Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 65 - Chapter 65: Nalilito

Chapter 65 - Chapter 65: Nalilito

Flag ceremony nang eksaktong pagpasok ko ng ground floor ng school. Huminto ako mismo sa may poste ng gym kung saan may iilan din na andito. Nakatayo silang pare-pareho. Nakatingin sa may flag pole. Gumaya din ako sa kanila, syempre.

"Penalty na tayo, panigurado." sa gilid ko'y may nagsalita. Si Bryan pala. Hindi ko sya napansin kanina. His smile is as good as the sky today. So bright.

"Matik na yun. Si Pres. pa." bulong ko. Baka kasi may ibang makarinig. Ma-guidance pa kami. Exam day pa naman namin ngayon. Ang class president kasi namin ay istrikto. Kung late ka. Late na talaga iyon. No exemption or any excuses. Just pay your fees dahil funds naman ng buong class daw iyon. Maganda din naman ang rules nila para matuto ang bawat estudyante na maging responsable sa oras at panahon.

"Bat ka late?. Hindi ka ba hinatid?." tanong pa nya ulit pagkatapos ng lahat ng daily routine sa may flag pole area. Papunta na rin kami sa aming room.

"Parang ganun na rin. Si Ate kasi. Ang dami pang arte. Muntik pa kaming mabangga kanina. Nakakainis.." dire-diretso kong sabi habang binabati ang iilan na bumabati sakin.

"Ano?. Teka. Ayos ka lang ba?. Nasaan ang sugat mo?." hinanap nya talaga kung may sugat akong natamo. I just laughed at him. "Natatawa ka pa talaga?." namaywang sya matapos akong inspeksyunin.

Kinabahan ako bigla dahil may naamoy akong pamilyar na pabango. Lihim muna akong nagpakawala ng hininga bago sya sinagot.

"Of course. Di ka kasi nakikinig e. Di ko naman sinabi na nabangga kami. Ang sabi ko, muntik na. Hahahaha.. Hinanap pa talaga kung may sugat ako?. Tsk.. Tsk.. hahahah.." di ko napigilan ang matawa. At sa pagtawang iyon, medyo kumalma ang nagwawala sa iba't ibang parte ng katawan ko. Wala man ginagawa ang taong iniiwasan ko, pakiramdam ko, laginv nakasunod sakin ang mga mata nya. Kaya sobrang conscious ako sa sarili.

Nagkamot sya ng ulo. Nahhhiiya. "Syempre. Nag-aalala ako." sa sahig pa sya nakatingin. Iniiwasan ang mata ko.

Hay... Kung siguro, ikaw lang sya. Kanina pa kita niyakap ng sobrang higpit. But sadly, hindi sya ikaw. Sorry.

Pinanood ko sya ng ilang segundo. Bakit ang cute nya ngayon?. At dahil sa umiiral ang pagkasutil ko ngayon mismo. Dinungaw ko sya. Umawang agad ang labi nya ng makita ako. Nang matauhan. Napaatras ito.

"Gulat na gulat?. Ang Oa neto!. hahahaha." pinisil ko pa ang pisngi nya saka sya iniwan. Ang cute nya talaga. Namumula pa buo nyang mukha. Bakit kaya?. Naglakad na ako. Kailangan na namin pumasok ng room. Ilang sandali nalang. Start na ng first class.

"Morning, boy Jaden!." hindi ko alam. Sa likod ko galing ang boses na iyon. Hinanap ko si Jaden. Nasa corridor na ito ng building at nakatanaw sa ibaba. Sumaludo si Jaden sa taong nasa likod ko sabay sabi ng, "Mag-iingat ka Master. Tingin sa dinadaanan ha. Baka ka madapa.."

Napatingala ako kay Jaden matapos nyang paalalahanin ang kaibigan. Lalo tuloy akong kinabahan, kahit hindi naman na dapat.

"Shot up boy!.." mahina ngunit marahan nyang suway din sa isa.

Nginisihan sya ni Jaden nang mangalumbaba.

"Get lost Master, hahahaha.." pang-aasar pa nya. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko't nanghihina ako sa presensya nya sa likod ko. Pinagpatuloy ko pa ring umakyat sa hagdan kahit hindi ko na sana kaya. Hindi ko alam bakit ganito ang epekto nya sakin ngayon.

