Chereads / Alpha Section (Tagalog) / Chapter 20 - Hyper Senses

Chapter 20 - Hyper Senses

Mitch's POV

Hello sa inyong lahat! Ako nga pala si Mitchelle Joey Navarro, a.k.a Mitch, labing-anim na taong gulang, at ang pinaka-poging miyembro ng Alpha Section.

Joke lang.

Isang panibagong araw na naman ang dumating sa paaralan ng Eastwood High. Pero nakakapagtaka naman kung bakit hindi ko pa rin nadidiskubre kung ano ang nakatago kong kakayahan unlike ng mga kaklase ko.

Oh wait, hindi pala ako nag-iisa. Kasama ko pala si Cedric dito mwehehehe.

Pero kung may napapansin man akong kakaiba sa'kin, 'yun ay ang hindi ako makatulog agad sa gabi. Teka, wala naman doong kakaiba ah. Siguro pati kayo rin diyang nagbabasa nito ay nahihirapang makatulog sa gabi.

Parang naririnig ko na boses ng nanay ko mula rito. "Kaka-selpon mo 'yan!"

Anyway, mag-a-ala sais na pala ng umaga. Humihikab-hikab pa akong umaakyat sa hagdan ngayon patungong ikatlong palapag ng building. Panira naman kasi itong first period class namin, bakit kailangan pang 6:30 ng umaga pa kami pumasok.

Wala sa sarili akong umaakyat ng hagdan ng may masagi akong braso kaya bumalik ulit ako sa katinuan.

"Sorry." sabay naming bigkas ng nakabunggo ko.

Napaangat naman ako ng tingin at halos manlaki ang aking mga mata ng makita ko ulit ang isang napaka-pamilyar na babae sa akin. Kung may pinagbago man ito, iyon iyon ay ang tumangkad siya ng kaunti, at ang dating nakapigtails niyang blonde hair ay nakalugay na ngayon, with matching curls pa sa dulo.

Pansin ko rin na naka-pin sa kaliwang bahagi ng dibdib nito ang isang silver-plated na badge na may roman numeric: II .

"Abby?!" gulat kong sambit.

Kita kong kumunot pa muna ang kanyang noo bago niya pa ako makilala.

"Mitch?!" gulat niya ring sambit.

Abigail Marquez... siya lang naman ang childhood crush ko ever since nagtagpo ang aming mga landas dati no'ng bagong lipat siya sa aming neighborhood sa tinitirhan ko dating subdivision.

Tandang-tanda ko pa noon kung paano nagconfess ang maharot na sampung-taong gulang na si ako sa kanya dati... na para bang kahapon lang kung maituturing.

***

-Flashback-

"Happy birthday Abby!" masayang bati ng sampung taong na si ako sa kaka-sampung taon lang din no'n na si Abigail sabay bigay ng aking regalo sa kanya.

Nasa pool side kami ng mga oras na iyon. Nagpa-party kasi ang kanyang mga magulang sa kanilang exclusive resort sa kanyang ika-sampung kaarawan.

Tipid naman siyang ngumiti sa'kin. "Thanks."

Pagkakuha niya ng regalo mula sa'kin, akmang aalis na sana siya para puntahan ang kanyang mga kaibigan ng bigla kong hawakan ang kanyang kanang palapulsuhan.

"May... gusto ka pa bang sabihin Mitch?" awkward niyang tanong tas inilayo ang kanyang tingin sa'kin.

"I've always wanted to say this, pero nauunahan ako parati ng kaba eh..." panimula ko. Tiningnan niya ako nang may halong pagtataka sa kanyang mukha.

"Pero hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito." Humugot muna ako ng sangkaterbang lakas ng loob bago magpatuloy. "I like you, Abigail Marquez."

Hindi ko naman namalayang napalakas ang pagkakasabi ko no'n, na ang lahat ng mga ando'n no'ng mga oras na iyon ay natigil talaga sa kanilang mga ginagawa at napatingin sa aming dalawa.

