Chereads / Minsan Pa / Chapter 20 - Chapter Twenty

Chapter 20 - Chapter Twenty

Days turned into weeks, weeks turned into months. May ngiti sa mga labi na binilugan ni Cali mula sa nakasabit na kalendaryo sa dingding ang araw ng kanilang anibersaryo.

Marami na rin ang mga pangyayaring naganap sa kanilang buhay magbuhat ng magsama sila sa iisang bubong ni Drake. Maraming mga pagsubok na rin ang ibinato ng kapalaran sa kanilang pagsasama, ngunit sa awa ng Diyos, heto silang dalawa at malapit ng madiwang ng kanilang unang anibersaryo.

Batid ni Cali na hindi lamang puro saya at ligaya ang kakaharapin nila, lalo pa at tila hindi yata titigil ang mama ni Drake sa pagpapahirap maging sa sariling anak, mapabalik lamang ang binata. Drake stood his ground, kahit pa binawi ng ina rito ang lahat halos ng mga materyal na bagay na mayroon ito - his car, money, assets na nasa pangalan nito.

They started out living in a condominium unit na kanilang inupahan and then later on had to transfer to a smaller house in a more ordinary neighborhood dahil sa nahirapan na rin silang pagkasyahin ang sinasahod ng asawa bilang part-time intern sa isang management firm.

Drake is majoring in Business Management, at ilang buwan na lamang ay makukuha na nito ang diploma. He promised her that once he finished his internship and lands a position, siya naman ang pababalikin nito sa unibersidad para ituloy ang ilang semestreng naiiwan sa kanyang kurso.

Drake is man with a pride almost as high as the mountains, kahit pa nahihirapan itong pagsabayin ang pag-aaral at internship ay mahigpit nitong tinutulan ang mungkahi niyang magtrabaho muna upang makatulong. Mabuti na lamang at napapayag niya ito sa mga online projects na paminsan minsan niyang nakukuha gamit ang isang online platform kung saan iba't ibang mga propersyonal ang maaring tumanggap ng mga proyekto gamit lamang ang internet. Kahit paano ay nakatulong din ang kinita niya sa kanilang mga bayarin.

Muli siyang naupo sa harap ng computer at ipinagpatuloy ang ginagawa nang mapatuon ang mata niya sa suot na singsing. Dalawang singsing ang nakasuot sa kanyang kaliwang palasingsingan. Isa ang kanilang wedding ring at ang isa ay ang singsing ni Drake na ibinigay sa kanya as an engagement ring. She had to put rolls of tape underneath the ring upang hindi iyong tuluyang mahubad sa kanyang daliri dahil sa malaki iyon.

She took off her engagement ring at inalis ang patong-patong na rolyo ng scoth tape na nakapaikot sa ilalim. She then took off her necklace at inilagay roon ang singsing bilang pendant. She smiled as she ran her fingers over it.

This is where you'll always be Drake... close to my heart.

*******

Hindi namalayan ni Calista na nakaidlip siyang padukdok sa hapagkainan, sa kanyang harapan ang kanina pa nakahaing pagkain na hindi nagalaw. Agad niyang nilinga ang relong nakasabit sa dinding. 2:00 A.M. Wala pa rin ang kanyang asawa?

May pag-aalalang umahon sa kanyang dibdib. Drake has never come home this late before. Kung gagabihin man ito ay tiyak na laging tumatawag. Inabot niya ang cellphone at pinidot ang numero ng asawa.

The number you are calling is either unattended or out of coverage area...

Lalong sumidhi ang pag-aalalang kanyang nararamdaman. Tinungo niya ang bintana at sumilip. Tahimik ang daan at wala ni isang tao ang naglalakad.

Should she call the police? Would that be too exaggerated? She paced the living room back and forth, habang muli ay idinial niya ang numero ni Drake.

Napapitlag siya nang magring ang kanilang doorbell. Patakbo niyang tinungo ang pinto at maingat na sumilip. Si Vince! Halos buhat nito si Drake na tila lasing na lasing at halos hindi makatayo. Dali daling binuksan ni Calista ang pinto.

"Vince! A-anong nangyari?!" Tarantang tanong niya na nilapitan ang asawa at maingat na tinulungan si Vince upang ipasok ang asawa.

"I'll tell you later, where's the room?"

"D-dito..." iginiya niya ang lalaki patungo sa kanilang silid.

Maingat na inilapag ng kaibigan si Drake sa kama. Bahagya lamang itong umungol ngunit hindi nagmulat ng mga mata.

