mula rito ay tanaw ang dagat at maririnig na mula roon ang paghampas ng mga alon.

"Ready?" si Drake, inilahad nito ang kamay sa kanya.

Tinanggap niya ang kamay ng asawa. "Yes", she answered with conviction.

This is it! Bahala na si Batman! Bulong ng isip niya upang palakasin ang loob.

Papasok pa lamang sila sa bakuran ay isang babae ang lumabas mula sa maliit na bahay na iyon. Nagliwanag ang mukha nito ng makita ang dumating.

"Calista! Anak!" patakbo siyang sinalubong ng ina at mahigpit na niyakap, "Arnaldo! Narito na ang anak mo!" Hiyaw nito sa asawa.

"Inang! Namiss ko po kayo!" mahigpit niyang ginantihan ng yakap ang ina. Her heart was almost racing with excitement, tila hindi pa napapnsin ng nanay niya si Drake na nakatayo sa kanyang likod sa hindi kalayuan.

Matapos siyang yakapin nito ay buong pagmamahal siyang hinimas sa magkabilang braso at tinignan "Namayat ka yata anak? Kumakain ka bang mabuti? Baka naman -" nahinto sa pagsasalita si Lilian nang mapuna ang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan.

"May kasama ka?" Si Lilian. It was more of a statement than a question.

She cleared her throat and inhaled discreetly bago nilingon ang asawa. "O-opo Inang..."

Her mother looked at her with a puzzled expression on her face, naghihintay ito ng kasunod pa niyang sasabihin.

"Si... si Drake po, 'Nay..." muntik na yatang hindi lumabas ang tinig niya sa kaba. She glanced at Drake na mabilis namang lumapit sa kinatatayuan niya.Hinawakan siya nito sa siko as if to loan her some strength.

"Magandang gabi po" magalang na bati ni Drake bago abutin ang kanang amay ni Lilian upang magmano. Nagulat man ang ginang ay nagpaunlak naman ito.

"Magandang gabi naman..." pinaglipat lipat ng kanyang ina ang tingin sa kanilang dalawa.

"Ano ba ang ibig sabihin nito Calista?"

"Nay...si Drake po...a-asawa ko..." she finally said, agad ang pangingilid ng kanyang mga luha. Nagyuko siya ng ulo, wala siyang lakas ng loob ang salubungin ang tingin ng ina.

"Ano kamo? Asawa!?" gilalas na pag uulit ng matandang babae sa kanyan tinuran.

"Nay, sorry po..." her tears fell. Alam niyang sasaktan niya ang mga magulang ngayong gabi.

"Anak!" magiliw na tawag ng tatay. Kalalabas nito ng bahay at may pagmamadali siyang nilapitanz

"Oh bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong nito bago siya niyakap.

"Naku Arnaldo! Kung ano ano yatang kalokohan ang pinagsasasabi niyang anak mo. Aba'y biniro siguro tayo" anang nanay niya sa nanginginig na tinig. Hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata sa nagbabadyang luha.

"Sorry po, 'tay!" napahagulgol na siya habang yakap ang ama.

"Sshhh..." hinagod ng ama ang kanyang likod upang aluin siya. "Ano ba ang nangyari? Kadarating mo lang eh nag iiyakan na kayong mag ina... tara na muna sa loob."

Cali nodded bago pinunasan ang mga luha.

"Eh sino naman itong lalaking ito?" puna ng ama kay Drake na tahimik lamang na nakatayo sa kanyang tabi. Kumunot lalo ang noo ni Arnaldo nang mapunang mahigpit na hawak ng binata ang kanyang kamay.

"Sa loob na natin pag usapan, Arnaldo...mukhang maraming dapat ipaliwanag ang anak mo." mahinahong ani Lilian at nagpatiunang pumasok ng bahay.

"Hijo, paki bitawan mo nga muna ang kamay ng anak ko". Ani Arnaldo na kinuha ang kamay niya mula sa asawa.

Nilingon ni Cali si Drake, mouthing the word "sorry".

Bahagyang tumango si Drake at ngumiti, bago sumunod papasok sa kabahayan.

