Cedric's POV
Isang panibagong araw na naman ang dumating sa paaralan ng Eastwood High. Gano'n pa rin naman, wala pa rin akong alam kung ano'ng powers meron ako, or kung meron nga talaga.
Humihikab-hikab pa akong umaakyat papunta sa'king first period class sa room 409 nang magkasalubong na naman kami ng best friend, I mean former best friend, kong si Andrew ng papaakyat na ako papunta sa ikatlong palapag ng gusali. Sa isang iglap lamang, nawala agad ang antok ko.
Naging tensyonado pa rin ang paligid sa pagitan naming dalawa habang papaakyat ako at pababa naman siya. Saglit lang kaming nagkatinginan, pero gano'n pa rin ang tingin niya sa'kin, 'yung tipong balak akong patayin sa kanyang mga matatalim na titig.
Napakibit-balikat na lang ako tsaka nag-iwas ng tingin at nagtuluy-tuloy sa pag-akyat. Aaminin kong nami-miss ko na ang dating best friend ko, 'yung mga kulitan namin, 'yung mga gala namin, at marami pang ibang mga bagay na madalas naming gawin simula pagkabata.
Subalit wala na yata akong magagawa kung ayaw niya na akong kausapin, or kung ayaw niya nang makipagbati. Hindi ko naman alam na ang pagkapasok ko rito sa Alpha Section ang tuluyang sisira sa aming ilang taong pagkakaibigan.
"CEDRIC, mah men!"
Halos mapatalon naman ako rito sa'king kinatatayuan ng papaakyat na sana ako muli papuntang ikaapat na palapag ng may biglang umakbay sa'kin mula sa likod. Hindi ko na kailangan lingunin para malaman kung sino itong siraulong biglang sumulpot na parang kabute, halata na kasi sa energetic nitong boses eh
"Mitch naman eh, balak mo ba akong patayin sa gulat ha?" sita ko rito sabay alis ng kanyang kamay na nakaakbay sa'kin.
"Grabe, patay agad? Hindi pwedeng mao-ospital ka muna?"
Sinamaan ko lang ng tingin itong siraulo kong kaklase pagkatapos ay nagtuluy-tuloy lang ako sa paglalakad paakyat sa ikaapat na palapag. Naramdaman ko namang nakasunod sa gilid ko itong si Mitch.
"Sa tingin ko alam ko na kung ano ang property ko." rinig kong sambit ng kasama ko
Saglit akong napahinto sa paglalakad at seryosong napatingin sa'king kasama. Naku kung 'pag nagkataon, maiiwan na lang akong mag-isang walang alam sa kanyang property.
"'Di nga?" 'Di makapaniwala kong sambit.
"Oo nga kasi... Ito ha, sa tingin ko... 'yung property ko ay..." Muntik pa akong mapa-roll eyes sa pabitin effect niya.
Kita ko 'yung isang daliri niya na siyang sumesenyas sa'kin na lumapit sa kanya, kaya 'yun nga ang ginawa ko. Inilapit ko ng konti ang aking sarili sa kanya at matiyagang naghintay sa kung anumang kanyang sasabihin.
"ITSAAAAAAAPPPRRAAANNNNKKKKK!" Ay anak ng lahat ng animal sa mundo! Akala ko seryoso talaga 'tong loko-loko na ito.
Tumakbo naman ang loko ng mapansin niya yata ang nangingitim kong aura na para bang handa na'kong pumatay ng kahit ano'ng oras... specifically sa mga siraulong gaya niya.
"Hoy bumalik ka ritooooo! Humanda ka sa'kin!" Hinabol ko 'yung loko-lokong ito pero mabilis naman tumakbo ang lintik at agad na nakalayo mula sa'kin.
Humanda talaga ito kapag nakapasok na kami sa loob ng classroom. Baka nakakalimutan niyang magkatabi kami ng upuan?
Saktong naghahabulan kami sa ikaapat na palapag ng makasalubong namin si Kylie na papunta rin sa aming classroom. Agad naman kaming napahinto sa paghahabulan at lumapit sa kanya.
