Chereads / Alpha Section (Tagalog) / Chapter 14 - Family Day

Chapter 14 - Family Day

Cedric's POV

Naalimpungatan ako sa wagas na tunog ng aking alarm na umaalingawngaw sa apat na sulok ng aking kwarto. Well, kasalanan ko rin 'yun dahil sa kinabitan ko lang naman ang phone ko ng bluetooth speaker in case hindi ako magising agad.

Alam niyo na, wala na akong matalik na kaibigan na taga-gising ko.

Niligpit ko na agad ang aking higaan at kinuha ang aking towel pagkatapos para pumasok na sa banyo, pero napagawi ang aking tingin sa may pinto ng 'di oras ng may narinig akong kumatok doon.

"Oh. Hi Mitch." sabi ko pagkakita ko sa'king kaklase pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Pumupungas pa ito sa'king harapan.

"Hindi naman sa nagrereklamo, pero at least I advise na huwag kang gagamit ng bluetooth speaker 'pag nagpapa-alarm." pikit-mata niyang sabi, halatang gusto pang matulog. "Muntik na kasi akong atakihin sa puso ng dahil sa'yo."

"Oh..." nahihiya kong tugon sabay kamot ng aking batok. I never knew magkatabi lang pala 'yung kwarto namin. "Pasensya na."

"It's okay. Sige, balik na ulit ako." nag-wave muna sa'kin si Mitch bago na siya umalis at bumalik sa kanyang kwarto.

Isinarado ko na rin ang aking pinto at naglakad papunta sa banyo. Ang weird naman, hindi ko naman sobrang nilakasan 'yung volume ng aking alarm at sinigurado ko namang wala akong mabubulabog na dorm-mates.

Well I guess, sensitive lang talaga siya sa sounds.

***

Kasalukuyan na akong naglalakad sa may ground floor patungo sa hagdan para makaakyat na ako sa 4th floor ng mapansin ko ang pagkaabala ng lahat ng estudyanteng naririto. Lahat sila ay tila nagkukumahog at naglalakad back and forth while some of them are on their phones.

O...kay? Ano kayang meron ngayon?

"Good morning Cedric!"

Napalingon ako sa'king kanan at bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Kylie habang nakatingin sa'kin. Himala at nakasabayan ko siya papunta sa room 409.

Suddenly, naaalala ko na naman ang isang weird na pangyayari tatlong araw na ang nakakalipas.

All of a sudden, biglang nawala ang kanyang memorya, na parang bula! Tatlong araw ko na rin siyang kinukulit na alalahanin ang mga nakita niya no'ng nagpunta kami sa Science Lab no'ng isang araw, pero kahit ano'ng gawin niya ay wala talaga siyang maalala.

Sa huli ay sumuko na rin ako sa kakakulit sa kanya and just kept my curiousity to myself/.

"Good morning Kylie." pagbati ko rin sa kanya. Hindi pa rin naaalis sa'kin ang pagtataka sa mga nagaganap ngayon sa paligid kaya mabuti pa'y tanungin natin itong kasama ko.

"Alam mo ba kung ano ang nangyayari ngayon sa school?" nagtatakang tanong ko.

Tiningnan niya ako na para bang nanggaling ako sa planetang Mars. "Hindi mo ba alam? Everyone is aware of the Family Day celebration happening today. Nakasaad iyon sa events section sa'ting student handbook."

"Ohhh..." sambit ko, saka napakamot sa'king batok. "Sorry naman, hindi lahat nagbabasa ng student handbook gaya mo."

'Yung totoo nga, nakalimutan ko na kung saan ko iyon nailagay. Sssshhh...

"Kaso, sadly, Alpha Section doesn't participate on that kind of event. It's only for regular students from sections 1 to 6." dagdag pa nito. Kumunot naman agad ang noo ko.

"Ha? Bakit naman?" sabi ko.

"I don't know. For privacy purposes I think. Some parents do not know of our properties that we possess..." Saglit siyang napahinto at napatingin sa baba. "... gaya ko na lang for example."

Ohhh, I get it. Even ang aking lolo na siyang nagpalaki sa'kin ay walang kaalam-alam na may itinatago akong kakayahan. Although the funny thing also here is wala rin akong kaideya-ideya kung ano 'yung property ko.

Lumiko na kami sa aming kaliwa nang makarating na kami sa may hagdan at nagsimula nang umakyat doon.

"'Yun din pala ang nakakalungkot na part sa pagiging Alpha Student, noh?" nasabi ko na lang nang mapatingin ako sa mga estudyanteng nasa baba before ako totally nakaakyat sa ikalawang palapag.

"Hindi naman. I'm sure most of us ay hindi ring gugustuhing pumunta rito ang kanilang mga magulang at magparticipate sa ganyang activity." tugon ng kasama ko.

"Hindi naman siguro." pagtutol ko sabay iwas ng tingin. "Kung kasama ko lang ang mga magulang ko, willing akong sumali sa ganyan.

Pansin ko namang napatingin siya sa'kin, with that sympathetic look in her eyes.

"Hindi mo nakasama ang mga magulang mo?" she sympathetically asked. Mahina akong napalungo ng aking ulo.

