Cedric's POV
Saktong pagkalabas ko ng aking dorm room ay siyang paglabas din ni Mitch sa sarili niya ring kwarto. Oo nga pala, magkatabi lang kami ng kwarto nito.
"Good morning!" masigasig niyang bati as soon as mapagawi ang kanyang tingin sa akin. Kasing hyper niya si Kylie kung bumati.
"Good morning din sa'yo." pagbati ko rin sa kanya sabay ngiti.
Matapos ang saglit naming pag-uusap na 'yon ay sabay na kaming naglakad paalis sa'ming dormitory at papunta sa student learning building.
Pagkarating namin doon ay agad naman kaming sinalubong ng mga estudyanteng nakatambay sa hallways, dalawang lalaki at isang babae. Nang matingnan ko ang kanilang mga pins, napag-alaman kong galing ang mga ito sa sections 1-3.
"Hello sa inyo. Ikinagagalak naming imbitahan kayo na sumali sa aming sports club. Lubos naming ikakasaya kung may sasaling alpha student sa'ming pangkat." anyaya no'ng isang lalaking estudyante na may kulay auburn na buhok at mukhang kakagising lang dahil sa ayos ng buhok nito.
Napakamot na lang ako sa aking batok. Halata namang hindi ako mukhang sporty yet nakatanggap kami ng imbitasyon para sumali sa sports club.
"Ah eh... pass ako." I politely declined, then afterwards ay itinuro ko 'yung kasama ko rito. "Siya, baka gusto niyang sumali."
Kita ko ring napakamot ng kanyang ulo itong kasama ko.
"Pass din ako guys. Hindi ako mahilig sa sports eh." sabi niya. Sabi na eh hindi rin siya sporty gaya ko.
"Awwww okay lang 'yun." ani no'ng kasamahan nilang babae na may shoulder-length na pulang buhok . "Pero if may kilala kayo sa section ninyo na mahilig sa sports, rekomend niyo ang aming club ha."
"Sige. Maasahan niyo 'yan." tugon naman ng kasama ko sa kanyang energetic na tono.
Matapos no'n ay nagsimula na ulit kaming maglakad. Kaso bago pa talaga kami makapunta sa hagdan ay sunud-sunod ang mga club invitation na natatanggap namin galing sa mga estudyanteng abala sa pangre-recruit sa hallway.
Ilang beses rin namin silang nireject bago na kami tuluyang nakaakyat ng hagdan hanggang sa makarating na rin kami sa wakas sa aming classroom.
"May idea ka ba kung ano ang nangyayari ngayon at bakit andaming nangre-recruit na estudyante sa hallway?" kunot-noong tanong ni Mitch kay Kylie no'ng makaupo na kami sa aming silya. Pagkarating namin ay nakaupo na sa kanyang assigned seat itong kaibigan namin.
"Ah! 'Yun ba? Natural na 'yun since malapit na ang school festival ng eskwelahan." sagot naman ni Kylie. Pati ako ay nagtaka na rin.
"May school festival din pala ang Eastwood High. Kasali rin ba diyan ang section natin?" natanong ko.
Alam niyo na, katulad no'ng Family Day, hindi allowed na sumali ang Alpha Section due to confidentiality.
"Oo naman noh. Pwede tayong sumali sa mga clubs. In fact nakasali na ako eh." With her statement, nakuha niya agad ang aming atensyon ni Mitch.
"Talaga? Ano naman 'yun?" sabay pa talaga naming tanong ng katabi ko. Mukhang ang usapang club na ito ang siyang naging dahilan kung bakit nanatiling gising pa rin ang lokong ito.
"Journalism Club."
Bago pa kami makapagreact ay may umepal sa aming usapan.
"What a lame club naman 'yan. Sabagay, baduy din 'yung members do'n kaya bagay na bagay ka roon." pagsingit ni Sasha sabay tayo at humarap pa talaga sa'min.
"Oh bakit, may sinalihan ka na ring club ha?" tanong ni Mitch.
"Of course, ako pa." Inayos niya muna ang kanyang buhok pagilid bago ulit nagsalita. "That would be in theater club."
"Ha! Bagay rin doon ang mga mapagpanggap na gaya mo." pangbabara rin ni Mitch rito kay Sasha.
"Boom, panes!" pagreact naman ng isa sa mga kambal naming kaklase.
"Shut up!" galit namang sambit nitong si Sasha na mukhang nabadtrip na.
Pakiramdam ko magkakaroon na sana ng away sa pagitan nila kung hindi lang dahil sa biglaang pagpasok ng aming adviser. Agad na rin silang nagsiupo sa kanyang pagdating at nagproceed na agad si Mr. Cruz sa pag-discuss ng aming topic for the day.
***
Matapos ang aming two-hour break ay agad na rin akong pumunta sa aking classroom para sa aking regular classes. Saktong kakaupo ko lang sa'king assigned seat ng maramdaman kong mag-vibrate ang aking phone.
*Bzztt bzztt*
Pagkakuha ko naman nito mula sa loob ng aking bag, bumungad agad sa'kin ang chat message ni Kylie.
"Meet up sa cafeteria after classes."
Kumunot naman ang noo ko pagkabasa ko ng naturang mensahe. Panigurado may mahalaga siyang sasabihin kaya gusto niyang makipagkita mamaya.
Pagkapasok naman ng aming guro para sa Math subject namin ay agad ko namang itinago ang aking phone sa loob ng aking bag. Mahirap na, baka ma-confiscate pa ito ng 'di oras.