"Master.." binati pa ni Bryan ito bago ako dinaluhan sa may hagdan. "Bilis Kaka. Nasa baba na si Miss." inakbayan nya ako. Kulang nalang itulak para mapabilis lang ang pag-usad ko. Para kasing may mga bakal na nakadagan sa bawat binti ko dahilan para mahirapan akong ihakbang ang mga ito.

Sandali pa akong natigilan dahil sa pangalang ginamit nya. Sa pagkakaalam ko, iisang tao lang ang tumatawag sakin ng ganun. Paanong pati sya na?. May hindi ba ako alam?.

Mabuti nalang talaga. Dahil sa tulong ni Bryan kanina. Nakahinga na ako ng maluwag ngayon. Hirap kasi akong makakuha ng hangin nung nasa hagdan kami pareho. Para bang, hinihigop nya lahat ng lakas ko.

Nagsimula ang exam. Nagkandabuhol lahat ng binasa ko. Hirap akong tukuyin kung tama ba lahat ng naisagot ko o hinde. Kinginang puso to!. Nililito ako!.

Recess time. Sa canteen kami tumambay nina Winly at Bamby. Si Joyce. Di na namin kasama dahil hindi sila nagka-intindihan nito lang ni Bamby. Ewan ko ba sa dalawang yan. Ayoko sa may kubo sapagkat, isa sya duon. Ayokong idamay ang mga taong walang kinalaman. But unfortunately, he's here. Hindi sa mismong table namin kundi duon sa may gilid. Kasama si Jaden.

"Wala na ba talaga kayo girl?." usisa ng bakla sakin. Tinanguan ko lang sya. Nakatalikod ako sa bandang gawi nila habang kaharap ko naman itong aking mga kasama.

"Hay... sayang naman.. bagay pa naman kayo.." bagsak ang balikat ni Winly ng sabihin ito. Nanghihinayang. Siniko nya ngayon ang katabi. Mabilis naman nagreklamo si Bamby. "Kayo nalang ni Jaden ang pag-asa ko girl, kaya go na." nasamid tuloy ang isa. Tinapik nito agad ang likod nya't pinainom ng tubig. Loko kahit kailan. Alam na ngang kahinaan ng Bamby ang Jaden eh. Tsk. Tsk. Sarap pauluin sa pwet ang baklang to. Ang kulit!.

"Kay Kuya mo kaya sabihin yan girl. Dahil kung ako lang, kahit ngayon na, kahit ako pa mag-aalok sa kanya. Gagawin ko na."

"Weh?. Ikaw talaga gagawa ng first move?."

"Oo naman. Gusto ko yung tao e. Bat ko pa ipagpapabukas?."

"Ay aggressive sya!. Sana all ha, Kaka." siniringan nya ako ng tingin. Nabato ko tuloy sya ng nalukot na tissue.

"Wag mo nga akong idamay dyan. Nananahimik ako dito bakla." sumipsip ako sa juice na nasa mesa ko. Tinawanan nya lang ako.

"Tahimik nga yang labi mo. Pero ang tanong ko, tahimik rin ba pati yang puso mo?. Naku!. Sa pagkakaalam ko, hinde kailanman.."

Tinukso at biniro nya pa kami ni Bamby hanggang magbell para sa next subject. Kinurot nya pa ako dahil nasa likod daw namin yung dalawa. Si Bamby, syempre hindi mapakali dahil kay boy Jaden nya. Ako?. Para ring uod na binudburan ng asin sa lakas ng pintig ng puso ko.

"Oy girls. Wag umasa. Masakit umasa sa wala." parinig pa nya. Nakatinginan kami ni Bamby sabay hinila ngayon ang magkabila nyang kamay bago sya tinakbuhan pabalik ng room. Umalingawngaw ngayon ang boses nya sa hallway dahil sa aming mga pangalan. Pati ang mga yabag nya ay mabibigat. Maghihiganti to malamang.

"Jaden, Kian!. Bilis na!." Yan ang pambanat nya sa amin ngunit tinawanan lang namin sya. Nalilito man. Alam ko sa ngayon. Tama ang naging desisyon ko. Tama na muna ang sarili ko ang bigyan ko ng pansin bago ang iba. Makabubuti ito para sa kanya, at sa lahat.