Cedric's POV
Makalipas ng ilang oras naming paglalakad ni Kylie, narating na rin namin ang dormitory building that's only exclusive for Alpha Students. Nasa first floor ang kwarto ng mga babae, habang nasa pangalawang palapag naman ang kwarto ng mga lalaki.
Since sabi niya ay nasa kanyang kwarto ang kahon na binigay ni Mr. Cruz, kailangan muna naming dumaan doon para subukang lutasin ang misteryo sa likod ng dalawang estudyanteng nawawala sa yearbook.
"Andito na tayo." rinig kong sabi ni Kylie no'ng narating na namin ang kanyang kwarto. Sa pinto nakalagay ang mga numerong 06 in gold plates also, at sa ilalim nito ay nakaprint ang kanyang buong pangalan.
"Ah eh, maghihintay na lang ako rito sa labas-" suhestyon ko kasi naman nakakailang pumasok sa kwarto ng taong hindi mo kaclose, not to mention babae pa siya. Pero nagulat na lang ako no'ng hinila niya ang aking kamay at iginiyak papasok.
"Huwag ka ng mahiya. Walang malisya ito noh." pagkontra naman niya. Tsk papa'no pa ba ako papalag eh nahila na niya ako sa loob.
So ayun sabay kaming pumasok sa loob ng kanyang kwarto bago niya isinara ang pintuan. Pinanuod ko lang siya habang naglalakad ito sa isang sulok ng kanyang kwarto at may kinuhang kahon mula roon.
At nang makuha na nga niya iyon ay binitbit niya ito papunta sa kanyang kama.
"There." sabi niya sabay lapag ng nasabing kahon. "'Yan ang mga gamit no'ng Jay Abella."
Dulot ng pagkacurious ay mas inilapit ko pa ang aking sarili sa kahon para matingnan ng mas maigi ang mga gamit sa loob. Naglalaman ito ng isang notebook, isang varsity jacket na kulay asul pero kulay puti sa bandang manggas, dalawang libro ni John Green, isang keychain na strawberry, at isang glasses.
"Oh, I guess mahilig magbasa 'yung suspected relative ko." komento ko after makita ang mga gamit na nilalaman ng kahon. Y..eah, total opposite ng sa'kin na medyo walang kahilig-hilig sa mga libro.
"Sigurado ba tayong relative mo 'to? Eh hindi naman kita nakikitang nagbabasa ng libro eh." pabiro pang sabi ni Kylie sabay tawa. Sinimangutan ko nga siya.
Matapos ang saglit na biruan na iyon ay pinulot na ni Kylie isa-isa ang mga gamit sa loob ng kahon sabay pikit, tila pinakikiramdaman ang bawat isa.
"Itong mga libro na ito ay galing sa kanyang ipon." komento niya habang hawak ang mga nasabing libro.
I remained silent and waited patiently for her to continue.
"Ito naman ay kanyang assignment notebook sa kanyang terror na teacher sa math." sabi niya habang hawak ang notebook.
Hiningi ko 'yung nasabing notebook at nakita ko ngang naglalaman ito ng iba't-ibang nakasulat na equations at nakasulat sa ibabaw ng kada pahina is ang assignment number. Kainggit naman hindi ko namana ang kanyang katalinuhan sa math.
"Ito naman ay bigay ng kanyang papa sa kanyang ika-labing limang kaarawan." komento niya do'n sa varsity jacket.
"Ito namang keychain ay bigay ng isang babaeng malapit sa kanyang puso dahil mahilig si Jay sa strawberries, though hindi ko masyadong maaninag ng klaro kung ano ang kanyang itsura." nakangiti niya na ngayong sabi habang tinitingnan ang nasabing strawberry na keychain
"At eto..." sabi niya sabay dampot sa glasses. "Is pinagawa sa kanyang ika-labinlimang kaarawan niya."
Kita ko ngayong tinanggal niya ang kanyang glasses at pinalitan niya ito no'ng nasabing glasses tsaka niya sinuot 'yung varsity jacket kanina. Matapos niyang masuot ang mga iyon ay naglakad siya papunta sa harap ng kanyang vanity mirror, at pansin kong napaatras siya ng bahagya nang makita niya ang kanyang repleksyon sa salamin...
... na tila ba nakakita siya ng multo.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.
"Nakikita ko ngayon ang repleksyon ni Jay sa salamin." ani niya, na siyang ikinagulat ko.
