Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 63 - Chapter 63: Anak?

Chapter 63 - Chapter 63: Anak?

Kung kaninang umaga ay iniwasan nila sya ng todo. Ngayong tanghali naman, ay pinalibutan nila ito na para bang galing sa isang malayong lugar. Matagal hindi nagkita-kita. Pinagsasapak pa nila leeg nito. Tinignan ko ng mariin itong si Paul. Nang mapansin nya yatang nakatingin ako sa kanya, itinigil nito ang ginagawa't itinaas nalang basta ang dalawang kamay. Ibig sabihin, suko sya sakin.

Katabi ni Kian si Jaden at Bryle sa magkabila nitong gilid. Habang si Paul at ang iba pa ang nakatayo sa kanyang paligid. Pinapanood sya.

"Paano na kayo ngayon?." mas lalo ako pinagpawisan ng itanong ni Lance ito sa kanya. "I mean, ni Kaka?." dagdag nito. Napanganga.

"Kuya?." pigil sa kanya ni Bamby.

"What?. Nagtatanong lang naman ako ah." giit nito sa kapatid. Napabuntong hininga nalang ako. Whatever it takes, pipiliin ko pa ring pakinggan ang mga sasabihn nya. Bahala sila dyan.

"Ahm.." naglinis ito ng lalamunan. "Siguro alam nyo naman na ang lahat?." dagdag pa nya. Walang sumagot. Tahimik pa rin ang lahat. Nakapangalumbaba ko lang syang tinignan. Siniko ako ngayon ni Winly. "Wag masyadong titigan. Baka matunaw yan." anya na bahagya pang natawa sa nakitang reaksyon mula sakin. Napaayos kasi ako ng upo't kinirot ang tagiliran nya.

"Aware kayo tungkol sa lahat. Pasensya na kung late ako na magpaliwanag ngayon."

"Di ka late. Sakto lang ang dating mo. Kailan ba kasal?. Imbitado ba kami?." Bryan interrupted him. Napalingon tuloy ito sa gawi nito.

"Malayo pa ang kasal."

"Ano?."

"What!?."

"Di nga!?."

"Seryoso ka ba?." halos sabay sabay nila itong tanong. May sinabi rin ako pero mukhang ako lang rin ang nakarinig sa boses ko. "Wala kang sinabi sakin." narinig nya ata ito kaya sakin sya tumingin.

"Hindi ko sinabi sa'yo dahil gusto kong lahat kayo ang makarinig mula sakin. Sorry Kaka." nakagat ko nalang ang sariling labi. Iba talaga ang dulot sakin kapag sya ang tumatawag sakin ng Kaka. Susnako!. Epekto ng Kiki karisma.

"Engagement party palang ang gaganapin. Si Andrea din ang nagsabi sa both parents namin na wag muna ang kasal."

"Ha?. Akala ko ba diretsong kasal na?." si Winly ito. Habang nagkakamot ng braso.

Umiling sya. "Paano yun?. Nagpre nup shoot na kayo?." ako na mismo ang nagtanong nito. Di ako mapakali ako. Nangangati dila ko.

"Pre nup para sa engagement party lang." malumanay na ani Kian.

Natahimik ang nagwawala kong puso. Ibig sabihin ba nito, may pag-asa pa ako?. Kami?.

Wiw!.. Asa ka gurl!!..

"Paanong ganun lang?." si Bryan naman ito.

"Ang una kasing gusto ni Andrea ay, anak.."

Anak...

Anak...

Anak...

Nagpaulit-ulit ito sa pandinig ko hanggang sa wala akong ibang marinig kundi ang pagbalik ng maingay kong puso. Galit ito na kung pwede lang, manuntok, gagawin ko ngayon mismo.

"Anak!?.." tanong ng lahat. Mabuti nasa kubo ngayon dahil kung sakaling nasa canteen kami't may ibang makarinig, baka maissue na naman kami.

"Hmmm.. hindi ko alam kung sya ba talaga ang nag-isip ng bagay na iyon o may nag-utos sa kanya. Hindi ko alam." umiling sya ng umiling. Dismayado sa nangyayari.

