Chereads / Alpha Section (Tagalog) / Chapter 15 - Knight In Shining Uniform

Chapter 15 - Knight In Shining Uniform

Sasha's POV

Enough na sa mga boring na kwento tungkol sa isang loser na hindi man lang malaman ang kanyang powers, or tungkol sa mga lousy na babae na may mga boring na kakayahan. Kung ika'y nakaabot hanggang sa chapter na ito, then you are at the right place. *winks*

Okay, let's start...

First of all, I'm Sasha Vasquez, the most popular girl all throughout Eastwood High. Akalain niyo nga namang freshman student pa lang ako, yet nasa listahan na agad ako ng Most Hot Female Students In Eastwood High according sa school publication ng eskwelahan namin which is known as Eastwood Legacy.

Ni hindi ko nga kailangang gamitin ang property ko para lang mapasama diyan eh. As what I have mentioned before, natural na akong maganda.

From Alpha Section's Dormitory Building, napilitan akong maglakad papunta sa Student Learning Building kung saan nakalagay ang classroom ng Alpha Section sa pang-apat na palapag. Wala pa nga akong ginagawa ay tinginan na agad sa akin ang mga boys at nakasunod ang mga tingin nila habang pakembot kembot akong naglalakad.

One perk of being an Alpha Section is that you can choose any hairstyles you want, how many earrings you want to wear, and can place makeup on your face nang hindi nasisita ng matandang bruhang si Ms. Reyes. So I'm looking extra gorgeous today with my brunette-colored hair na pinakulayan ko lang, natural-looking makeup all thanks to my Maybelline makeup set, and to my sassy nail art all done by yours truly.

Nasa hallway na ako ng building at paakyat na ako sa pang-apat na palapag ng makita kong andaming tao yata na nakaharang sa'king daraanan. All these stupid beings blocking my way!

Well, hindi na ako masyadong mangroblema para diyan at baka magka-pimples ako ng 'di oras. With just a snap of my finger, my pheromone poperty was instantly activated. All of them stopped whatever they are doing and suddenly looked at me.

"Could you please move a bit? Nakaharang kayo sa daraanan ko eh." mataray kong sabi. Oo na, mataray na kung mataray but who cares anyway?

As expected, ginawa naman nila ang gusto ko. Sa isang iglap lang, agad silang bumuo ng dalawang magkahiwalay na linya, leaving a space in between for me to walk. I bat my heavy curly, heavy lashes at them and gave them my sweetest smile.

Paakyat na sana ako ng hagdan ng may isang bukod tanging nilalang na may lakas ng loob na tawagin ang napakaganda kong pangalan.

"Sasha!"

Kahit ayoko siyang tingnan ay napilitan na lang akong lingunin siya, you know for my image's sake para hindi naman ako masabihan na snob ng aking dearest fans. Bumungad agad sa'kin ang kaklase ko sa section 1 sa aking regular classes na si Joshua Estefan.

Isa lang naman siya sa mga libu-lbo kong fans dito sa school. Take note naka-off na ngayon ang aking property. Hay naku, perks of being maganda nga naman.

"Hello Ms. Beautiful. Ang ganda na agad ng umaga ko, makita ka lang." nakangiti niyang sabi sabay bigay sa'kin ng isang red rose. Yuck, ano ba namang klaseng pick-up line 'yan. May mas bago pa ba diyan ha?

"Aww, thank you." pa-tweetums kong sambit and bat my lashes at him.

Nagulat naman ako ng makita kong nanakawan niya sana ako ng halik pero agad ko siyang pinigilan.

"Naku, 'wag ka naman masyadong magmadali. May tamang panahon para diyan." sabi ko sabay pigil ng kanyang mukha na lumapit sa'kin gamit ang aking palad., though wala naman talaga akong intensyon na magpahalik sa feeling-pogi na ito. Tsaka, eeww nastuck ang laway niya sa palad ko.

"Bakit naman? Matagal na akong nanliligaw sa iyo ah. Hindi mo pa ba ako sasagutin?" ani naman nito. Huh? Hindi ko naman matandaan kung kailan siya nagsabing liligawan niya ako? Dzuhh gawa-gawa ito ng istorya.

