Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 58 - Chapter 58: Kulang

Chapter 58 - Chapter 58: Kulang

Kinabukasan. I heard the shocking truth. Ni hindi pa mga ako nagmumog o nag-ayos ng higaan o kahit ang magsuklay tapos hayun na't nabalitaan ko nalang na pumayag na sya sa gusto ng mga magulang nya.

I was like, my world crashed down. Nanlabo bigla ang paningin ko't nawala lahat ng kulay sa paligid ko. Tanaw ko pa kanina ang suot na damit ni Kim na rainbow pero nung marinig ko na ang dulo ng pinag-uusapan nila Ate at nila Mama ay naging abo nalang ang mga iyon. Para bang, nasilaban ng apoy ang mata ko't bigla nalang sumakit dahilan para mapaiyak ako.

Gusto kong solohin ang sakit. Gusto kong wag ipakita iyon sa kanila. Ayokong masilayan nila ang pag-asang nawasak. Ang pagkadurog ng puso ko pero hindi ko na kaya. Masyadong mabigat ang dibdib ko. Pasan nito ang kalasanan ng mundo. Dinaluhan nila ako. Nauna doon si Ate Ken. She even hug my head pero kulang pa rin iyon.

May kulang sa akin na tanging sya lang ang may kakayahan na punan iyon.

Monday. Naging usap usapan sa school ang nangyari. Ang buong barkada na nakasaksi noong nasa Bataan kami ay dinaluhan nila agad ako. Asking if I'm okay like damn it! May tao bang magiging okay sa kabila ng pangyayari ngayon?. Damn it!. Not! Me?. Never. Hindi ako okay at sana lang. Sana lang! Wag na nila akong tanungin sa mga bagay na alam naman na nila ang sagot.

"Babasagin ko mukha nun pag nagpakita pa dito." Jaden greeted his lips when he whispered me this. Tinapik nya pa ng mahina ang ulo ko para sabihing wag panghinaan ng loob.

Pinalibutan nila ako sa may kubo. May gustong umakyat para makiupo pero hindi nila pinayagan. Maging ang mga kalalakihan ay puro galit ang sinasabi nila patungkol sa naging desisyon nya.

"Tanga ba sya?. Sila na diba?. Bakit pumayag pa sya?." ani Aron kay Lance na nakapaywang sa gitna. Nagtatalo ang dalawa. Si Bamby ay nasa tabi ko't pilit akong pinapatahan. Hindi naman ako mapatahan. Nasirang grupo yata ang mga mata ko ngayon. Di paawat sa pag-iyak.

"Pare, wala sya dito para husgahan natin ang ginawa nyang desisyon. Malay natin kung may dahilan pa sya para humantong sa desisyong ganun?." kalmado lang si Lance nang sabihin nya ito. Lumingon pa nga sya sakin.

Suminok sinok na ako sa walang tigil na pag-iyak. Di nalang sana ako pumasok. Puro lumuha lang pala magagawa ko ngayon.

"Anong desisyon naman yun?. Kingwa!. Nakakainis!." ramdam ko ang galit sa mga mata ni Bryan ng bigla syang tumayo at frustrated na sinabunutan ang buhok. "Hindi nya ba alam na may nasasaktan na sya?." dagdag pa nya. Namaywang din sya't tumayo sa gitna ng dalawang nag-uusap. Mula doon. Pinakatitigan nya ako. Tinignan ko din sya. May luha pa rin sa mata. Naglakad sya't naupo sa mismong harapan ko. Nilagay sa magkabilang gilid ko ang mga kamay nya habang sya'y nakatingala sa akin. "Tahan na. Hinding hindi na sya makakalapit pa sa'yo. Tandaan mo yan." mas lalo akong napaiyak sa sinabi nya.

Matuwa dapat sana ako sa sinabi nya eh kasi makakabuti iyon para sakin pero bakit parang ayoko sa sinabi nya?. Bakit kontra ang puso ko sa gusto nila?. Gusto nilang iwasan at layuan ko sya kung sakali mang sumulpot sya ngunit paano?. Kingwa!. Ang hirap!. Hindi ko yata kaya!.

"Wag ka ngang martir Kaka. Sundin mo nalang mga kaibigan mo. Alam nila kung anong mas makakabuti sa'yo." tinuktukan pa ako ni Ate Kio ng ihatid ako nila Bamby sa bahay. Tanghali palang. Iyak ako ng iyak sa room at nagtataka na ang mga kaklase namin. Di nila alam na kami ni Kian. Ang buong barkada lang ang nakakaalam.

"Pero Ate?.." humikbi ako sa kanya. Tinarayan nya naman ako.

"Wag matigas ang ulo Kaka. Kapag sinabi naming sumunod ka, sumunod ka nalang." galit na nyang sambit. Saka umalis. Pabagsak pang isinara ang pinto.

Doon ako mas lalong humagulgol sa yakap na kumot.

Bakit ako nasasaktan ng ganito?. Sinabi ko sa sarili ko na susuportahan ko sya sa kung anumang piliin nya pero kabaligtaran naman ang nangyayari ngayon.

Gabi ng Martes. Nasa loob pa rin ako ng silid. Di ako pumasok. Di kasi nila ako pinayagan. Ayusin ko raw muna sarili ko bago magpakita sa mga tao. Kingwa! Ano bang itsura ko?. Maayos pa naman ako eh. Pinuntahan ako ni Papa. May dalang pagkain. Ni ang kumain ay di ko rin magawa.

"I know anak.." he said when I suddenly run and hug him. Umiyak ako sa mga bisig nya. Humagulgol na parang bata. Di na sya muli nagsalita. Hinayaan nya akong umiyak sa kanya.

Isang oras o sobra pa sa dalawa akong umiyak sa kanya. Nang naubos na ang laman ng dibdib ko. Sama ng loob. Tinabihan nya ako sa tabi ng bintana. Isinandal nya ang ulo ko sa balikat nya. Tahimik kaming dalawa.

Saka lamang sya nagsalita nang pumasok na si Mama. "Magiging maayos rin ang lahat anak. Magpakatatag ka lang." Umupo din ito sa kabilang gilid ko't inalalayan ako upang mahiga sa balikat nya. Niyakap nya ako patagilid.

"Ang Kaka namin, malakas to eh." anya habang dahan-dahang tinatapik ang likod ko. "Bakit kaya nanghihina sya ngayon?." natatawa pa nyang sambit ngunit dinig ko ang pagkabasag ng kanyang boses.

"Kasi nga, hindi pa kumakain. Paanong di sya manghihina?." sagot naman ni Papa sa kanya. Pinagtulungan nila akong pakainin na parang bata.

Nagtawanan pa nga kami ng salitan sila sa pagsubo sakin. "Ako na po. Kaya ko naman.."

"Hay.. ang unfair Ate, di sila nagtatawag. May conference pala rito." biglang sumulpot ang bulto ni Ate Kio sa pintuan. Nakasilip naman si Ate Ken sa likod nya. Buhat buhat si Kim.

Tinawag sila ni Papa at naging masaya ang sandaling iyon.

Naging magaan ng ilang oras ang dibdib ko.

Sandali lamang iyon sapagkat noong umalis na sila. Naramdaman ko naman ang puwang na di ko kayang punan. Di ko alam kung paano ito punan ngayon. Andyan ang buong pamilya. Kumpleto naman kami pero bakit may kulang pa rin sa akin?.