***
Pagkatapos nga magdismiss ng aming last period teacher ay agad ko nang niligpit ang aking mga gamit sa loob ng aking bag saka ito sinara at isinuot sa'king likod. Nagmadali na akong tumayo at lumabas ng aming classroom patungo sa cafeteria.
Kaso kagaya ng nangyari kaninang umaga, as soon as makalabas na ako sa aking classroom ay may mga mangilan-ngilang estudyante na nangre-recruit para sumali sa kanilang club at ilang beses ko na naman silang tinanggihan.
Pinaka-weird na club na nang-imbita sa'kin ay cosmetics club. Like seriously, mukha ba akong bakla or mahilig sa cosmetics? I almost rolled my eyes sa babaeng nang-imbita sa'kin kanina.
Anyway, pagkarating ko sa wakas sa cafeteria ay agad kong nakita sina Mitch and Kylie na nakaupo sa pinakaunang table na iyong makikita pagkapasok mo sa nasabing facility.
At the back of my head, hindi ko na naman maiwasang muling isipin ang aking kababatang si Andrew at ang mga panahong inaabangan niya ang aking pagdating dito rin mismo sa eksaktong pwesto na ito.
"Hoy Cedric, ayos ka lang? Ba't nakabusangot ka diyan?" curious na tanong ni Mitch as soon as makalapit na ako sa kanila.
I snapped out of my thoughts. "Ha? Wala, wala. May naalala lang ako... Anyway, bakit pala nag-aya kayong makipagkita dito after classes?"
Kita ko namang napatayo itong si Kylie mula sa kanyang pagkakaupo saka napaharap sa'min ni Mitch.
"Kanina kasi, hindi sumipot ang aming teacher sa regular classes kaya naman I went to the clubroom of the journalism club instead. Tumambay ako ro'n at binigyan ako ng access para maglibut-libot sa buong lugar."
"Sa aking paglilibut-libot, may nakita akong isang pamilyar na news article na pinublish in the year 2000... Since pakiramdam ko ay isa iyong napaka-importanteng bagay kaya kinuha ko na lang ito out of instinct."
With her last statement, that immediately sparked my attention. Kinalaunan ay binuksan niya ang kanyang bag at kita kong may inilabas siyang isang published na newspaper ng aming eskwelahan at inilapag niya iyon sa aming mesa.
Dali-dali ko namang tiningnan ang naturang newspaper. Sa ibabaw nito ay makikita ang pangalan ng aming school publication printed in bold, capital letters: EASTWOOD LEGACY.
As soon as pinasadahan ko ng tingin ang nakalagay sa front page, agad kong nakita ang headline for the month of September sa taong 2000.
"LOOK: Alpha Students Jay Abella and Mae Cortez being expelled in Eastwood High?"
Binasa ko ng medyo may kalakasan ang naturang headline, na siyang ikinalaki ng mga mata ko ng bahagya. Kung naaalala ko ng mabuti, ito 'yung mga estudyanteng nakita naming nawawala sa year book. Baka ito na ang maaaring makakapagdala sa'min sa pagresolba ng naturang kaso.
Binuklat ko ang naturang newspaper at hinanap ang karugtong ng naturang headline sa ika-dalawampu't limang pahina. To my disappointment, hindi masyadong klaro ang pagkakasulat as to why there were expelled in the first place. It was only stated that they attempted to steal something important from the school, thus they were expelled immediately.
Kung ano man ang bagay na iyon na kanilang ninakaw ay hindi nakalagay sa naturang article.
"So ano ang mga nabasa mo diyan Cedric?" I snapped out of my thoughts as soon as narinig kong magsalita itong si Kylie.
With an enthusiastic tone, muling nabaling ang aking atensyon sa kanila sabay pakita ng nakalagay na headline sa newspaper.
"Guys, naalala niyo pa ba ang mga estudyanteng nawawala sa nakita nating yearbook sa library?" natanong ko.
Napalungo ng kanyang ulo itong si Kylie habang si Mitch naman ay napataas ng kanyang kanang kamay.
"Oo, naalala ko pa sila. Bakit mo naman naitanong bigla?" turan nito.
"Look. Nabanggit ang mga pangalan nila sa news article na ito, which means..." panimula ko kasabay ng pagpalipat-lipat ng aking tingin sa dalawang kasama ko rito.
Si Kylie na mukhang walang alam sa mga pinagsasabi ko rito ay tulala lang na nakatingin sa'kin habang si Mitch naman na siyang nakakaalala pa tungkol sa mga hinahanap naming estudyante ay masigasig na nakikinig sa akin rito.
"This will lead us to finally solving this case."
***
Third Person's POV
Meanwhile...
Walang kaalam-alam sina Cedric, Mitch at Kylie na may palihim na nakikinig sa kanilang mga pinag-uusapan gamit ang isang lumilipad na spy bot sa anyong bubuyog sa may 'di kalayuan.
"So, may binabalak pa lang kalokohan ang tatlong iyon. Mga pathetic losers nga naman oh." sabi ng lalaki na siyang nakamonitor sa kaharap nitong laptop at palihim na nagmamasid sa tatlo.
Then makikita mo itong pinisil-pisil niya ang suot nitong bluetooth earplug bago ito muling nagsalita.
"I suppose you've heard everything?" ani nito sa kanyang kausap sa kabilang linya gamit ang naturang earplug.
"Yes... crystal clear." tugon naman ng kanyang kausap.
"Good job, Mr. Santiago."
---
-{READ AUTHOR'S NOTE. THANKS :-) }