*******

"Susmaryosep Calista! Nagbibiro ka ba? Paanong bigla bigla na lamang ay may asawa ka na? Akala ko ba ay pag aaral ang prioridad mong bata ka?!" Napalakas ang tinig ni Lilian matapos marinig ang paliwanag niya.

Cali couldn't say anything. Nanatili lamang siyang nakayuko hababg patuloy sa pagdaloy ang kanyang mga luha.

"Nay, huwag po kayong mag alala. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo at kahit kailan ay hinding hindi ko po siya pababayaan." Si Drake. Marahan nitong hinimas ang likuran niya bilang pag-alo.

Muling naupo si Lilian at sinapo ang sentido. The four of them were gathered around their little dining table.

"Kung malinis ang hangarin mo sa anak ko hijo, bakit naman sobrang biglaan ang pagpapakasal ninyo? May kailangan ka na bang panagutan kay Calista?" Si Arnaldo na noon lamang nagsalita. Bumuntong hininga ito "buntis ka ba Calista?"

Cali lifter her head to look at her father bago mabilis na umiling "Hindi ho sa ganoon 'tay... hindi po ako buntis..."

"Kung ganoon ay bakit kayo nagmadali?" Umiiyak na tanong ng ina. "Napaka bata niyo pa! At ikaw anak... sandali na lamang ay makakapag tapos ka na..."

"M-mahal ko po si Drake..."

"Mahal po naman ang isa't isa... 'Nay... 'Tay". Drake declared. "Sana ho ay huwag kayong magalit kay Cali... wala naman pong magbabago sa pangarap niyo para sa kanya, maipagpapatuloy pa rin niya ang pag aaral niya."

"O-opo, 'Nay... 'Tay. Tama po si Drake." Segunda ni Calista sa sinabi ng asawa. "May scholarship pa rin naman po ako..."

"Ano pa nga ba ang magagawa natin..." malungkot na bulong ni Lilian.

Arnaldo gave an exasperated sigh. "Tama ang Inang mo... dangang nariyan na 'yan eh wala na tayong magagawa pa."

"Maghahain lang ako at ng makakain kayo... pihadong gutom at pagod kayo mula sa byahe." Pinahid ng ina ang mukha at tumayo mula sa komedor upang tunguhin ang kusina.

Calista tried to compose herself. There! Nasabi na niya sa mga magulang. Galit man ang mga ito sa ngayon ay tiyak na matatanggap din ng mga ito ang kanyang desisyon.

Sinundan ni Cali ang ina sa kusina at marahang nilapitan. Mula sa likuran ay niyakap niya ito at saka umiyak. Nahinto mula sa paghahango ng kanin sa bandehado si Lilian dahil sa ginawa niya. Pumihit ito paharap sa kanya at marahang pinahid ng palad ang mga luha niya.

"Sorry po 'Nay... hindi ko po kayo gustong saktan ni tatang..." putol putol niyang sabi sa pagitan ng paghikbi.

"Masaya ka ba anak?".

Tumango siya at ngumiti sa ina, basa pa rin ang mga mata ng luha, "Opo 'Nay... masayang masaya".

Lilian smiled at her. "Kung ganoon ay susuportahan ka namin ng tatang mo. Ang mahalaga sa amin ay maligaya ka."

"Thank you Nay!" Muli niya itong niyakap ng mahigpit.

"O sya, halika na at tulungan mo akong maghain ng ulam at ng makakain na tayo ng hapunan".  Bagaman pinasigla ng ina ang tinig ay hindi pa rin nito lubusang naitago ang lungkot. Tahimik na tumalima si Calista sa ina. She feels so guilty dahil sa sama ng loob at disappointment na naidulot niya sa mga magulang, ganoon pa man ay wala siyang makapang pagsisi sa kanyang damdamin sa pagpapakasal niya. Drake is her whole world. Alam niyang kaya nilang kayanin ang anomang pagsubok basta't magkasama silang dalawa.

*******

Kinabukasan ay maagang nagising si Cali, napabalikwas siya nang makitang wala sa kanyang tabi ang asawa. Pupungas-pungas niyang inabot ang maliit na alarm clock sa side table: 5:30 AM ayon sa relo. Kay aga namang gumising ng asawa? Tuluyan siyang bumangon mula sa pagkakahiga at nagpalit ng damit. Ngayon lamang nakapunta si Drake sa kanila kaya't nais niya itong ipaghanda ng masarap na agahang kinagisnan niya sa San Antonio.