"Hindi ka nagsabi na manliligaw ka remember?" pahayag ko sabay smirk. "Sige diyan ka na. May klase pa akong aatenan."

And with that ay itinuloy ko na ang pag-akyat ng hagdan hanggang sa makarating na ako sa aming classroom.

"What's with that bucket hat? Wala ka bang tiwala sa bubong ng building na ito?" pambungad agad ng numero unong sumisira sa araw ko. Si Eli, you know 'yung isa sa mga kambal. Magkaparehang-magkapareha talaga sila ng ugali no'ng asungot na Mitch na 'yun. Mga mapang-asar! Magsama sila!

"Dzuhh, didn't you heard about the word fashion?" Inemphasis ko pa talaga ang word na fashion para ipaintindi sa kokote ng epal na'to ang ibig sabihin ng look ko ngayon.

"Hahaha! Walang tiwala sa bubong!" pag-i-insist niya pa rin diyan sa korni niyang joke.

"Magsama kayo no'ng Mitch! Bagay kayong pag-untugin." I just rolled my eyes at him at dinedma ko na siya.

Sa lahat ng tao rito, si Eli lang ang bukod tanging may lakas ng loob na ganituhin ako. Paano, parang may sumpa yata sa'kin at isinumpa akong makakasama ko ang epal na ito, kasama ng kanyang kambal na sobrang cool, simula no'ng lumipat ako sa isang elite school for prep kids.

Ever since then, parang may nakadikit na yatang glue sa mga buhay namin at hindi kami pinaghihiwalay hanggang dito ba naman sa Eastwood High at sa Alpha Section! Dumidilim ang aura ko makita lang siya sa araw-araw.

"Good morning Sasha."

All of a sudden, ang gloomy kong aura ay biglang napalitan ng isang maaliwas na background with flower petals and sparkling background effect pagkaupo ng aking ultimate crush sa'king tabi. Buti na lang talaga at umaayon pa rin sa'kin ang tadhana at pinagtabi pa kami ng assigned seats ni Dwayne Gonzales, ang aking crush ever since naging kaklase ko naman siya no'ng grade 3 sa isang exclusive ding school for rich kids like us.

You see, Dwayne here is a child star no'ng childhood niya, but it's his decision to go out of the spotlight and pursue his studies instead. Kahit na gano'n, I still admire him for his brave decision na i-give up ang kanyang career bilang isang artista.

'Uh, Sasha?"

Agad naman akong nabalik sa realidad ng iwinagayway ni Dwayne ang kanyang isang kamay para kunin ulit ang aking atensyon. Hays ito ang mahirap sa'kin eh, umagang-umaga eh agad na akong nagfa-fangirling sa kanya.

"Hi. Good morning." tila kabado ko pa yatang tugon sabay ipit ng tinipon kong buhok sa'king tenga para magmukhang cute sa kanya.

Relax Sasha. Tandaan mo, isa kang dyosa! Maraming nagkakagusto sa'yo kaya hindi rin imposibleng magkakagusto rin siya sa'yo.

"You wanna hang out later after class?" anyaya ko.

"Sorry pero I have a practice with the Orchestra Club eh. Maybe next time na lang." Napabuntung-hininga na lang ako. Parati na lang akong ekis sa kanya sa tuwing nagyayaya akong lumabas.

I don't get him. Maganda naman ako, sexy, pang-modelo ang height, maputi, may charms, and yet hindi naman yata umuubra sa kanya 'yun. Kahit nga gamitin ko pa ang powers ko ay waepek pa rin.

Ang isa sa mga napag-alaman kong negative effect ng powers ko is that, kung ang taong ginagamitan ko nito is may napupusuan ng babae, o may kaparehang property gaya ko, then hindi nga ito tatalab sa kanya.

In other words, waepek ang ganda ko te!

Hindi ko naman yata matanggap na may iba na siyang napupusuan. Sino 'yan ha at nang masampal ko from left to right!

Nasira lang ang sira na naming moment ni Dwayne ng bigla nang pumasok si Mr. Cruz sa loob ng classroom. At sinimulan na namin ang aming klase for today's lesson.