"Drake? Are you okay?" hinimas niya ang noo nito pagkatapos ay nilinga si Vince na nakatunghay pa rin sa kaibigan. "Ano ba ang nangyari? Bakit siya naglasing ng ganito?". Tumayo si Cali at nagsimulang hubarin ang sapatos mula sa mga paa ng asawa habang naghihintay ng sagot.

"I'll just wait outside and explain everything to you kapag tapos ka na," he tenderly smiled at her at tumalikod na upang lumabas ng silid.

Matapos niyang mapunasan at mapalitan ng damit si Drake ay lumabas si Cali sa salas kung saan naghihintay si Vince. She found him sitting on the couch, waiting for her.

"Kape?" alok niya.

Bahagya itong tumango, "sure."

"Ano ba talaga ang nangyari?" tanong niyang muli habang patungong kusina upang maghanda ng kape.

Tumikhim muna si Vince bago nagsalita. "There was an incident at his workplace earlier. You see, there's this guy who had a grudge on Drake for a long time..."

"Grudge?"

"Yes. For something silly actually. It must have been 4 years ago when that guy's girlfriend broke up with him 'coz the woman liked Drake".

"Oh so babae ang dahilan?"

"Hindi nga naging girlfriend ni Drake yun because it was a one sided thing you know. Hindi niya type si Trisha", Vince chuckled at the thought before continuing. "Anyway, this guy happened to be at the bar where Drake was working and-"

"Wait..." she paused and turned around to look at her husband's bestfriend. "Bar?"

Bumuntong hininga ang lalaki. "I guess Drake never really wanted you to know para hindi ka mag-alala...", Vince hesitated for a bit bago muling nagsalita. "Drake wasn't really working as in intern, Cali... he is waiting tables at a bar".

Shock was probably an understatement sa narinig ni Calistang tinuran ni Vince. All this time, buo ang paniniwala niyang isa itong intern sa management company at na makakakuha ito ng trabaho sa naturang kompanya matapos ang internship.

"P-pero bakit hindi ito sinabi ni Drake sa 'kin?". She wasn't sure if she was asking that question to Vince or herself.

"Ayaw ni Drake na mag-alala ka...the truth is, the internship that he was looking forward to never really materialized dahil sa mama niya."

Nanlaki ang mga mata ni Cali. "What do you mean?"

"You know that management company is owned by Lustre's family friend, right? Isang salita lang ni tita Evelyn doon ay hindi magdadalawang isip na sumunod ang mga iyon".

"You mean his mom would do such a thing to sabotage her own son?", mangha pa ring tanong niya.

Naiiling na tumayo si Vince sa kinauupuan at inabot ang kape mula sa kanya. "It's just the tip of the iceberg, Cali. Hindi mo kilala ang mama ni Drake. She can do nasty things to get her way and get what she wants. She can sabotage her own son para bumalik si Drake sa kanya." Hinigop ni Vince ang kape.

"So anyway, this guy was in the bar tonight and he started provoking Drake so much. Made fun of him. Alam mo naman ang asawa mo, hindi 'yan papayag, kaya ayon, nagkainitan ang dalawa which ended in a sort of fist-fight. Syempre, kinampihan ng management yung customer at sinesante si Drake on the spot."

Naitakip ni Cali ang kamay sa bibig, agad siyang nakaramdam ng kurot sa kanyang puso. She couldn't imagine her husband, once the most eligible bachelor in the city would suffer such humiliation. Nakaramdam siya ng awa para sa asawa.

Muling humigop ng kape si Vince. "Masyado yatang naawa sa sarili niya ang kaibigan ko, Cali. I guess it's known all over the business world now and among the affluent families that Drake was kicked out, kaya malakas ang loob ng mokong na 'yun para pagtawanan at hamunin si Drake."

Cali bit her lower lip. This is all because of her! Drake would not have suffered like this if not because of her! Nangilid ang kanyang mga luha.

Vince gave her a gentle tap on the shoulder. "It's not your fault, Cali. Don't blame yourself okay? If anything, this was tita Eve's fault!" anito na tila ba nahulaan ang nasa isip niya.

Pinilit niyang ngitiang si Vince. "Salamat Vince."

*******

Drake slowly opened his eyes. Agad ang pagsigid ng kirot sa kanyang ulo. Naitutop niya ang kamay sa sentido.

It took him a while to realize he was in their tiny bedroom.

Right. He was so fucking drunk last night hindi na niya alam kung paano ba siya nakauwi.

He looked beside him, wala roon si Cali.

