Chereads / Minsan Pa / Chapter 29 - Chapter Twenty Nine

Chapter 29 - Chapter Twenty Nine

Nanlaki ang mata ni Cali sa narinig, kasabay ng halos panlalamig ng mga kamay at paa. Baka atakihin na yata siya sa puso anomang oras dahil sa lakas ng pintig niyon. To make it worse, daig pa niya ang isang tuod na hindi nagawang tuminag mula sa kinatatayuan.

Drake straightened his body, towering over her. His eyes reflected something that Cali couldn't name. Tiim-bagang itong nakatitig sa kanya, naghihintay ng kanyang sagot.

Ilang segundo ang kinailangan ni Cali para makabawi sa pagkabigla.

"Ano'ng klaseng babae ang tingin mo sa akin, Mr. Lustre?" Galit na saad niya sa mababang tinig. "You think I will accept an indecent proposal?"

"Indecent proposal?" Pag-uulit ni Drake sa sinabi niya, tumaas ang mga kilay nito in amusement.

"Yes! What do you call that? You are clearly out of your mind!" Galit niyang tinalikuran ito ngunit mabilis nitong nahawakan ang brason niya.

"Let me go! Ano ba?!"

"What is so repulsive about what I said, huh?" Tila may sakit na iglap na nakiraan sa mga mata ng binata. "Is it really that repulsive for you to think to be with me again?"

"I would rather be with any man in the world but you, Mr. Lustre. So please..." she said in a low but firm voice as she shook her arm from his hand. "...you disgust me," malupit niyang saad.

Halatang nabigla si Drake sa sinabi niya, hindi ito nakakibo.

Sinamantala ni Cali ang pagkakataong iyon upang mabilis na makalakad palayo sa lalaki. Nagtungo siya sa kabilang dulo ng bulwagan kung saan mayroong ilang mga trabahador na nagtatrabaho. Siguradong hindi siya bubulabugin ni Drake sa harapan ng mga trabahador.

For the next hours, Cali busied herself taking notes of every aspect of the interior plan that needs to be changed at kahit na hindi na siya ginambalang muli ni Drake nang hapong iyon ay hindi pa rin siya mapakali.

She felt conscious of her every move dahil alam niyang tahimik siyang pinagmamasdan nito, at aminin man niya o hindi ay mayroong ibang hatid na damdamin sa kanya ang kaisipang nakatunghay sa bawat galaw niya ang binata.

Get your head straight, Cali! Galit na bulong niya sa sarili. Paano ay parang nae-excite yata ang tangang puso niya sa presensya ng binata, heto tuloy at hindi siya makapag concentrate sa dapat gawin! Ipinilig niya ang ulo at pinilit ibuhos ang atensyon sa trabaho.

********

Madilim-dilim na nang matapos nilang tignan ang lahat ng mga nais ipabago ni Drake sa interior ng hotel. Si Matt ay tinawagan siya kanina upang ipaalam na hindi ito makakasunod dahil sa may tinatapos pa sa opisina. Gustuhin man niyang magalit sa kaibigan ay parang naubos na yata ang lahat ng enerhiya niya maghapon mula sa pag-iwas at pakikipag talo kay Drake, na mas pinili na lamang niyang manahimik kaysa sermunan ang kaibigan.

"I'll take the cab," she declared as she tucked in the huge planner in her bag. Alam niyang naroon si Drake at tahimik siyang hinihintay.

"I brought you here so I will take you home."

"You don't need to." Sagot niya, humarap siya sa binata at isinukbit ang bag na dala sa balikat. "I'm your employee until this project is over. You don't owe me anything, Mr. Lustre, I'm just doing my job." She headed straight towards the door.

Sa isang iglap ay nahabol siya ni Drake, mahigpit nitong hinawakan ang bisig niya. "I will take you home. No arguments!"

"Drake ano ba? Will you just let me be?" she answered frustrated. "Ano ba ang problema mo sa akin? Bakit ba ayaw mo akong tigilan?"

"Huwag kang magkunwari na balewala lang sa iyo ang nangyari kagabi, Cali..."

"Oh please Drake! It's no big deal! It was just a kiss." Sinabayan niya iyon ng isang tawa to mask her nervousness.

"I felt it Cali. You want me as much as I want you, " anito sa isang siguradong tinig.

"Bakit Drake? Ano ba ang akala mo? Na hindi pa ako naka move-on sa iyo? Maraming bagay ang binago ng limang taon Drake, at isa na ako doon. I'm not the Cali you used to know," aniya na pilit pinatatag ang tinig. She only hoped and prayed that she sounded as convincing as she wanted.

"Fine," binitawan nito ang bisig niya, "if you are not affected anymore, there's no need to avoid me, right?" Lumakad ito palabas ng silid. "I'll wait for you in the car. Prove to me that you're not affected by me at all."

Halos ilamukos ni Calista ang palad sa mukha niya ng makaalis ang binata sa paningin. That bastard is using her every word against her!

Nagdadabog niyang sinundan ito sa parking area.

********

Nais mangiti ni Drake nang matanawan si Calistang papalapit sa sasakyan. Nasa magandang mukha pa rin ng dalaga ang iritasyon at halatang may pagdadabog ang paglakad nito. Pabalya nitong binuksan ang passenger seat at walang imik na sumakay.

Tahimik na binuhay ni Drake ang makina ng sasakyan matapos makapag seatbelt ang dalaga.

"Let's have dinner first, gutom na ako," kaswal niyang sabi.

