Chereads / Minsan Pa / Chapter 15 - Chapter Fifteen

Chapter 15 - Chapter Fifteen

Calista couldn't respond for a moment. Did she hear him right? Did he just ask her to marry him?

She blinked. Once. Twice. "Ano'ng sabi mo?"

"Marry me." Hinubad nito ang sariling singsing na suot sa palasingsingan at inabot ang kanang kamay niya. "I don't have a proper ring right now, sweetheart, this is all I have." He stared at her with tenderness in his eyes "Marry me, Cali. I promise to make you the happiest woman in the world, sa abot ng aking makakaya."

"D-Drake...I..." hindi niya malaman ang sasabihin. "Baka nabibigla ka lang at-"

"Mahal kita Cali, and there's no other woman I want to spend the rest of my life with but you. Magpakasal na tayo, what are we waiting for anyway?"

"Pero sandali pa lang tayong magnobyo, at saka paano ang mama mo?"

Drake shook his head. "Hindi sa tagal ng pagiging magkarelasyon ang batayan ng pagmamahal Calista. And my mom? She won't be able to do anything kapag kasal na tayo. Mahal kita and that's all the reason I need to ask you to marry me...so will you marry me, Calista Rodriguez?"

She bit her lower lip, she was so happy and yet pumatak pa rin ang isang luha mula sa kanyang mga mata. "Yes! I'll marry you, Drake" she responded in between laughing and crying.

Isinuot ni Drake ang singsing sa kanyang palasingsingan. Dahil malaki ang daliri nito ay napaka luwag niyon sa kanyang sariling daliri.

"Damn! I really need to get you a proper ring Sweetheart!" natatawang anito bago siya kinabig upang siilin ng halik sa mga labi.

*******

Nang gabi ring iyon ay pumaroon sila sa bahay ng ninong ni Drake na isang judge. Bagaman halatang nagulat ang matandang lalaki sa biglaang sadya nila ay hindi naman ito tumanggi.

"Do you, Calista Rodriguez, hereby take Drake Lustre, to be your lawfully wedded husband, in sickness and in health, for richer or for poorer, till death do you part?"

"I do..." sagot ni Cali.

"And do you, Drake Lustre, swear to love and honor Calista Rodriguez, as your lawfully wedded wife, in sickness and in health, for richer or for poorer, till death do you part?"

"Yes! I do!" si Drake na hindi siya nilulubayan ng tingin.

"Well... I have to say this is very sudden but what can I do but to pronounce you, man and wife. You may kiss your lovely bride, hijo" natatawa at naiiling na anang matandang judge.

Drake pulled her closer without hesitation and without wasting any time, brought his lips on hers. Mainit at puno ng pagmamahal ang halik na iginawad nito sa kanya na kanya namang ginantihan. Siguro ay napatagal ang halik na iyon dahil narinig nilang tumikhim ang judge upang pukawin ang kanilang atensyon.

She gently pushed her husband away. Her cheeks turned red. Ano ba naman itong nangyayari sa kanya at hindi man lamang siya nahiyang gumanti ng halik sa harap pa ng ibang tao!

"Naku kayong mga bata kayo..." iiling-iling na ani judge Garcia. "Alalahanin ninyong ang kasal ay hindi biro-biro. Sana ay pangatawanan ninyo ang inyong sinumpaan ngayong araw na ito".

"Ninong, huwag kayong mag-alala... Hinding hindi ko pakakawalan ang asawa ko" nakangiti siyang nilinga ng binata at masuyong inakbayan "this is forever..."

*******

"Lilet" panimula ni Cali ng sumagot ang nasa kabilang linya. Lulan siya ng kotse ni Drake habang binabaybay nila ang kahabaan ng Roxas Boulevard kung saan nagpa reserba ng suite sa isang hotel ang asawa. They both agreed that they will leave for San Antonio early morning tomorrow upang harapin ang kanyang mga magulang. Isipin pa lamang niya ang magiging reaksyon ng mga ito ay pinanghihinaan na siya ng loob.