Shit! She must've been dead worried about him last night! Nabasag ang cellphone niya dahil sa napaaway siya kagabi at ayaw ng gumana kaya't hindi man lang siya nakatawag na gagabihin. Sa totoo lang ay hindi niya agad gustong umuwi ng bahay matapos ang nangyari sa bar kagabi, para na kasing sasabog ang ulo niya sa pag-iisip! Saglit na lamang at makaka-graduate na siya but his mother dearest seems to be hell-bent on making his life miserable!

Tumayo siya mula sa kama at lumabas ng silid. Agad niyang namataan ang asawang nasa kusina, the coffee aroma filled the air.

"Good morning." he said.

Nilingon siya ng asawa at ngumiti. "Good morning. Mag tooth brush ka na at maghahain na ako ng brunch".

Okay. So she is not mad. Nakahinga siya ng maluwag. Mamaya ay hihingi siya ng paumanhin dito.

As usual ay ipinaghain siya sa pinggan ng asawa. Cali has always been like this since they got married, lalo na ng matigil ito sa pag-aaral. He knew she doesn't like cooking that much ngunit magmula noon ay alam niyang nagpipilit itong mag aral upang maipaghanda siya ng pagkain.

Malambing niya itong niyakap sa baywang habang sinasalinan nito ng kape ang kanyang tasa, he was already sitting in his usual spot at their small dining table.

"Sorry kagabi, sweetheart".

His wife tenderly looked at him. "Kain na muna tayo". Naupo na ito sa katabing upuan at nagsimulang maglagay ng pagkain sa sariling pinggan.

Manakanakang sulyap ang ibinigay ni Drake sa asawa habang tahimik silang kumakain. Galit ba ito? But she smiled at him earlier?

"Sweetheart, I'm really sorry about last night..."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi natuloy ang internship mo?"

Maang siyang napatingin dito.

Vince you fucker! He silently cursed at his best friend.

"I didn't want you to be bothered by it, may trabaho rin naman akong nakuha."

"But still...akala ko ba no secrets between us?" Nasa tinig nito ang hinampo.

He sighed. "I'm sorry, Cali. Ayoko lang talagang mag-alala ka pa."

Bumuntong hininga rin ang kabiyak bago nagsalita. "Drake, let me work ok? Para naman makatulong ako sa iyo lalo na ngayon wala kang trabaho -"

"No! I can provide for us! Don't you trust me?!"

"It's not that I don't trust you but let's be practical here! Makakatulong din kung may kikitain ako."

He clenched his fists. It makes him sick thinking that he can't even provide a good life to Cali. Ni sa hinagap ay hindi niya na naisip na darating sa buhay niya ang ganitong pagkakataon. All he wanted was to give her the best and make her happy, pero ngayon, heto at kailangan nitong magsumamo sa kanya upang makatulong magdala ng pera sa kanilang tahanan! What kind of a man is he if he can't even take responsibility for them and their household?!

"Calista, ako ang lalaki dito, at nararapat lamang na ako ang may responsibilidad na buhayin ka at-"

"There you go again and your ego!" she snapped. Napahinto siya sa pagsasalita and just looked at her bewildered. This is the first time she raised her voice at him.

"Hindi ego ko lang ang pinag-uusapan dito, Cali. God damn it! All I wanted was to be a good husband and provider! Ano? Do you look at me differently now because I wasn't the Drake Lustre you knew? Bakit? Dahil ba wala na akong pera kagaya noon?!"

He regretted it as soon as he said those words dahil dagli niyang nakita ang pamamasa ng mga mata ng asawa. Kita niya ang sakit na gumuhit sa mga mata nito sa kanyang sinabi.

Fuck!

"Your money didn't have to do anything with my feelings for you, Drake! Mahal kita whether you're a prince or a pauper! I can't believe ganyan ang iniisip mo sa akin!" Galit itong tumayo mula sa kinauupuan at nagtungo sa silid.

Naiwan siya sa hapag na nais suntukin ang sarili. Hindi niya sinasadya ang mga nasabi niya. He could swallow his pride and work odd jobs na sa tanang buhay niya ay hindi pa niya nagagawa, kahit pa pagtawanan siya ng mga tao, he could take all of those, huwag lamang ang masaktan ito.

But that's exactly what you did right now, you idiot!  The little voice in his head told him.

Hindi nagtagal ay lumabas ng silid si Calista na nakapag palit na ng damit; nasa balikat nito ang shoulder bag. She went straight to the door.

Napatayo siya sa kinauupuan, nais pigilan ang pag-alis nito.

"Where are you going?"

Hindi ito sumagot.

"Cali, wait!" akma sana niya itong hahabulin ngunit nakalabas na ito, closing the door behind her.