Chereads / Alpha Section (Tagalog) / Chapter 13 - Torn Pages (Part Three)

Chapter 13 - Torn Pages (Part Three)

Third Person's POV

Kasalukuyang nagpapatrolya ang guard sa bawat palapag ng Engineering department building, katapat lang sa building ng Science and Technology department para itsek kung may mga nagkalat pa bang mga estudyante ng may makasalubong siya sa daan. Hawak ang kanyang flashlight ay naglalakad siya sa kahabaan ng hallway na ito.

"Kuya guard, hindi ka pa ba magpapahinga?" tanong ng nakasalubong niyang lalaki, na parang pamilyar sa kanya pero nakalimutan niya lang ang kanyang pangalan.

"Ah sir, ikaw pala.." saad nito though hindi niya pa rin alam kung sino itong kinakausap niya. "Pabalik na nga ako sa'king station, ito na lang 'yung hindi ko pa natsetsek."

"Ah gano'n ba? Tamang-tama pababa na rin ako. Sabay na lang ako sa'yo." ani nito.

Hindi naman nag-alangan si kuya guard at hinayaan niya lang ang guro na ito para sabayan siya sa kanyang pagbaba sa naturang building, subalit no'ng nakababa na sila ng tuluyan mula rito ay biglang napahinto sa paglalakad ang kasama niya at napagawi ang kanyang tingin sa katapat na building.

"Sir? May problema ba?" nagtatakang tanong nito sa kasama.

"Ah wala. Sige kuya, mauna ka na lang po muna. May nakalimutan pala akong puntahan." tugon naman ng naturang guro.

Kahit nagtataka man ay nagkibit-balikat na lang itong si kuya guard at hinayaan ang guro sa gusto nitong gawin. Nagtuloy na siya sa kanyang pagbaba habang ang guro na ito ay napatingin sa direksyon ng building, habang naglalakad kasi ito kanina ay bigla siyang kinutuban ng kakaiba, ... na para bang may nagsasabi sa kanya na may mga tao pa sa isa sa mga rooms nito.

Lalung-lao na sa Science Lab.

Nagdalawang-isip pa siya no'ng una kung titingnan niya ito or hindi, baka kasi guni-guni niya lamang ito. Pero wala namang masama na itsek ang buong lugar. Kaya dali-dali na siyang nagtungo sa building. Pagkaakyat niya sa ikalawang palapag ay agad niyang naisipang puntahan ang Science Lab.

Pagkarating niya rito ay nakita niya namang walang tao sa bandang hallway katapat nito. Tsinek niya rin ang doorknob at nakita niyang naka-lock naman. Tatalikod na sana ito ng kinutuban ulit siya kaya muli itong napalingon at napagdesisyunang buksan ang nasabing kwarto.

Bitbit ang susi ng room na ito, since may access siya sa mga rooms as an admin of the school, ay isinuksok niya na ito sa keyhole ng pinto. Pagkarinig niya ng tunog sa kabilang bahagi ng pinto ay pinihit niya na ang doorknob at nagmadaling pumasok sa loob.

*Click clack...click clack*

Tanging ang mga yabag ng kanyang leather shoes lang ang umalingawngaw sa apat na sulok ng laboratory. Iginala niya ang kanyang tingin sa buong paligid, at ng nakitang nasa gano'ng ayos pa rin ang lahat ng bagay rito ay napabuntung-hininga siya.

"Maaari ngang guni-guni ko lamang iyon." ani nito sa kanyang sarili.

Bago siya lumabas ng lab ay biglang napagawi ang kanyang tingin sa malaking cabinet na nakadisplay sa pinakadulong sulok ng lab sa may kaliwa. Pinanliitan niya ito ng tingin at dahan-dahan siyang humakbang papunta roon.

Ilang hakbang na lang sana at mararating na niya ang kinaroroonan no'n ng biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya nalipat ang kanyang atensyon dito. Tumigil siya sa kanyang paglalakad at kinuha ang kanyang phone na nasa bulsa ng kanyang kulay itim na slacks.

"Hello? Yes director...Opo, parating na ako diyan... May inasikaso lang ako saglit.... Sige, sige I'll be there in five minutes." Pagkatapos ng huling statement ay ibinaba na niya ang kanyang phone at ibinalik ito ulit sa kanyang bulsa.

Tinalikuran na niya ang nasabing cabinet at nagmadaling lumabas ng naturang laboratory dahil pinagmamadali na siya ng school director sa opisina nito. Inilock niyang muli ang pinto ng lab bago na siya tuluyang umalis.

At the back of his head, nasabi niya sa kanyang isipan na iyon ang muling pagkakataon na nakaapak siya sa loob... makalipas ang dalawampung taon.

