Chereads / Alpha Section (Tagalog) / Chapter 11 - Torn Pages (Part One)

Chapter 11 - Torn Pages (Part One)

Cedric's POV

"Nakikita kong... kamukha mo ang isa sa kanila."

Hindi ko namalayang napaawang na ang aking bibig pagkarinig ko sa kanyang sinabi. W-What does that mean?

"A-ano'ng ibig mong sabihin do'n Kylie?" curious kong tanong.

Pero bago pa niya masagot ang tanong ko, napansin ko na biglang nanginig ang buong katawan niya kaya bigla kaming nagpanic ni Mitch.

"Kylie!" sabay naming sambit ni Mitch. At makalipas lang ang ilang segundo, nawalan na ng malay ang aming kasama.

Dali-dali ko namang binuhat si Kylie sa'king mga braso at mabilis namin siyang isinugod ni Mitch sa school clinic.

Makalipas lang ang ilang segundong paglalakad ay narating na rin namin ang nasabing clinic at dali-dali kong inihiga si Kylie sa isa sa mga kama. Si Mitch naman ang tumawag sa school nurse para asikasuhin ang aming kasama.

Nakatayo lang kami ni Mitch sa gilid habang pinapanuod namin ang nurse na kunan si Kylie ng kanyang blood pressure. Makalipas lang ang ilang sandaling paghihintay ay humarap na ito sa'min with a worried look on her face.

"Biglaang tumaas ang blood pressure ng inyong kasama, marahil ay dulot ng matinding stress. Pero since kumalma na siya ay agad din itong bumaba at bumalik na sa normal. Just make sute to not sress her out, okay?" payo no'ng nurse.

"Opo." sabay naming sagot ni Mitch.

Pagkaalis ng nurse ay agad na kaming lumapit kay Kylie, na ngayo'y gising na pala sa kanyang kinahihigaan.

"Kylie! Ayos na ba ang kalagayan mo ngayon?" nag-aalalang tanong ko. Tumingin siya sa'kin at ginawaran ako ng isang ngiti.

"Ayos lang ako Cedric. This normally happens everytime na ginagamit ko ang aking kakayahan." mahina niyang sambit. Agad naman akong nabahala sa kanyang sinabi.

"So that means maaaring kada property na meron tayo ay may kaakibat na side effects?" kunot-noo namang tanong ni Mitch.

"Posible. Though hindi ko alam sa iba, pero sa'kin meron talagang kaakibat na side effect." pagsagot naman ni Kylie.

Napaisip naman ako do'n. Kung sakali mang may kakayahan ako, nakakabahala naman kung mayroon iyong kaakibat na side effects.

Maya-maya pa'y narinig naming lahat ang pagtunog ng school bell, hudyat na patapos na ang aming two-hour break at kailangan na naming dumalo sa'ming regular classes.

"Dude, kailangam na nating pumasok, although gusto ko sana ngayong magbulakbol." turan ni Mitch. I quickly looked at him in disbelief. Totoo bang nakikipag-usap ako ngayon sa top 1 ng section 1?

From Mitch ay nalipat ang tingin ko rito kay Kylie.

"Sige Kylie, tutuloy na kami sa'ming klase. Pasensiya na kung napagamit ka ng iyong kakayahan ng 'di oras." pagpapaalam ko at paghingi ko na rin ng paumanhin sa kanya.

Gustung-gusto ko talaga siyang tanungin ngayon tungkol do'n sa kanyang nakita kanina pero I know now's the right time.

"Ayos lang 'yon. Sige na, magmadali na kayong pumasok at baka mahuli pa kayo sa inyong mga kaklase." sabi naman ni Kylie.

Matapos ng saglit naming pag-uusap ay tinalikuran na namin siya at nagtungo sa may pinto. Subalit bago pa man maabot ni Mitch ang doorknob ay kusa namang bumukas ang naturang pintuan at pumasok mula rito ang aming adviser na si Mr. Cruz.

Medyo nagulat pa ako nang makita ko siya rito.

"I heard what happened to your friend kaya naparito ako para itsek ang kanyang kalagaya. After all, I am your adviser." Mr. Cruz immediately explained bago pa kami makapagtanong kung ano'ng ginagawa niya rito.

Of course. Adviser duties.

"Oh opo. Ayos na po ang kanyang kalagayan ngayon." pagre-reassure ko sa kanya. "Well sir if you don't mind, tutuloy na kami sa'ming classes."

Our adviser just gave us a quick nod as a dismissal before he proceeds to where Kylie is.

Bago pa ako tuluyang lumabas, I glanced over my shoulder at saglit na pinanuod sina Mr. Cruz at Kylie na mag-usap.

Posibleng may alam ang aming adviser tungkol sa dalawang nawawalang estudyante sa yearbook...

***

"Nasaan ang iyong takdang-aralin, Mr. Magbanua?"

Nakatulala kong tiningnan ang aming Filipino teacher na si Mr. Ramos habang kinokolek niya kasalukuyan ang pinagawa niya sa'ming takdang-aralin, na nakalimutan ko palang gawin kagabi.

Sa lahat ba naman ng nangyari sa'kin kahapon, makakagawa pa ba ako ng isang takdang-aralin?

"Ah eh..." Agad kong kinuha ang aking backpack at nagkunwaring hanapin ang aking assignment notebook.