***

Matapos tumunog ang school bell ay nagdismiss na agad si sir at lumabas ng classroom. Tiningnan ko ulit si Dwayne at tinry ko ulit siyang kausapin for the second time.

"Sabay na tayong mag-break Dwayne." patweetums kong anyaya sa kanya. My heart went doki-doki agad nang makita ko siyang ngumiti sa'kin at binigay na niya ang kanyang matamis na oo.

"Sige ba. Wala rin naman akong kasama kumain." pagpayag niya na rin sa wakas.

Maganda na sana ang moment namin no'ng biglang umepal ang Eli na ito.

"Sama rin ako sa inyo ha." pag-epal niya sa napakahalagang moment ko na'to. Palihim ko lang siyang tinitigan ng masama at sinubukan siyang gamitan ng aking powers para bawiin ang kanyang sinabi. Pero sa hindi ko malamang dahilan ay waepek din ang powers ko sa kanya.

"Bleehh." Binehlatan lang ako ng epal na ito ng mapagtanto niyang ginamitan ko siya ng aking powers. Arrgghhh kaasar.

So ang ending nga ay kasama ko sina Eli at Dwayne na magmeryenda sa cafeteria with me in between. Nasa kabilang table naman ang mga loser trio na sina Kylie, Mitch, at ang newbie na si Cedric. Pagkakuha namin ng aming meryenda for today, which is nag-order lang naman kami online via Grab Food, ay agad na kaming nagsalu-salo sa inorder naming pagkain galing Chowking. It's also a perk of being an Alpha Student guys.

"So how's your Cello lessons?"natanong ko

"Good." agad niya namang sagot. Why is he so ilap with me.

I heard Eli barked an insulting laugh pero dinedma ko lang siya.

"Can I come by your practice place after class? Sakto wala naman akong gagawin eh." Sige girl push mo 'yan! Go lang ng go hanggang sa magustuhan ka rin niya.

"Oo naman." YES! Pumayag siya.

"Okay." ngiting-tagumpay na sabi ko. Agad ko namang tiningnan si Eli and made a face sa kanya for a split second. Natawa naman ang loko.

***

So ayun na nga, since pumayag na ang prince charming kong sumama sa kanilang practice ay siyempre super paganda na ako ngayon sa banyo para sa'ming date. Wow, date talaga ha. Huwag na kayong kumontra noh.

Suddenly, bigla na lang akong nakaramdam na para bang may palihim na nagmamasid sa'kin. Pero pinagsawalang-bahala ko na lang. Natural na 'yun for a popular girl like me.

Well, after I'm satisfied with my look today ay saka na ako sumama kay Dwayne papunta sa room ng Orchestra Club.

At kung sinuswerte ka nga naman oh. Mukhang napaaga naman ang dating ni Dwayne rito since kami pa lang dalawa ang naririto eh. Umaayon nga talaga sa'kin ang tadhana, mwahahaha!

"Bakit wala pa ang mga kasama mo rito?" kunyaring nahihiya kong sambit.

"Ah! Usually nauuna talaga tayong magdismiss from the rest of them. Ang iba kasi sa kanila ay nagmula sa ibang section eh." paliwanag niya. Napa-ahh na lang ako.

There was a brief moment of silence, hanggang sa dinampot na niya ang kanyang Cello at naupo ulit sa katabing mono block chair ko. Pagkasimula niyang tugtugin ang Beethoven Cello Sonata No.3 ay agad na akong natulala sa kagandahan ng kanyang tinutugtog.

Gulat kayo may alam ako tungkol sa Cello noh? Siyempre it's part of my fangirling ang pagresearch sa instrument na kanyang hilig na tugtugin.

"That was beautiful." pagpuri ko sa kanya as he finished the song.

"Wanna hear some more?" alok niya.

I was about to respond nang makaramdam ako ng 'pee alert' sa body system ko.

"Oo naman. But first, excuse me 'coz I need to go to the restroom." pagpapaalam ko.

After niyang pumayag ay dali-dali naman akong pumunta sa alam kong pinaka-malapit na women's room dito. So ayun, hindi ko na kailangan idetalye sa inyo ang mga pinaggagawa ko sa loob basta pagkatapos kong magflush ay nagpunta agad ako sa counter para maghugas ng aking mga kamay.