"Cali! Oh my Gosh! Saan ka ba nagpunta? At si Drake hindi ko na rin nakita, the whole program was cancelled dahil hindi nila mahanap ang birthday boy" sunod sunod na tanong ng kaibigan.

"He is with me Lil...uhmm...nagpaalam ako kay Tiya Lupe na sa inyo ako magpapalipas ng gabi".

"O sige wala namang problema Cali, didiretso ka na ba sa bahay?"

"No...ang totoo sinabi ko lang 'yon kay Tiya Lupe para hindi na muna siya magtanong..." sinulyapan niya ang asawa na ang buong atensyon ay nakatuon sa pagmamaneho "Lil...Drake and I...we..." 

"What?" Lilet asked impatiently "You and Drake...?"

"We...we got married." She bit her lower lip, kusa yata siyang napapangiti kapag naiisip na talagang kasal na sila.

"You what?!" tili ni Lilet sa kabilang linya "OMG Cali! Nagbibiro ka ba?!"

"No. We really did, pero wala pang ibang nakakaalam kundi ikaw, so please...keep this a secret for now okay? Bukas ay bibiyahe kami pa San Antonio upang kausapin sina Nanang at Tatang..."

"You lucky witch!!! I am so happy for you friend! Tawagan mo ako bukas kapag nakarating na kayo sa San Antonio ha! And... don't forget me to tell all the details of tonight...you know" humagikgik si Lilet sa kabilang linya.

Natawa rin siya na biglang ninerbyos ng mahinahunan ang ibig ipakahulugan ni Lilet. Tonight will be their first night together, alam niya kung ano ang namamagitan sa mag asawa lalo sa unang gabi ng kasal. She isn't naive, but she isn't experienced either, kaya naman isipin pa lamang niya iyon ay tila sinisilihan na yata ang punong tenga niya sa pag-iinit.

"Loka ka talaga" natatawang sabi niya bago ibaba ang cellphone.

*******

Nanlalamig ang mga palad ni Cali habang lulan sila ng elevator paakyat ng penthouse. She wasn't expecting that Drake will reserve the penthouse suite of Shangri-la, but then again, palagi niyang nalilimutan kung sino ang lalaking kanyang pinakasalan.

Pasimple niyang sinulyapan ang asawa sa kanyang tabi. He was still holding her hands tightly, na para bang hindi siya nito nais pakawalan kahit kailan. Is she dreaming? How could a man like Drake Lustre fall in love with her and marry her? Yes, she also had a number of suitors ngunit tila basahan lamang siguro siya kung maihahalintulad sa ibang mga babae sa mundo ng binata na maari nitong makuha ng walang kahirap hirap. Why, Drake Lustre is one of the most eligible bachelors of the city.  Rich, handsome and could probably make any girl do his bidding with just his stare.

Drake stands 6 inches 2 feet tall, at sa taas niyang 5'3" ay halos hanggang kili-kili lamang siya nito. He has a body built that could match a football player with his lean physique and broad shoulders. 

He has strong, square jaws which gives his handsomeness a hint of mystery and danger. Matangos ang ilong, expressive dark eyes paired with long, thick lashes. She's always thought that he is the Filipino counterpart of Chris Evans from Captain America -  sa tingin niya ay malaki ang hawig ng binata sa popular na aktor. Actually, kung siya ang tatanungin ay mas magandang lalaki pa nga si Drake dito, ang pagka moreno nito ay tila lalo lamang nakadagdag sa male charm nito, he looks nothing short of a modern day Greek God.

Napabalik ang diwa niya sa kasalukuyan ng mag ding ang elevator at pumasok ang dalawang babae. Napansin man niya ang malagkit na tingin ng mga ito sa asawa ay hindi na niya pinagtuunan ng atensyon dahil habang papalapit ang elevator sa takdang palapag ng penthouse ay parang sinasakal siya sa nerbiyos na nararamdaman. This will be their first night together! Hindi niya maialis ang magkahalong takot at excitement na nararamdaman. Sa ilang buwan ng pagiging mag nobyo nila ay hindi naman nagtangka si Drake na gumawa ng ano man higit sa halik. She is a virgin for crying out loud! Isipin pa lamang niya ang mga sandaling tiyak niyang magaganap sa pagitan nila ay pinanlalamigan na siya!