She looked at the old Mitch, na mukhang isang typical na nerd na nakasuot ng makapal na glasses, nakasuot ng jumper, at nakabraces pa dati.

"Pasensya na pero hindi kita gusto." ani nito, na siyang bumasag sa 10-year old heart ko dati. "I mean, look at you. La-lampa lampa ka, nerd and... who the heck wears jumper nowadays? So baduy ha."

"Kaya lang naman kita ininvite dito dahil sa magkaibigan parents natin. If not, then you are not very much welcome here."

Nagsitawanan naman ang mga kaklase naming nakasaksi sa panghihiyang ginawa niya sa'kin. With a heavy heart, nagwalk out ako no'ng mga oras na iyon... and swear to myself na babaguhin ko ang aking sarili.

-End of Flashback-

***

"You've... changed." 'Di makapaniwalang sabi niya as she eyes me from head to toe.

Siyempre, malamang binago ko talaga sarili ko dati para sana makapag-higanti ako sa kanya. Kaso sa kasamaang palad dati, I heard na lumipat ang pamilya nito sa States. Now I wonder kung bakit andito na naman siya sa Pinas.

"Y...eah. People change kasi." Mapakla akong ngumiti sa kanya.

Isang awkward na katahimikan ang namayani sa pagitan namin bago ako napagawi sa aking wristwatch.

"It was nice seeing you again, pero kailangan ko nang umalis."

"Ah sige... ingat."

Walang sabi-sabi ko siyang tinalikuran at nagmadali nang umakyat ng hagdan para makatakas na ako sa awkward na eksenang ito. Ano ba 'yan bakit pa kami nagkita no'n? Sana nanatili na lang siya sa abroad.

***

"Huh? May childhood crush ka?!"

"Grabe ka naman maka-react diyan Kylie, akala mo naman sa'kin hindi pa na-inlove sa buong buhay ko."

As usual, sa two hour break namin ay naikwento ko kina Kylie and Cedric ang tungkol sa pagtatagpo namin ni Abby kanina.

"Ahahaha pasensya na, nagulat lang talaga ako." natatawa namang sambit ni Kylie kaya sinamaan ko tuloy siya ng tingin.

"Well, kamusta naman pagtatagpo niyo?" natanong naman ni Cedric sabay lamon ng sandwich na binigay sa amin kanina.

"Ayos lang naman, I guess." Napakamot na lang ako sa'king batok. Ay ewan, sakit talaga sa ulo 'yang pag-ibig na 'yan.

"Uyyy... muling ibalik ang tamis ng pag-ibig" Tinangka pang kumanta ni Kylie pero agad ko siyang pinigilan.

"Ssssh 'wag ka na ngang kumanta Kylie, baka bumagyo pa ng 'di oras." pabiro kong sabi in which I earned a smack on my shoulder.

"Tse! Alam ko namang hindi ako biniyayaan ng magandang boses eh."

Napakibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy na rin sa paglantak ng aming sandwich. Pero hindi nagtagal ay kita kong napaturo si Cedric sa aking ID.

"Mitch... nasaan na ang ID mo? Ba't hindi mo suot?"

"Ahhh. Usually kasi binubulsa ko siya since tinatamad akong suotin..."

Pangiti-ngiti pa akong kinapa ang aking ID sa'king bulsa pero natigil naman ako sa paggalaw ng wala akong makapa sa aking kanang bulsa ng aking brown slacks. I'm sure dito ko lang nilagay iyon. Nakapasok pa nga ako kanina sa classroom.

Wait, nakisabay nga pala ako sa Sasha na 'yun sa pagpasok sa classroom no'ng ini-swipe niya ang kanyang ID para buksan ang pinto ng room.

Daheck... saan ko naman kaya iyon pwede mawala?

"Oh? Ano'ng problema? Nawala mo 'yung ID mo?" nag-aalala namang tanong sa'kin ni Kylie. Dahan-dahan naman akong napatango.

