Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 54 - Chapter 54: Possessive

Chapter 54 - Chapter 54: Possessive

Kumain ang lahat ng masaya. Busog na nga. Maingay pa. Numero uno duon sina Poro, Winly at Aron. Nag-aasaran ang tatlo na animo'y sa kanila ang lugar na inuupuan.

"Wag nga kayong masyadong maingay." sita ko sa kanila ngunit binalewala lang nila iyon. Nang si Kian na ang nagsalita, natahimik sila. Ang sabi nya lang ay, bakit di raw sila makinig sa mga taong naninita sa kanila. At ang sagot lang nung tatlo, killjoy. Mga kabaliwan nila umabot hanggang dagat. Nagtampisaw sila duon. Kahit ayokong maligo ay hinila pa rin nila ako. Saan ako ngayon kukuha ng damit?.

"Ayoko na!." tanggi ko sa pagwisik ng bakla ng tubig dagat. Lalo lamang itong nagpatuloy.

"Win, tama na yan." at heto na naman sya. Sinusuway ang kasama ko. "Samahan mo na sila sa loob. Magpalit na kayo. Maglilibot pa tayo." he just said that. Dinagdag pang nasa may hotel na raw ang pampalit namin. Astig hindi ba?.

"Saan ka pa bes?." kindat sakin ni Bamby. Itinuro ang mga damit na nakalapag sa may kama. Pumili lang ako. Kingwa! How to be this rich po?.

Dinampot ko ang white crop top at khaki shorts na black at ipinakita iyon sa kanila. Nagthumbs up lang din sila.

"I'm so happy for you bes." nilapitan ako ni Bamby at binigyan ng yakap. "You made a right decision." bulong pa nya.

"Kaya nga bes. Hindi ko pa nakikita na ganito kasaya si Kaka. Lalo na si Kian." ani Winly naman. Tinapunan ko sya ng tingin ng akma itong hihiga sa kama.

"Paano mo naman nasabi ang ganun?." tanong ko dahil nacurious ako bigla. Anong ibig nyang sabihin duon?. Na hindi nya pa ako nakitang masaya?. Ang weird lang.

Tumayo muli sya galing sa pagkakahiga saka ako hinila palayo kay Bamby. Pinaupo nya ako sa kama at sya naman ay tumayo habang nakahalukipkip. Para bang, ginigisa ako sa kasong wala akong kasalanan. "Iba kasi ngiti mo. Abot hanggang mata."

"Ganun naman talaga ako kung ngumiti." giit ko pa.

Namaywang sya. "Ang ibig kong sabihin, nag-iba ang awra mo ngayon lang. Kita mo yun. Sandali pa lamang kayo pero daig nyo na ang matagal nagsama. Para bang dati na kayong nagtagpo na dalawa noong nakaraang buhay tapos maswerte kayo't kayo pa rin ang pinagtagpo ng tadhana."

"Psh.. totoo ba yan Win?." di makapaniwalang singit ni Bamby.

"Oo bes. May narinig kasi akong totoo ang past life. At ang dalawang dating nangako noon ay baka hindi na magkakasama ngayong bagong buhay. Tipong, maaaring nagkakilala nalang sila. Pinagtagpo pero hindi na itinadhana."

"So, what's your point here then?. Anaong konek namin?." tanong ko.

Naguluhan kasi ako tungkol samin pero naiintindihan ko ang punto nya. "Feeling ko, pinagtagpo talaga kayo ng tadhana dahil kahit anong pilit mo pang kontrahin ang nararamdaman mo, kayo talaga."

Umoo nalang ako. Let's see dahil unang hakbang pa lamang namin ito. Ang buong tropa palang ang nakakaalam. What if buong school na?. What about his parents and Andrea?. My family too?. Lalo na si Ate Ken?. Duon ko palang masasabing kami nga talaga kung malalampasan namin ang anumang pagsubok na ibibigay ng bawat isa na nakapaligid samin, na magkasama.

