Cedric's POV
Kasalukuyan kaming nasa dorm room ni Kylie at nag-iisip kung ano ang susunod naming hakbang tungo sa pagtuklas sa misteryong nasa likod ng nabanggit na news article.
Nakaupo kaming tatlo sa carpeted floor ng kanyang kwarto at nasa harapan namin ang nakuhang copy ng school newspaper ni Kylie do'n sa kanilang clubroom.
Napag-isip isip ko rin kanina na makakatulong sana kung maaalala niya 'yung kanyang mga nakita sa loob ng science lab noong gabing pumunta kami ro'n. Kaso sabi niya nga, nakalimutan niya na raw ang lahat ng iyon.
What if kung kaya pang i-retrieve ang mga nawalang memories na iyon? I know there's got to be a way of doing that!
So with that thought, napagdesisyunan kong harapin ang aking kaibigan, na siyang nakaupo sa aking kanan. Bumuntong-hininga muna ako saka ko binasag ang namuong katahimikan sa loob ng kanyang kwarto.
"Kylie... 'di ba sabi mo hindi mo na maaalala ang mga kaganapan no'ng nagpunta tayo sa science lab nung isang araw, tama?" panimula ko. Kita ko namang tumango ang dalaga sa aking katanungan.
"Paano kung susubukan mo ulit na alalahanin ang lahat ng mga pangyayaring iyon? Alam kong hindi basta-basta nawawala ang ating memorya..." Then ang isang daliri ko ay napaturo sa gilid ng aking ulo.
"...kundi nakaimbak lang sa subconscious part ng ating utak."
Kita ko namang nanlaki ang mga mata nina Kylie at Mitch sa aking sinabi. Kung tama nga ang aking teorya, then may posibilidad pa na maaalala nitong kaibigan namin ang mga nawala niyang alaala no'ng araw na iyon.
"At paano naman natin magagawa iyon Cedric?" tanong ni Kylie, hindi niya mawari kung ano ba ang dapat niyang gawin.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan habang iniisip ko pa ang paraan kung paano ito mareresolba. Out of instinct, I rested one hand sa kanyang kanang balikat kaya napaangat ang tingin sa akin ng dalaga.
"Ipikit mo ang iyong mga mata..." Walang-imik naman akong sinunod ng kaharap ko saka ako nagpatuloy. "... huminga ka ng malalim, at subukan mo ulit alalahanin ang lahat ng mga nakita mo sa loob ng science lab."
Hindi naaalis ang titig ko rito kay Kylie as I observed her do the things that I've instructed her to do. Marahang napapikit ang aming kasama as she tries her best to remember the events that she saw on the science lab.
"I can't... Wala talaga akong maalala Cedric..." daing ng dalaga sabay mulat ng kanyang mga mata at napatingin sa akin. Pero hindi ko pa rin inalis ang kapit ko sa kanyang balikat.
"Try harder... I know you can do it." pang-e-encourage ko pa lalo.
Muling ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata at sinubukan ulit alalahanin ang mga nangyari. Kami naman dito ni Mitch ay matyaga namang naghihintay sa kung anumang sasabihin niya sa amin.
Matapos ang ilang minutong katahimikan, sa wakas... narinig na naming nagsalita itong si Kylie.
"M-may...isang lalaking high school student na parang kasing edad ni Cedric ang pumasok sa loob ng science lab... tas sa likod niya ay mga matatangkad na lalaki na pawang nakaitim na kasuotan." ani nito habang nakapikit pa rin. Kita ko ang namumuong pawis sa kanyang noo na marahan niya ring pinahid gamit ang kanyang kamay.
"Sa gilid no'ng estudyante ay isa ring lalaking nakasuot din ng itim... Sa harapan nila ay isa ring lalaking estudyante na sabi kong kamukha ni Cedric na may bitbit na kulay asul na plastic envelope...tapos..." Pansin kong ang isang kamay niya ay napunta sa kanyang bibig at marahan itong tinakpan at tila nanginginig ang buong katawan nito.
"...tapos hindi ko na alam ang ginawa nila kay Jay, basta ginapos na lang nila ito. At ang sunod ko na lang na nakita ay may kumuha sa hawak-hawak ni Jay na isang babae na hindi ko naaninag ang mukha sabay alis."
Matapos ng kanyang huling pahayag ay dali-dali naman niyang iminulat ang kanyang mga mata pero hindi pa rin naiibsan ang panginginig ng kanyang katawan. Nagulat na lang ako no'ng bigla itong napayakap sa akin kaya niyakap ko rin siya pabalik.