While washing my hands ay nakarinig ako ng may kalakasang pagsara ng pintouan ng restroom. Okay, that's weird since ako lang naman ang nag-iisang tao sa malapad na restrooom na ito. Mas lalo lang akong kinabahan ng marinig ko ang paglock ng nasabing pinto.

Agad akong lumingon at dahan-dahan na naglakad papunta sa pinto, only to be grabbed by someone from behind. Both his strong arms impaled me from moving at mabilis niya lang akong na-i-pindown sa pader.

Nang magtama ang aming tingin ay agad ko namang nakilala ang nilalang na ito! It's that guy kanina sa ground floor! 'Yung nagbigay sa'kin ng rose kanina. How dare him!

I can't activate my powers right now since my hands are pinned above me using his right hand, holding it very tight.

"You!" I said, my eyes slightly widened at the sight. 'You' lang nasabi ko since hindi ko naman talaga alam ang pangalan ng hinayupak na'to.

"Oh yes, it's me." ani naman nito sabay smirk sa harapan ko.

Sinimulan na niya ang kanyang planong pang-mo-molestya sa'kin as he starts to plant wet kisses on my neck. Since malaya naman ang paa ko ay sinipa ko ito sa kanyang bayag na siyang ikinahiyaw niya sa sobrang sakit ng pagkakasipa ko do'n.

Saglit akong nakawala sa kanya kaya may tyansa na akong makawala sa baboy na ito. Kaso hindi pa ako nakakalayo sa hayup na ito nang sunggaban niya naman ang aking kanang palapulsuhan and again naisandal na naman niya ako dingding at lalong dinidikit ang kanyang katawan sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang kanyang ano... ang kanyang... basta ang kanyang ano na tila biglang nabuhay. Alam niyo 'yan since mga green-minded din kayong nagbabasa nito! Yuck, kadiri! That is so gross!

"Baka mabaog naman ako niyan, baby girl." naglalambing niyang sabi .

"Yuck! Baby girl ka dyan! Let go of me!" Sinubukan ko ulit magpumiglas pero I was so shocked to feel a sharp pointed metal beneath the skin of my neck. Napalunok na naman ako ng 'di oras.

Pagkatingin ko rito'y may baon palang kutsilyo ang hinayupak na ito.

"Subukan mo ulit gumalaw, o sipain ako, baka masira 'yang ganda mo. Sige ka." pagbabanta nito.

I can't help but cry as he starts again to plant wet kisses on my neck with his other free hand caressing the twin globe on my chest. Walang hirap niya namang pinunit ang aking uniporme at inilagay lang iyon sa sahig at sinimulan akong halik-halikan sa bandang dibdib ko.

Nararamdaman ko ring pababa ng pababa ang kanyang kamay... at imbes na mga ungol ay mga paghikbi ang tanging maririnig sa'kin ngayon.

Please... someone save me from my losing my v-card!

*BOOGSH!*

Tila dininig naman ng Dyos ang aking panalangin ng pareho kaming makarinig ng isang malakas na tunog, na para bang may sumira ng pinto. Do'n lang tumigil sa pagmomolestya ang hayup na rapist na ito sa'kin at napalingon sa nilalang na gumawa ng naturang ingay.

Surely, nakita na lang naming tila lumipad ang pinto mga ilang pulgada ang layo mula sa kanyang pinaglalagyan at isang matangkad na pigura ang bumungad sa'min.

It was none other than Dwayne himself!

Waaahhh! I knew that he would save me!

"Layuan mo siya." ma-awtoridad na sabi ni Dwayne as he glares at the rapist.

"Eh kung ayaw ko, may magagawa ka ba ha?!" Nagulat naman ako ng bigla akong sinunggaban no'ng rapist mula sa likod at itinutok ang dulo ng kutsilyo sa leeg ko.

Kyaaaahh please, I can't die like this! Hindi pa nagiging kami ni Dwayne! Hindi pa kami ikinakasal! Hindi pa kami nagkaka-limang anak! Most importantly, I can't die like this, half-naked sa kanyang harapan hello!

