Chereads / Minsan Pa / Chapter 14 - Chapter Fourteen

Chapter 14 - Chapter Fourteen

May panibughong biglang naramdaman sa dibdib ang dalaga. This woman is Drake's ex and first love? Ano mang tingin ang gawin niya sa kaharap ay hindi niya maiwasang makadama ng bahagyang insecurity, why, Aimee could easily pass as an actress or a model!

"C'mon Aims..." Drake said, sounding a bit frustrated and surprised at the same time sa paraan ng pagpapakilala ng babae.

"What? May sinabi ba akong hindi totoo?" Aimee asked innocently.

"Nice meeting you" daglian njyang tinanggap ang kamay nito. "Calista Rodriguez. Drake's girlfriend". Sadyang binigyang diin niya ang katagang girlfriend, na para bang nais iparating sa babaeng kaharap na siya ang nobya ngayon ng binata samantalang ito ay isa na lamang 'ex'.

Binitawan niya ang kamay ng babaeng tila nagulat sa iniasta niya at pagkatapos ay hinarap si Drake at malambing na ikinawit ang braso sa braso nito "babe, I'm hungry. Let's get something to eat naman oh" sadyang nilandian niya ang pagkapit sa braso ng binata at pinapungay ang mga mata rito.

Mamatay ka sa inggit na babae ka! Hmp! She almost blurted out those words to Aimee kung hindi lamang niya kinagat ang dila. Gusto niyang matawa nang maiwan ang babae na tila nagpupuyos pa rin ang kalooban sa inis.

"Wow. I've never seen you that possessive. I like it" sambit ni Drake nang sila na lamang dalawa.

"Hmp! Ex mo pala 'yun" she sat on one of the wicker chairs na naroon sa gazebo. Dinala siya ng binata sa hardin kung saan malayo sila sa karamihan ng mga bisita.

"Nagseselos ka ba?" Naiiling na tanong ng nobyo na naupo sa kanyang tabi.

"Well... she's really pretty..." nilaro niya ang laylayan ng paldang suot. Alam niyang nakatitig ang binata sa kanya ngunit parang hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito.

Damn! Nagseselos talaga siya at hindi niya alam kung paano iyon maitatanggi kapag sinalubong niya ang tingin nito.

Drake chuckled at ginagap ang kanyang kamay.

"Look at me" he commanded, at tulad ng dati ay hindi niya malaman kung ano ang mayroon ang salita nito na palagi na lamang siyang napapasunod.

"I love you, Cali. You are my present, and the past don't matter anymore" dinala nito ang kamay niya sa labi at hinalikan iyon.

Calista's heart was floating in air habang ninanamnam ang bawat katagang binitiwan ng katipan. Ito ang may birthday ngunit pakiramdam niya ay ito ang nagbigay ng regalo sa kanya sa sandaling iyon.

She cleared her throat. "Yes, your present but what about the future? Your world is so different than mine Drake. Baka..." she paused to look him straight in the eyes "...baka hindi ako ang babaeng nababagay sa iyo..."

Drake chuckled bago inabot ang kanyang pisngi upang mahinang kurutin "you look lovelier when you're jealous, you know that?" he smiled, showing those irresistable dimples.

Drake paused before moving his face closer to hers, ang mga mata nito ay nakapako pa rin sa kanyang mga mata "Mahal kita, Calista Rodriguez, and that will never change...today or tomorrow, at kahit gaano pa katagal, ikaw at ikaw lang ang ititibok nito", buong pagmamahal na pahayag ng binata sabay turo sa sariling dibdib.

"Mahal din kita Drake... forever." Nahihiyang sabi niya. His eyes were still hypnotizing her and she couldn't seem to pull away from his stare. She watched with excitement and anticipation as his face inched even closer to hers, at nang ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha nito sa kanya at awtomatiko niyang naipikit ang mga mata.

A minute seemed like an eternity habang hinihintay niya ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang mga labi. Just thinking about it makes her stomach tie into a knot, and she could literally hear the loud banging of her heart against her chest...