"Kung anuman ang ginawa nila kay Jay, sigurado akong hindi iyon kaaya-aya, Cedric." Halata ang pangangamba sa boses ni Kylie habang sinasabi niya ang mga katagang ito. Sinubukan ko naman siyang patahanin.
"Hayaan mo na 'yun. Salamat sa lahat ng mga naitulong mo Kylie." sabi ko sabay hagod sa likuran nito.
"Oo nga Kylie, good job sa'yo." Mitch chimed in sabay yakap rin sa dalaga.
Makalipas ang ilang segundo, sa wakas ay kumalma na rin si Kylie kaya nagawa na rin naming mapag-usapan ang tungkol sa kanyang mga sinabi kanina.
"Kung hindi ako nagkakamali, nasa blue envelope na iyon ang susi sa pagkakadiskubre natin sa kung ano ba talaga ang nangyari sa dalawang nawawalang estudyante sa yearbook, at sa likod ng kanilang pagkawala." sabi ko sabay himas ng aking baba habang nag-iisip ng malaliman.
"Kaso, wala tayong ideya kung sino ba 'yung kumuha ng envelope na iyon since hindi nga nakita ni Kylie ang pagmumukha ng nilalang na iyon." katwiran naman nitong si Mitch.
Napaisip ako do'n. Sabagay, hindi nga naaninag ni Kylie ang kanyang mukha kaya malabong matunton namin ang kinaroroonan ng nilalang na iyon. Napasapo tuloy ako sa aking noo. Hindi ko naman inaasahan na ganito pala kahirap iresolba ang misteryong ito.
"I suggest na bumalik tayo sa loob ng Science Lab. Baka sakaling this time ay maaaninag ko na ng maayos kung sino ba itong kumuha sa envelope na iyon." Pareho kaming napatingin ni Mitch kay Kylie sa gulat matapos niyang sabihin iyon.
Napasimangot naman itong si Mitch. "Kylie, alam mo namang makakasama iyan sa kalusugan mo 'di ba?"
"Oo alam ko iyon, only kung parati ko siyang gagamitin." Kylie gave a reassuring smile sa nag-aalalang binata sa kanyang kaliwa.
Napabuntung-hininga na rin ako. "Sigurado ka ba diyan sa gagawin mo Kylie?"
"Yup. Ako pa." Humarap na siya sa'kin ngayon sabay ngiti.
***
Sa huli ay pareho na naming sinang-ayunan ang mungkahi ni Kylie na bumalik ulit sa Science Lab. Aaminin kong wala rin akong naiisip na ibang paraan kung paano makikilala ang nabanggit na babae sa vision ni Kylie, kaya wala rin kaming nagawa kundi ang pumayag sa kanyang gusto.
Bago kami tuluyang umalis papuntang Science Lab ay dumaan pa kami sa kwarto ni Mitch para daw kunin ang kanyang lock picking kit. Nagulat naman kami ni Kylie na may ganito siyang device sa kanyang kwarto.
"Ahh... nasa sa sakin na ito ever since ninakaw ko ito mula sa tatay ko pagkalipat ko rito sa Eastwood High." natatandaan kong paliwanag niya sa'min.
Anyway, imbes na isipin pa ang tungkol sa misteryosong lock picking kit ni Mitch ay itinuon ko na lang ang aking pansin sa gagawin namin ngayong gabi.
Nang masiguro na naming wala nang nagkalat na guards sa hallways ay dali dali na kaming nagtungo sa building ng science and technology department at dali-daling umakyat sa ikalawang palapag ng gusaling ito.
As expected ay nilagyan na ng kandado ang pinto ng science lab bukod sa lock nito sa may doorknob. Salamat sa lock picking kit ni Mitch at sa'king lock-picking skills, nagawa naming nabuksan ng walang kahirap-hirap ang kandado at nabuksan din ang doorknob.
Once na nakapasok na kami sa loob, agad naming isinarado ang pintuan sabay lock.
Wala nang sinayang na oras si Kylie at agad na siyang pumwesto sa kung saan niya raw nakita ang naturang pangitain. Umupo siya sa eksaktong upuan kung saan siya umupo dati no'ng unang punta namin dito, at gamit ang kanyang property ay marahan niya nang ipinikit ang kanyang mga mata at mistulang pinakiramdaman ang kanyang paligid.