Inilayo niya ang kanyang tingin sa salamin at nagpalinga-linga sa paligid ng kanyang kwarto.
"At itong kwarto na'to ay pagmamay-ari no'ng isang nawawalang estudyante sa yearbook. Nakikita kong parati silang tumatambay dito para mag-movie marathon kapag weekends sa bandang sulok na 'yan." Nagulat naman ako ng itinuro niya ang parte ng sahig kung saan ako nakaupo ngayon.
"Ang weird lang dahil hindi ko masyadong maaninag ang mukha no'ng isa pang nawawalang estudyante. Makakatulong sana kung may isa tayong gamit niya na magagamit naman natin para i-track ang kanyang nakaraan." dagdag pa niya.
"Oo nga eh." nasabi ko na lang.
Maya-maya pa'y nakita kong naglalakad na ngayon si Kylie papunta sa may pinto ng walang pasabi man lang. Nagmadali naman akong tumayo mula sa'king kinauupuan at sinundan ang babaeng ito.
Nang tuluyan na kaming nakalabas sa kanyang kwarto ay nagtuluy-tuloy lang siya sa kanyang paglalalakad. Nakita ko pa nga siyang tumabi, na para bang may iniiwasang tao na makabangga na I assume ay siya lang ang makakakita gamit ang glasses na kanyang suot ngayon.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko. Pero hindi niya ako sinagot at nagtuluy-tuloy lang sa paglalakad.
Kumunot naman ang noo ko nang mapansin kong paakyat pala kami papunta sa pangalawang palapag ng dormitory building. Mas lalo lang akong nagtaka no'ng huminto na kami sa tapat ng isang pamilyar na kwarto.
"Ito 'yung kwarto no'ng Jay." sabi niya sabay turo sa pinto ng aking kwarto. Sa ibabaw ay may nakaukit na numerong 10 at nakalagay ang aking pangalan sa ilalim ng mga numerong ito.
Napasinghap naman ako sa aking narinig. Hindi ko pala aakalaing magkakaparehas din kami ng tinutuluyang kwarto.
In-unlock ko naman ang aking kwarto bago kami tuluyang nakapasok sa loob. Iginala niya naman ang kanyang tingin habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kaliwang rim ng suot niyang salamin.
"Mahilig magdrawing si Jay. Sa study table na ito, madalas siyang nakaupo at abala sa pagdu-doodle ng pangalan no'ng kasama niyang nawawala sa yearbook." sabi niya.
"Teka, hindi mo pa pala nababanggit ang pangalan ng isang nawawalang estudyante." pagpuna ko naman.
"Mae Cortez." pagsagot naman ni Kylie. "'Yan ang kanyang pangalan at ang kanyang idinu-doodle rito."
Nakatitig lang ako kay Kylie habang abala siya sa pagtanaw sa study table kahit na sa'king perspective rito ay wala akong nakikitang kahit ano.
Siguro ito lang 'yung trait no'ng suspected relative ko na totoo sa'kin. Mahilig din kasi akong magdrawing simula no'ng bata pa ako.
"Maaaring may kinalaman ito sa kanyang property." dagdag pa ng kasama ko. Isina-boses niya lang ang kasalukuyang iniisip ko ngayon.
Silence...
"Tinatamad din pala siyang mag-aral gaya mo." natatawa na niya ngayong sabi, na ikinasimangot ko na naman. Grabe, napaka-observant pala nito sa'kin.
Ngunit hindi rin nagtagal ang tawa niyang iyon no'ng bigla siyang napahawak sa kanyang ulo. Naku, baka naabot na niya ang kanyang limitasyon.
"Kylie? Ayos ka lang ba? Gusto mo itigil na natin ito?" nag-aalala kong tanong.
Kahit na nahahalata ko ang pamimilipit ng kanyang mukha dulot siguro ng muling pananakit ng kanyang ulo ay pinilit niya pa ring ngumiti at magmukhang okay sa harapan ko.
"Hindi, tuloy pa rin tayo. I think malapit na natin maabot ang dulo ng lahat ng ito."sabi niya. "Kaya huwag ka ng mag-alala sa'kin."
Kahit na nag-aalangan pa rin ako ay hinayaan ko na lang siya sa kanyang gusto. Makalipas ang ilang minutong pananatili sa loob ng aking kwarto ay nakita ko na naman siyang lumabas ng walang pasabi kaya nagmadali na rin akong maglakad at nagtungo sa kanyang likuran.
