Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 55 - Chapter 55: Way back

Chapter 55 - Chapter 55: Way back

Alas tres na ng hapon. Napagpasyahan na ng lahat na, umuwi na. May pasok na kasi bukas at back to normal na.

"Nag-enjoy ba kayo?." maingay na tanong ito ni Winly sa likod. Pinalis patulak naman ni Bamby ang mukha nya dahil dinungaw nito ng sobrang lapit. Natawa kami.

"Sinong hinde ha?. E ang kalog mo." ani Bamby sa kanya. Natatawa lang din sina Kian at Jaden sa tabi.

"Weh?. Ako ba talaga o baka naman may iba?." piningot sya nito kaya napaaray ang bakla. "Aaaaraaaayy!.." ang oa ng mukha nya. Di ko tuloy maiwasang matawa ng sobra. "Sige, deny pa more. Hahahaha.." dagdag pang-aasar nya.

Kian talk. "You killed it man." humagikgik ng kaunti ito.

Nanlaki mata ng bakla. Itinuro ko ito sa may salamin sa harapan kaya mas lalong namilipit ang Kian sa tawa. "Me?. Killed it?. When?. And wait?. What Man?. Is that a joke?."

"Bwahahhahaha!." sabay sabay kaming tatlo na humagalpak. Sya?. Mas lalo pa kaming pinandilatan. Ang kulit! Kingwa!..

Hindi maubos ubos ang mga banat nya kaya naman napuno ng kalokohan at kung saan saan na napunta ang usapan. Naluluha na kaming lahat sa mga birada nyang hindi ko alam kung saang lupalop nagmula.

Bago kami magstop over to sip a tea. May tumawag sa pansin ko. May itim na BMW na laging nakasunod sa likod namin. Nauna ang lahat ng sasakyan at kami ang nahuli dahil hinintay pa namin itong bakla na mag-ayos ng mga gamit. Kaya nung kumain kami sa isang shop. Sinabi ko ito kay Kian.

"Wala akong napansin." anya. Nilinga ang labas na puno ng mga gamit naming sasakyan. He even stand to find that one. Naglakad sya patungo sa upuan nina Lance at sinilip bawat isa na nakaparada. Nang matagpuan nya yata iyon. Napaayos sya ng tayo. Ang dalawa nyang kamay na nasa gilid lang nya kanina ay bigla nyang naisampay sa magkabila nyang baywang. I feel like he's frustrated about something. What's bothering him?. Kanino kaya yung sasakyan?. Bakit kailangan nya kaming sundan, hanggang dito?.

Sumimsim ako sa nasa harap kong tea bago sya nilapitan. "Hey, what's wrong?." I caressed his back para kumalma. I saw how hard his Adam's apple move. I don't know why. "Ayos ka lang ba?." hinawakan ko ang braso nya't lumipat sa harapan nya. I want to block his view but damn!. I'm lack of heights!. And that's my biggest problem. Itinaas ko na lamang ang mga kamay ko't iwinagayway iyon para matakpan ng kaunti ang bagay na nagpapagulo sa kanya. Nagpatuloy lang ako dahil bahagya pa syang natulala sa bagay na nasa likod ko. Malapit na akong managwit nang maisipan kong, hawakan ang magkabila nyang pisngi para tignan ako. "You look like, you're not okay?." bulong ko sa sarili kahit na kaharap ko pa sya. He just blink at me. Para bang sa oras na iyon, nawala ang kanyang katinuan.

What makes you turn this way?. Bakit parang nakakita ka ng multo kahit tirik na tirik ang araw?.

"Hello there fiancee."

And that's it!. Narinig ko agad ang naging sagot sa tanong ko. Kaya pala para syang nakakita ng isang nakakatakot na multo dahil bigla ngang sumulpot ang numero unong tao na gusto naming iwasan. Tao na syang mukhang multo na magiging balakid sa pagitan naming dalawa.

Natahimik ang literal na maingay na bawat mesa ng buong barkada. Kahit ang talak na talak na boses ni Winly ay biglang naglaho na parang bula sa ere. Ganun kalakas ang tensyon na biglang tumubo sa paligid.

"Did I bother you?. Opss.. Hello there guys." she ask this kahit na obvious naman na ang sagot. Nagtanong pa. Gaga!.

Walang nangahas magsalita. Kahit ang tikhim ay naging pino na.

"I saw you in Las Filipinas De Acuzar. I thought it's not you Kian. Ikaw pala yun kaya kita sinundan. Did Tita told you the venue already kaya ka pumunta ng Bataan?."

Sa isip ko. Gusto ko nang tumakbo palabas at pumara nalang ng pampublikong sasakyan para makauwi na. Subalit ang sutil kong mga paa. Dumikit na yata sa sahig dahilan para mapako ako sa kinatatayuan ko. Wala akong magawa kundi pakinggan nalang ang masakit sa taingang birada ng Andrea.

Yes, I know! You two are engaged! Pero wag mo naman na sanang ipamukha na sakin na sa'yo na sya!. Kingwa!. Sa inis ko. Naikuyom ko nalang ang mga palad sa likod para di ko masabunutan ang taong to.

"She didn't mention anything. Who cares.." hinapit ako ni Kian sa gilid nya. Parang duon ko lang naramdaman na, nasa ibabaw pa pala ako ng lupa. Akala ko, nasa langit na ako. Wala kasi akong maramdaman sa talampakan ko.

I heard some whistles. And, I just ignored that. Natuon na sa kausap ni Kian ang atensyon ko. "What's the meaning of this Kian?."

"Don't ask Andrea. Isn't it too obvious for you to ask more?." sarkastikong himig ni Kian. Tumaas ang gilid ng kilay ng babae habang unti unting lumalapat ang mata nya sakin. She scanned me from head to toe. Like damn! Sorry, I'm more beautiful than you for now. I have what you want. Just, get lost.

Di sya umimik ng ilang segundo habang pinapasadahan ako ng tingin. Kahit taas noo akong tumingin pabalik sa kanya. May takot pa rin akong naramdaman. What if magsumbong sya sa both parents nila?. What if malaman to nila Mama at Papa?. What if dahil dito, ilayo nila si Master sakin?. Oh bitch!. No way in hell!. Makikita nila ang nakatagong Karen kapag lumagpas sila sa binigay kong limtasyon. Hindi ako magpapatalo. Mas lalong, hindi ako basta bastang susuko. Akin si Kian. At walang pwedeng humarang nuon.

"Oh!?. Okay. I won't ask. But, I'll let Tita ask you about this. Ciao." rumampa na ito palabas. Basta nalang pinaharurot ang sariling sasakyan paalis.

Ano iyon?. Ganun nalang ba iyon?. Bat wala man lang akong nagawa?. Kingwa Karen!. Handa ka ba sa parating?.

Hay... Ewan. Basta ang sigurado ako ngayon. Yakap nya ako't kayakap ko rin sya. No more. No less.