Chereads / Alpha Section (Tagalog) / Chapter 19 - Forms of Properties

Chapter 19 - Forms of Properties

Cedric's POV

Cedric's POV

"Forms of properties."

Nakasunod lang ang mga mata namin sa aming adviser na nagsisimula ng magdiscuss sa gitna. Ang kanang kamay niya'y kasalukuyang nagsusulat sa whiteboard at nang matapos na niyang maisulat ang katagang sinabi niya kani-kanina lang, agad din siyang humarap sa'min.

"Since hind natin masyadong na-discuss ang tungkol dito, hayaan niyo akong mas i-elaborate pa ang ibig nitong sabihin." ani pa nito.

Lahat kami ay nanatili pa ring tahimik habang matiyaga naming hinihintay magpatuloy ang aming guro. I wonder kung makakatulong ba ang topic namin sa araw na ito para malaman ko na rin sa wakas kung may taglay nga ba akong kapangyarihan o wala.

"May tatlong forms ang bawat properties. Properties that belong in the first form are those that can be used for a long period of time but in relative low levels of power. Meaning ang mga properties dito ay hindi gaanong need ng malakas na pwersa for their powers to work. Ito rin ang pinaka-safe among the three."

"Second form, on the other hand, can be used for a higher level form of power compared to the first form. However..." Bahagyang napatigil si Mr. Cruz at isa-isa kaming pinasadahan ng kanyang tingin.

"There is a limitation under this form. Each time the property is being used, the user's power shorten also until that time comes na mawawala na ng tuluyan ang kanyang property at muli siyang babalik sa pagiging isang normal na tao with his memories erased automaticallly once mawawala na sa kanya ang kanyang powers."

Natigil naman ako sa pagte-take down notes ng mga kasalukuyang idini-discuss ni Mr. Cruz at bahagyang nanlalaki ang aking mga mata na napatingin sa aming guro. Posible rin palang mawala ang property ng isang tao kapag nagamit na niya ang lahat ng kakayahan nito hanggang sa huling sandali.

"Last but not the least... the third form. Kumpara sa dalawang form na nabanggit ko kanina, third form properties can be used with an excessive amount of power as much often as the user desires. But then again, ika nga nila... great power comes with great responsiblity."

"Kahit na malalakas ang mga properties na kabilang sa pangkat na ito, may tinatawag pa rin tayong limitasyon. Each time kasi that the user uses his or her property, especially in a large amount of power and if he or she uses their powers more often, the user's body deteriorates which can cause an early death to him or her. "

Narinig naman naming lahat ang maarte naming kaklase na napasinghap sa kanyang mga narinig. Kahit ako nga rin dito ay hindi rin makapaniwala na such form do exists in real life. Akala ko lang kasi sa movies or animes ko lang ito nakikita.

Again, hindi ko naman maiwasang mapaisip tungkol sa nakatago kong kakayahan, at kung saang form ba ako belong. Kung meron nga akong kakayahan, sana naman sa first form ako nabibilang or pwede na rin sa second form.

Basta huwag lang sa pangatlong form. Gusto ko pang mabuhay ng matagal.

"Marahil ay nagulat kayo sa inyong mga narinig. Pero, as what I've said, kapag inabuso ninyo ang paggamit ng inyong kakayahan, 'yun ang magiging mitsa ng maaga niyo ring pagkamatay. Pero kung nag-iingat na naman kayo parati, I'm sure hinding-hindi iyon mangyayari sa inyo."

Napangiti ang aming class adviser sa buong klase while giving his reassurance para somehow ay hindi kami gaanong mag-alala tungkol sa aming narinig.

"Do you have any questions bago ko kayo idismiss?" Napagawi ang tingin ni Mr. Cruz sa kanyang wristwatch. "Maya-maya'y oras na para sa inyong two hour break."

No'ng una ay wala munang umimik sa'min at akala ko nga ay masyado na silang nagmamadaling magbreak kaya walang gustong magtanong, pero kinalaunan ay nakita kong napataas ng kamay itong classmate ko na may telekinesis property.