"Good morning. Anyare sa inyo at bakit kayo naghahabulan na parang isang couple?" tanong ni Kylie sabay tingin sa'min na para bang nanunudyo. The heck???
"Yuck! Ang cringe ha. 'Yan kasi kakapanuod mo ng BL series, shini-ship mo na ako rito kay Cedric." Napa-"tsk" pa si Mitch ng tatlong beses sabay shake ng kanyang ulo from left to right.
Well, hindi pa ako tapos dito kay Mitch kaya naman binigyan ko pa rin siya ng isang bigwas sa kanyang kanang balikat na siyang ikina-'ouch' niya sa isang mahinang boses.
Pagkapasok naman namin sa loob ng classroom, kita kong andito na rin ang iba naming mga kaklase kaya agad na rin kaming napaupo sa aming mga upuan.
"Pansin niyong wala pa tayong parang class officials dito sa section natin?" rinig naming nagsalita 'yung maarte naming kaklase na kasalukuyan namang nakasandal sa balikat ng kanyang katabi.
"Paano naman tayo magkaka-class officials eh sampu lang tayong andito?" pamimilosopo naman ni Mitch sa kanya kaya sinamaan naman no'ng huli ang katabi ko.
"Go to hell." sagot naman niya.
Lihim naman akong natawa. Minsan may maganda ring naidudulot ang pagiging pilosopo niya eh.
"Good morning class."
Nagsi-ayos na ang lahat sa pagdating ng aming class adviser na si Mr. Cruz bitbit ang kanyang laptop tsaka pinatong ito sa mesa.
"Kahapon, inabisuhan ako ng school director na maghirang ng isang batch leader sa inyong batch kagaya ng ginagawa namin every year. Ang batch leader ay responsable sa pamumuno, pagtulong, at paggabay sa kanyang mga kaklase tungo sa paghasa nila sa kani-kanilang mga property. At ang direktor mismo ang pipili kung sino sa kanyang tingin ang karapat-dapat na maging batch leader ninyo."
Oh, saktong-sakto 'yun 'yung pinuputak no'ng maarte naming kaklase kanina. Napasulyap naman ako sa iba kong mga kaklase at mukhang nagagalak sila sa kanilang mga narinig.
"Bago muna tayo magpatuloy sa ating discussion, hahayaan ko muna kayong mag-nominate kung sino ang sa tingin niyong karapat-dapat na maging batch leader. Afterwards, ipapasa ko ang mga iminungkahi ninyo sa ating school director." pagpapatuloy ni Mr. Cruz.
Nagpagala-gala ang kanyang tingin sa buong klase at matyagang naghintay kung sino ang unang magtataas ng kanyang kamay. Eventually, his gaze landed sa taong nakaupo sa kabilang dulo sa may second row.
"I nominate myself."
Siyempre, sino pa ba ang may guts na magsasabi niyan kundi iyong egotistic jerk kong kaklase na si Warren.
A smirk curved up on Mr. Cruz' lips. "Very well. May iba pa bang may magno-nominate?"
Kita kong napataas ng kamay 'yung Sasha.
"I nominate my one and only love Dwayne." ani nito. Natawa naman saglit ang aming adviser sa sinabi ni Sasha pero kinalaunan ay umayos na rin ito ng tayo.
"Who else would like to nominate?"Natahimik naman ang buong klase. "No one?"
I was about to raise my hand para sana i-nominate si Kylie, since sa tingin ko naman ay bagay sa kanya ang pagiging batch leader namin pero may naunang magsalita kesa sa'kin.
"I'd like to nominate Cedric."
Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa may unahan na may pagtataka at pagkagulat sa'king mga mata. Bakit niya naman kaya ako ino-nominate?
"Yes, I'd like to nominate Cedric as well." pagsang-ayon din ni Kylie sa suggestion no'ng Elise.
Bahagyang nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa aming class adviser.
"A-ayoko! H-Hindi ako karapat-dapat na maging batch leader!" nauutal ko pang pagtutol kasabay ng pagtayo ko ng 'di oras mula sa'king kinauupuan kaya naman napatingin silang lahat sa'kin.
