Chereads / Minsan Pa / Chapter 22 - Chapter Twenty Two

Chapter 22 - Chapter Twenty Two

Tahimik ang kabahay ng buksan iyon ni Cali. Patay din ang mga ilaw. Wala ba ang asawa niya?

She walked towards the light switch and turned it on. "Drake?", tawag niya. Walang sumagot.

He must've stepped out.

Tinungo ni Cali ang hapag at inilapag roon ang dalang paper bag na naglalaman ng paboritong Sansrival ng asawa. Nagtatampo man siya rito ay hindi niya maiwasang bilhan ito ng pasalubong ng mapadaan siya sa bakeshop kanina.

She took out her phone and dialled his number. Ganoon ba ito kagalit pa sa kanya at ni hindi man lamang nito naisipang tawagan siya o i-text? May isang munting kurot siyang naramdaman sa puso. Drake had always treated her like a princess, kahit nagkakatampuhan sila noon ay hindi nito pinalalampas ang isang buong araw na hindi siya susuyuin nito.

Matapos ang ilang sandali ay nag ring ang numero.

"Hello?" anang nasa kabilang linya. Hindi alam ni Cali kung bakit, but her husband's voice seemed troubled.

"Drake?"

"Sweetheart...I'm sorry I wasn't able to call before I left.." Nasa tinig nito ang pagkabalisa.

"I-it's okay. What's going on? Nasaan ka ba? Pauwi ka na ba?"

"Si mama kasi, she collapsed while on a business trip in Hong Kong. Sinundo lang ako ng sekretarya niya kanina. I need to fly to Hong Kong tonight, our private jet is flying me there."

"Oh..." Hindi alam ni Cali kung ano ang sasabihin. "H-how is she?"

Drake sighed. "Hindi ko pa alam. She was brought to the hospital. I'm sorry sweetheart, I might take a few days there, I know my mom is a lot of things but I am the only one she's got."

"O-of course, huwag mo akong intindihin, I will be fine."

"I'll call everyday okay? Take care of yourself while I'm gone."

Tumango si Cali kahit pa hindi naman iyon makikita ng kausap.

"I got to go now babe, we're about to take off. I love you." Iyon lamang at nawala na ito sa kabilang linya.

*******

Mabigat ang katawang naupo si Calista sa isa sa mga upuan at idinukdok ang ulo sa mesa. This is the first time na magkakalayo sila ni Drake simula ng ikasal sila, to make it worse, ni hindi man lamang sila nakapag usap ng maayos upang maiayos ang tampuhan nila kaninang umaga.

Hindi bale, I will make it up to him when he returns. Naipangako niya sa sarili.

Ngayon pa lamang ay tila nais na niyang maiyak. God! Wala pang isang araw but she already misses him terribly! Sana ay maging maayos agad ang lahat sa Hong Kong upang makabalik agad ang asawa.

Days turned into a week, at kahit pa araw-araw siyang tinatawagan ng asawa upang i-update ay hindi maiwasan ni Calistang salakayin ng lungkot. She's not used to being alone anymore, lalo pa dito sa siyudad na wala naman siya talagang kamag-anak. Her friend Lilet was also so busy these past few weeks na halos wala silang oras para magkita. Graduation na kasi sa susunod na buwan kaya't marami itong kailangang tapusin.

Graduation.

She should've been one of those students who will walk on the stage to take her diploma - the one achievement her parents longed for her to have, isang bagay na labis niyang pinagtuunan ng panahon.

She gently shook her head. Don't think about those things Cali! Wala ka namang pinagsisisihan sa mga desisyon mo, hindi ba? That tiny voice in her head asked.

Syempre wala! Hinding hindi ko pagsisisihan kahit kailan na pinili kong sundin ang puso ko, the other part of her mind answered.

She smiled just thinking about Drake. When he comes back, she will surely make it up to him. Habang wala ito ay nagpraktis siyang magluto ng mga paborito nitong ulam, sisiguruhin niyang busugin ito sa lahat ng pagmamahal na kaya niyang ibigay sa pagbabalik nito.

Isipin pa lamang niya ang pakiramdam na muling ikulong nito sa mga bisig ay parang lalabas na ang puso niya sa excitement. Wala yatang salitang kayang ilarawan kung gaano ang pagkasabik niya para sa asawa. Habang magkalayo sila ay lalo niyang nasiguro sa sarili kung gaano katindi ang pagmamahal niya para dito. While he was gone, it felt like a part of her was gone too, na para bang mayroong bahagi ng kanyang pagkataong kulang.

Lalong lumapad ang ngiti niya nang maisip ang magandang balitang isasalubong niya kay Drake sa pagbabalik nito. Sampung araw na itong wala, ngunit ayon rito ay ilang araw na lamang at makakauwi na ito. Halos hindi na niya mapigil ang sariling sabihin dito ang nais sa telepono, ngunit napagdesisyunan niyang personal iyong ibalita sa kabiyak. She can't wait to see his face when he hears the news.

