Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 64 - Chapter 64: Is it goodbye

Chapter 64 - Chapter 64: Is it goodbye

Hindi makitid ang utak ko sa mga ganung bagay. Sino naman ako sa kanya para diktahan sya sa mga gagawin nya?. Sino naman ako para pigilan sya sa mga bagay na di ko pa kayang ibigay sa kanya?. Sino naman ako para alisin ang karapatan nyang maramdaman ang pagiging kuntento?. Wala. I am nobody when it comes to giving him his satisfaction he needs.

"Sorry." oras na ng uwian at mas pinili kong mapag-isa't malayo sa ingay ng mga kaibigan. I didn't even notice his presence. Nagulat pa ako ng umupo sya sa tabi ko. Kahit nasa malayo ang kanyang tingin, ramdam ko pa rin ang kagustuhan nyang kausapin ako. "This time. I was wrong. Hindi ko inisip na hindi ko pala dapat ginawa iyon."

"No. It's okay." agap ko. Napatingin sya sakin. "Kailangan mo iyon kaya di kita masisi." yumuko ako para itago ang luha saking mata.

His mouth is half hanging. I saw it on my peripheral vision. Parang di nya inexpect na sasabihn ko ang bagay na iyon. "Alam kong pareho tayo ng nararamdaman para sa isa't isa ngunit hindi kita pipigilan sa mga bagay na gusto mong gawin.."

"Hindi ka ba nagagalit sakin?. Saktan mo ako. Sampalin o di kaya'y sapakin. Gusto kong magalit ka sakin Kaka." ako naman ngayon ang nagulat sa kanya. Lihim kong pinunasan ang luha bago nag-angat ng tingin sa kanya.

"Bakit ako magagalit?. Oo. Inaamin ko. Nagalit ako. Nasaktan. Nadurog pati natitira kong puso pero tinanong ko ang sarili ko. Sino naman ako sa'yo para saktan ka pa?." dumagundong ang puso ko matapos kong sabihin ito sa mismong mukha nya. "Wala akong ibang hiling Kian kundi ang kaligayahan mo sa ngayon. Yun lang."

Katahimikan ang dumaan. Andito sya pero hindi ko sya maramdaman.

"Huwag na nating paasahin pa ang isa't isa. Tapusin na natin ang lahat sa atin dahil pareho lang tayong nasasaktan."

Iniwan ko na sya't umuwi na mag-isa. Dinig kong tinawag pa ako nila Bamby ngunit binalewala ko lamang iyon.

Diretso akong higa at tumalukbong saking kumot. Sinabi kong hindi ako galit pero ang totoo ay, galit na galit ako. Hindi ko maipaliwanag pero galit na galit talaga ako. Tipong gusto kong pumatay ng hayop dyan sa daan. Sa galit ko'y, naging luha nalang ito. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.

Kaya ko bang iwasan na talaga sya?. Kaya ko bang maging masaya na sya sa iba?. Kaya ko bang palayain nalang sya basta?. Mga tanong na kayhirap sagutin. Mga katanungan na hindi ko pa kayang bigyan ng pansin. Masyadong malabo ang utak ko. Hindi ako makapag-isip ng tama.

"Good morning, Karen." bati sakin ni Paul kinaumagahan. Taas noo ko syang nginitian bago binati pabalik. Ganun din ang ginawa ng ibang nakakakilala sakin.

"Morning." sa isang bahagi ng hallway. Nakatayo sya't sinalubong ako ng bati na hanggang sa tainga nya ang ngiti. Gustuhin ko mang lapitan sya't suklian din ng magandang ngiti, hindi ko ginawa. Paninindigan ko ang sinabi kong, tama na ang lahat sa amin.

"Huy bakla!. Antay dyan!." hinabol ako ni bakla. "Anong nangyari kay Kiki mo?. Parang malaki ang problema."

Nagkibit balikat ako. "Di ko alam. Ask him instead."

"Ay, nagtaray sya. Meron ka ba?."

Malalaking hakbang ang ginawa ko palayo sa kanya ngunit gaya kanina, tumakbo ito para lang malapitan ako't asarin. "Nagkausap kayo kahapon diba?. Anong nangyari ngayon?."

"Sinabi kong tigilan na namin ang lahat."

"Seryoso ka?." hinawakan nya ako sa balikat. Pinanlakihan ako ng mata.

"Mukha ba akong nagbibiro?." tinitigan nya ako ng mabuti. Natigilan sya sa paglalakad dahil sa gulat. OA nya ha!.

"Di nga Karen?." hinila nya ang laylayan ng buhok ko dahilan para matigilan ako.

Bat ba ayaw nyang maniwala?.

Bumuntong hininga muna ako. Pinakalma ang sarili bago nagsalita. "Pareho lang kaming masasaktan kung ipagpapatuloy lang namin ang lahat Win. Nakakapagod masaktan. Kung alam mo lang."

"Hindi mo na sya gusto?."

"Gusto ko sya syempre hindi na yata mawawala iyon pero ayokong maging balakid sa kung anumang bagay na maaaring ikasisiya nya Win. Hindi ako madamot na tao. Kung may gusto syang iba. I'll let him go."

"Hindi ka lalaban?. Diba palaban ka dati?. Bakit ngayon ka pa sumuko?."

"Matapang ako sa lahat Winly. Ngunit may limitasyon rin iyon kung alam kong wala na akong laban."

"Pero diba, di pa naman buntis si Andrea?."

"I don't know. Hindi ko alam." umiling ako. Lungkot ang biglang bumuhay sa dibdib ko. "Oo, hindi pa buntis pero may nangyari na sa kanila."

"E ano lang girl?. Normal lang ang ganung bagay sa tao. Lalaki si Kian. Naaakit rin kahit gaano ka pa kaganda." bagsak ang mga balikat ko sa katotohanang narinig.

"My decision is final Win. Pagod na ako. Gusto kong magpahinga muna kahit sandali lang." pagod kong sabi sa kanya.

"Sabagay. It's up to you. Alam ko namang, alam mo ang ginagawa mo. Ang lagi mo lang tatandaan, kapag kailangan mo ng kausap. One call away lang ako, kami ni Bamby. Pupuntahan ka namin." anya saka ginulo ang buhok ko. "Basta ba libre pizza at float ha?."

"Ah yun. Sinabi rin ang gusto.."

Natawa sya.

"Aba syempre. Nababawasan kaya ang ganda ko kapag sumasandal ka sa balikat ko. Kailangan ko ng maraming enerhiya noh."

Natawa ako. At sa pagtawa kong iyon. Natanaw ko na naman syang nakatingin sa gawi namin. Salubong ang kilay nya at hindi maipinta ang mukha. Lungkot ang umaapaw na enerhiya na nagmumula sa kanya.

I want to run ahead of him. Give him some warm hug but nah!. Ubos na luha ko. Ayoko ko ng umiyak pa.

"Tara na Win. Life is short. Let's enjoy it." hinila ko na si Winly at pumasok na ng room namin. Maingay ang lahat ng dumating kami. Agad lumapit si Bamby sakin at nakipagkwentuhan.

Alam ko na. Kaya pala ako galit at nasasaktan dahil sa tuwing naaalala ko ang nakaraan na kasama sya. Masaya ako. Lahat pwedeng mangyari. Lahat posible.

Pero ngayon.

Napakaimposible na. You really feel the pain when the memories hit you. And that, really hit me so hard!.