"Nope, ever since then si lolo Juls na lang talaga ang nag-alaga at nag-aruga sa'kin mula pagkabata." malungkot kong sambit.

Nagulat naman ako ng bigla siyang tumigil siya sa paglalakad ng marating na namin ang ikatlong palapag at niyakap niya ako ng mahigpit. Saglit lang iyon dahil sa binitawan niya rin naman ako agad. We're all aware that hallways are packed with lurking students anyway.

"W-what was that for?" nahihiya ko pang sambit habang nag-iiwas ng tingin sa kanya. Suddenly ay bigla akong nakaramdam ng pagkailang sa kasama ko rito.

"Just a gentle reminder na you have me, Mitch and your lolo Juls as your family na hindi ka iiwan." nakangiti niya namang sabi.

My eyes mentally widened pagkarinig ko ng kanyang sinabi at muli siyang tiningnan.

"Gee, thanks." Napakamot muli ako sa'king batok at ngumiti rin pabalik. Tsaka na kami umakyat muli papuntang 4th floor.

***

Nang marating na namin ang room 409, which is our classroom, agad na kaming nagpunta sa'ming assigned seats. Bahagya pa akong nagulat ng makita ko nang nakaupo si Mitch sa kanyang assigned seat katabi ko at kasalukuyang natutulog, as usual.

O... kay. Ambilis niya namang mag-asikaso.

"Have you known na our school is having a family day today?" Pambungad na tanong no'ng Karen, alam niyo na 'yung may electric powers, pagkapasok niya sa loob at agad na pumunta sa kanyang assigned seat.

"Who cares? It's not like we are allowed to bring our families here." sagot naman no'ng isa sa kambal- 'yung mukhang bookworm.

"I'm fine with it. I don't want to go to a hassle of bringing my dad here since he's always busy rin with his business trips." said Sasha sarcastically.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang usapan at napafacepalm ako mentally. How come ganito sila magreact regarding sa kanilang family eh hindi lahat ay privileged na magkaro'n no'n? Unbelievable.

"Good morning class."

Natahimik na ang lahat as Mr. Cruz enters the classroom. Pansin ko agad ang isang short-sized bondpaper na kanyang hawak-hawak ngayon. As usual pa rin, ginising ko na si Mitch sa kanyang mahimbing na pagkakatulog sa kanyang desk.

"Before proceeding to our topic for today, I would like to tell Ms. Sullivan here that your mother is currently waiting for you at the Student Council Office. You are now excused from the class." anunsyo ng aming adviser.

Nagulat naman ako at si Mitch, lalung-lalo na siguro si Kylie. Akala ko ba kakasabi niya lang na hindi kasali ang Alpha Section sa nabanggit na family day kanina? Then ano kayang ginagawa ng kanyang mama rito?

Kahit nagtataka man ay tumayo na itong si Kylie at pinanuod ko siyang maglakad patungo sa pinto ng aming classroom. Nang tuluyan na siyang makalabas, bumalik ang tingin ko rito kay Mr. Cruz.

"Sir, alam niyo po ba kung bakit andito ang mama ni Kylie?" curious kong tanong. Even si Mitch ay nag-abang sa isasagot ng aming guro.

"I'm sorry but I can't disclose regarding that matter. For confidentiality purposes." ani nito sa isang seryosong tono.

"Ayos lang 'yan. Hindi siya kawalan." sabat no'ng Sasha.

"Now, now. Let's begin our class for today, shall we?" saad ni Mr. Cruz para manumbalik ang aming atensyon sa kanya.

Matapos no'n ay nagsimula na siyang magdiscuss pero hindi ako masyadong maka-concentrate sa aming lesson for today. Ano kayang ibig sabihin ni Sasha sa kanyang sinabi kani-kanina lang?

***

Pagkatunog ng bell ay imbes na sa canteen ang aking punta ay dumiretso agad ako sa dormitory building para Alpha Students at nagtungo sa assigned room ni Kylie. Hindi ko alam kung bakit pero dito ko naisipang unang magpunta.

Kumatok ako ng ilang beses pero walang nagbukas ng pinto. "Hello? Kylie? Andyan ka ba sa loob?"

No response.

After ng ilan pang sunud-sunod na pagkatok at nang wala talagang nagbubukas ng pinto or sumasagot sa kabilang bahagi ng kwarto ay napagpasyahan ko ng umalis sa dormitory building at tinakbo ulit patungo sa admin building kung saan nakalagay ang offices ng faculty and staff.

Specifically, dumiretso ako sa office ni Mr.Cruz.

"Sir, sabihin mo sa'kin kung saan talaga si Kylie ngayon. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya mahanap eh." hinihingal ko pang sabi habang kaharap ko kasalukuyan ang aking adviser. Kinapalan ko na rin ang mukha ko at pumasok na ako sa faculty office.

"Iho, haven't you read the sign sa pinto? It says students are not allowed here , lalung-lalo na at malapit na ang inyong 2nd grading exam." Napagawi ang tingin ko rito sa katabing cubicle ni Mr. Cruz na isang masungit at matabang babae na teacher. Para siyang chubby version ng dati kong adviser na si Ms. Santos.