"Mitch naman kasi... bakit ba hindi mo sinusuot 'yung ID mo?" tila nangse-sermon namang pahayag ni Cedric. "O siya siya tutulungan ka namin mahanap 'yun."

***

Sa nalalabing oras ng aming break ay iginugol namin ang mga sandaling iyon sa paghahanap sa aking ID. Sorry na agad kung hindi ko 'yun isinusuot parati sa leeg. Nagkaka-rashes kasi ako sa chord ng ID kaya ayun, ibinubulsa ko na lang.

Malay ko bang pwede palang mawala iyon sa aking bulsa!

Kagaya nga ng sabi ni Cedric, tumulong nga sila ni Kylie sa paghahanap ng aking ID. Binalikan namin ang classroom, pero wala doon sa aking desk ang aking ID. Pinuntahan na rin namin ang aking dormitory room, pero wala pa rin eh.

Tumunog lang ang bell para sa aming regular classes pero hindi pa rin namin nahahanap ang aking school ID.

***

"You're dismissed."

Pagkasabi no'n ng aming guro sa last period ay agad na nagsitayuan ang aking mga kaklase habang ako naman ay abala pa sa pagliligpit ng aking gamit. Maya-maya pa'y lumapit na sa'kin si Kylie.

"Ipagpatuloy natin ang paghahanap sa ID mo. I'm sure maya-maya ay magdidismiss na rin ang klase nila Cedric." nakangiting sabi nito. Tumango naman ako.

So ayun na nga, habang hinihintay si Cedric, ginamit namin ni Kylie ang oras para hanapin ang aking ID. Nakaabot na nga kami sa malawak na football field ng eskwelahan, nagbabaka-sakaling baka nahulog dito 'yung ID ko. Pero wala pa rin eh.

Later on, napagod na rin kami kakalibot kaya nagpahinga muna kami ni Kylie sa malapit na school bench.

"Hays, ansakit na ng paa ko kakalibot pero hindi pa rin natin nahahanap 'yang ID mo." hininhingal pang sabi ni Kylie.

Napatingin naman ako sa kanya with an apologetic look.

"Sorry ah, dinamay ko pa kayo sa pagkaburara ko."

"Naku, wala 'yon. Para saan pa at naging magkaibigan tayo?" nakangiti niyang saad sa'kin. Kaya napangiti na rin ako.

Habang nagpapahinga ay naisipang magkwento ni Kylie ng tungkol sa napanuod niya raw na series sa Netflix kaya tahimik ko naman siyang pinakinggan.

"Tas doon na sana ako sa part na magkikiss na sila kaso....blah blah blah..." patuloy pa rin si Kylie sa pagkukwento when suddenly... may naririnig din akong isang panibagong boses mula rito.

***

"Mamayang gabi, sisimulan ko ng akyatin ang restricted area."

"Good. Siguraduhin mo lang na huwag kang papalpak diyan sa binabalak mo."

"Oo naman. Ako pa."

***

"Abby..." bigla kong sambit habang nanlalaki ang aking mga mata.

Nahinto naman si Kylie sa pagkukwento at napakunot ang noong napatingin sa'kin. "Ha?"

"May nang-eespiya sa Alpha Section... at si Abby iyon." paglahad ko ng impormasyon sa kanya.

"Huh? Paano ka naman nakakasiguro diyan?" nagtataka pa ring tanong sa akin ni Kylie. Pati ako nga rin dito ay nagtataka kung ano itong mga pinagsasabi ko.

"Basta mamayang gabi, isasagawa niya ang kanyang plano." wala sa sarili kong sambit.

Hindi pa rin naalis ang pagtataka sa mukha ng kaibigan ko ng biglang dumating dito si Cedric.

"Sorry ngayon lang ako dinismiss. So, nahanap niyo na ang ID mo?" bungad nitong tanong.

"Hindi pa..." sabi ko. "Pero parang may idea na ako kung sino ang nakakuha nito."