"Sorry po pero sa tingin ko'y naiwan ko sa dorm ang aking takdang-aralin, alam niyo na medyo nag-a-adjust pa ako sa bago kong section." Tumigil na ako sa pagkukunwaring paghahanap ng aking assignment notebook and gave my teacher a nervous smile.

"Pero ipapasa ko po iyon sa'yo as soon as makuha ko na iyon don't worry." dagdag ko pa.

Kita ko namang saglit siyang napatingin sa badge na naka-pin sa kaliwang parte ng aking dibdib. Matapos no'n ay kita ko siyang napangiti at mahinang tinapik ang aking balikat.

"Of course, alam kong nag-aaral ka ng mabuti sa Alpha Section. Bweno, ipagpatuloy mo lang pagiging masipag at bibigyan kita ng extension para sa iyong takdang-aralin." Nakahinga naman ako ng maluwag pagkarinig ko iyon mula sa'ming guro.

"Thank you sir." ngiting-tagumpay kong sambit.

Pagkalagpas ni Mr. Ramos sa'king desk ay narinig kong pinagpapalo niya ang mga kasunod na desk sa akin.

Phew... I never knew na magagamit ko ang pagiging Alpha Student ko as an excuse. Sorry na agad.

*Bzztt... Bzztt*

Naramdaman ko ang pagvibrate ng aking phone sa loob ng aking backpack. Nang lingunin ko ang aking guro at no'ng kita kong abala pa ito sa pangongolek ng takdang-aralin ay pasimple kong nilabas mula sa'king bag ang aking phone at nilagay ito sa ilalim ng aking desk. I turned it on and and was immediately surprised to get a private messsage from Kylie on messenger.

"Meet me in the cafeteria after classes." sabi nito sa kanyang mensahe.

A smile immediately appeared on the corner of my lips. Kagaya ko, malamang naku-curious din itong si Kylie kung ano ba ang nangyari sa dalawang estudyante na iyon.

With my teacher still busy collecting assignments, I quickly tap my reply sa'king GO-Keyboard.

"Noted."

***

Pagka-dismiss sa'min mga bandang 5:30pm, agad na akong nagpunta sa school cafeteria. Pakanta-kanta pa akong naglalakad patungong cafeteria ng biglang mag-iba ang atmosphere sa pagtatagpo naming muli ni Andrew.

Tila nagslow-mo ang lahat as he gives me his sharpest look habang naglalakad ito palagpas sa'kin sa kabilang direksyon. Walang imik din akong tumingin sa kanya.

I guess galit pa rin siya sa'kin huh?

Matapos ang saglit naming pagtatagpong iyon ay mas binilisan ko na lang ang paglalakad para maiwasan ang kanyang mga matatalim na titig. Nagpatuloy na lang din ako sa pag-hum habang nilalakbay ko ang hallway patungo sa cafeteria.

"Oh. Andito ka na pala. Kanina ka pa andito?"

Bahagya pa akonh nagulat nang makita ko na rito si Kylie sa cafeteria at mag-isang nakaupo sa isa sa mga upuan dito.

"Kanina pa ako nadischarge sa clinic kaya umattend na rin ako sa'king last period. Pero maaga rin kaming dinismiss." sagot niya. Pansin ko namang hindi niya kasama si Mitch ngayon kaya kumunot ang noo ko.

"Asa'n pala si Mitch?" curious kong tanong.

"Hindi raw siya makakasama sa'tin ngayon. Maaga nga iyong naexcuse sa klase kanina dahil daw sa na-LBM siya." natatawa niya namang pahayag kaya natawa na rin ako.

"So I guess tayong dalawa lang ngayon ang magkasama. Bakit mo nga pala gustong makipagkita?" Naupo na rin ako sa kanyang tabi as I asked the question, though may konting idea na ako kung bakit.

"Well, I was able to talk to Mr. Cruz kanina sa clinic about those missing students na napuna natin sa yearbook." panimula niya. That immediately sparked my attention.

Kating-kati na talaga akong magtanong tungkol do'n sa estudyanteng sabi niyang kamukha ko pero kinalma ko lang ang aking sarili. Alam kong darating din tayo diyan so huwag tayong atat.

"And surprisingly, binigay niya sa'kin ang isang kahon na nasa kwarto ko ngayon. Naglalaman iyon ng mga gamit na pagmamay-ari ni Jay Abella, iyong sabi kong kamukha mo... or kahawig mo ng mukha rather." saad nito.

I think ito na 'yung cue ko para magtanong about sa kanya.

"So about nga pala ro'n, paano mo naman nasabing kamukha ko siya? May kakambal ako sa taong 2000? Gano'n?" pabiro kong tanong. Dahil do'n ay umani ako ng isang 'di gaanong kalakasang hampas sa'king braso.

"Baliw! Hindi 'yun. You both have similar features on your face kasi, which makes me think that..." she paused for a sec and stared at me. "... he's somehow related to you."

Natigilan naman ako sa kanyang sinabi. Wow, I never knew may isang relative akong naunang mag-aral dito sa Eastwood High, at Alpha Section din!

Maya-maya pa'y tumayo na itong kasama ko at tumingin ulit sa'kin.

"Tara Cedric... " ani nito sabay ngiti.

"... let's do some reminiscing tonight."