Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 53 - Chapter 53: De Acuzar

Chapter 53 - Chapter 53: De Acuzar

Narating namin ang Bataan matapos ang tatlong oras at walong minuto.

"Bes, tara duon tayo." hindi pa nga kami nakakahinga ng husto sa lugar na binabaan namin ay hinila na ako ng bakla.

Ang buong akala ko, ililibot na nya ako. Iyon pala. Mas gusto lang sabihin. "Ano na, nakapag-desisyon ka na ba?."

Luminga ako. Di alam kung sasagot ba o wag nalang. "Huy!. Alam mo girl. Kung ako sa'yo. Pagkakataon mo na ang trip na to. Gusto mo sya hindi ba?."

Mas lalong di ko alam ang isasagot sa tanong nya. Oo. Gusto ko si Kian pero parang mahirap sakin aminin iyon sapagkat ayoko ngang maipit sa anumang gusot na mangyayari.

Niyugyog nya ang balikat ko. "Oo o hinde?."

Mataman ko syang tinitigan. And then he snap on my face para daw magising ako. "Sagot girl."

"Ano ba sasabihn ko?." kulang nalang magmake-face sya. Naging mapakla ang timpla ng mukha nya't sinamaan pa ako ng tingin.

"Malapit ko na talagang mahila yang buhok mo. Nakikinig ka ba o talagang ayaw mo lang pakinggan ang mga tanong ko?."

"Win naman kasi." pumadyak ako. Pressure na nga ako kanina. Heto pa sya't dumagdag. "Wag mo kong ipressure. Oo nga. Gusto ko sya. Pero wag mo munang sabihin sa iba.."

Tapos nun. Hindi na sya nagsalita. Tumigil sya kalaunan tsaka tumagos sa likuran ko ang paningin nya. Isang tikhim lang din ang narinig ko mula sa tinitigan nya. "Thanks Win." anang pamilyar na tinig.

Nanlamig ako.

Nanigas at parang nanlaki bigla ang ulo ko. Yung kabog ng dibdib ko. Hindi na normal. Kulang nalang lumabas sa katawan ko't lumipad ito sakin papuntang langit. Oa! Pero totoo. Iyon ang nararamdaman ko ngayon.

Gusto kong pagalitan at suntukin ang baklang mabilis nagpaalam at kumaripas na ng takbo palayo sa amin. Dinig ko ang mga hakbang nyang papalapit pero ang mga taong nagtatawanan sa di kalayuan ay di ko man lang matunugan. Bakit kaya ganun?. Ganun ba kalakas ang epekto nya sakin na nagagawa nyang pigilan ang lahat ng naririnig ko, maliban sa kanya?. May kapangyarihan ba sya upang gawin iyon?.

"Gusto rin kita, Kaka.." basa ko sa labi nya ngunit hindi ko iyon narinig. Natatabunan ng pandinig ko ang kabog ng aking dibdib. Nakatitig ako sa kanya. Hindi makapagsalita o kahit makagawa man lang ng kaunting kilos. Naestatwa ako bigla na ultimo talampakan ko, hindi ko na maramdaman. "Alam kong biglaan to pero iyon talaga ay totoo. Gusto kita. Gustong gusto. Pagbigyan mo sana akong iparamdam iyon."

"Paano ang...." paano ang kasal mo?. Iyon dapat ang sasabihn ko kaso nahihirapan talaga akong huminga. Paano ba?. Ano bang gagawin mo, Karen?.

He move closer. Pulgada nalang ang naging pagitan sa gitna namin. He held my shoulders. Agad umakyat sa mga ugat ko ang init ng kanyang hawak. Wala naman syang ibang ginagawa kundi tumingin, ngumiti at hawakan lang ako ngunit heto ako't pinagpawisan na ng todo.

"Sunggaban mo na, Master!." sa di kalayuan. Naghiyawan ang mga kasama namin. Napaatras ako. Pero hinila nya lalo ako papalapit sa kanya.

"Kung magpapatuloy kang ganito. Pinapahirapan lang natin ang mga sarili natin. Ayaw mo bang maging masaya?."

Umiling ako tapos tumango rin kaya napangiti sya. "Ano bang kinakatakot mo?. Obvious naman na gusto mong maging masaya kasama ko?."

"E kasi-..."

Mabilis pa sa oras nyang inilagay sa labi ko ang hintuturo nya.

"Sssshhhh... tama na yan. Pwedeng magtiwala ka nalang sa akin?."

"Pero--?.." iyon palang ang nasabi ko subalit natigil na ng kanyang labi. Dumampi iyon sa labi ko kaya napapikit nalang ako. Hindi naman sya gumalaw. Maging ako rin. Ngunit ramdam ko kung paano nya ako yakapin ng mahigpit.