***

Kylie's POV

Nakahinga naman agad kami ng kasama kong si Cedric ng matagal ng marinig naming umalis ang nagmamay-ari ng malalakas na yabag na iyon kanina. Para kaming nabunutan ng tinik sa dibdib sa kanyang pag-alis.

But that deep, raspy voice...

Hindi ako pwedeng magkamali. Pagmamay-ari iyon ng aming adviser na si Mr. Cruz.

"Hindi ba si Mr. Cruz iyon? Ano naman kayang ginagawa no'n dito?" pagkilala rin ni Cedric sa naturang boses. Sabi na nga ba eh totoo ang hinala ko.

"I don't know. Maybe, nagtsetsek ng mga pasaway na estudyanteng gaya natin?" nakangiti kong sabi.

Sa buong buhay ko ay never pa akong sumuway sa rules ng school. Ngayon lang talaga. At sobrang thrilling pala sa pakiramdam!

Anyway, since umalis na nga si Mr. Cruz ay muli na kaming tumayo ni Cedric mula sa'ming kinauupuan sa likurang bahagi ng malaking cabinet na ito at sinimulan ko na ulit ang paglilibut-libot sa buong laboratory.

Infairness ha ang lapad ng school laboratory. Parang equivalent din siya ng pinagsamang tatlong classrooms

Una ay lumapit muna kami sa isang parte na kung saan nakapwesto ang mga tables na ginagamit ng mga estudyante sa kanilang experiments, pero wala kaming nakuhang clues doon.

"Ano pala ang ginagawa natin dito?" rinig kong tanong ng kasama ko as we moved sa pinaglalagyan ng mga gamit sa pag-e-eksperiment.

"Hindi ko nga rin alam eh." sagot ko, saglit na napahinto sa paglalakad at hinarap siya. "Basta sinusundan ko lang kung saan pumupunta ang nagmamay-ari ng glasses na ito."

Agad ko na rin siyang tinalikuran at sinubukan ulit mangalap ng clues. "Baka may makikita tayong clues dito, I think?"

Naalala ko bigla ang sinabi sa'kin ni Mr. Cruz kanina sa clinic bago ako madischarge. No'ng tinanong ko siya kung ano'ng nangyari sa dalawang nawawalang batchmates niya sa yearbook. ang sagot niya ay pareho silang nagdecide na mag-quit sa Alpha Section at mamuhay ng normal.

Pero personally, hindi ko pinaniwalaan iyon. Mahirap paniwalaan na ang isang taong biniyayaan ng isang kakaibang kakayahan gaya namin, ay basta-basta na lang magki-quit sa section na'to.

Lumipas na ang ilang minuto pero wala pa rin kaming nakakalap na clues. Napatingin ako saglit sa'king wristwatch at nakitang mag-a-alas dyes na rin ng gabi. Naupo kami saglit ni Cedric sa mga upuan ng laboratory at maya-maya pa'y narinig kong napahikab na ang aking kasama na nakaupo sa gilid ko.

"Antok ka na? Mahinang nilalang." pang-aasar ko rito. Tinaasan niya lang ako ng isa niyang kilay.

"Ako? Antok? Hindi ah!" pagdedeny niya pa. Natawa na lang ako. Deny-deny pa kahit halata naman sa kanya na inaantok na siya. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya, as well as kay Mitch, kaya madali ko itong nakasundo eh.

Nginitian ko siya. "Salamat pala ha. Sinamahan mo ako rito."

"Ano ka ba, wala 'yun. Gusto kong sabay nating masolve ang kaso na ito." nakangiti niya ring sabi.

Saglit kaming nagngitian sa isa't-isa ngunit hindi rin nagtagal iyon dahil sa may naaninag akong pumasok sa may pinto ng laboratory, isang teenager na lalaki na nasa kanyang uniporme at kasama ang mga hindi ko kilalang mga persona ang nagsipasok sa loob.

Huminto sila sa'ming kinaroroonan at masamang nakatingin sa'min

"Cedric! May mga nakapasok-" Muli akong napatingin dito kay Cedric, pero agad din akong natigil sa pagsasalita at napaawang na lamang ang aking bibig ng hindi na si Cedric ang nakikita ko ngayon...

"Jay?" nagtatakang tanong ko.

Muli na naman akong nakaramdam ng matinding pagkahilo kaya bigla akong napahawak sa pinakamalapit na mesa sa kaliwa ko habang palipat-lipat naman ang tingin ko rito sa imahe ni Jay at sa mga kakapasok pa lang na mga persona sa lab.

Sinusubukan kong tingnan ng maigi kung sino iyong teenager na lalaki na pumasok kaso nagsisimula na ring mag-blur ang aking paningin, at napapahawak na ako sa aking ulo dahil patindi na ng patindi ang nararamdaman kong migraine.