Sorry na medyo mahina ako sa pag-alala ng mga pangalan.

"Yes, Mr. Gonzales?" pagtawag ng aming adviser do'n sa nagtaas ng kanyang kanang kamay

Tumayo naman ang tinawag naming kaklase bago siya nagsalita. "This is not actually connected to the one you've discussed. Pero, is it possible ba sa isang tao to have more than one property?"

Madaling nakuha ang aking atensyon sa naturang tanong ng aking kaklase. Napakagandang tanong iyon kung maituturing. Ni hindi ko nga rin maisip na posible rin ang bagay na iyon.

"To answer your question..." Napahimas pa sa kanyang baba si Mr. Cruz habang nakapokus ang tingin sa aming kaklaseng nagtanong.

"Yes, there are rare cases that one person can possess more than one property." ani nito na para bang may naalala siyang isang taong may gano'ng kakayahan.

"How come it's possible?" maarteng tanong naman ng katabi no'ng kaklase naming unang nagtaas ng kamay.

"It's only possible if the child is born from two personas na parehong may taglay na properties. There are two cases kasi if both of your parents have properties. It can be the child can inherit only one, pwede ring he or she can inherit both of their properties which we call as conjugal properties."

Napa-ohhh naman itong maarte naming kaklase, habang ako naman rito ay hindi ko ring maiwasang mamangha sa mga naririnig ko ngayon. Grabe, parang nabubuhay nga ako sa loob ng isang anime ah!

*Riiinnngg*

Pagkarinig naming lahat ng school bell ay kinuha muna ni Mr. Cruz ang kanyang laptop mula sa kanyang mesa bago siya muling humarap sa klase

"If you have any further questions, you can directly ask me in my office, or pwede ring itackle natin ang tungkol diyan in our next meeting. But for now, you're dismissed."

Kinalaunan ay umalis na rin si Mr. Cruz sa loob ng classroom matapos niyang burahin ang isinulat niya sa whiteboard. Nagsitayuan naman kaming lahat, well maliban lang dito kay Kylie na para bang may malalim na iniisip.

"Kylie?" pagtawag ko rito sabay tapik ng kanyang balikat. Awtomatiko naman siyang napatingin sa'kin.

"Ang lalim ng iniisip natin diyan ah." pagpuna naman ni Mitch sa isang pabirong paraan.

"Sira ka talaga." Pansin kong pilit na ngumiti si Kylie sa'min tsaka tumayo na rin mula sa kanyang kinauupuan. "Tara na nga. Nagugutom na ako."

Habang naglalakad kami paalis ng classroom, hindi ko tuloy maiwasang mag-alala para sa dalaga...

***

Pagkakuha namin ng aming pagkain mula sa isang staff na naghatid nito sa'ming mesa, pansin ko pa rin ang pagkabalisa ng aking kaklase kaya hindi na ako nakapagtiis at muli ko siyang tinanong.

"Sigurado ka bang ayos ka lang diyan Kylie?" nag-aalala kong tanong. She instantly snapped out of her thoughts at agad na napaharap sa'kin.

"O-oo...okay nga lang ako." pag-de-deny pa nito.

"Okay daw pero kanina mo pa tinititigan 'yang paborito mong lasagna." komento naman ni Mitch.

Maya-maya pa ay narinig na namin siyang napabuntung-hininga saka muling napatingin sa amin.

"'Yung property ko kasi..." pagsisimula niya tas inayos ang rim ng kanyang glasses. "I think I belong on the third form."

Realization soon dawned upon me matapos kong marinig sa kanya ang mga katagang 'yan. Oo nga, madalas siyang masugod sa clinic every time gagamitin niya ang kanyang property. Hindi malayong nabibilang nga siya sa third form.

"Kung totoo nga ang sinabi ng ating adviser..." pagpapatuloy pa nito, her voice cracking up a bit. "Baka hindi rin magtatagal ang buhay ko sa mundong ito."

Since nakaupo siya sa tabi ko, at si Mitch ay nakaupo katapat namin, agad kong naisipan na ipulupot ang aking dalawang braso at niyakap ang nag-aalala naming kaklase. Lumapit na rin sa'min si Mitch at nakisali sa isang group hug.