Habang matyaga kaming naghihintay sa kung anumang sasabihin ni Kylie sa amin ay napansin ko namang biglang nalingat ang atensyon ni Mitch sa direksyon ng pintuan.
"Ano'ng problema Mitch?" curious kong tanong dito.
"May naririnig akong mga hakbang na papunta rito sa Science Lab." seryoso nitong tugon, ang kanyang mga titig ay nasa may pintuan pa rin.
Agad naman akong nabahala. "Gaano kalayo?"
"Mga nasa limang metro mula rito."
Limang metro...
Napamura akong 'di oras sa'king narinig. How did they even know we're here in the first place?
Napatingin naman ako rito kay Kylie, na hindi pa rin tapos sa kung anumang ginagawa nito sa kanyang upuan. Sana'y sasapat na ang limang metro na 'yan para makuha na namin sa wakas ang kasagutan sa aming mga katanungan kanina.
"Mabilis ang kanilang paglalakad. Ngayon ay nasa tatlong metro na ang kanilang layo mula sa atin."
Ang mga katagang ibinabato ni Mitch ngayon ay parang nagmistulang isang malaking time bomb ng 'di oras habang isinisiwalat niya ang distansya ng mga gustong pumigil sa binabalak naming gawin.
Kada minutong lumilipas ay nararamdaman ko na ang pagtibok ng aking puso na pabilis nang pabilis habang matyaga pa rin kaming nag-aantay sa sasabihin ni Kylie.
"Dalawang metro na lang..." rinig ko ulit na sabi ni Mitch.
Nagsisimula na ring mamuo ang mga butil ng pawis sa aking noo as I felt the upcoming tension na nagsisimula nang sumakop sa buong kwarto na ito.
And just then, nakita ko na rin sa wakas na napamulat ng kanyang mga mata itong si Kylie at masayang napatingin sa akin.
"Si Ms. Reyes.." ani nito sa'kin. Napahigpit ang kapit ko sa isang bagay na nasa aking kanang kamay na nakatago sa aking likuran.
"Si Ms. Reyes ang kumuha ng blue envelope."
Bago pa namin nagawang magsaya sa bagong impormasyon na nakuha namin ay biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng science lab, and in it there came several security guards of the school.
Adrenaline soon rushed inside my body at dali-dali kong binuksan ang secret compartment ng aking bag at may inilagay doon.
"Aaahh, bitawan niyo ako!"
Matapos kong masarhan ang suot suot na backpack ay napatingin ako rito kay Mitch na pilit iniyayapos ang kanyang dalawang kamay sa kanyang likuran gamit ang malalakas na bisig ng may hawak sa kanya. No'ng tinangka niya pang manlaban ay may nakita akong syringe na itinurok sa leeg ng binata, dahilan para mawalan ito ng malay.
"MITCH!" sigaw ko.
Tinangka ko pang puntahan ang aking kaibigan pero may naramdaman din akong dalawang malalakas na kamay na pumigil sa'kin na makalapit sa kanya. Pagkatingin ko rito kay Kylie ay may nakahawak din sa kanyang isang security guard na may malaking pangangatawan.
"Bitawan niyo siya!" nanggagalaiti kong turan do'n sa may hawak sa'king kaibigan.
Mga ilang segundo rin akong nanlaban para lang makawala sa hayup na nakahawak sa akin ngayon para iligtas ang aking kaibigan, pero masyadong malakas ang pagkakahawak sa aking mga nakagapos na kamay sa'king likuran, na kahit ano'ng pagpupumiglas ang gawin ko'y nababalewala pa rin.
Makalipas ang ilang segundo na iyon, may naramdaman akong matulis na bagay na siyang itinurok naman sa may braso ko. No'ng una ay wala pa iyong epekto sa akin, pero kinalaunan ay unti-unti na ring nagdidilim ang aking paningin.
Bago pa ako tuluyang mawalan ng ulirat ay nagawa ko pang mapatingin sa may pintuan...at mula roon ay lumabas ang isang napaka-pamilyar na pigura ng isang lalaki na nakasuot ng puting polo with matching red necktie, itim na slacks at itim na leather shoes.
Kahit nagdidilim na ang aking paningin ay sinubukan ko pa ring aninagin kung sino iyon.
Kung hindi ako nagkakamali...
"M-Mr. Cruz?"
Matapos ang ilang segundong pagpupursige ko na manatiling gising...
...tuluyan na rin akong sinakop ng kadiliman.