Buong pagmamahal niyang sinapo ang impis pang tiyan. Wala pa sa plano nilang mag asawa ang magkaanak, ngunit gayon pa man ay wala pa ring pagsidlan ang kaligayahan niya ng malamang nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Sigurado siyang lubos ding matutuwa si Drake kapag nalaman nitong malapit na itong maging ama.

Kung bakit ba naman kasi ngayon pa kinailangan ni Drake na magbiyahe pa-abroad, disin sana ay naroon itong kasama niya nang ipahayag ng doktor na nagdadalang tao siya. It would have been perfect if both of them heard the news together. Ganoon pa man ay naiintindihan naman niyang kailangan ni Drake alalayan ang ina, lalo pa sa panahong mayroon itong iniindang karamdaman.

Evelyn Lustre suffered mild stroke at ayon sa mga doctor ay mahina rin daw ang puso nito. Nakalabas na rin naman ito ng ospital at naghihintay na lamang ng pahintulot ng mga doktor upang maka lipad pauwi ng Pilipinas kung saan ito magpapa-therapy. Bagaman miss na miss na niya ang asawa ay pilit niyang inunawa na hindi naman nito maaaring talikuran ang magulang lalo sa ganitong pagkakataon. Drake is Evelyn's only son, at kahit pa hindi sinasabi sa kanya nito ay alam niyang nakakaramdam ito ng guilt sa ina dahil sa halos hindi nito binista ang matandang babae simula ng magpakasal sila.

Muli niyang hinimas ang tiyan. "Wait a little bit baby. Malapit ng umuwi si daddy," she said smiling.

Nasa ganoon pa siyang pagmumuni-muni nang may marinig siyang katok mula sa pinto. Her heart jumped with excitement.

Is it Drake? Hindi lamang ba sinabi nito sa kanyang pauwi na ito upang sorpresahin siya?

Sa labis na galak ay mabilis niyang tinungo ang pinto upang buksan iyon, ni hindi na niya naaalalang sumilip upang tignan kung sino ang pinagbubuksan.

"Dra..." her voice trailled off nang mapagbuksan ang isang babaeng hindi niya agad namukhaan.

The lady looked like a model, screaming of class and sophistication.

Maang siyang napatingin sa mukha nito, pilit itong kinikilala. Somehow ay tila pamilyar sa kanya ang babae, hindi lamang niya lubusang matukoy kung saan niya ito nakita o nakilala?

"Long time no see, Calista", mapanuri nitong sinipat ang loob ng bahay mula sa kanyang likuran, then, with some disgust in her eyes turned to look at her again. "Don't tell me you've forgotten me already? Wala pang isang taon since we met", matabang na anito.

She frowned, humigpit ang hawak niya sa pinto. "I'm sorry, I don't remember -"

"Aimee".

It took Cali a few seconds bago ito lubusang nakilala. Oh! Aimee. Yung malditang nasa party ni Drake dati. Muntik na niyang maibulalas.

"Oh, yes. What brings you here?" Kaswal na tanong niya.

"May I come in?" Taas kilay na tanong nito.

"Listen, hindi ko alam kung bakit ka naririto. Clearly, we barely know each other and there's no reason for you to visit me", matapang na sagot ni Cali.

If this woman thinks na maaari siya nitong laitin sa sarili niyang pamamahay, she is very much mistaken.

Aimee chuckled insultingly. "I am here about Drake. I think you would want to listen to what I am about to say."

"W-what about my husband?" may kabang bumundol sa dibdib niya. May nangyari bang masama sa asawa?

Hindi na hinantay ni Aimee na papasukin niya at ito at sa halip ay nagtuloy ito sa kabahayan, walking past her.

"I can't believe Drake was able to live in a place like this", bulong nito sa sarili na nakarating naman sa pandinig ni Cali.

"Kung ano man ang sasabihin mo, can you please make it quick? To be honest, hindi ako kumportableng narito ka".

Aimee took the liberty of sitting down on the couch at pagkatapos ay may dinukot na envelope mula sa shoulder bag. Inilapag nito iyon sa mesa at tinignan siya. "Go ahead and look."

"Maaari bang huwag ka ng magpaligoy ligoy pa? Sabihin mo na lang kung ano ang pakay mo sa akin at pagkatapos ay makakaalis ka na. Wala ang asawa ko dito at kung siya ang sadya mo ay-"

"Oh no. I know Drake isn't here", may isang malditang ngiting gumuhit sa mga labi ni Aimee. "We were in Hong Kong together you see, nauna lang akong umuwi."

Dagling pinanlamigan ng mga kamay si Cali. "What are you implying?".

Iniusog ni Aimee ang sobreng nakapatong sa lamesita. "If you will just look at these, you will know." Nakakaloko itong ngumiti.

