Chereads / Minsan Pa / Chapter 23 - Chapter Twenty Three

Chapter 23 - Chapter Twenty Three

Puting kisame ang tumambad sa paningin ni Calista nang marahan siyang magmulat ng mga mata. For a while, she was disoriented at hindi maalala kung nasaan siya.

Reality slowly sank in, at unti-unti nagbalik sa kanyang ala-ala ang mga naganap. Napabalikwas siya mula sa kinahihigaan, her eyes were round with fear. Awtomatiko niyang nadama ang tiyan.

My...my baby...

Halo halong emosyon ang magkakasabay na sumalakay sa kanya sa sandaling iyon - pain from Drake's betrayal, pain from the truth that she discovered and the pain of possibly losing the little angel she recently found out she was carrying. Pahisterya siyang humagulgol ng iyak nang maisip ang dinadala.

Oh God! Please, don't let me lose my baby too...

Isang nurse ang mabilis siyang pinuntahan.

"Misis, kumalma ho kayo..."

"My...my..baby? Tell me..." she asked in between sobs.

Malungkot na bumuntong hininga at umiling ang nurse. "I'm sorry misis, pero marami hong dugo ang nawala sa inyo...We unfortunately couldn't save the child..."

Kinagat niya ng mariin ang pang-ibabang labi upang pigilan ang isang malakas na palahaw, sa tindi ng pagkagat niya ay tila nalasahan na niya ang pagdurugo niyon.

How could this be? Paanong sa isang iglap lamang, ang masayang mundo niya ay napalitan ng pighati at sakit?

"S-sino ang nagdala sa akin dito?" tanong niya ng medyo mahimasmasan.

"Ah, mamaya ho ay babalik raw siya, may binili lang ho sandali". Inayos ng nurse ang suwero niya at marahan siyang inalalayan muling pahiga. "Kailangan niyo ba ng pampa kalma? I can ask the doctor -"

Umiling siya. Masakit, sobrang sakit ng nadarama niya ngayon but she would rather feel this pain so she can never forget.

"Baka po may gusto kayong patawagang kapamilya? Wala kasi kaming nakuhang cellphone mula sa inyo, at ang sabi 'nung nagdala sa inyo rito ay hindi rin daw niya kayo talaga kakilala".

Right. She threw her cellphone off the wall matapos niyang ilang ulit subukang kontakin si Drake. Nang maramdaman niyang dinudugo siya ay pinilit niyang makalabas upang tumawag ng taxi at magpadala sa ospital. Hindi na niya alam kung gaano siya katagal nag-abang ng masasakyan, ang sumunod na lamang niyang naalala ay nanlambot siya at nagdilim ang paligid.

"W-wala. Salamat". Sagot niya sa nurse at pinahid ang luha.

Ipinikit niya ang mga mata. Maybe this is just a nightmare? Maybe she will soon wake up and find Drake sleeping next to her? He will pull her close and enclose her in his arms like he always does....

Ngunit isang masakit na pangitain ang sumingit sa kanyang isip. Aimee and Drake together.

Muli ang pagsigid ng patalim na nakatarak sa kanyang puso. No. This is not a dream. A dream will not be as painful as this.

Isang tikhim ang nagpamulat sa kanyang mga mata. Namataan niya ang isang lalaking nakatayo hindi kalayuan mula sa kanyang kama.

"Hi", bati nito. The man was tall, well-built at mukhang may kaya sa buhay. He was holding a bag of fruits in his hand. "Fruits?" alok nito in a friendly tone.

Cali struggled to prop herself up from the bed and sit, thankfully the man was kind enough to help her.

"Dahan dahan lang, don't exert too much effort", anito.

"I-ikaw ba ang nagdala sa akin dito?", she felt stupid asking him the obvious.

The man tenderly smiled at her at naupo sa pang-isahang upuang nakalapit sa kama.

"Yes. I saw you fainting earlier on the sidewalk. I'm Matt", pakilala nito sa sarili at inilahad ang kamay sa kanya. "Matthew Esteban".

Tinanggap ni Cali ang kamay nito. "Maraming salamat, Mr. Esteban. I'm Cali... Calista Rodriguez".

"Matt na lang, masyado namang pormal ang Mr. Esteban", he paused before continuing, "I"m sorry about your...the doctors told me you lost the baby".

Cali supressed a sob. She is in a very delicate situation right now, higit sa pisikal ay ang emosyonal niyang kundisyon ang hindi estable. Sa palagay niya ay muli siyang maiiyak anomang oras sa harap ng estrangherong ito.

"S-salamat."

"By the way, you didn't have any phone with you. Maybe we should let you husband know that-"

"No", mariin niyang sagot na bahagyang ikinagulat ni Mat. "Can you please call my friend instead? I...I don't have a... husband..." kay pait ng huling salitang iyon na halos hindi lumabas mula sa kanyang lalamunan.

*******

"Cali! OMG! Ano'ng nangyari sa'yo?" Lilet was almost hysterical as she went into Cali's room. "Si Drake nasaan?"