"Yeah, he's right. How can a guy like him, na hindi nga alam kung ano ang kanyang property, can be a batch leader of our class?" There goes the egotistic jerk again with his insulting remark.
"Sorry to say but I'll include Cedric as a potential candidate to be a batch leader. Nasa sa school director pa rin naman kung sino ang kanyang pipiliin." pahayag ni Mr. Cruz.
Napabuntung-hininga na lamang ako tsaka muling naupo sa aking upuan. Bakit ba ako biglang nasali sa usaping batch leader na ito? Geez.
"I'm sure it wouldn't take long for the director to decide kung sino ang kanyang pipilin. I've got the upper hand here." mayabang na pagkakasabi no'ng Warren.
Everyone chose to ignore Warren and Mr. Cruz then decides to proceed with our topic for today. Pero kung may isang bagay man na sinabing tama itong mayabang naming kaklase, 'yun ay ang katotohanang hindi mahihirapan ang school director sa pagpili kung sino ang kanyang pipiliing maging batch leader.
Dahil ekis na agad ako sa mga qualities na kailangan para maging gano'n.
***
Later that day, kakatapos lang ng aming last period for today sa'king regular classes kaya naglalakad na ako ngayon papunta sa aking school dorm. Pasipol-sipol pa akong naglalakad ng biglang mahagip ng aking mga mata ang pamilyar na petite na figure ng kaklase ko sa Alpha Section na siyang nagnominate sa'kin kanina.
"Hi. Elise, right?" pagsalubong ko rito. Kita ko namang napaangat ang kanyang tingin sa'kin pero tiningnan niya ako ng walang bahid ng anumang emosyon sa kanyang mukha.
"Ano'ng kailangan mo?" diretsahan niyang sabi sa'kin. Galit ba siya sa'kin or what? Wala naman akong ginawa sa kanyang masama ah.
"Well, gusto ko lang sanang magtanong sa iyo kung bakit bigla mo akong ni-nominate na maging batch leader ng Alpha Section?" curiuos kong tanong.
Hindi niya muna ako sinagot bagkus ay natahimik ang aking kausap ng mga ilang sandali. Ako naman dito ay nag-iisip kung babawiin ko ba ang aking katanungan at magpatuloy na lang sa paglalakad or maghihintay dito hanggang sa magsalita na siya--
"Dahil kinakikitaan kita ng potential na maging isang batch leader." Finally sumagot na rin siya.
Contrary to what she says, first of all... bulag siya. And second thing is hindi kami close. So how come nasasabi niya ang lahat ng ito sa'kin?
"Kung 'yun lang ang gusto mong malaman sa'kin, tutuloy na ako."
Hindi niya man lang hinintay na makasagot ako at basta-basta na lang siyang naglakad sa kabilang direksyon. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi diyan ang papunta sa dormitory building para sa Alpha Students.
"Sandali."
Agad naman siyang tumigil sa paglalakad at inabot pa ng mga ilang segundo bago siya ulit lumingon sa aking direksyon.
"Tungkol sa sinabi mo noon do'n sa clinic no'ng nakaraang araw..." Inayos ko muna ang pagkakasuot sa'king salamin bago magpatuloy. "... totoo ba ang lahat ng 'yun? Totoo bang may nakatago akong property?"
Ngayon ko lang siya nakausap ng ganito kaya might as well na tanungin ko na rin siya tungkol sa sinabi niya sa'kin noong isang araw do'n sa clinic, na hindi ko nagawa no'ng mga oras na iyon dahil sa pagkainis.
"Hindi ako kailanman nagkamali sa mga nararamdaman ko sa'king paligid." pagsagot naman niya.
"Kung gano'n... alam mo rin ba kung ano ang property ko?"
"Hindi." she instantly replied in a flat tone.
Ay, akala ko pa naman kung may alam talaga siya tungkol doon.
"Huwag ako ang tanungin mo. That's for you to find out." And with that ay walang-imik niya na akong iniwan dito at nauna nang maglakad.
Tulala pa rin ako habang nakamasid sa kanyang pigura na unti-unti ng lumalayo mula sa'kin.
She's really one heck of a mysterious kind of girl...