Nakita ko lang na nagsmirk itong Knight In Shining Uniform ko at kinalaunan ay itinaas niya lang ang isa niyang hintuturo at itinutok ito sa direksyon ng rapist. Later on, nakita ko nang lumulutang na ang rapist palayo sa'kin.

Upon seeing his situation ay naibaba ng 'di oras ng rapist ang kanyang kutsilyo, creating a metallic sound sa kanyang pagkahulog sa tiled-floor ng restroom. Napaharap ako rito at kita ko ang takot sa mga mata nito.

"Isa kang maligno! Maligno ka! Ibaba mo ako rito!" pagde-demanda niya sabay pagpupumiglas.

"Kung ako maligno, ikaw naman isa kang hayop!" nanggagalaiting tugon ni Dwayne at mas lalo lang siyang iniangat at ibinunggo sa kisame.

"Wait Dwayne, let me slap this asshole!" pakiusap ko na willing niya naman niyang ginawa.

Pagkababa niya sa hayop na ito ay sinalubong ko agad siya ng isang malutong na sampal sa kaliwa niyang pisngi.

"That is for trying to steal my v-card!" sabi ko. Then agad ko rin siyang sinampal sa isa niya pang pisngi.

"And that is for attempting to kill me!" pagalit kong sambit. Hindi pa ako nakuntento at sinipa ko pa siya muli sa kanyang bayag na ikinasama ng kanyang pangit na pagmumukha.

"And that... wala lang. Sana nga mabaog ka!" nanggagalaiti kong sambit. Narinig ko namang natawa itong si Dwayne.

Makalipas ang ilang segundo, matapos siyang hambalusin ni Dwayne sa mga pader ay nawalan ng malay ang rapist na ito. Iniwan siyang walang malay ni Dwayne sa sahig at nagyaya na siyang umalis na rito.

"Wait." sabi niya sabay pigil sa'kin na lumabas. Kumunot naman ang noo ko.

Kita kong tinanggal niya ang kanyang polo at itinakip ito sa naka-expose kong dibdib. Oo nga pala muntik ko nang makalimutan na I'm half naked in front of him. Gosh!

"Buti na lang at hindi ako nahuli ng dating. I can't forgive myself if something happened to you." sabi niya ulit, this time his pair of almond round shape chestnut-colored eyes are now fixed on mine.

"Huh? So does that mean may gusto ka sa'kin?" diretsahan ko nang tanong. Ano ba, wala nang hiya-hiya rito noh! Moment ko na ito!

"Well, you can say that. Yes may gusto ako sa'yo, ever since elementary pa tayo." nakangiti niya namang sambit.

I squealed in joy na parang bata at agad siyang niyakap ng kayhigpit pagkarinig ko no'n mula sa kanya. Kung dati ay sa panaginip ko lang iyon naririnig, ngayon alam kong reality na ito.

Later on, inihatid na ako ni Dwayne sa aking dorm room at nag-alok na siya na ang magre-report ng insidente sa school faculty. Pag-expel sa school ang agad na pinataw na parusa para sa rapist na iyon na siyang ikinahinga ko ng maluwag. At least magiging safe na ako at ang aking v-card.

Thanks again to my Knight In Shining Uniform...

***

Third Person's POV

"Bago ka umalis ng eskwelahan, gusto kong kalimutan mo kung ano man ang nasaksihan mo no'ng sandaling iyon."

With a snap of his fingers, tila nabuhay sa isang panibagong mundo ang naturang estudyante. Bakas ang pagtataka sa mukha nito habang iginala-gala niya ang kanyang tingin sa buong paligid.

"May naalala ka bang kahit na ano do'n sa insidente sa girl's restroom?" tanong ng kaharap nitong persona.

"Bukod sa pagtatangka ko kay Sasha, wala na akong matandaan." napakamot naman sa kanyang batok ang estudyanteng ito. Ipinagtataka niya kasi kung ano bang gustong marinig ng personang ito mula sa kanya.

Isang smirk ang umukit sa gilid ng mga labi ng kanyang kaharap na persona.

"Good."

.

.

.

.

(PLEASE READ THE AUTHOR'S NOTE BELOW. THANKS. MWAH. :-* )