***

Kinagabihan, imbes na dumiretso sa aming mga kwarto... napili naming mag-abang na dumilim ang kalangitan bago kami dahan-dahang umakyat papunta sa ikaapat na palapag. Bago kami tuluyang umakyat papuntang restricted area, nagtago muna kami sa likod ng isang pader at nagmatyag muna kami sa hallway.

Surely, may nakita kaming isang silhoutte na pumasok sa aming com.lab ng walang kahirap-hirap. Kagaya nga ng napagtanto ko, nasa sa kanya nga ang aking ID na siyang ginamit niya sa pagscan sa pinto ng com lab.

Nang makapasok na ang aming minamanmanan, napagdesisyunan na naming pumasok na rin sa loob ng naturang com lab. Nadatnan pa naming nakapatay ang lahat ng ilaw at mga units, pwera na lang sa isa sa may pinaka-unahan na siyang nagbigay ng kaunting liwanag sa buong kwarto.

Si Kylie ang naglakas ng loob na buksan ang mga ilaw ng com.lab. Pagkaturn on, agad na bumungad sa'min ang pigura ni Abby na abala sa pagtipak sa keyboard.

"Abby? A-ano'ng ginagawa mo rito?" 'Di ako makapaniwala na tama nga ang hinala ko. Agad namang nalipat ang tingin ko sa suot nitong ID.

"At bakit nasa sa'yo ang ID ko?"

Natigil si Abby sa kanyang ginagawa at gulat na napatingin sa aming tatlo. Pero makalipas ang ilang segundo ay kumurba ang dulo ng kanyang labi, forming a smirk.

"Huli na kayo ng dating. Dahil nagsisimula na ang loading sa pagtransfer ng data mula rito patungo sa mga public sites." Halos mapasinghap kaming tatlo sa'ming narinig.

"Nakita ko ang lahat ng mga pinaggagawa ninyo... at hindi ko naman pala alam na sinusuportahan ng eskwelahan ang mga freaks na gaya niyo!" nanggagalaiting sabi niya.

Lalapit na sana kami para pigilan siya sa kanyang binabalak pero natigil kami sa paggalaw ng bigla siyang maglabas ng swiss knife mula sa kanyang bulsa at itinutok ito sa amin.

"Sige! Subukan niyong lumapit! Hindi ako magdadalawang isip na saksakin kayo." pagbabanta pa nito.

"Abby... bakit mo ito ginagawa? A-ano namang mapapala mo rito?"

Hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang maamong tupang gaya niya, na siyang nakilala ko dati no'ng kabataan namin, ay makakagawa ng ganito.

"Ginagawa ko ito para bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko! Dahil nalaman kong may kinalaman ang Alpha Section sa kanyang pagkamatay! At base sa mga nakalap kong impormasyon ngayon, somehow alam ko na kung bakit."

Rinig naming nagka-crack na ang boses niya pero hindi niya pa rin binibitawan ang kutsilyo na kanyang hawak.

"Dahil isa pala kayong freak!"

Nagpapanic pa rin kaming nakatayo dito at hindi mawari kung ano'ng gagawin naming tatlo para pigilan siya sa kanyang binabalak.

"Ha! Malapit nang makumpleto ang paglipat ng files..... TEKA!"

Pansin naman naming nag-iba ang ekspresyon sa kanyang mukha ng masaksihan naming lahat ang biglang paglutang ng kutsilyo mula sa kanyang kamay. Napatingin naman kami sa'ming likuran at nakita namin sina Dwayne, Sasha at Mr. Cruz na nakatayo mula sa may pinto.

Then maya-maya pa ay narinig naming lahat ang pamilyar na boses ng egotistic jerk kong kaklase na si Warren mula sa computer screen,

"Mabuti na lang at kaya kong i-hack ang computer system ng school at napigilan ka diyan sa balak mong pagkalat ng aming mahahalagang files. Isa kang hangal kung inaakala mong maiisahan mo kaming lahat." ani nito sa kanyang usual na mayabang na boses.

"Teka paano'ng..."

"Nagchat kasi ako sa gc natin para i-inform ang lahat about sa sinabi mo kanina." Bago pa man ako makapagtanong ay sinagot na ito ni Kylie. Aaahh kaya pala.

