"What happened?" mabilis siyang sinundan ni Mat pagkalabas niya ng opisina. Halos hindi niya pinansin ang kaibigan at mabilis na naglakad patungong elevator.
"Hey Cali, wait!" Mat just got in time bago nagsara ang lift. Nagpupuyos pa rin sa galit na sunod sunod pinindot ni Cali ang 'G' sa elevator pad.
"Cali, ano ba ang nangyari? Please tell me you didn't do anything regrettable..."
"I wish I could, but that bastard was blackmailing me!" galit niyang sagot.
"Listen, technically, hindi naman siya nang ba-black mail. Totoo lang naman yung sinabi niya based on our contract. You and I both read it and-"
"And so kinakampihan mo pa ang hinayupak na 'yon?!"
Mat sighed. "I know you have a grudge against the man but you can't act harshly Calista! Negosyo nating pinagkahirapang itayo ang nakasalalay dito!"
She gave out an exasperated breath. "Yes I know. I'm sorry. It's just that I..." iniiwas niya ang mga mata sa kaibigan dahil naramdaman niya ang pag iinit niyon. "It's just that I..." she bit her lower lip, hindi maituloy ang sasabihin na hindi napapaluha.
Ang totoo ay matagal na panahon niyang pinakaiwasan na muling mag krus ang landas nila ni Drake. There's just so many painful memories that comes back, marinig pa lamang niya ang pangalan nito, lalo na ang makita ito ng personal!
Marahan siyang kinabig ng kaibigan sa dibdib nito "Ssshh... I understand how you feel and I'm sorry this happened. Kung alam ko lang din, kahit pa malaking break ito para sa PS, sana hindi na lang natin tinanggap".
She shook her head and wiped her tears "No. You're right. This is our biggest break yet and I need to be professional about this."
"What if you just leave this to me? Ako na ang bahalang magdala ng tao natin and you can just work from the office?" suhestiyon ng kaibigan.
Sunod sunod ang iling na ginawa niya. "I thought about that but he clearly said he needs me to personally be there with you to oversee everything...from start to finish."
"Really? wow!" ani Mat na tila hindi makapaniwala. "Would it help if I try and talk to him?"
"I don't think so. I know him Mat, when he decides on something, he is hell bent on doing it and you couldn't change his mind"
"What can we do then?"
"Just go through the project as quickly as we could, I guess" sagot niyang sinabayan ng mahinang singhot.
Isang nakakaunawang tango ang naging sagot ni Mat.
That night, Cali tossed and turned in her bed ngunit tila mailap ang antok sa kanya. Sa bawat pagpikit ng kanyang mata ay ang binata ang gumuguhit sa kanyang balintataw. Naupo siya sa kama at isinandal ang likod sa headboard. She hugged her knees to her chest at idinukdok ang ulo doon.
Damn you Drake! Why did you have to show up again?! Kulang pa ba ang limang taon ng paghihirap ko nang dahil sa'yo?!
Hindi niya napigil ang pagkawala ng mga luha na kanina pa niya tinitimpi, kasabay ng pagbabalik ng mga ala-alang pilit niyang ibinaon sa limot sa nakalipas na mga taon...
*******
"Hi beautiful!" Drake got out of his car at nilapitan si Calista na noon ay kalalabas lamang ng gate ng unibersidad. Sa kamay ng binata ay isang pumpon ng bulaklak.
"Drake! Ano'ng ginagawa mo dito?" Aniya na bakas ang pagkagulat sa mukha. She looked around at hindi siya nagkamali, ang karaniwan sa mga mag-aaral na babae ay nakapako ang mga mata sa kanila, ang ilan ay huminto pa sa paglakad upang hantaran silang tignan.
"Picking you up, silly" sagot ni Drake na nakangiti, iniabot nito sa kanya ang dalang bouquet.
Alanganin niyang tinanggap iyon "N-nakakahiya, ano ka ba?" aniyang nakayuko.
"Nakakahiya? Kanino at bakit?"
"Look around you! Everyone's staring at us!" mahina ngunit mariin niyang sagot, keeping her head down.
Drake gave out a soft laughter and ruffled her hair, na para ba siyang isang bata. "We're not doing anything wrong. Sila ang dapat mahiya sa pagka chismosa nila. Come one. I'll drive you home", hinawakan nito ang siko niya upang igiya siya sa sasakyan.
"Huwag na! Mag je-jeep na lang ako" she protested.
"Huwag ng matigas ang ulo, ok?" marahan siya nitong hinila sa siko at iginiya patungo sa passenger side ng BMW na topdown na dala nito.
"B-but..." she looked around and saw that almost all the women there were eyeing her as if she was a criminal, sinamahan pa ng bulungan ng mga ito. She felt so embarrassed, ganoon pa man ay nagpatiubaya na siya ng buksan ni Drake ang passenger side door para sa kanya.
"Next time huwag mo na itong gagawin ha. Baka mamaya ma murder ako sa campus!"
Malakas na tumawa ang binata sa sinabi niya "Murder?"
"Naku Mr. Lustre! Kung alam mo lang na dumami yata ang may galit sa akin simula ng iligtas mo ako sa pool!" natatawa na ring saad niya.
Nagmaniobra si Drake upang ilabas ang sasakyan sa kalyeng iyon "Nagseselos lang ang mga iyon sa ganda mo, sweetheart" sinserong anito.
"Galit sila kasi lahat yung mga 'yon type ka!"