"Drake!"

Cali instantly flung her eyes open nang marinig ang malakas na tinig na tumawag sa pangalan ng nobyo. Agad napatuon ang kanyang paningin sa direksyong pinanggalingan ng tinig.

Sa hindi kalayuan ay nakatayo ang matandang babaeng kasama ni Aimee kanina, ang babaeng nagtanong sa kanya kanina kung bisita ba siya sa pagtitipong iyon. Hindi niya malaman ngunit tila may kabang sumikdo sa kanyang dibdib pagkakita rito.

Si Drake ay tumuwid ng pagkakaupo bago nilingon ang babae. "Ma." He acknowledged.

Ma?!?! This woman is Drake's mom?

She gave Drake a worried look ngunit balewala nitong hinawakan ang kamay niya bago tumayo at nagsimulang maglakad palapit sa babae.

Kung hindi lamang siya magmumukhang katawa-tawa ay halos gusto niyang hatakin pabalik ang kamay mula rito at kumaripas ng takbo! She don't think she's ready for this! She's not ready yet to meet his mom!

Malambing na pinisil ng binata ang kamay niya, as if assuring her that everything will be okay.

Nilapitan ni Drake ang ina at hinalikan ang babae sa pisngi. " Ma, I want you to meet Calista Rodriguez."

"H-hello po..." alanganing bati niya sa ginang na sinabayan ng nahihiyang ngiti.

Hindi umimik ang babae at sa halip ay hinagod siya ng tingin. Kung pinilit man nitong itago ang pagkadisgusto sa mukha ay hindi ito nagtagumpay.

"Cali, this is my mom. Mrs. Evelyn Lustre." he paused "Ma, this is Cali... my girlfriend".

Tumaas ang isang kilay ng babae bago mahinang humalakhak. "Oh hijo...nagbibiro ka ba?" tinutop nitong bahagya dibdib bago seryosong tinignan ang anak.

"Bakit naman ako magbibiro ma? Calista is my girlfriend and I love her" mariing ani Drake.

Iglap na nawala ang ngiti sa mga labi ng ina ni Drake. Matalim siyang tinapunan nito ng tingin. "Hija, would you mind leaving my son and I alone for a bit?" hindi iyon tanong ngunit isang utos.

Humigpit ang pagkakahawak ni Drake sa kanyang kamay, refusing to let her go.

"You can tell me whatever you like mom, Cali doesn't need to go anywhere".

Lalong umasim ang mukha ng ginang, "Okay, if that's what you want" anito sa tinig na sinlamig ng yelo. "I am announcing your engagement with Montebello's daughter tonight. Nagkausap na kami ni Franco at sang ayon din siya sa-"

"You are not announcing anything tonight, mom...in fact, not ever, dahil wala akong ibang babaeng nais makasama kundi si Cali lang" matigas na tinig na sagot ni Drake sa ina, cutting off whatever Evelyn was saying.

"Ano bang kahibangan ito, Drake?!" halos lumuwa ang mata ni Evelyn sa galit sa anak. "You know that you have the responsibility to look after our household at kasama doon ang pagpili ng tamang babae upang makasama sa buhay!" matalim siyang tinignan ng ginang, emphasizing the word 'tama". Matalim itong bumuntong hininga, struggling to remain poised.

"D-Drake...I think I better go..." mahinang sambit ni Cali sa nobyo.

"No! You're not going anywhere Calista!" Drake retorted, holding her hands even tighter. "My mom needs to understand that she can't manipulate people, let alone her own son!" galit na pahayag ng binata.

"Oh please hijo!" Evelyn said in an exasperated voice "Huwag kang gumawa ng kung ano mang kahiya hiya ngayon pa sa araw ng kaarawan mo! Bringing her here is undoubtedly shameful, huwag mo ng dagdagan pa!" Evelyn brutally said, wala itong pakialam na kaharap siya ng sabihin ang maaanghang na salitang iyon.