Maya-maya pa ay may pumasok na dalawang matipunong lalaki na nakasuot ng itim na vest at itim din na slacks at agad na nilapitan itong si Abby at hinawakan sa magkabila nitong kamay.

"Teka! Bitawan niyo ako!" Nagtangka pang magpumiglas si Abby pero sadyang malakas lang talaga ang mga may hawak sa kanya at dinala siya palabas ng com lab.

No'ng gabi ding iyon, pinasalamatan ako ni sir sa pagsasabi ko sa kanila ng tungkol sa binabalak ni Abby. At higit sa lahat, nalaman ko na rin sa wakas kung ano ang aking nakatagong kakayahan...

***

"Hi. Ako si Mitchelle Joey Navarro, labing-anim na taong gulang. At ang aking property ay hyper senses, like sobrang matalas ng aking pandinig na nakakarinig ako within 2 meter radius, at may matalas din akong pang-amoy."

Nakangiti akong humarap sa gitna ng aking mga kaklase habang pinapakilala ko sa kanila ang kakadiskubre ko lang na kakayahan.

"So in short, you're equivalent to k9 dogs. Such a lame property from a lame person." rinig kong nag side comment na naman itong maarteng babae na nakaupo sa harapan ko. Pinatahimik naman siya ng kanyang katabi at ni Mr. Cruz.

Dinedma ko na lang siya at bumalik na sa aking upuan. Masyado akong masaya ngayon para pansinin 'yung papansin kong kaklase. Dahil sa wakas ay nalaman ko na rin ang aking nakatagong kakayahan...

*Riiiinnnnggg*

Pagkarinig namin ng school bell ay agad din naman kaming dinismiss ng aming adviser and as usual ay kasama ko sina Cedric at Kylie na naglalakad papuntang cafeteria.

"Ayan... huwag mo nang iwawala ang ID mo ha." sermon sa'kin ni Kylie sabay tingin sa nakasuot ko na ngayong ID. Geez, kapag nagsimula na akong mangati ay tatanggalin ko na rin ito maya-maya.

"Opo nay." pabiro ko namang saad.

Nagtuloy lang kami sa paglalakad ng mapadaan kami sa room ng section two. Bigla tuloy sumagi sa isip ko si Abby. Kamusta na kaya siya ngayon.

"Ano? Namatay si Abby kagabi? Ano naman daw ang ikinamatay?"

Natigil ako bigla sa paglalakad at napagawi ang aking tingin sa classroom ng section two. Heto nga't umaandar na naman ang kakadiskubre ko lang na property.

Pero ano raw?!

***

"Dead on arrival daw sa ospital kagabi. Inatake sa puso."

"Siguro nakuha niya ang sakit ng kanyang ate. 'Di ba sabi niya rin na laganap sa kanilang pamilya ang pagkakaroon nila ng kumplikasyon sa heart?"

"Oo naalala ko iyon. Kawawa nga eh. Masyado pa siyang bata. Kahit hindi kami close no'n ay naaawa ako sa kanya at sa kanyang pamilya."

***

Hindi ko maiwasang magitla sa mga narinig ko ngayong araw. B-bakit biglaan naman yata ang kanyang pagkamatay?!

"O Mitch, akala ko nakasunod ka sa amin? Ano'ng problema?"

Naramdaman ko namang binalikan ako ng akingn mga kaibigan kaya napaangat ang aking tingin sa kanila, na punung-puno ng pagtataka at pagkagulat.

"Mitch? Anyare sa'yo parang nakakita ka diyan ng multo?" pabiro namang sabi ni Cedric.

"Si Abby kasi..." panimula ko, pero agad din akong natigilan sa pagsasalita.

"Oh? Ano namang tungkol sa kanya? Huwag mong sabihing nanggugulo na naman siya?" curious na tanong ni Kylie.

"Hindi..." pagkaklaro ko.

"Si Abby... namatay siya kagabi."