Isinalang niya ang kawali sa kalan at nagsimulang magluto. Sinangag, pritong danggit, daing na pusit, itlog, pritong talong at kamatis na sawsawan. She's not even sure kung kumakain ng ganitong klaseng pagkain si Drake but she wanted to give him a taste of the typical breakfast she would always have growing up in San Antonio.

Nagulat pa ang ina ng datnan siya sa kusina, alam kasi nitong hindi siya masyadong mahilig sa pagluluto.

Kinuha ni Lilian ang takure at nagpakulo ng tubig para sa kapeng barako. "Napag usapan namin ng tatang mo kagabi, nais sana naming makilala ang mga magulang ng asawa mo hija".

Muntik ng maubo ng malakas si Cali sa narinig. Ang lahat yata ay naipagtapat na niya sa mga magulang maliban sa parte na hindi siya gusto ng mama ng asawa. Paano ba niyang sasabihin na matapobreng mayaman ang mga ito?

"Sa susunod na lang ho, Nay. Masyadong pong busy ang mga iyon eh," pagdadahilan niya.

Her mom eyed her "May itinatago ka ba, Calista?"

"H-ho? Wala ho Nay! Businesswoman po kasi ang ina ni Drake kaya madalas out of the country." Kaswal niyang ipinagpatuloy ang pagluluto.

Her mother didn't look convinced. "Siguraduhin mo lang Calista na hindi ka aapihin ng pamilya ng asawa mo... tingin ko pa lamang kay Drake ay nasisiguro kong nanggaling siya sa isang pamilyang nakaalwas sa buhay."

"M-mabait naman po ang pamilya ni Drake" pagsisinungaling niya.

Naipagpasalamat ni Cali na naputol ang pag uusap nilang mag-ina ng dumating si Drake at Arnaldo dala ang mga huli mula sa dagat.

She looked at her husband amused. He was wearing fisherman clothes ngunit hindi man lamang iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito. Suot ng asawa niya ang isang lumang kamisa de chino na sa palagay niya ay ipinahiram ng kanyang ama, ang pantalon nitong maong ay nakatupi hanggang binti nito at isang pares ng sakbat na gomang tsinelas sa mga paa. Ganoon pa man, he still looks like a god damn sea god na iniluwa ng dagat!

"Bagay ba?" Nakangising tanong ni Drake ng mapansin ang pagsipat niya.

"Saan mo nakuha yang suot mo?"

"Kay tatang" nakangiti pa ring sagot nito.

"Naku Cali! aba'y madali palang matuto itong asawa mo anak! Nakahuli agad ng ilan kanina" may pagkaaliw sa tinig ng ama. Naupo ito sa kabisera at umabot ng kape. "Siya nga pala anak, napag usapan na namin ni Drake ang kasal niyo sa simbahan dito".

"Kasal sa simbahan?" Kunot-noong pag uulit niya, pinaglipat ang paningin sa ama at asawa.

"Yes. We will hold a church wedding here bago tayo umuwi pa Maynila, sweetheart" agap ni Drake sabay dampi ng halik sa kanyang mga labi.

"H-ha? Kailangan pa ba talaga 'yon? Kakakasal lang natin at-"

Muli siyang mabilis na dinampian ng halik sa labi ng asawa, interrupting her little speech. "Stop arguing will you?" Malambing na anito "let's get married again here in San Antonio, o sa kahit alin pa mang simbahan sa kahit saang lupalop ng mundo", he said smiling charmingly at her, idinikit nito ang sariling noo sa kanyang noo.

"Tutulong naman kami sa paghahanda anak, sana naman ay mapaunlakan mo ang hiling namin ng nanay mo", ayuda ni Arnaldo.

"See? Hmmm...?" Hinawakan siya sa baywang ng asawa at malambing na kinabig palapit dito.

"Huy ano ba?" Natatawa niyang sabi, pushing him away a little. "Nakakahiya kila nanay", she whispered.

"Pag hindi ka pa pumayag, hahalikan talaga kita dito" he threatened, lalo siyang hinapit sa baywang.

"Oo na nga! Oo na!" She answered laughing.