"I don't care. Hindi naman sila ang type ko eh..." he paused at hinarap siya, looking directly in her eyes "Ikaw lang."
Pinamulahan ng pisngi si Cali sa sinabi nito. Agad siyang nagbawi ng paningin at iniba ang usapan.
Sa halip na ihatid siya ni Drake sa bahay ay dinala siya nito sa isang restaurant sa Tagaytay, despite her protests. Ilang beses na siyang sinundo ni Drake on different occassions, and by now, nalaman na niya na kahit pa naman humindi siya ay gagawin pa rin nito ang nais. He is stubborn and won't take no for an answer, para bang isang batas ang salita nito na hindi nababago. She wanted to get mad at herself, alam niyang hindi iyon excuse upang lagi siyang magpaubaya sa nais nito. Kung tutuusin, kung talagang ayaw niya ay hindi naman din siya mapipilit nito kahit pa anong gawin, ang problema ay tila nawawala ang resolba niyang tumanggi sa nais nito kapag kaharap na niya ito. For her, Drake has that certain charm, iyong tipong parang lumulutang na lang yata sa kawalan ang buo niyang pagkatao kapag malapit ito at ang tangingn natitira ay ang kanyang puso. For her, everything seems brighter, lovelier, and more meaningful with him around her.
Matapos kumain ay niyaya siya ng binatang panooring ang Taal Lake mula sa balcony ng restaurant na iyon. Maliwanag ang buwan ng gabing iyon at tila mga binlid na ikinulapol sa kalangitan ang mga bituin. Disyembre noon at may bahagyang kalamigan ang panahon. She wished she brought even a shawl with her upang maipanlaban sa hangin, manipis ang tela ng unipormeng suot niya at nanunuot doon ang lamig na dala ng sariwang samyo ng panggabing hangin.
Drake gently removed the jean jacket he was wearing at ikinubabaw iyon sa kanyang likod. She ushered a small "thanks" at muling itinuon ang mga mata sa kagandahan ng paligid na nasa kanyang harapan.
"Do you like it?" tanong ng binata sa kanyang tabi. Both of them were leaning against the balustrade of the balcony.
"This place?"
"Uhum" he nodded.
"Yes. Swerte natin walang masyadong tao, Biyernes pa naman..." she glanced towards the dining area "Pero alam ko normally full packed daw ito dahil sikat?"
Drake smiled sheepishly at tila batang nagkamot ng batok "I actually have a confession".
She looked at him with a puzzled expression on her face, waiting for him to say something.
"I actually rented the place out for us..."
Her eyes turned round like golf balls. "What?! Ang mahal nito ah! Ano ka ba?!"
"Nothing compared to how much I like you, Calista Rodriguez..." buong sinseridad na sagot ng binata. He extended his left hand and tucked a few strands of her hair that was let loose by the wind, behind her ear.
Hindi malaman ni Calista ang isasagot sa sinabi nito. If she would be perfectly honest with herself, she liked the man like crazy. Ilang linggo na rin siya nitong palagiang sinusundo at pinupuntahan sa unibersidad matapos siyang iligtas nito. He was nothing but a hunk and a gentleman.
Hindi masisi ni Calista ang kababaihan sa St. Bernadette kung bakit malaki ang paghanga ng mga ito kay Drake. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa star athlete ng St. Vincent bukod pa sa talaga namang magandang lalaki ito? He stands approximately a little over 6 feet tall, maganda ang atletang pangangatawan. He has strong square jaws, matangos na ilong, malamlam na mga mata at mga labing tila kay sarap halikan.
"I like you so much, Cali... will you be my girl?" his voice was a little husky and his dark eyes were glued on hers. Parang may magnet yata ang mga iyon dahil hindi niya magawang bawiin ang tingin mula rito kahit pa alam niyang nangamatis sa pula ang mga pisngi niya sa mga sinabi nito.
Cali gulped. Is she ready? No matter how much she likes him, mahigit isang taon pa ng kolehiyo ang kailangan niyang bunuin, at ang nais sana niya ay hindi siya magkaroon ng distraction mula sa pag aaral.
"Drake...I..."nagbaba siya ng paningin, unable to keep looking in his eyes.
"Look at me, sweetheart..." marahan nitong itinaas ang baba niya, forcing her to meet his gaze again. "I promise to love and protect you, from this moment on...until I have breath in my lungs" his voice was soft and rugged at the same time.
She met his gaze and wanted to regret she did, because she won't be able to pull away from it anymore. It's as if she was in a trance - nothing mattered at that moment for her but the two of them. She didn't move an inch kahit pa nang makita niyang unti unting bumaba ang ulo nito palapit sa kanya, his face inching closer to hers.
Ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha nito sa kanya nang mariin niyang ipikit ang mga mata...anticipating what's to come.
Sa halip na isang halik sa labi ay naramdaman niya ang pagdampi ng malambot na labi ni Drake sa tungkil ng kanyang ilong, pagkatapos ay sa kanyang noo. She gently opened her eyes and saw love and tenderness reflected on his face.
"I love you, Calista... do you feel the same way?"
It took her a few seconds before nodding gently. "Yes, Drake...I... I love you too" halos bulong lamang iyon ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ng binata, and as if that was the only answer he was waiting for, his lips went down to hers without warning, rewarding her with the sweetest kiss.
Mariing ipinikit ni Calista ang mga mata, hinayaang tangayin siya ng masarap na sensaysong dulot ng mga labi ng binata.
This is it. Her first kiss.