We cut the conversation off at nag-ayos na ng mabilis. Lumabas kaming hotel na di namin alam na nasa lobby itong dalawa. Jaden and Kian. Agad lumipad sakin ang mapanuri nyang mata. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. I waved at them with a smile. He waved back too pero pilit ang ginawa nyang ngiti. "Hindi mo ba gusto damit ko?." tanong ko agad nang makalapit na kami sa kanila. Bamby, went straight to Jaden. They're talking with Winly. Tas, naiwan lang kaming dalawa. May sariling mundo.

"Wala bang mas mahaba pang tela dun sa mga damit?." he sounded like he is really off. Sinipat ko ang sarili. Hindi naman sobrang ikli ng suot ko na shorts. Kita ang binti ko pero hindi lahat. Kalahati lang. Duon lang din ako napangiwi sa crop na suot ko. Labas pala pusod ko. Heck!

I cleaned my throat. "Meron naman. Magpapalit ako?." sinadya kong maging tunog patanong ang himig ko para makuha nya iyon but then he shook his head not wanting me to take his time again. "Tsk. Okay na yan. Basta ba, wag kang aalis sa tabi ko?." so possessive.

Tikom ang labi akong tumango. Nakangiti na. He held my hand while walking. Nauna na yung tatlo. Nagtatawanan dahil kanina pa inaasar ng bakla itong si Jaden. Bakla raw ito. Kasi masyado syang takot kay Lance. I heard Jaden answered that, he's not that coward or what. Sadyang, may respeto lang daw sya sa kahit na sinong myembro ng pamilya ng taong gusto nya. What an answer!. Kulang nalang pumalakpak ako kanina. Kian, clap a bit dahil narinig nya rin iyon. Kaya raw sya bilib na bilib kay Jaden ay dahil hindi naaalis sa kanya ang pagiging makatao. He really stand what he really wants. Ang dagdag pa nya. Sya raw ang adviser nya pagdating sa pagdedesisyon sa buhay.

"So you mean?. Sa kanya ka rin humingi ng advice about me?." mabilis syang umoo. Di man lang tumanggi ng kahit kaunti. Hihi.

"Ang sabi pa nga nya. Bakit pa daw ako maghihintay na mangyari ang tayo kung nakadepende naman iyon sa akin?. Napaisip ako nuon kaya lutang ako this past few days. Pansin mo rin siguro iyon?."

"Hmm.."

"At ang sabi pa nya. Bat daw isusugal ko ang gusto ko sa mga bagay na hindi ko talaga gusto?. Ang lalim nya magbigay ng mga advice pero pagdating sa taong gusto nya naman, kailangan mo pa syang itulak para matauhan. Hahaha.."

"E di pareho pala kayo?. hahaha.." Natawa ako. Maging sya.

"Ganun na nga. hahaha.." naglibot kaming muli kasama na ng buong barkada. Tinawag at kinausap pa nga ako ni Bryan pero agad nya rin akong hinila palayo dito. He even cover me with his jacket. Pinagtitinginan daw nila ako. E ano lang?. I joke kaya naman sumama ang timpla ng mukha nya. Kinurot ko iyon at hinila para mapangiti sya.

"Ang possessive naman ng Master ko?." nguso ko sa kanya. Salubong pa rin ang kilay. Sinilip ko ang mukha nya. Ayaw nya talaga akong tignan. "Ang cute nya pa magalit oh?. Tignan mo pa. Kumikibot ang manipis na nguso. Ang sarap kagatin.."

"Kaka.."

"Hahahahahahahahahaha.." halakhak ko. Tumalim ang titig nya sakin pero kalaunan lumambot iyon. Bigla nalang nya akong hinila at kinulong sa mahahaba nyang mga bisig.

"Pag walang tao. Kakagatin ko rin yang labi mo.."

"Ano ka!?.." natatawa ako rito. Napingot tuloy ilong ko.

"At tandaan mo, dito ka lang sa tabi ko. Walang pwedeng lumapit sa'yo."

"Eh, kahit si Bryan?."

"Lalo na sya.." mariin nyang banta. Magbibiro pa sana ako kaso baka lalo syang mabadtrip kaya hinayaan ko nalang. Umoo nalang ako sa gusto nya. Gusto ko rin naman ng pagiging possessive nya. Mas lalo akong naiinlove sa kanya.