Pigil ang hiningang humakbang si Calista palapit sa lamesita at sa nanginginig na mga kamay ay dinampot iyon.

Daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa sa tumambad na larawan sa kanyang mga mata. Her hands shook as she shuffled through those pictures, nagsikip ang dibdib niya at pakiramdam niya ay parang kulang yata ang hangin sa paligid upang makasagap siya.

Drake and Aimee together.

Nag-uunahang pumatak ang mga luha niya. Naisin man niyang itigil ang pagtingin sa mga larawang iyon ay hindi niya magawa, tila iyon isang tuksong hindi niya maiwasang titigan.

The pictures clearly show her husband and this woman together. Sa isa sa mga litrato ay parehas nakangiti ang mga ito habang mahigpit na nakapulupot si Aimee sa braso ni Drake. Those pictures looked stolen, na para bang may sumusunod sa mga ito upang kuhanan.

When Cali got to the last picture, tila isang patalim ang tumarak sa kanyang puso. Nabitawan niya ang mga larawang hawak, nagsabog ang mga iyon sa sahig.

Drake and Aimee were pictured kissing!

Kung tinamaan na lamang sana siya ng kidlat at namatay ng sandaling iyon ay mas mamatamisin pa niya. Tila isang malaking bakal na kamay ang sumikmat sa kanyang puso at walang awa iyong pinaga hanggang sa madurog.

"As you can see from those pictures... Drake and I...we sort of got back together. Hindi na babalik si Drake sa iyo at sa buhay na ganito, Cali. ACCEPT THAT." Aimee brutally said, giving emphasis to the last sentence. Tumayo na ito mula sa kinauupuan.

"I...I don't b-believe y-you... M-mahal ako ng asawa ko..." She uttered, ngunit hindi niya malaman kung ang mga salitang iyon ay para kay Aimee o para kumbinsihin ang kanyang sarili.

"Oh c'mon Cali! Do you really think matatagalan ni Drake ang ganitong buhay kasama ka? He said he was infatuated with you but he totally regrets marrying you! Now he sees more clearly than ever, na hindi ikaw ang babaeng nararapat para sa kanya!"

"At sino ang nararapat?! Ikaw?!" Sigaw niya kay Aimee. Kung nakakamatay ang tinging ibinigay niya rito ay natumba na ang babae.

"Bakit hindi? We're on the same level, his mom approves of me, at hindi ako makapag dadala ng kahihiyan sa mga Lustre!"

"Get out!!!" malakas na sigaw niya rito habang tigmak ng luha ang mga mata. "Out you bitch!!!"

Mapang insultong tumawa si Aimee. "Drake will annul your marriage! He won't be coming back to you! Tapos na ang panaginip mo, you social climber bitch!"

"Layas!!!" She grabbed Aimee's arm to drag her out.

Marahas na pinalis ng babae ang kamay niya. "Yes, I will leave! Hindi mo ako kailangang ipagtabuyan! If I were you, I will leave as fast I could...I would go away to some place Drake could never find me. Magkaroon ka naman ng kaunting awa at respeto para sa sarili mo!" Mabilis itong tumalikod at lumabas ng bahay.

Pinakalawan ni Calista ang tinitimping malakas na palahaw hustong makaalis ang babae. Napasalampak siya sa sahig at isa isang pinagpupunit ang mga larawang nakakalat doon. She grabbed the picture of Drake and Aimee kissing, pagkatapos ay mahigpit na naikuyom ang mga kamao.

Her tears won't stop falling...mamamatay na yata siya sa sakit na nararamdaman! She screamed in pain at hinampas ng kamao ang sariling dibdib.

Why Drake?! Why?! I thought you love me?

Halos mawalan siya ng hininga sa pag-iyak. Sobrang sakit palang traidurin ng taong pinakamamahal at pinagkakatiwalaan mo? She would rather die than feel this pain.

Nanginginig pa rin ang mga kamay na kinuha niya ang telepono mula sa bulsa at idinial ang numero ni Drake.

The number you have dialled is either unattended or out of coverage area.

Muli niyang idinial ang numero nito. Paulit ulit. She needs to talk to him. If he wants to end everything between them, she expects him to at least have some decency to talk to her!

Drake answer me for God's sake! She desperately pleaded habang hilam ng luha ang mga mata.

The number you have dialled is either unattended or out of -

"Arrgghh!!" hiyaw niya sabay bato ng cellphone niya, tumama iyon sa pader at nagka pira-piraso.

She slouched on the floor, feeling lost and defeated. Halos hindi siya makahinga sa sakit ng kaloobang nadarama. Nasa ganoon pa rin siyang posisyon nang maramdaman ang mainit na likidong dumaloy mula sa kanyang hita.

She froze and with trembling fingers touched that part of her body...

Nanlaki ang mga mata niya sa nakitang nakabahid sa sariling kamay.

Dugo!

"N-noooo!" Isang malakas na panaghoy ang kanyang pinakawalan.