Cali gave Matt a pleading look na agad namang naintindihan ng huli.

"I'll step out for a bit", paalam ni Matt upang bigyan silang dalawa ni Lilet ng privacy.

"Sino iyon? Ano ba ang nangyari?" Ginagap ng kaibigan niya ang malamig niyang kamay.

"Lil..." mahigpit siyang yumakap sa kaibigan at doon umiyak ng umiyak. She let go all the tears that she was holding back up until now.

"Ssshh...tell me... what happened Cali? How did you end up in the hospital? Naaksidente ka ba?" Hinimas ni Lilet ang likod niya habang yakap siya nito.

It took Calista a while to compose herself again. Bahagya niyang inilayo ang sarili mula sa kaibigan at tinignan ito. "Drake and I...we're...over..."

"Over?! Ano ba ang sinasabi mo? Maayos ang pagsasama niyo hindi ba? You've always told me na mabait ang asawa mo at mahal na mahal ka."

Slowly, she told Lilet everything that happened. Magmula sa internship nitong inilihim sa kanya, ang pag-uwi nito ng lasing na naging sanhi ng tampuhan nila, hanggang sa lumipad ito ng Hong Kong to aid his mother who suffered a mild stroke. When she got to the part about the pictures, halos hindi niya maituloy ang kwento sa kaibigan, tila laging may malaking nakabalalak sa kanyang lalamunan.

"That Aimee bitch! baka naman gawa gawa lang niya ito?!" galit na ani Lilet.

"How do you explain the pictures then? And how do you explain na hindi man lang ako tinawagan ni Drake?" Ihinilamos niya ang mga kamay sa mukha bago muling tinitigan si Lilet. "I called him so many times Lil! Wala! Ni hindi ko na nasabi man lang sa kanya ang tungkol sa...sa..." she broke down in tears again, unable to finish her sentence.

"Ssshhh..." muli siyang niyakap ni Lilet. "Siguardo akong malilinawan ang lahat pagbalik ng asawa mo..."

"He's not...coming back...". Her heart is getting torn into a million pieces thinking of that.

"I will call your damn husband and-"

"No!...He...he cannot know about this!" Mariing tanggi niya. "Promise me you won't tell him, ganoon din ang mga magulang ko!"

"But Cali..."

"Just give me time to think, Lil...ang gulo gulo ng utak ko ngayon!" isinuklay niya ang mga kamay sa buhok at nais sabunutan ang sarili.

"Okay, okay...calm down, I won't tell them..."

*******

Isang araw pa ang inilagi niya sa ospital ngunit ni walang senyales na hinahanap siya ni Drake. Lilet bought her a new phone, positive that Drake is dead worried about her and will call anytime, ngunit wala ni isang tawag na nagmula rito. 

"Maybe he is really busy, sigurado akong sosorpresahin ka noon pag uwi" Lilet encouraged.

Hindi siya sumagot. Hindi niya alam kung ano ang nangyari? In the blink of an eye, her happy, almost perfect marriage turned upside down.

Araw na ng kanyang paglabas mula sa ospital. Maingat niyang itiniklop at isinilid sa bag ang ilang piraso ng damit na dinala ng kaibigan upang magamit niya habang naka confine siya.

"Matapos ang halos isang taong alitan sa pagitan ng mag-inang Lustre, Evelyn Lustre is happy to announce that her son has come back home. Naririto ang buong ulat mula kay Mario Alfonso". Napatingin si Calista sa TV na nasa silid, inabot niya ang remote at nilakasan ang volume ng programa.

Si Evelyn Lustre ang laman ng balita.

"Yes, I am very delighted to finally have my unico hijo back, Mario,"may ngiti sa mga labing anang matandang babae. Naka wheelchair pa rin ito at medyo may hindi kalinawan ang salita kumpara sa dati ngunit mukhang maayos na ito.

"Ibig ho bang sabihin niyan ay pormal ng mag ta-take over sa Lustre Corp ang unico ninyong si Drake?" muling tanong ng reporter.

Just hearing his name makes Cali's heart go wild, ang kaibahan lamang ay pangamba at sakit ang laman ng puso niya ngayon sa halip na purong pag-ibig.

"Definitely! There's been some events na nagpa delay sa pag ta-take over ni Drake but now I am finally glad that he agreed to take over and spearhead Lustre Corp. Kung ano man ang nakaraan ay kalilimutan na naming mag-ina, ang mahalaga ay nagbalik na si Drake, I think his head is clearer now," sinabayan iyon ng matandang babae ng bahagyang tawa.

Humigpit ang hawak ni Cali sa remote control ng telebisyon bago iyon pinatay.

So that's why you don't even care about me anymore, Drake! You chose to go back to your perfectly pampered life! You liar! You bastard!

Isang nagbabagang luha ang pumatak mula sa kanyang mga mata. Mabilis niya iyong pinalis, kasabay ng pagkabuo ng isang desisyon.

Goodbye, Drake Lustre.