As he expected, muli ay tumanggi si Cali. "Hindi ako gutom. I just want to go home."

"What's the matter? Natatakot ka bang makasama ako ng mas matagal? But I thought I don't affect you at all?" Itinukod niya ang kanang kamay sa headrest ng dalaga at nagmaniobra. Gusto niyang matawa sa reaksyon ni Cali. Ni hindi dumantay ang mga kamay niya sa dalaga ngunit daig pa nito ang mapapaso sa pag-iwas sa kanya.

"O-of course! Bakit naman ako maapektuhan?" ani Cali na bahagya pang sinabayan ng ingos sa kanya.

He flashed her a smile. " 'Yun naman pala eh. So walang problema. Let's have dinner first."

Narinig niya ang disimuladong buntong hininga nito.

You said you changed, Sweetheart. But I think I still know you more than anyone else... He silently thought.

The corner of his lips arched up into a lopsided smile. Everything is going according to his plan. Tagaytay and that restaurant for sure will bring back a flash wave of memories to her. He will make sure that Cali remembers how good it was to be with him.

Pumaparada pa lamang sila sa parking lot ay halata ang pagkabalisa ni Cali nang mapagtanto kung nasaan sila.

"Why here?" she asked in a small voice.

"I like this place. Why? Are you uncomfortable?" He asked, faking innocence.

"H-hindi ah!" she vehemently shook her head.

"Good." He smiled at her contentedly, bago bumaba ng sasakyan. Umikot siya sa passenger side at maingat na pinagbuksan ng pintuan ang dalaga. He held out his hand to her, "shall we?"

Nakita niya ang pagkailang nitong tanggapin ang kamay niyang nakalahad, but then he saw conviction cross her eyes, na tila ba mayroon itong napagdesisyunan. Without any other word, Cali confidently placed her hand on his. Marahil ay nais nitong patunayan na hindi na ito apektado ng kanyang presensya. Either way, Drake's lips broke into a smile as he tightly held her hand, carefully leading her to the restaurant.

"This place did not change much," tila wala sa loob na kumento ni Cali habang nililinga ang kabuuan ng lugar.

Hindi siya sumagot, sa halip ay pinagsawa niya ang mga mata sa dalaga sa kanyang harapan. Five years only made her even more beautiful. Gone was the young girl he fell madly in love with, instead, in front of him right now is a sinfully attractive woman with confidence and grace.

"I-is there something on my face?" tinig ni Cali ang pumutol sa kanyang pagmumuni-muni.

"You're even more beautiful now, Sweetheart," he answered with honesty, hindi niya itinago ang paghanga sa kanyang tinig.

He saw her cheeks turn rosy. Kagaya ng dati ay mabilis pa rin itong mapahiya sa mga papuri.

"Don't flirt with me, Mr. Lustre. As I've said, I am immune to the likes of you," she paused briefly before continuing, "and I have a boyfriend, if you had forgotten."

He chuckled. "You didn't think about him last night when you responded to my kisses," may tukso sa kanyang tinig.

Lalong namula ang mga pisngi ni Cali na pinilit nitong itago sa galit na pagsagot sa kanya. "That again? Can we please move on? It was just a simple, meaningless kiss."

"Naka move-on ka na ba talaga sa akin, sweetheart? Kasi ako, I am still very much attracted to you. So why don't you ditch your lover and be with me again, hmmm?"

Her eyes turned huge like golf balls. "You have truly gone mad!" she hissed.

Drake chuckled.

Yes, maybe he's truly gone mad. Mad from longing for her. The kiss last night only fueled the fire that was already starting to burn inside him again.

He reached for the wine bottle at nagsalin sa sariling kopita.

"Pour me some too please," Cali asked holding up her wine glass.

"You don't drink." It was a statement. Kailan pa natutong uminom si Calista?

Walang kibong kinuha ng dalaga ang bote mula sa kanyang kamay at sinalinan ang sariling kopita.

Sumimsim muna ito ng red wine bago siya tinitigan, nasa mga mata nito ang paghahamon. "I said countless times... I am not the same Cali you knew," muli itong uminom lumagok ng wine.

"I don't believe everything changes over time, Cali. Some things are just meant to stay the way it is."

"Kagaya ng?"

"Kagaya ng atraksyon ko sa iyo."

He heard her gasp softly, hindi nito inaasahan marahil ang isinagot niya.

"I am sure you have plenty of women eager to please you, Drake. So please take me off your list."

"I still want you, Cali. If you'll be mine again, I will forgive you for -"

Bigla ang naging pag-angat ng ulo ng dalaga, " What did you say? You...You will forgive me?" pag-uulit nito sa kanyang sinabi. She was looking at him with disbelief.

"Listen, sweetheart... I don't care even if you've been with other men," he paused and gritted his teeth. Just the thought of Cali being with another man is driving him mad, but if it means having her back in his life, kaya niya sigurong lunukin ang pride at tanggapin ito. "Kaya kong kalimutan kung sino mang lalaki ang nagdaan sa-"

Hindi niya naituloy ang sinasabi ng isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Maang siyang napatingin sa dalaga. She was standing in front of him, nasa mga mata nito ang mga luhang nagbabadyang pumatak, ganoon din ang nag-aapoy na galit sa mga iyon.

"Bastard!" Galit siyang tinalikuran nito.

Naihilot ni Drake ang mga daliri sa sentido. "Fuck!" mahinang mura niya kasabay ng padaskol na pagbaba ng kopita sa lamesa bago may pagmamadaling sinundan ang dalaga.