"Kylie?! Kylie? A-ayos ka lang ba?"

Nagsisimula nang dumilim ang aking paningin pero pinipilit ko pa ring aninagin ang mga pangyayari sa loob ng lab.

"Kylie, please! Sumagot ka naman!"

Dalawang matatangkad na personang pawang mga naka itim na suits at slacks ang biglang lumapit kay Jay at hinawakan siya sa magkabila niyang balikat. Nagpupumiglas naman ang binata pero masyadong malakas ang dalawang ito na nahihirapan siyang kumawala mula sa malalakas nilang pagkakayapos.

"Ano ba Kylie, nag-aalala na ako!"

Then agaw pansin ang tunog ng heels na pagmamay-ari ng isang babaeng papalapit sa kinaroroonan ni Jay. Nang tuluyan na itong nakalapit ay dahan-dahan niyang kinuha ang hawak-hawak ni Jay sa kanyang kanang kamay.

No'ng sinubukan kong tingnan ng maigi kung ano ito, napag-alaman kong isa pala itong kulay asul na plastic envelope.

"Kylie!"

Nang tuluyan ng makuha ng babae ang nasabing envelope ay muling tumunog ang kanyang heels habang papaalis ito sa eksena. Nalipat ang tingin ko rito sa isang matangkad ding lalaki na nakatayo sa gilid ng teenager at parang may binulong yata rito.

"It's time..."

Then darkness soon began to swallow me after that...

***

Dahan-dahang bumukas ang aking mga mata habang tinitipon ko pa ang aking lakas para magising na ng tuluyan. Puro puti agad ang bumungad sa'kin, at napansin kong maliwanag na sa labas pagtanaw ko sa malalaking bintana sa'king kaliwa. Agad ko namang naramdaman na may nakakabit sa bandang elbow ko. Pagtingin ko sa'king kanan, kinukunan pala ako ng blood pressure ng school nurse kasalukuyan.

Teka, nasa school clinic ba ako ngayon?

"Nurse? A-ano'ng nangyari sa'kin?" mahinang tanong ko sa nurse na nag-aasikaso sa'kin ngayon.

"Ah eh, isinugod ka rito ng iyong adviser kagabi kasama ng iyong kaklase. It seems that you were over-fatigued. Huwag mo masyadong pagurin ang iyong sarili kakaaral iha, mahirap na." sagot nito.

Ha? Na-over fatigue ako?

Pinilit kong alalahanin ang mga pinaggagawa ko kahapon, pero ang weird naman wala akong masyadong maalala bukod sa mga nangyari no'ng umaga at hapon. Then ang huli ko na lang naaalala ay 'yung sinamahan ako ni Cedric papunta sa'king kwarto.

Napasinghap naman ako nang may kabaliwan akong naiisip... W-wala namang nangyari sa'min ni Cedric kagabi, 'di ba?

Kaya ba ako na-over fatigue dahil.... dahil... OMG ayaw kong isipin ang bagay na iyon. Baka nga nagiging hysterical lang ako rito.

Nakarinig naman ako ng tatlong sunud-sunod na katok mula sa pinto at maya-maya pa'y nagbukas na iyon. Iniluwa nito ang lalaking pinag-iisipan ko ng masama rito kani-kanina lang.

"Hello. Napadaan lang ako rito para kamustahin ang kalagayan mo." nakangiti niyang sabi sabay tanggal ng nakasukbit na bag sa kanyang likod at umupo sa bakanteng mono-block chair na nasa kanan ko. Umalis na pala ang nurse after makuha ang aking blood pressure.

"Sabihin mo Cedric..." sabi ko sabay sunggab ng kanyang wrist habang siya nama'y gulat na nakatingin sa'kin sa bigla kong pagsunggab dito. "... may nangyari ba, I mean ano'ng nangyari sa'tin kagabi?"

I mentally facepalmed myself for that very awkward and stupid question. Parang ang mali lang din pakinggan kagaya ng pinag-iisip ko rito.

"Nasa lab tayo kagabi ng bigla kang hinimatay." sabi niya, buti na lang at hindi niya pa rin napi-pickup kung anong mga pinag-iisip ko rito.

"Buhat-buhat kita kagabi papunta sa clinic ng makasalubong ko si Mr. Cruz sa daan. Buti nga pinalampas niya lang iyon at hinayaan niya lang akong makauwi sa'king dorm imbes na patawan ng parusa." natatawang dagdag nito.

Ha? Nasa lab kami kagabi? Akala ko ba nasa labas kami ng kwarto ko?

"So, about nga pala kagabi-" rinig kong sabi ulit ni Cedric. "-sabihin mo sa'kin kung anu-ano 'yung mga nakita mo kagabi."

"Ha?" kunot-noo kong tugon sa binata.

"Wala naman akong... mga nakita kagabi."