"Whaaaaaaaa!.." may maingay akong naririnig mula kung saan. Malamang, ang buong barkada na iyon.

Segundo lang naman naglapat ang aming mga labi ngunit pakiramdam ko, oras iyon. Nakangiti pa syang lumayo ng bahagya sa mukha ko. Idinikit ang noo nya sa noo ko. Yakap pa rin ako. "Yes or yes?."

Yes or yes?. Talaga? Wala naman na akong choice kundi yes nalang. Gusto mo naman?. Aba syempre! Nagsabi bang hinde!?.

Naitikom ko lalo ng mariin ang labi dahil pati hininga namin, nagkakabanggaan na. Susnako Master!. Paano nga kumalma?.

"Your choice.." maikli kong sagot. Iniiwasan ang paninitig nya. Malapit na akong maduling. Kingwa!

"No baby!. Ikaw ang gusto kong magdesisyon bago ako, bago tayo." dumikit na sa pisngi ko ang mainit nyang hininga noong mahina itong humalakhak.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sya hinarap.

"Fine. Yes.." agad lumapad ang kanyang ngiti. Muli. Hinalikan na naman nya ako sa labi. Malumanay at maingat habang suot pa rin ang di maburang ngiti sa kanyang pisngi. Umawang pa ang labi ko ng bigla nya iyong bitawan. Mahina na naman syang tumawa. Napayuko tuloy ako. Mabilis din ang kilos nyang iniangat muli ang mukha para magpantay ang aming paningin. He again kiss me on my lips. Tapos umakyat iyon sa tungki ng ilong ko. Sa magkabilang pisngi. Gitna ng aking mga kilay bago huli sa noo. Doon sya nagtagal kaya pumikit ako at humiling na sana, tama itong desisyon ko. Na nawa'y, tama itong pinasok ko. "Thank you. Thank you. Nang dahil sa sagot mo, naging mas malakas ako. Salamat." walang humpay na pasasalamat ang ginawa nya. Ilang ulit pa nyang hinalikan ang buhok ko bago kami sinugod ng lahat.

"Whoaaa!. Congratulations guys!.." bati ng halos lahat. Inagaw pa nga ni Winly ako sa braso nya subalit mahigpit nya akong hinawakan at hindi pinakawalan. Ang sabi nya. Di pa daw kami tapos mag-usap. Tuloy, napuno ng tukso, hiyawan at kantyawan ang buong grupo.

"Bahala nga kayo dyan!. Basta, libre mo kami Master ah?." nguso ng bakla sa kanya. Nginitian lang sya ni Kian sabay ng isang thumbs up.

Nagpauna na ang lahat sa may hotel kung saan kami kakain mamaya. "Gutom ka na ba?. Anong gusto mo?." he whispered on my ear. Tumaas ang kanan kong balikat dahil sa kiliti. Nakiliti ako dun sa mainit na naman nyang hininga.

"Kahit ano. Basta kasama kita." kindat ko sa kanya. Napangiti sya. Pinaloob ang mga labi at lumiit lalo ang kanyang mata. "Kinikilig ka?." tanong ko pa kahit obvious naman. Napapikit na syang tumango sakin. He didn't bother to give an answer. Imbes, hinapit nya lang ako papalapit sa kanya upang yakapin.

"Sobra akong kinikilig, Kaka." I heard his voice crask. Teka. Umiiyak ba sya?. Kumalas ako ng yakap at tinulak sya. Nakayuko sya't ayaw ipakita ang mukha.

"Why are you crying then?."

"I'm not.." tanggi pa nya. Nakatalikod na sya sa akin. Nakatingala sa langit.

Tumalon ako patungo sa harapan nya't inabot ang pisngi nya. "Are you happy?." kumislap ang mata nya nang magtagpuan ang mata ko. Tinanguan nya ako. Pinanood ko kung paano bumaba ang mga luha sa mata nya. Hindi ko na hinantay pa na dumaan iyon sa pisngi nya. Mabilis ko iyon hinalikan isa isa. Maging ang gilid ng kanyang mata, ay hinalikan ko rin. "Don't cry na, okay?.." sabi ko habang pinapaulan ng halik ang buong mukha nya. Nakadantay pa ang dalawa kong kamay sa magkabila nyang balikat dahil hindi ko talaga kaya ang tangkad nya. Pero ang hindi ko alam. Iniyakap na nya ang dalawa nyang mga braso sa likod ko upang buhatin ako't mahalikan ko pa sya lalo.

"I won't cry now, baby. Thank you.." at sya na ngayon ang nagbigay ng halik sa labi ko. Minuto yatang nagtagal iyon. Kung hindi pa kami sinitsitan ni Jaden na pumasok na. Baka hindi pa kami natapos.

De Acuzar!. Welcome me, him and us.