Biglang hindi naging maayos ang paghinga ko. Kailangan pa akong painumin ng tubig ni Bamby para bumalik sa tamang huwisyo. "Okay ka lang?." she even asked this. She looks so worried. Tinanguan ko sya't nginitian din.

"Kung ganun pala. Hindi pa huli ang lahat para sa inyo." ani Winly. Sakin sya nakatingin. Tinataasan ng kilay. Binibiro ako. Binato ko sya ng takip ng ballpen. Natatawa naman ito habang umiilag.

"Oo nga. Unahan nyo na sila. Magpakasal na kayo." suhestyon ni Paul. Nasamid ako ng marinig ito. Natawa ng ilang segundo ang iba ngunit sya ay hindi man lang natawa.

Tama nga sya. Pero, ang tanong. Gusto nya rin bang pakasalan ako?.

"May respeto ako sa kanya at sa pamilya nya. Kung gagawin ko iyon. Para na ring sinira ko ang tiwalang binigay nila sakin." anya. Sa mata ko nakatitig. Naku naman!. Kinagat ko ang labi sa loob saka mabilis na nagbaba ng tingin. Wag kang kiligin Kaka!. Tama naman sya diba?. Pag ginawa nya iyon masisira ang image nya kay Papa at buo ko nang pamilya. Lalo na ako. Alam kong kapag nangyari iyon, baka itakwil na ako nila Papa.

"Pero kung yun lang ang tanging paraan para tuluyan kang makalaya sa kadena ng iyong Mommy. Bakit hindi Kian??" ani Winly. "Isipin mo nalang na nangyari ang lahat dahil may dahilan. At ang dahilan noon ay ang dapat na mangyari ang kayo. Don't mind me tolerating such things like this pero kaibigan ko kasi kayo pareho. Ayokong nakikita na pareho nyong pinahihirapan ang sarili nyo."

"Ang tanong?. May nangyari na ba sa inyo nung Andrea?." si Bryan na naman ito. Binato sya ni Lance ng maliit na bola. Di ko alam saan nya to nakuha.

"Mind your words bruh." sita sa kanya ni Lance. Tinignan ang kapatid na tahimik lang na nakikinig.

"I'm just stating the facts here bro. At para na rin malaman natin kung may pag-asa ba ang loveteam ng tropa." sumang-ayon din ang iba sa kanya. "So, what's the real score bro?." kulit nito kay Kian. Hindi agad nakaimik ito. Para bang tinatantya kung magsasabi ba sya ng totoo o hinde. "Yes or no nalang bro." dagdag pa nya.

Pwede, tama na yan Bryan?. Sigaw ko sa isip ko habang nakapikit.

Mahabang katahimikan ang naganap. Umihip muna ang hangin. Nagsidatingan na ang ibang mga estudyante galing lunch break. Bumalik na rin si Winly galing comfort room. Umalis pa muna ang magkapatid na Eugenio dahil gutom pa raw si Bamby. Tinawag nila si Jaden kaya sumama ito sa kanya. Marami nang nangyari pero wala pa rin ang sagot nya.

"Wag ka ng sumagot bro. Alam na namin ang sagot mo." si Bryle to. Hinawakan ang balikat ni Kian.

"Wala akong nagawa. Tinukso nya ako." iyon palang ang sinabi nya. Bumagsak na ang mga balikat ko. Laglag din ang panga ng mga kasama ko. Maging si Winly ay nawala ang suot nito kaninang ngiti. "Pinigilan ko ang sarili ko. Ginawa ko ang lahat para wag mahulog sa patibog nya, pero tao lang ako. May kahinaan rin."

Damn it!.

Puro mura ang namutawi sa labi ng kalalakihan. Habang kami ni Winly ay di kayang buksan ang sariling labi.

I get it. Naiintindihan ko na lalaki sya. May kahinaan nga pagdating sa mga tukso. Hindi lang ako makapaniwala na, nagawa na nya ang bagay na ganun.