Makalipas ang ilang palapag ay bumaba ang dalawang babae, looking disappointed dahil ni hindi nakuha ng mga ito ang atensyon ng binata. She inhaled and exhaled, pinipilit alisin ang kabang nararamdaman. 

Pinisil ni Drake ang kanyang kamay. "Relax sweetheart. This is our honeymoon night, you're not going to be executed or something" biro nito sa kanya.

"I have a feeling you're enjoying this Mr. Lustre!" inirapan niya ito.

"Not as much as I am going to enjoy later..." pilyong bulong nito sa kanyang tenga.

"Drake!" 

Malakas na tumawa ito pagkatapos ay walang paalam siyang pinangko nang bumukas ang pintuan ng elevator sa penthouse.

"Dan dan daran" he hummed the wedding hymn as he walked in to the suite.

She giggled at pinagsalikop ang mga kamay sa batok ng asawa.

Marahan siyang ibinaba ni Drake sa ibabaw ng malambot na kamang napapalamutian ng fresh rose petals. Sa isang sulok ng malawak na silid na iyon ay mayroong isang bote ng champagne, strawberries at isang maliit na cake.

Drake remained on top of her, his eyes roamed on her face. Marahan nitong hinawi ng isang kamay ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa kanyang noo.

"I love you Mrs. Lustre" he declared as he kissed her forehead.

"Sigurado ka bang hindi mo ito pagsisisihan?"

Drake frowned as if she asked the most ridiculous question in the world. "Pagsisisihan?"

"Yes... siguradong magagalit ang mama mo at saka baka pagtawanan ka ng iba kasi ang babaeng pinakasalan mo ay -"

"Dahil ang babaeng pinakasalan ko ay ang pinaka maganda, pinaka mabait at pinaka mapagmahal na babae sa mundo?" dugtong nito sa kanyang sinasabi "aba! maraming maiinggit sa akin, Mrs. Lustre".

"Puro ka naman biro eh!"

He chuckled bago sumeryoso. "I will never ever regret marrying you, Cali. Not in a million years."

She gave a satisfied smile at muling pinagsalikop ang mga kamay sa batok ng binata. "You can't imagine how much I love you, Drake..." she said dreamily.

"Show me then, babe". 

His head bent down to hers and gave her a gentle, sensuous kiss. Hindi niya alam ngunit naiiyak siya sa halik na iyon. A tear rolled down her cheek as she responded to his kiss the way he taught her to. 

Hindi nagtagal ay lumalim ang halik na iyon, naging mas mapusok, tila mas mapaghanap. Hindi alam ni Calista kung paano iyon pakikibagayan, Drake had kissed her many times in the past, ngunit ang paraan ng paghalik nito sa kanya ngayon ay kakaiba, na para bang wala itong kahit na anong inhibisyon sa ginagawa.

Cali melted under his kiss. She opened her mouth and mimicked what his tongue was doing, meeting his kiss with all the passion and desire she is feeling. She heard Drake moan, na tila ba nasaktan ito, he then abruptly ended the kiss and stared at her with eyes burning with desire.

"God you're gonna kill me, babe..." he uttered in a husky voice. Bago pa makaimik si Cali ay muling bumaba ang mga labi nito sa kanya, only this time, his hands began to explore and touch her. His left hand moved to her side and traced the curve of her body, mula sa kanyang likod pababa sa kanyang balakang, as if memorizing the shape of her. 

Naramdaman niyang muling umakyat sa kanyang likod ang kaliwang kamay ni Drake, while his right hand caressed her neck...pababa. 

She gasped when she felt his hand on top of her breast. Sa kabila ng damit na tumatakip sa kanya ay ramdam niya ang init ng palad ng binata. She gasped once again ng maramdaman niyang naabot ng kamay nito ang hook ng kanyang bra at pabale walang binuksan iyon...