Nag-init ang mga mata ni Calista. Never in her entire life was she insulted like this! Daig pa niya ang isang nakakadiring insekto sa paningin ng matandang Lustre.

"Mom stop!" angil ni Drake sa ina.

"At bakit? hindi ba totoo naman? Don't tell me you don't see it? She looks ridiculously out of place here Drake! My God! Even the clothes -"

Hindi na hinantay ni Calista na marinig ang katuloy ng sinasabi ni Evelyn. Marahas niyang binaltak ang kamay mula kay Drake at mabilis na tumakbong palayo.

"Cali!" she heard Drake's voice call her but she didn't even stop to look back. She needs to get out of this place! Magkahalong galit, sakit at awa sa sarili ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

Hindi tumigil si Cali sa pagtakbo hanggang sa makalabas siya ng gate ng mansyon. Wala siyang pakialam kahit pa pinagtitinginan siya ng mga taong kanyang nakasalubong.

Nang makalabas siya ng propriedad at marating ang kalsada ay saka pa lamang siya huminto sa pagtakbo. She continued walking slowly hanggang marating ang parte ng daan na hindi masyadong naiilawan.

She stopped for a while at noon lamang niya naramdaman ang sakit sa kanyang sakong. Hinubad niya ang kanang sapatos at napangiwi, nabalatan ang bukong-bukong niya dahil sa sapatos at marahil dahil sa pagtakbo.

Her tears fell, mas malamang na dahil sa sama ng loob kaysa sa sakit na nararamdaman sa kanyang paa. Tumalungko siya at niyakap ang mga tuhod at idinukdok ang ulo roon. She let her tears flow.

I will announce your engagement to Montebello's daughter tonight...

Kailangan mong pumili ng babaeng nababagay sa iyo...

Napahikbi siya nang maalala ang tinuran ng ina ni Drake. So, he will be engaged to someone else? More than the insults, this is the part that she was crying about the most. Isipin pa lamang niyang mawawala ang binata sa kanya ay tila pinipilipit na sa sakit ang kanyang puso. She loves him too much, parang hindi yata niya kayang mabuhay na wala ito...

"Cali..."

She slowly raised her head when she heard his voice.

"Oh God, babe..." mabilis siyang nilapitan ni Drake nang makita ang kanyang anyo. Tigmak ng luha ang kanyang mga mata, at tila siya isang basang sisiw sa gilid ng daan.

"Sweetheart...I"m so sorry..." agad siyang niyakap nito. "Ako na ang humihingi ng paumanhin para kay Mama". Bahagya siyang inilayo nito at pinahid ang kanyang mga luha sa mukha.

"You will be engaged to...to someone..." hindi niya matapos tapos ang sasabihin dahil sa paghikbi.

"Shhh...no, that will never happen."

"But...she said so Drake! Ipinagkasundo ka na ng mama mo sa iba..."

"Hindi maaring diktahan ni Mama ang nararamdaman ko Cali. Mahal kita, and I don't fucking care what she or anyone else thinks!"

"Baka tama ang mama mo, Drake... I don't belong in your world... I don't fit in, I am ridiculously out of-" hindi niya naituloy ang sinasabi ng mabilis siyang siilin ng halik nito.

Her tears continued falling as she savored the warmth of his tender lips on hers. Kung maari lamang sana silang manatili na lamang na ganito habambuhay.

Pinutol ni Drake ang halik na iyon at mataman siyang tinitigan. "Do you trust me, Calista?" seryosong tanong nito.

"O-of course I do."

"Do you love me?" muling tanong ng binata.

"Ano ba namang tanong yan Drake?" aniyang sinamahan ng malumanay na tawa.

"Just answer me, I need to hear it" he commanded.

Sumeryoso si Cali at tinitigan ang mga mata ng binata "Yes. I love you Drake. Hindi lang mahal, mahal na mahal..."

"Then marry me." he told her with certainty.