Ngayon ay naglalakad na kami pababa ng hagdan at palabas ng dormitory building. Again, nagtaka na naman ako kung saan kami papunta ngayon pero hindi na ako nagtanong pa rito sa aking kasama. Ayoko rin siyang masyadong abalahin.
Sinubukan ko na lang ituon ang pansin ko sa paligid ng dinadaanan namin. Teka, parang papunta yata ito sa science lab ng Science and Technology department. No'ng nakita kong napahinto na si Kylie sa paglalakad, at tama nga ako. Sa Science Lab nga ang aming destinasyon.
Sinubukan niyang pihitin ang doorknob.
"Nakalock 'yung pinto." saad niya.
Napaisip naman ako ng paraan paano namin bubuksan ang pinto, tutal medyo expert ako sa lock-picking ng dahil na rin kay Andrew. Kailangan ko lang ng isang bagay na magagamit ko.
Napangisi ako ng makita ko ang mga maninipis na hairpins na suot ni Kylie ngayon.
"Kylie, pwede ko bang hingin 'yang hairpins mo? " pagpaalam ko rito. Kita ko namang kumunot ang noo niya.
"Hindi ako bakla okay," dagdag ko, parang napaghahalataan ko kasi 'yung kanyang iniisip base sa kanyang mapanudyong tingin. "Kailangan ko 'yang hairpins mo for lock-picking purposes."
"Ay okay." she responded. See tama 'yung hinala ko ano?
Anyway, binigay na niya sa'kin ang kanyang hairpin at isa-isa ko na iyong sinubukang ipasok sa loob ng butas ng doorknob. Natigil naman ako saglit ng pareho naming narinig ang mga mahihinang yabag ng sapatos na parang papunta rito sa'min.
Nagmadali naman akong buksan ang pinto na ito. Geez, hindi ko aakalaing mahihirapan ako rito. Usually dati sa bahay ng aking lolo kapag ginagabi na akong umuwi at sinarado na niya ang pinto dahil lagpas curfew na'ko, umuubra naman 'yung lock-picking skills ko eh.
"Cedric, parang may paparating dito!" tensyonado nang sambit ni Kylie. Palipat-lipat ang kanyang tingin sa'kin at sa direksyon kung saan sa tingin niya naririnig ang naturang mga yabag.
Hindi na ako nakasagot at mas tinuon na lang ang pansin ko rito sa'king ginagawa. Pinagpapawisan na ako ng malamig dito habang nararamdaman ko na rin ang namumuong tensyon sa paligid. Kailangan ko itong mabuksan or else wala na kaming pagtataguan ni Kylie rito at tiyak na mahuhuli kami at mapaparusahan sa salang pagdisobey sa curfew ng school.
Ganitong oras kasi ng gabi dapat wala nang pakalat-kalat na estudyante sa hallways.
*CLICK!*
Pakiramdam ko eh nanalo ako sa lotto no'ng sa wakas ay bumukas na rin ang lintik na doorknob na ito pagkarinig ko ng huning iyon mula sa kabilang dulo ng pinto.
"Nabuksan ko na." pabulong kong sambit.
"Dali, pumasok na agad tayo. Papalapit na rin kasi ang mga yabag eh." kabadong tugon ni Kylie.
Wala na rin kaming inaksayang oras at dali-dali ko nang binuksan ang pinto at pumasok agad kami ni Kylie sabay lock ko ulit ng pinto.
Pagkapasok namin, naghanap agad kami ng mapagtataguan in kaso lang na pumasok dito 'yung taong may ari ng mga yabag na iyon.
"Yumuko ka. Alam kong may cctv dito somewhere." bulong kong pahayag kay Kylie, kaya hindi naman siya nag-alangang sundin ako.
Itinaas ko ang aking hintuturo at itinutok ito sa bandang likuran ng isang malaking cabinet ng lab. Magandang blind spot iyon para sa cctv at para sa papasok dito.
"Do'n tayo magtago."
Matapos ko iyong sabihin, agad na kaming nagtungo ni Kylie doon. Pagkarating namin ay sabay kaming napaupo sa sahig habang nag-aabang sa posibleng taong papasok sa loob.
Tila tumigil naman ang paghinga namin at bahagyang nanlaki ang aking mga mata ng narinig namin pareho ang pagbubukas ng pintuan ng Science Lab, at makalipas ang ilang segundo ay narinig naming muli ang kaparehong mga yabag na narinig namin kanina sa labas.
Naku... lagot na!