Nagdecide si Mr. Cruz na dalhin ako sa labas ng kanilang office para do'n kami mag-usap.

"Her mom picked her up today to transfer her to a different school." he finally answered my question, in a monotonous tone.

Awtomatiko namang nanlaki ang aking mga mata pagkarinig ko ng kanyang sagot.

"Ano?" 'di makapaniwalang sagot ko. "Why would she do that?"

"After ng dalawang sunud-sunod na pagkasugod kay Kylie sa clinic these past few days, ay pinagbigay-alam namin 'yun kaagad sa kanyang mama as part of the protocol. And now here she is, picking up her daughter." ani ng kausap ko.

Hindi na ako muling nagtanong at walang sabi-sabing tumakbo muli paalis rito at patungo sa school gate. Iilang oras pa lang naman ang lumipas no'ng umalis siya sa classroom. They can't be too far, right?

Kahit hinihingal na ay patuloy pa rin ako sa pagtakbo para lang mahabol sila Kylie. Andaya niya naman oh. Kakasabi niya lang sa'kin na hindi niya ako iiwan, pero heto siya ngayon at basta-basta na lang aalis ng wala man lang paalam.

Hindi naman napunta sa wala ang paghihirap kong tumakbo ng pagkalayu-layo from the admin building towards here sa parking are ng school. Naabutan ko pa si Kylie, na may bitbit ngayong maleta at ang kanyang mama na kasalukuyang naglalakad patungo sa kanilang BMW.

"KYLIE!" sigaw ko ng huminto ako saglit para habulin ang aking hininga. Phew mga ilang calories kaya ang na-burn ko with all that running I made?

Matik na napalingon ang kanyang mama at si Kylie sa aking direksyon pagkarinig nila sa'king boses. Kita ko namang napangiti si Kyle pagkakita sa'kin subalit sinungitan lang ako ng kanyang mama.

"Ano'ng ginagawa mo rito, iho?" medyo mataray ni tita. Wow maka-tita, feeling close na agad ako rito ha.

Muli na akong gumagalaw-galaw at naglakad patungo sa kanilang kinaroroonan.

"Tita, ako po si Cedric. Kaklase po ako ng iyong anak sa Alpha Section." pagpapakilala ko rito tsaka tumigl na sa paglalakad ng tuluyan ko nang marating ang kanilang kinaroroonan.

"Alam kong hindi po tayo close, pero sana po..." Dahan-dahan kong hinawakan ang palapulsuhan ng mama ni Kylie at tiningnan ito ng diretso sa kanyang mga mata. "...pumayag po kayong manatili pa siya rito sa Eastwood High at sa Alpha Section."

Hindi makapaniwalang napatingin sa'kin si Kylie habang sinasabi ko ang mga katagang iyon. Well, as for her mother, kunot-noo niya lang akong tinitigan matapos kong masabi ang lahat ng iyon sa kanya.

"Bweno, sige, pumapayag na akong manatili ka rito sa Eastwood High." saad ng kanyang mama sabay tingin kay Kylie. Napangiti naman ang dalaga sa kanyang narinig.

"Pero, ipangako mong ilalayo mo na ang iyong sarili sa kapahamakan, okay?" dagdag nito. Makailang ulit na tumango si Kylie sa sinabi ng kanyang mama.

"Opo. I promise." masayang tugon nito.

"O siya, mauuna na ako sa inyo. I have a client meeting na dadaluhan. " pagpapaalam niya at muling pinasadahan ng tingin ang kaklase ko. "You take care of yourself, alright?"

"I will ma." agad na tugon ni Kylie.

Habang hila-hila ang kanyang maleta ay naglakad na si Kylie sa'king kanan at pareho naming pinanuod ang pagpasok ng kanyang mama sa passenger's seat ng kotse. Sinenyasan niya na agad ang kanyang driver na paandarin na ang kotse, and few minutes passed ay nakita na namin itong nagmamaneho palayo sa'min hanggang sa mawala na ito sa'ming paningin.

Abot hanggang tenga ang ngiti ng kaklase ko habang kasalukuyan siyang nakatingin sa'kin.

"I'm surprised nakinig sa'yo ang mama ko, pero kay Mr. Cruz hindi." nakangiti niya pa ring saad.

"Maybe I have charms that even your mom can't resist?" pabiro kong pahayag. Narinig ko naman siyang tumawa.

"Sige na nga Mr. Charming. Hindi na'ko aangal diyan." natatawa niya pa ring saad.

Natawa na rin ako sa kabaliwang pinagsasabi ko rito at kinuha ang kanyang maleta sabay alok na ako na ang magbibitbit nito papunta sa kanyang dorm room.

***

Third Person's POV

Meanwhile, sa may 'di kalayuan ay lingid sa kaalaman nina Cedric at Kylie ay may palihim na nagmamasid sa kanilang dalawa habang kasalukuyan silang naglalakad patungo sa dorm ng dalaga.

Napahimas ito sa kanyang may-kakapalang balbas, at isang kakaibang ngiti ang pumorma sa dulo ng kanyang labi...