"Remember what Mr. Cruz said? As long as hindi mo aabusuhin ang iyong kakayahan, malayo ring mangyari ang bagay na iyan." pahayag ko para patahanin na ang pag-aalala ng aming kaibigan.

"Oo nga naman. Kaya chill ka lang diyan Kylie. Nakakapangit din ang stress, sige ka." pabiro namang pahayag ni Mitch. Narinig na rin namin sa wakas na natawa ng bahagya itong kaibigan namin.

"Salamat at andito kayo para sa'kin. Kahit papaano ay gumaan na rin ang pakiramdam ko." Sa puntong ito ay kumalas na kami sa pagkakayakap sa kanya at isa-isa naman kaming ginawaran ni Kylie ng kanyang matamis na ngiti.

"Naku, para saan pa at naging magkaibigan tayo. 'Di ba, Cedric?" Natigil naman ako sa paggalaw as Mitch waits for my response.

Kahit na bago lang ako sa kanilang grupo, at kahit na naputol ang pagkakaibigan namin ng itinuring kong matalik kong kaibigan, masaya ako na makatagpo ng mga kagaya nila...

"Oo naman." sabi ko sabay ngiti ng sinsero. "Kaibigan mo kami, Kylie."

... at makabuo muli ng isang solid na pagkakaibigan kasama sila.

***

Third Person's POV

"Balita ko raw ay gusto mong i-expose ang mga sikreto ng Alpha Section sa lahat?" tanong ng isang matangkad na babae na nakaupo sa isang swivel chair na nakatalikod mula sa kausap niyang isang estudyanteng babae ng Eastwood High.

"Bakit? Pipigilan mo ba ako ha?" pabalang naman na sagot no'ng estudyante sa kanya.

"Hindi. Bagkus ay hahayaan kita diyan sa kalokohan mong 'yan."

Kahit naasar ang naturang estudyante sa pagtawa nitong babae sa kanyang gagawing pang-espiya sa kilalang section bilang isang "kalokohan" lamang, hindi rin nito maiwasang matuwa dahil sa pagpayag nito sa kanyang hiling.

"Siguraduhin mo lang na huwag kang magpapahuli... or else ako mismo ang magpapatalsik sa iyo sa eskwelahang ito. Maliwanag ba?" ani ng kausap niyang babae.

A smirk curved up sa mga labi no'ng estudyante. "Ako pa. Every thing will be under control..."

"Buweno..."

Sa wakas ay iniharap na no'ng babae ang kanyang swivel chair, revealing the gorgeous face of the head of the Student Affairs. Pinasadahan niya naman ng tingin ang suot-suot na pin ng kausap niyang estudyante, at napag-alaman nitong kabilang pala ito sa section two.

"I will give you a week to investigate..." ani nito sa estudyante, na napalunok naman sa kanyang kinauupuan. "If you can't complete the task in that given time frame, I will expel you from this school. Are we clear?"

Tila natigilan naman ang babae sa paggalaw, at bahagya pang napaisip sa kanyang mapangahas na gagawin. Ms Reyes was quite amused sa nakita niyang reaksyon mula sa nagtatapang-tapangang estudyante na ito.

"Oh ano? Huwag mong sabihing nagdadalawang-isip ka nang gawin ang lahat ng ito? I can just forget about it at pwede ka ring bumalik sa buhay mo bilang isang pagiging estu-"

"No!" The girl sternly cuts her off habang ang nanlilisik nitong mga mata ay nakatingin kay Ms. Reyes.

"Kailangan kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking kapatid dahil sa salot na Alpha Section na 'yan!"nanggagalaiti nitong pagkakasabi.

"I will do all means to bring them down..."

Mukhang napabilib naman ang school official sa pinakitang determinasyon ng naturang estudyante sa kanyang harapan.

"Good." ani nito. "I guess, we have a deal then..."

---

{-PLEASE READ ALL OF THE AUTHOR'S NOTE. THANK YOU :D-}