Chereads / Minsan Pa / Chapter 11 - Chapter Eleven

Chapter 11 - Chapter Eleven

Ang buong akala ni Cali ay agad na aalis si Drake matapos siyang maihatid, ngunit laking gulat niya ng bumaba ito ng sasakyan at mukhang balak na samahan siya sa loobg ng bahay.

"What are you doing? Hindi ka pa ba uuwi?"

"I wanted to say hi to your tita...can I?" hinawakan nito ang kamay niya at akmang hahakbang palapit sa gate.

Pinigilan niya ito at marahang hinatak pabalik "Ah...ano kase eh... sa ibang pagkakataon na lang siguro?" alanganin niya itong nginitian.

Nagsalubong ang makakapal na kilay ng binata "Why? hindi mo ba ako gustong makilala ng tiyahin mo?"

"H-hindi naman sa ganoon...kaya lang kasi..." She sighed, hindi malaman kung paano magpapaliwanag.

"Kaya lang ano?" Lalong lumalim ang kunot sa noo sa gwapong mukha nito "bakit? may itinatago ka ba? Are you living with a man na hindi ko alam?" his tone was dangerous.

"No! What are you saying?!" naibulalas niya sa narinig. Napaka advance naman ng isip ng lalaking ito para maisip iyon!

"Then what's the problem?" ginagap nito ang dalawang kamay niya at mahigpit na hinawakan "are you scared? You don't need to...I'm here... I will always be here for you sweetheart".

Calista gave out another sigh. Hindi naman sa hindi niya gustong patuluyin sa bahay ni Tiya Lupe ang binata, kaya nga lamang ay overcrowded ang bahay na iyon dahil meron ding mga boarders si Tiya Lupe bukod pa sa apat din ang sariling anak nito. The house can get messy and noisy. Isa pa, ayaw niyang malaman ng ninang niya na mayroon siyang nobyo dahil pihadong hindi pa natatapos ang gabi ay naibalita na nito iyon sa kanyang mga magulang. Isa pa naman sa kabilin bilinan ng nanang at tatang niya ay huwag munang mag nobyo hangga't hindi niya natatapos ang pag aaral.

"A-ano kasi..."

Sabay silang napatingin ng bumukas ang gate at lumabas ang isang babaeng marahil ay nasa mahigit seitenta anyos.

Si Tiya Lupe!

"Oh Cali, nariyan ka na pala, aba'y ano ang ginagawa mong nakatayo ka lamang riyan?" Inilipat nito ang tingin kay Drake, pagkatapos ay sa kamay nilang mahigpit pang magka hawak, bago muli sa kanya. "Sino itong kasama mo hija?"

Mabilis na binawi ni Calista ang kamay mula sa binata na animo ba'y isang batang may nahuling masamang ginagawa.

"Ah, tiyang...si Drake po... kaibigan ko po..."

"Kuu... kaibigan ha?" itinaas nitong bahagya ang salamin upang lalong mapagmasdan ang binata.

"Magandang gabi po" magalang na bati ng huli. Walang paalam nitong inabot ang kamay ni Tiya Lupe at nagmano na ikinagulat nilang parehas ng matanda.

"Kaawaan ka ng Diyos hijo. Kumain na ba kayo?"

"O-opo tiyang paalis na rin po si-"

"Naku tiyang hindi pa nga po, gutom na po kami eh" nakangising sagot ni Drake. Pinandilatan ito ni Calista sa sinabi ngunit hindi nito iyon pinansin.

"Eh tamang tama at kaluluto ko lamang ng adobo... halika na kayo sa taas at ng makakain".

Nang makatalikod ang matanda ay kinindatan siya ng binata at muling mahigpit na hinawakan siya sa kamay. Naiinis man siya ay natawa na lamang siya sa ginawa nito. 

Sa hapag kainan ay nais bumunghalit ng tawa ni Calista nang makita ang reaksyon ni Drake ng makita ang ulam.

"I thought adobo ang ulam?" mahinang bulong nito sa kanya.

Tumango si Cali "Oo nga...adobong palaka." inabot niya ang bowl at nilagyan sa plato ang binata. "Hindi ka ba kumakain niyan?" painosenteng tanong niya kahit pa kitang kita sa mukha nito na tila masusuka sa nakitang tila mga taong sunog na naka dipa!

Bumalik sa hapag si tiyang dala ang isang platong kanin "Kumain kang mabuti hijo, specialty ko 'yan, marami pa doon kaya huwag kang mahihiya".

She could see literal sweat started trickling down Drake's forehead as he tried to slice the frog on his plate. She bit her lip to keep her from laughing.

"Try mo sawsaw dito sa sukang may sili, masarap, promise" she smiled at him sweetly. Hindi niya maiwasan ang maaliw habang pinagmamasdan ang reaksyon nito.

Akmang susubo si Drake ng pagkain nang lingunin siya "this is how much I like you, Calista Rodgriguez..." anito bago isinubo ang kutsarang may kanin at ulam.

Calista secretly smiled, tila ba siya nakalutang sa hangin sa narinig na tinuran ng binata.

...And I like you too, Drake...

Nang makapag hapunan ay halos ipagtabuyan na niyang paalis ang nobyo, paano ay dumarami ang mga tanong ni Tiya Lupe rito. Isa pa, dumating na ang ilang kababaihang boarders doon at animo ba ay nakakita ng artista o modelo ang mga ito. Each of those girls literally gathered around Drake, ang iba ay hindi itinago ang pagpapa cute.

"I'll pick you up tomorrow, okay?" si Drake. Binuksan na nito ang driver's door ng sasakyan.

"Huwag na. Sanay akong mag jeep" she refused.

"Even so. I will pick you up at 8 tomorrow okay?" dumukwang ito sa loob ng sasakyan at inabot ang kahong iniwan niya roon.

"I...I really can't accept this Drake. I know how much this costs and-"

"You're my girl, and I want to give you the best Cali" he handed her the box.

"P-pero..."

Drake put his index finger on her lips, silencing her. "No buts". He smiled at her and Cali wanted to kick herself dahil maging siya ay parang na star-struck dito kapag ngumingiti ito ng ganoon.

"F-fine. But next time please, don't give me anymore gifts" she said in a serious tone.

Drake chuckled and quickly bent to give her a quick kiss on the lips na kanyang ikinabigla.

"See you tomorrow". Iyon lamang at sumakay na ito ng sasakyan.

Kahit hindi na matanaw ni Cali ang sasakyan ng binata ay nanatili siyang nakatayo roon. She unconsciously brought her hand up to gently touch her lips na kanina lamang ay dinampian ng labi nito. Ibinaba niya ang kamay sa tapat ng kanyang puso at ipinikit ang mga mata, hinayaang damhin ang dagundong ng puso niyang tila nagwawala na yata sa kanyang dibdib. She gently inhaled, tila nalulunod siya sa tindi ng pintig ng batang puso. Marami siyang naging manliligaw pero ni isa sa mga ito ay walang nakapukaw ng kanyang damdamin kagaya ng nagawa ni Drake. Only him made her heart race so fast she sometimes feel that she might faint.

Get a hold of yourself Calista! saway ng kanyang utak na agad naman niyang isinantabi. 

Yes, maybe she needs to get a hold of herself, maybe she is falling for him too fast... but who cares? She's happy and right now all that matters for her is being with him.

She returned inside the house with a smile painted on her lips.